Share

My Ex Wife's Suffering
My Ex Wife's Suffering
Author: RIDA Writes

Chapter 1

NASA University si Olive ng tawagan siya ng Mama niya kanina. Pinapauwi siya sa bahay nila dahil may bisita daw silang dadating at importante na andoon siya sa bahay. Nagtataka man ay hindi siya puwede na tumanggi.

Simula kasi ng tumuntong ng disi otso si Olive ay namumuhay siya bilang isang independent woman. Hindi siya nakatira sa bahay ng parents niya. Pero minsan umuuwi siya kapag ipinapatawag siya para mabisita ang mga magulang at ang mga kapatid.

She lived alone in her condo na siya mismo ang bumili. Masinop si Olive sa pera. Kaya napag ipunan niya ang pera na pambili ng mamahalin niyang condo. Noong una ay ayaw ng Mama niya na gusto niya na manirahan mag isa at mamuhay na mag isa. Pero dahil desidido siya ay pumayag na rin ito.

She's working a part time job sa kompanya ng Papa niya. Simpleng empleyado lang siya doon. Dahil ayaw niya ng VIP kahit pa ang pamilya nila ang nagmamay ari ng kompanya. At kahit na binibigyan siya ng allowance monthly ng Mama niya ay hindi niya iyon tinatanggap. Katwiran niya ay may trabaho naman siya. At kaya niyang tustusan ang sariling pangangailangan.

Pauwi na siya ngayon. Simpleng white dress lang ang suot niya. Hindi niya alam kung sino ang dadating at kung bakit kailangan pa siya sa dinner meeting na iyon.

"Ate!" malakas na sigaw ni Nia sa kanya. Tumatakbo itong lumalapit sa kanya. At niyakap siya.

"I missed you, Ate Via," sabi ni Nia sa nakakatandang kapatid.

"I miss you too, Vinia," sagot ni Olive sa kapatid. Her friends call her Olive but her family calls her Via.

Humarap siya sa kapatid at pinantayan ito. Vinia is only ten years old.

"Sina Mama?" tanong niya sa kapatid.

"Nasa dining na, Ate. Kanina ka pa nga po nila hinihintay. At andoon na din po ang mga bisita nina Mama at Papa," sagot ni Nia.

"Okay. Punta na ako doon. Si Veina?" hanap nito sa kakambal ng kapatid. Vinia at Venia are twins.

"Nasa playground po. Naglalaro kami with our new playmate," magiliw na sagot ni Nia sa kapatid.

"Okay," at tumayo na si Via saka hinawakan niya sa buhok ang kapatid at ginulo iyon.

"Ouch! My hair Ate! " angal ni Nia. Napangiti naman si Via sa reaksiyon ng kapatid.

"I'm sorry, Baby. Punta na ako sa dining. At baka umuusok na ang ilong ni Papa dahil late na ako."

Napangiti si Nia dahil sa sinabi ng kapatid. Late na kasi si Via ng halos trenta minuto. At kanina pa tawag ng tawag ang Mama niya sa kanya.

Iniwan na ni Via ang kapatid at pumunta na sa dining area. Malayo pa siya ay naririnig na niya ang mga tawanan doon. At nakita niya ang Mama at Papa niya na masayang nakikipagkuwentuhan sa kanilang mga bisita. Napahinto sila lahat nang makita na papalapit siya sa kanila.

Nilapitan ni Via ang Mama niya at humalik ito sa pisngi. Saka pumunta sa Papa niya at humalik din dito.

"Papa, sorry po late ako," hingi ng paumanhin ni Via. Nakikita na niya ang matalim na tingin ng Papa niya sa kanya.

"Kumain kana ba? Umupo ka na," utos nito sa kanya. Alam niya na pinipigilan ng Papa niya ang magalit dahil may bisita sila ngayon.

Sumunod si Via sa utos ng Papa niya at naupo sa tabi ng Mama niya.

"Bakit ngayon ka lang kanina pa nagagalit ang Papa mo?" bulong na tanong ni Vhing sa anak. At nilagyan ng pagkain ang plato nito.

"Sorry Mama. May tinatapos pa po kasi kami sa University," paliwanag nia Via in a apologetic face.

"Okay, pero next time please pick up your phone para alam namin ang dahilan mo," sabi ni Vhing. Tumango ng ulo si Via.

"Olivia, this is Erickson Balderama and his wife Nieves Balderama. Mr. Balderama is one of our investor. And he own twenty percent share in our company," pakilala ng Papa niya sa mga bisita nila. Ngayon pa lamang niya nakita ang mukha ng mga bisita na sinasabi ng Papa niya.

"And beside Mrs. Balderama is their son Nickson Balderama," pakilala din sa anak ng mag asawang Balderama. Nagulat si Via. Anak pala si Nickson ng isa sa shareholder ng kompanya nila.

"This is my eldest daughter Olivia De Castro Hanz," pakilala din ng Papa niya sa kanya. Tumango ng ulo si Via at ngumiti ang mag asawa sa kanya. Saka bumaling ng tingin kay Nickson. Napansin iyon ng Papa niya.

"Do you know him, Via?" tanong ng Papa niya, dahil pagkagulat sa mukha niya.

"Actually yes, Papa. Nickson and I are colleagues but not friends," Pag amin ni Via.

"That's great, atleast hindi na kami mahihirapan na ipakilala kayo sa isat isa," anang Papa niya.

"As I was saying we should decide now, Kumpadre about their wedding," baling na wika ng Papa niya kay Mr. Balderama.

"Huh? Anong wedding?" tanong ni Via sa sarili.

"Via, Nickson and you are going to get married. At plano naming gawin iyon after three months," inporma ng Papa niya. May pinalidad sa boses nito.

"Pa, kaya ba niyo ako pinapunta dito? I didnt know that you planned about my future. Ni hindi niyo ako tinanong kung gusto ko ba," tangging sabat ni Via.

"Via, igalang mo ang Papa mo," may diing utos nga Mama niya.

"Pero Mama, gusto niya akong ipakasal sa lalaking hindi ko gusto. At lal9ng hindi ko pa po boyfriend," rason ni Via at tumayo na ito para umalis. Batid niyang halos nawala ang paggalang niya sa Papa niya at sa mga bisita nila. Pero hindi naman siya papayag ng ganun na lamang. Ipakasal siya sa hindi niya kilala ng lubos. Tumatakbo na papalayo si Via sa dining area.

"Please, exuse me Sir, Ma'am. Susundan ko lang po si Olivia," paalam ni Nickson sa mga magulang ni Olivia. At tumayo. Tumango naman ito ng ulo ang parents ni Olivia bilang sagot sa kanya.

Pupuntahan niya si Olivia. Even he doesn't like the idea that they are getting married. Isa pa, he has a girlfriend and it's Denise.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status