Share

Ang GoodNovel ba ay lehitimong platform?

Sinopsis

Huwag mag-iwan ng komento sa aklat na ito. Kapag hindi mo nahanap dito ang sagot sa iyong mga tanong, makipag-ugnayan sa editor na nagbigay sa iyo ng kontrata at sabihin sa kanya kung ano ang maaaring idagdag dito. Salamat sa iyong kooperasyon!

Ang GoodNovel ba ay lehitimong platform?

Ang guidebook na ito ay naglalayong sagutin lahat ng iyong katanungan sa pagiging SIGNED na manunulat ng GoodNovel, gaya ng benepisyong iyong matatanggap, mga uri ng kontratang maaaring ialok sa iyo, at kung ano ang proseso ng pagbabayad sa iyo. Kaya huwag kalimutan idagdag ito sa iyong Library!

Tandaan:

  1. Huwag mag-iwan ng komento sa aklat na ito. Kapag hindi mo nahanap dito ang sagot sa iyong mga tanong, makipag-ugnayan sa editor na nagbigay sa iyo ng kontrata at sabihin sa kanya kung ano ang maaaring idagdag dito.
  2. Bago ka mag-upload at mag-apply para sa kontrata ng iyong aklat, siguraduhin mong ito ay orihinal mong gawa. Ang plagiarism ay isang krimen! Kapag nalaman namin na kinopya mo ang iyong gawa mula sa ibang manunulat, ikaw ay dadaan sa legal na proseso at ikaw ay mananatili sa aming blacklist.
  3. Kapag hindi sumagot ang iyong editor sa iyong email, magpadala ka uli ng mensahe sa kanya bilang pagpapaalala.

Ang GoodNovel ba ay lehitimong platform?

Oo naman! Tignan ang aming website (www.goodnovel.com) o i-download ang aming app sa Google Play o App store. Dito mo maaaring makita na kami ay isang lumalaki at lumalagong platform!

Kami ay mula sa Singapore at pinapahalagahan namin ang pagkalehitimo, dahil ito ang pundasyon ng tiwala at magandang relasyon sa aming mga manunulat. Bilang bagong platform, nakakuha kami ng mga matapat na mambabasa at manunulat na nagtitiwala sa amin. Sa ngayon ay mayroon kaming libo-libong manunulat, at tumataas pa rin ang bilang.

Alam namin na parami ng parami ang mga platform, at mahigpit ang kompetisyon. Mayroon pang mga platform na naninira sa amin. Ang mga sabi-sabi sa Internet ay mabilis kumalat at mahirap patigilin, at marami ang maniniwala sa mga ito.

Alam namin na kami ay hindi perpekto. At alam din namin na hindi magandang gawain ang pagkakalat ng sabi-sabi tungkol sa kakompetensya, at ito ay isang paraan na hindi namin gagawin. Layunin ng GoodNovel na magbigay ng pagkakataon para sa mga mahuhusay na manunulat para ipakita ang kanilang mga gawa, at naniniwala kami na ang pinakamagandang platform ay ang siyang makakakuha ng mga pinakamagagaling na manunulat. Kaya naman pag nahuli mo kaming nagsasabi ng hindi maganda tungkol sa ibang platform, kami ay inyong pagsabihan.

Ang pagkuha ng maraming manunulat ay mahalaga sa isang platform. Pero ang pinakamahalaga sa amin ay ang pagiging tapat, para aming masabi nang buong pagmamalaki na kami ay GoodNovelist!

Kami ay nagpapasalamat sa inyong tiwala at suporta. Mahal ka ng GoodNovel!

Alam namin na mahirap magtiwala sa mga kompanyang nasa Internet, kaya naman ang aming mga kontrata ay pormal. Pinapadala at pinipirmahan namin ang lahat ng aming kontrata gamit ang sistema ng HelloSign, isang kilalang e-signature system. Lahat ng kontrata ay binabasa at sinusuri ng aming mga abogado, para siguraduhin na lahat ay legal at tama. Ito ang hakbang namin para masigurado na ang karapatan namin at ng manunulat ay protektado.

Kung ikaw ay may katanungan ukol sa mga tuntunin at kondisyon sa aming mga kontrata, maaari kang makipag-ugnayan sa aming mga editor at siya ang sasagot sa mga tanong mo. Kung wala ka pang editor, maaari kang magpadala ng email sa writers@goodnovel.com para sa iba pang impormasyon.

Iniimbitahan ka rin naming sumali sa aming online community kung saan kabilang ang mga editor at signed authors. Dito mo mahahanap ang iba pang impormasyon tungkol sa amin at aming mga manunulat. Sumali na at susuportahan ka namin sa iyong karera bilang manunulat!

Maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa:

P.S. Sumali na rin sa aming GoodNovel Academy!

Gumawa kami ng GoodNovel Academy kung saan makakahanap ka ng mga video at podcast na makakatulong sa iyong pagandahin ang iyong pagsusulat!

I-search ang “Writing Good Novels” sa Facebook para sumali sa aming grupo at makipag-chat sa ibang manunulat, o i-search ang GoodNovel Academy sa Youtube para makita ang aming mga video at podcast.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status