Share

Chapter 4

Chapter 4

Kinabukasan ay maaga akong nagising na namumugto ang mga mata. Ramdam ko ang pagod at antok sa sistema ko dahil sa kakulangan ng tulog. 

Dahil sa nangyari kagabi ay hindi ko namalayan na nakatulogan ko na ang pag-iyak.

Napabuntong hininga ako nang maisip ko na naman ang nangyari kahapon. Hanggang ngayon kumikirot pa rin ang puso ko at hindi pa rin makapaniwala sa ginawa ni Papa sa'kin.

Bumangon ako sa kama at dumiretso sa banyo para maligo. Binabad ko ang sarili ko sa ilalim ng shower ng ilang minuto. 

At nang matapos ay agad din akong lumabas at tinungo ang cabinet. Kinuha ko ro'n ang uniform ko at nagbihis.

Binalot ko ng tuwalya ang basa kong buhok at pinunasan. Nang matuyo ay basta ko na lang 'yong tinali at sinuot ang malaki kong salamin. Malaki ang tulong ng salamin na 'to dahil natatakpan nito ang namamaga kong mata. 

Pagkatapos kong kunin ang bag pack at ang libro ko ay lumabas na 'ko ng kuwarto.

Tahimik ang dining area nang makarating ako. May mga pagkain na ring nakalapag sa mesa. Umupo ako sa pwesto ko at nagsimula nang maglagay nang pagkain sa'king plato.

"Oh, Trixie hija gising ka na pala." Napalingon ako sa entrada ng dining area nang pumasok si Yaya. 

Tipid akong ngumiti sa kaniya.

"Morning, Ya," sabi ko. 

Dumiretso siya sa sink para maghugas nang kamay dahil panigurado galing siya sa garden at nagdilig nang halaman.

Nang matapos ay kumuha siya ng baso.

"Maagang umalis ang magulang mo, hija. May aasikasuhin daw na importante," aniya at tinimplahan ako nang gatas.

Tanging pagtango lang ang itinugon ko sa kaniya at hindi na kumibo pa. Binalik ko ang atensiyon sa pagkain na nasa plato ko at nagsimula nang kumain.

Sanay na 'ko na parating wala sina Mama at Papa sa bahay. Sanay na 'ko na minsan lang sila magkaroon nang oras na mag stay rito.

Hindi na 'ko magtataka kung bakit sila wala ngayon. Mas mabuti na ring wala sila kasi hindi ko alam kung paano ko haharapin si Papa matapos ang nangyari kahapon.

Inilapag ni Yaya ang baso ng gatas sa gilid ko pagkatapos ay nagpaalam na lalabas dahil may naiwan pa siyang trabaho. 

Mabilis ko namang tinapos ang almusal at nagpahatid din kay Mang Berto sa Xavier Academy.

"Salamat po," sabi ko nang makababa ako sa harap ng gate.

"Walang anuman ma'am Trixie." Ngumiti ako sa kaniya.

Tumango naman siya sa'kin bago nagpaalam na umalis. Tinanaw ko muna ang kaniyang paglayo bago napagdesisyonan na pumasok na.

Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom ay hindi ko na pinansin ang bulongan sa paligid. 

Palagi namang ganito ang bumubungad sa umaga ko kaya hindi ko na lang talaga inaaksaya ang oras ko sa kanila.

As long as kaya kong umiwas sa gulo ay gagawin ko dahil ayoko ng maulit ang nangyari kahapon.

Pagdating ko sa classroom ay agad kong nakita si Irish na nakaupo na sa katabi kong upuan. Nang makita niya 'ko ay mabilis siyang tumayo at may pag-aalala sa kaniyang mga mata nang tignan ako.

"Trix..." 

Tipid ko siyang nginitian nang makalapit ako sa upuan. Umupo ako sa tabi niya at gano'n din siya.

"I h-heard what happened," aniya sa mahinang boses. 

Mahina akong napabuntong hininga. Hindi na 'ko magtataka kung malalaman agad ni Irish. 

Siya 'yong tipo ng kaibigan na kahit hindi mo pa man sabihin ang buong pangyayari ay alam niya na agad ito.

"W-wala na 'yon. Ayos lang ako," sagot ko at tinignan siya. Namumungay ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa'kin. "Don't worry about me, Irish."

Hindi pa rin nagbabago ang kaniyang itsura. Parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya lamang. 

Sa huli ay napabuntong hininga na lang siya at napatango-tango.

"Okay, I get it. Basta 'wag mong kakalimutan na nandito lang ako sa tabi mo,"

"Salamat." 

Sapat na sa'kin ang salitang narinig mula kay Irish. Sapat na sa'kin na may matatakbuhan pa rin ako kahit papaano sa kabila ng nangyayari sa buhay ko.

Hindi na rin nasundan ang usapan namin ni Irish lalo na't dumating na rin ang teacher namin sa first period. 

Nagdiscuss lang ito at nagbigay nang quiz gano'n din sa sumunod pa naming subject. Hindi ko alam kung nakasagot ba 'ko ng tama sa mga quiz ko dahil parang sabog ang utak ko ngayon. 

