Share

Chapter 2

SIMULA noong naghiwalay sina Denise at Parker ay niligawan niya ito. He know that he loves Denise. Ipakikilala na sana niya ito sa parents niya pero biglang kinausap siya ng Daddy niya. And he told him that he will arranged his marriage to his business partner's daughter.

Hindi rin siya pumayag. Pero ang sabi ng Daddy niya ay para sa business at kailangan ng tulong ang pamilya Hanz. Bumabagsak na ang kompanya ng mga Hanz at kapag nangyari iyon ay pati sila ay madadamay sa pagbagsak nito.

Pikit mata na pumayag si Nickson. Kahit labag sa kalooban niya.

Hinahanap ni Nickson si Olive mula labas ng bahay ng mga Hanz. Walang bakas ni Olive sa labas. Hanggang sa nakarating siya sa garden at nakita niya si Olive na nakaupo doon. Napapagitnaan ito ng mga tanim na mga bulaklak.

Nilapitan ni Nickson si Olive.

"Via," tawag ni Nickson sa dalaga. Napalingon si Olive sa tumawag sa kanya. At masamang tumingin dito nang makita si Nickson.

"Huwag mo akong tawaging Via. You're not part of the family."

"Sorry," at nagyuko ng ulo.

"Bakit ka ba andito? Dapat hindi mo na ako sinundan," inis na tanong ni Via.

"I want to talk to you."

"Talked? Bakit mayroon pa ba? At ano naman ang pag uusapan natin?" sunod sunod na tanong ni Via.

"Tungkol sa kasal."

"No. Hindi din naman ako papayag," halos hindi naman makatingin si Nickson sa dalaga dahil sa galit na nakikita nito sa mga mata niya.

"I know. Kaya nga kung mag uusap tayo at magkakasundo. Malalagpasan natin ito."

"Anong pinagsasabi mo, Nickson?"

"Kung papayag ka magpapakasal tayo. And then we will annual our marriage after three years," mungkahi ni Nickson. Doon nagbago ang tingin ni Via sa binata.

"Three years is too long. Make it two years" sabi ni Via.

"Okay. Is that a deal?"

"Bakit gusto mong ikasal tayo pagkatapos maghihiwalay din naman tayo?"

"Dahil may girlfriend ako. And I love her. May plano na akong pakasalan siya nang sabihin ni Daddy ang tungkol sa inyo. And wala akong choice kundi sumunod," sagot ni Nickson.

"Ah okay. So you have a girlfriend. Okay lang ba sa girlfriend mo na ikakasal tayo?"

"Hindi pa niya alam. Sasabihin ko pa lang."

"Ohh, pano kung hindi siya pumayag sa arrangement natin?" tanong naman ni Via.

"Hindi siya tututol. Alam ko at kilala ko siya. Matagal na," sagot ni Nickson. Para namang hindi naniniwala si Via.

"Kung hindi ka naniniwala. Here," sabay abot ng phone nito at ipinakita ang wallpaper nito kasama si Denise.

"Denise Montecillo?"

"Yes. And we've been together for three years," sagot ni Nickson. Kilala ni Via si Denise dahil sa kaklase niya ito sa isang subject.

"Now, what is your decision?" dugtong na tanong ni Nickson.

"Okay. Deal, Mr. Nickson Balderama!" mabilis na sagot ni Via at inilahad pa ang isang kamay para makipagkamay. Tinanggap iyon ni Nickson. Nang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan nila. Biglang binawi ni Via ang kanyang kamay. At nagtatakang tumingin si Nickson sa dalaga.

"Why?" nakatas ang isang kilay na tanong ni Nickson. Umiling lang ng ulo si Via.

"So let's go inside. And act that you agree," ayang sabi ni Nickson.

"Sandali. May kondisyon pa ako," awat nito kay Nickson para bumalik sila sa loob ng bahay nila.

"What is your condition?" nakakunot ang noo na tanong ni Nickson.

"Bawal mong dalhin ang jowa ko sa bahay. Hanggat maari ayoko na mabuko tayo," tumango ng ulo si Nickson.

"At gusto ko magkahiwalay tayo ng kuwarto kapag tumira tayo sa iisang bahay. No touchy, no clingy at higit sa lahat bawal mainlove tayo sa isat isa. We have only two years to be together so ibig sabihin maghihiwalay din tayo kaagad," dagdag na sabi ni Via.

"Is that all?" tumango naman ng ulo si Via bilang sagot kay Nickson.

"I have a condition also. First, you are not allowed to control me. Do whatever you want and I will do what I want. In short, walang pakialaman," kondisyon ni Nickson.

"Okay. Punta na tayo sa loob. Baka magwala na si Papa," aya ni Via kay Nickson.

Naunang naglakad si Via habang nasa likuran nito si Nickson na nakasunod lang dito. Pinagmamasdan ni Nickson ang likuran ng kanyang magiging asawa.

She know Olivia Hanz. Palagi niya itong nakikita sa University. Hindi lam niya naisip na kasosyo ng Daddy nito ang Papa ng dalaga.

Olivia is 5'5 inches tall. And he is 6'1 inches. May matangos na ilong si Olivia, gray na mga mata at maalon na buhok. Medyo chubby ito. Pero may hubog ang katawan nito. Hindi ito kaputian, hindi din maitim. Wala siyang naririnig na boyfriend nito sa University. Except sa marami ang nagkakagusto kay Olivia dito.

Pagkadating nila sa dining area ay ipinaghila pa ni Nickson ng upuan si Via. At nang masigurong okay na si Via at umupo naman siya sa tabi ni Via.

Nagkatinginan naman ang mga magulang nila sa nakikita sa dalawa. Parang magkasundo ito at nakangiti na si Via.

"Pag usapan na natin ang tungkol sa kasal natin. Tutal parang nakumbinsi naman ni Nickson ang dalaga ko," nangingiting sabi ni Norman, ang Papa ni Olivia.

Tumango lang silang lahat sa sinabi ng Papa ni Via. Habang nag uusap usap sila sa tungkol sa kasal ay walang maintindihan si Via. Sumasagot naman siya kapag tinatanong pero wala pa din ang utak niya sa pinag uusapan.

Napagkasunduan na kaagad kung saang simbahan sila ikakasal ni Nickson, kung anong motif. Ang mga Ninong at Ninang, ang reception at ang mga pagkain.

Pasado alas diyes ng gabi ng matapos ang dinner nila. Hindi naman siya nabusog dahil hindi halos nakakain ng mabuti si Olivia. Pilit lang siyang ngumingiti at nakita na tuwang tuwa ang Mama niya at Mommy ni Nickson.

Nakahiga na si Nickson sa kama niya

Iniisip niya si Olivia ang fiance niya. Hindi niya nakakausap si Denise tungkol sa kasal niya. Sana nga ay hindi ito magalit sa kanya. At sana maintindihan niya. Pakakasalan naman niya si Denise. Kapag naghiwalay na sila ni Olivia ay pakakasalan niya kaagad si Denise. At bubuo sila ng sarili nilang pamilya. Magkakaroon sila ng maraming anak.

Natatawa si Nickson sa naiisip. Pero hindi pa sila nakakasal ni Olivia. At matagal pa ang hihintayin niya para maghiwalay sila bago niya pakasalan si Denise.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status