Share

Chapter 2.2

Chapter 2.2

WALA akong nagawa kundi ang sumunod sa office ni Dean katulad nang sinabi niya.

Kasama ko ngayon si Krezha pati na rin ang mga kaibigan niya. Dahil ayon sa kanila ay saksi raw sila sa lahat ng pangyayari.

Gusto kong matawa pero hindi ko magawa. Saksi sila sa pangyayari pero batid kong iba ang ipapalabas nilang kuwento.

Alam ko sa mga oras na 'to ay ako na ang talo. Pero lihim pa rin akong nananalangin na sana pumanig sa'kin ang katotohanan.

Kinakabahan ako nang husto at nanlalamig ang buong katawan ko. 

Wala pa mang nangyayari pero nakikita ko na ang posibleng mangyari sa'kin dahil sa ginawa ko. Sana hindi ko na lang pinatulan si Krezha at sana umalis na lang ako kanina para hindi na kami umabot sa ganito.

Buhaghag pa rin ang buhok ko at ang lukot kong uniporme ay mas lalong nalukot at naging marumi tignan dahil sa nangyari sa'min ni Krezha. 

Ang kaba sa'king puso ay mas lalong dumoble nang makapasok na kami sa loob.

"Please take a seat for a while," sabi ni Dean bago lumabas nang pinto. 

Nakita ko ang pagkuha niya sa kaniyang cellphone at may tinawagan. Pero hindi ko na magawang intindihin iyon lalo na't sobrang nanlalamig na ang mga palad ko.

Kaming apat lang ang narito ngayon sa loob. Ako, si Krezha at ang dalawang kaibigan niya na hindi ko alam kong ano ang pangalan.

Nakaupo kami sa visitor chair ni Krezha at magkaharap samantalang ang mga kaibigan niya ay nasa sofa.

"Now, face your own consequence, Trixie." Napatingin ako kay Krezha nang sabihin niya 'yon. 

Ngumisi siya sa akin at umirap.

Bahagya ko lang siyang tinignan at hindi na pinatulan pa ang kaniyang sinabi. 

Napayuko ako at kinagat ang sariling labi. Ano ba 'tong pinasukan ko?

Ilang sandali lang ang lumipas nang bumukas ang pintuan sa office. Napaangat na ako ng ulo nang makitang pumasok na si Dean at dumiretso sa kaniyang swivel chair.

"What you have done was embarrassing." Panimula nito.

Halata sa boses ang pagpipigil. Napaiwas ako nang tingin kay Dean nang magtama ang mata naming dalawa.

"Sino ang may pasimuno nang lahat?"

"Si Trixie po, Dean."

Hindi na 'ko nagulat sa mabilis na pagsagot ni Krezha. Mapait akong napangiti dahil do'n. Inaasahan ko na naman 'to eh pero bakit ang sakit pa rin? Bakit umaasa pa 'ko na magsasabi siya ng totoo?

"What did you do, Ms. Alcantara?" Tanong ni Dean sa'kin.

Hindi agad ako nakasagot. Napayuko ako ng ulo. 

"Kilala mo ba kung sino ang binabangga mo?" 

Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko si Krezha pa rin ang kakampihan nila kahit malaman nila na siya ang mali?

Bakit? Kasi anak siya ng may-ari ng school na 'to kaya gano'n? They're being so unfair.

How about me? Ano na lang ang mangyayari sa akin?

Sa akin mapupunta lahat ng sisi kahit na hindi ko naman kasalanan? Ako pa rin ang magiging mali kahit na ipinagtanggol ko lang ang aking sarili?

Bakit ang lupit ng mundo sa akin?

"Anak ng may ari ng school na tinatapakan mo ngayon ang kinalaban mo, Ms. Alcantara. Ano ang naisip mo para gawin sa kaniya 'yon?" Halata ang pagpipigil ni Dean sa kaniyang galit habang nagsasalita siya.

Hindi ko pa rin magawang sumagot sa kaniya. Parang bigla akong nawalan nang dila at hindi alam ang sasabihin.

Ano bang sasabihin ko? Na dean si Krezha po ang totoong may kasalanan at ipinagtanggol ko lang ang aking sarili? 

What's the purpose of telling the truth if they're so being unfair in the first place? 

One sided story was enough for Dean to believe anyways. After all, si Trinidad 'yan eh. Hindi basta-bastang kalaban.

Totoo pala talaga ang sinasabi nang karamihan. Si Krezha ang tipo ng tao na handang baliktarin ang lahat malinis lang ang kaniyang pangalan.

"Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa school na 'to? Na tumatanggap kami nang walang modo at bastos na mga estudyante kaya may napapaway?!" Napasigaw na siya.

Gusto kong magsalita. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero hindi ko ginawa. Nanatili akong tahimik at nakayuko.

"Tell me what happened, Ms. Trinidad." 

"We were just walking in the hallway Dean nang bigla naming makasalubong si Trixie," panimula nito. "No'ng una hindi po siya namin pinansin pero nagulat na lang po kami nang bigla niya 'kong banggain at itinulak dahilan para matumba ako." 

Napasinghap ako sa narinig at mabilis akong napaangat nang ulo.

Napaawang ang labi ko. The hell?

"Hindi lang po 'yon Dean. Nakita rin po namin kung paano sinabunutan ni Trixie si Krezha at kung paano niya ito inupuan sa tiyan at sinaktan." Napakurap-kurap ako sa idinugtong nang mga kaibigan niya.

Napatingin ako sa kanila at nakita ko ang mapang-uyam nilang mukha habang nakatitig sa akin. 

