Share

Copyright, Contract Terms at Iba pa

# Ano ang copyright at ano ang mangyayari sa aking copyright pag pumirma ako ng kontrata?

Bilang auto, ang copyright ng aklat ay nagsasaad ng karapatan ng manunulat na i-upload ang kanyang aklat sa iba-ibang platform.

Sa exclusive, maaalis sa iyo ang copyright. Ang aklat mo na iyon at sa GoodNovel lamang mapupunta, at hindi maaaring ilagay sa iba pang platform.

Hindi ibig sabihin na pag na sa amin na ang iyong copyright ay maaari nang isulat ng iba ang iyong gawa o maaari na itong ipangalan sa iba. Ikaw pa rin ang manunulat ng aklat at ikaw pa rin ang magde-desisyon kung ano ang ang magiging takbo ng kwento. Ang tanging limitasyon ay hindi mo na maaaring ilagay ang iyong aklat sa ibang mga platform at ito ay sa GoodNovel lamang.

Sa mga non-exclusive na kontrata, maaari mong ilagay ang iyong kwento sa ibang platform. Maaari kang pumirma ng exclusive na kontrata isa isang platform lamang, pero pagdating sa non exclusive, maaari kang pumirma ng marami sa magkakaibang platform.

Sa dalawang kaso, kapag ang iyong aklat ay nagagamit sa ibang bagay gaya ng online adaptations, comments, audiobook, at iba pa, kami ay makikipag-ugnayan sa iyo. Pagdating sa mga online adaptation, kasali ang paggawa ng comics, pelikula, o iba pa gamit ang iyong kwento. Kung sa non-exclusive, ang desisyon ay manggagaling sa iyo mismo. Sa exclusive, kasama mo ang GoodNovel sa pag-desisyon. Sa parehong kaso, ikaw ay makakatanggap ng bayad mula sa gagawing adaptation.

# Tungkol sa Adaptation Rights

Pag-uusapan natin ang profit share bago kami gumawa ng adaptation. Tandaan, walang naka-set na intensyong gumawa ng adaptation. Ito ay nakalaan lamang sa posibilidad na lumawak ang business sa mga susunod na taon (audiobooks, short movies, translation, etc.).

Ang layunin namin sa pagkuha ng adaptation rights ng manunulat ay para matulungan sila sa kanilang mga adaptation at para maprotektahan ang iba pa nilang karapatan. Ang aming kontrata ay hindi nagbabawal sa mga manunulat na tumanggap ng adaptation mula sa ibang kompanya, ngunit dapat kami ay masabihan muna.

# Mayroon bang requirement sa mga book cover?

Maaaring ikaw mismo ang gumawa ng iyong book cover, siguraduhin mo lamang na mayroon kang permiso upang gamitin ang mga larawan. Huwag gagamit ng mga book cover na masyadong “sexy” o kaya nama’y madugo o marahas, dahil maaari itong hindi tanggapin sa review.

Pinapayo rin namin na gumamit ng mga larawang mayroon totoong tao kaysa sa guhit o kaya naman ay liitrato ng kalikasan o bagay, dahil base sa aming data ay mas gusto ng mga mambabasa ang larawan ng mga totoong tao.

# Kailan kami gagawa ng author’s page?

Kami ay kasalukuyang bumubuo ng aktibong author’s page. Quality over quantity ang aming layunin, kaya maging mapagpasensya lamang.

# Paano kung ang aking aklat ay nasa ilegal / piratang platform? Maaari pa rin ba akong makapagpirma ng kontrata sa GoodNovel?

Oo. Mayroong dalawang paraan para ayusin ang problemang ito.

  1. Mag-file ng DMCA notice sa platform na nag-infringe sa iyong copyright.
  2. Makipag-ugnayan sa iyong editor sa GoodNovel kapag ikaw ay nakapirma na ng kontrata. Tutulungan ka naming mag-file ng DMCA notice. Maaari ka ring humingi ng tulong mula sa aming social media communities, kung saan makakahanap ka ng ibang manunulat na tutulong sa iyo.

DMCA.com Protection Status