Gusto ko na lang matulog buong magdama because I swear sobrang inaantok talaga ako ngayon.

Nang matapos ang lahat ng subjects namin sa umaga at sumapit ang break time ay sabay kaming bumaba ni Irish at nagtungo sa cafeteria para kumain.

Si Irish na ang nag order nang pagkain namin habang ako naman ay nakaupo lang sa table namin. 

Patuloy ko pa ring naririnig ang pangalan ko na binubulong nang lahat sa paligid lalo na ang tungkol sa issue na naganap sa'min ni Krezha kahapon.

Hindi ko na lamang 'yon pinansin lalo pa't ako na rin naman ang umiiwas sa gulo.

"Grabe kalat na kalat talaga ang nangyari sa'yo kahapon, Trix," sambit ni Irish nang makabalik sa table namin dala ang isang tray.

Inilapag niya muna 'to sa table saka umupo sa harap ko.

Kinuha ko naman agad ang chuckie at footlong na binili niya  at hindi na pinansin ang kaniyang sinabi. 

Imbes na sagutin siya ay kumain na lamang ako.

"Sana talaga hindi na lang ako umalis sa tabi mo kahapon," aniya ulit.

Sana nga. Pero wala eh, nangyari na. 

Hindi ko na lamang isinatinag ang sinabi nang utak ko at nagpatuloy na lang sa pagsubo habang nakayuko. Hindi ko rin kasi kayang salubungin ang mga paninitig ng ilang estudyante sa'kin.

"I'm so sorry Trixie, kasi wala ako sa tabi mo kahapon." Nahimigan ko ang pagsisisi sa boses ni Irish habang sinasabi 'yon. 

Kaya naman napaangat na 'ko ng ulo at diretso siyang tinignan.

"Wala kang kasalanan," seryosong sabi ko.

Ngumiti siya ng malungkot.

"Pero hindi 'yon ang nararamdaman ko, Trix. Kung sana nanatili lang ako sa tabi mo kahapon at hindi ka iniwanan, siguro hindi ka ipapatawag ni Dean at hindi ka mapapagalitan ni Tito Alfred." 

Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya.

Hindi nito alam na sinampal ako ni Papa dahil alam niya rin na hindi 'yon kayang gawin ni Papa sa'kin. Ayoko na rin sabihin sa kaniya ang tungkol sa bagay na 'yon. I don't want her to feel guilty.

Iyon ang kauna-unahang beses na dumapo ang palad ni Papa sa pisngi ko dahil buong buhay ko ay nasanay akong pinapagalitan niya lang ako sa t'wing may ginagawa akong hindi niya nagugustuhan. 

Kaya ang hirap i sink in sa utak ko ang nangyari kahapon. 

Nagpatuloy ako sa pagsubo at wala ng balak magsalita pa. Hindi na rin naman kumibo si Irish at kumain na lang din.

Ang kaninang mahinang bulongan sa paligid ay mas lalo pang lumakas at napalitan nang pagtili. Sabay kaming napatingin ni Irish sa isa't isa nang nagtataka. 

Naalis lamang ang tinginan naming dalawa nang sabay kaming mapatingin sa entrance ng cafeteria.

"OMG! I think I'm gonna die!"

"Waah ang gwapo nilang tatlo!"

"Shet, Kaizer my baby!"

"Kairo pa notice!"

"Breeeeeent!"

"Kairoooo Aceeeee!"

"Kaizeeeer!"

"Huhu hindi ko na kaya ang gwapo nilang tatlo!"

"Pansinin niyo kami pleaseeee!"

Napangiwi ako nang marinig ang malakas na sigawan nang mga tao rito sa cafeteria nang makita ang f3 campus crush ng school na 'to.

Gusto kong umirap sa mga naririnig sa paligid. Para na silang mababaliw sa kanilang ginagawa.

"Shit, nginitian ako ni Kairo. Oh my God. Oh my God!"

"Kumaway si Kaizer sa'kin shit shit shit."

"Kumindat naman si Brent sa'kin shit ang puso ko nalaglag na sa sahig!"

"Psh! Hindi ko talaga maintindihan ang mga kababaehan dito sa Xavier kung bakit ganiyan na lang sila kabaliw sa tatlong 'yan." Napatingin ako kay Irish nang bigla siyang magsalita habang nakatitig pa rin sa tatlo.

Hindi ko siya sinagot at binalik ang tingin sa tatlo na ngayon ay pumipila na sa counter para umorder nang pagkain.

Kung titigan mo silang tatlo hindi naman talaga malabo na hindi sila magustuhan ng mga kababaehan dito sa Xavier. May ibubuga naman talaga silang tatlo sa magkaibang dahilan.

Kung itsura lang ang pag uusapan panigurado wala ka ng ibang masasabi sa kanila dahil napaka perpekto na nilang tatlo. Sila ang tipo ng lalaki na malabong mapasayo at hindi rin basta-basta ang babaeng nagugustuhan nila. They have their own freaking standard.

At isa sa rason kung bakit patuloy silang hinahangaan ng karamihan dahil sa talentong taglay nila.

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status