Base sa nakikita ko ay talagang natutuwa sila sa nangyayari sa akin ngayon!

"Yes, Dean. Nagsasabi po sila ng totoo. Walang respeto ang babaeng ito!" Dinuro ako ni Krezha dahilan para mapabalik ang tingin ko sa kaniya.

Mas lalong bumigat ang dibdib ko sa mga narinig. Parang nahatisa dalawa ang puso ko. Naramdaman ko rin ang pamumuo nang luha sa aking mata.

"H-hindi... t-totoo 'yan..." bulong ko sa nanghihinang paraan at napailing-iling. 

Muli akong napayuko upang pigilan ang mga luha ko na gusto nang kumawala.

Hindi ko magawang i sink in sa utak ko ang lahat ng ito. Ito 'yong pakiramdam na wala akong kakampi maliban sa sarili ko. Ang pakiramdam na pinagkakaisahan ako at wala akong laban.

Alam ko naman na ito ang mangyayari pero hindi pa ako umiwas. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko!

Ano ang iniisip ko kanina at pinatulan pa si Krezha? Sana umiwas na lang ako... edi sana hindi na 'ko humatong sa ganito.

Si Krezha ang nag iisang anak ni Mr. and Mrs. Trinidad na may ari ng school na 'to. Pinanganak siyang rich kid kaya marahil ay ubod talaga siya ng maldita.

At sa mga oras na 'to hindi ko na alam kung anong mangyayari sa'kin. Hindi ko na alam kung saan ako pupulutin kapag pinatalsik niya 'ko sa paaralang ito. 

At higit sa lahat hindi ko alam kung ano ang kayang gawin sa'kin ng magulang ko kapag nalaman nila ang nangyari sa'kin ngayon.

"Paano mo masasabing hindi totoo Ms. Alcantara? We have our witness here and what I saw earlier was a solid evidence na makakapagsabi na ikaw talaga ang nagsimula nang gulo." sabi ni Dean na tila siguradong sigurado.

Muli akong napailing. "Si... K-krezha po Dean ang nauna. S-siya---

"Shut up, Trixie! Talagang ibibintang mo pa sa'kin ang kasalanan mo 'no?!" Galit na galit na sigaw ni Krezha.

Napaangat naman ako nang ulo at masama siyang tinignan.

"Dahil iyon ang totoo! Alam nating pareho kung sino ang nauna at alam din nating pareho na hindi ako 'yon!" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko dahil kusa na lang akong sumabog sa galit.

Halatang hindi inaasahan ni Krezha ang pagsigaw ko dahil nakita ko kung paano siya nagulat. 

Maging ang mga kaibigan nito ay hindi rin nakaimik at gano'n din si Dean. 

"Ikaw ang may kasalanan, Krezha. Ikaw ang nambunot at ikaw ang nanakit. Bakit ba hindi mo na lang akuin ang kasalanan mo?!" 

"Ang kapal ng mukha mong pangit ka! Wala kang karapatan na sigawan ako!"

"Mas lalong wala ka ring karapatan na ibintang sa'kin ang isang kasalanan na hindi ko naman ginawa!"

Mas lalo siyang natigilan sa malakas kong pagsigaw.

"Wal---

"Enough!" Kusa kong naitikom ang aking bibig dahil sa biglaang pagsigaw ni Dean. "Hindi n'yo na ginalang ang opisina ko!"

Mabilis akong napayuko at napakagat labi. Maging si Krezha ay wala ring nagawa kundi ang mapayuko. 

Binalot kami nang katahimikan at tanging ang mga hininga lamang namin ang maririnig.

Ang dibdib ko ay sobrang bigat na tila lahat ng emosyon ko ay naipon na sa'king loob. 

"Wala kayong mga respeto! Pati rito ay nagawa niyo pang ipakita sa'kin ang mga ugali niyo!" 

"I'm sorry, Dean." Narinig kong bigkas ni Krezha sa mahinang boses. 

"S-sorry rin p-po, Dean," bulong ko.

Narinig ko ang mabilis na paghinga ni Dean matapos naming mag sorry. Bigla akong kinabahan dahil medyo may katandaan na rin ito kaya baka nahirapan ito sa paghinga. Kaya naman napaangat ako nang ulo at tinignan siya.

Nakita kong napahilot siya sa kaniyang noo tila hindi alam kung ano ang gagawin. At sa hindi malamang dahilan ay bigla akong nakonsensiya. 

Napaiwas na lang ako nang tingin at saktong tumama 'yon sa nanlilisik na mga mata ni Krezha. Parang may pinapahiwatig ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa'kin.

Alam kong may mali rin ako rito at sana ako na lang ang nag adjust. 

Alam ko ang ugali ni Krezha kaya sana ako na lang ang umiwas edi sana hindi nangyayari ito ngayon. Sana wala kami rito ngayon kung iniwasan ko na lang si Krezha at hindi na pinatulan pa. 

Masyado akong nagpadala sa emosyon ko. Masyado akong nagpadalos-dalos.

Napayuko ako at napahugot nang hangin. 

Akmang magsasalita na sana ako nang maagaw nang isang tunog mula sa cellphone ko ang aking atensiyon lalong lalo na ang mga taong kasama ko ngayon.

Nakita ko a gilid ng mata ko na hinihintay nilang kunin ko ang cellphone ko at sagutin ang tawag.

Dahan-dahan ko itong kinuha sa'king bulsa at tinignan.

At nang makita ko kung sino ang tumatawag ay automatiko akong namutla at nanghina. 

Papa's Calling...

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status