Share

CHAPTER 2

Nakatulugan ko iyon dahil na rin sa pagod sa biyahe at nagising nang mag-ring ang aking cellphone. Agad ko naman iyong kinuha at sinagot ang tawag ni Madame Berry na mukhang kanina pa tumatawag sa akin, baka magalit na ito sa akin.

“Uh… hello po, Ma’am Berry?” bungad ko sa tawag.

Narinig ko ang inis na buntong hininga niya sa kabilang linya.

“Why are you not picking up the call?!” the woman countered, annoyed now.

Tumikhim ako. “Sorry po, nakatulog po kasi ako pagkarating ko rito sa apartment ko.” Hingi ko ng paumanhin dito.

“Sa susunod kapag tumawag ako sa ‘yo, make sure to answer immediately, okay?!” inis nitong saad. Kinagat ko ang pang-ibabang labi.

“Opo,” sagot ko habang tumatango kahit na hindi naman nito nakikita ang ginagawa ko.

“So bukas dumiretso ka na sa company at sabihin mong ikaw ang bagong sekretarya ng CEO. From tomorrow you’ll start spying and plotting you need to do to get the money. You should always remember that, okay?”

Tumatango ako habang nagsasalita ang kausap sa kabilang linya. Itinatak ko sa isipan iyon hanggang sa matapos ang usapan namin. Tumayo ako at nagpasyang mamalengke muna para may makain ako mamayang hapunan, para na rin bukas at sa mga susunod pang mga araw. May pera ako pero hindi iyon malaki. Kahit pa nga malaki ang binigay sa akin ni Madame Berry ay hindi naman malaki ang na-withdraw ko para lang may panggastos ako rito at maiwang pera kay Ven.

“Magkano po rito?” tanong ko sa tinderang nagtitinda ng gulay.

Napag-isipan kong bumili na lang muna ng mga hindi mabubulok ng ilang araw at mga delata dahil wala naman akong ref para paglagyan ng ibang bibilhin, lalo na kung karne iyon.

“Bibili na lang din siguro ako ng ref? O kaya h’wag na lang, mapagtiya-tiyagaan naman ang mga delata. Bibili na lang ako ng lutong ulam.” Bulong ko sa sarili ko nang may makitang tindahan ng mga appliances.

Bumili na rin ako ng kaldero, kawali, kaserola, at takure na alam kong kakailanganin ko sa araw-araw.

Nang matapos ako sa pamimili ay umuwi na rin ako sa apartment. At nang dumating ako roon ay nagluto na ako ng makakain bago tinawagan ang kapatid ko. Dahil paniguradong naghihintay na ‘yon sa tawag ko.

“Hello, Ven?”

“Ate! Kumusta? Hindi ka ba nahirapan sa biyahe mo?” tanong agad nito nang sinagot niya ang tawag ko.

Natawa ako nang bahagya, “hindi naman. Saka maayos naman din ang bus na nasakyan ko. Hindi naman ako mahiluhin sa biyahe, e. Nga pala, kumusta kayo riyan? Si Nanay kumusta na siya?”

Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago sumagot. “Hindi pa rin siya gano’n kaayos, Ate. Kanina ay gising na gising siya kahit na sinabihan ko namang matulog muna para makapagpahinga siya pero ayaw niya dahil hindi na raw siya inaantok. Panay pa rin ang sakit ng ulo niya. Mino-monitor pa rin siya ng mga doktor at mga nars. Ang sabi ng Doktor ay baka isailalim ulit siya sa CT scan at MRI mamaya o bukas.”

Hindi ko rin alam kung bakit gano’n ang nangyari kay Nanay, kailan lang din namin nalaman, kung hindi pa siya nagkumbulsyon ay hindi pa namin siya madadala sa hospital at hindi pa namin malalaman ang sakit niya. Noong mga nakaraan ay panay ang sakit ng ulo niya, sinasabi niyang normal lang daw ‘yon kaya hindi na namin sineryoso, lalo na at nakakainom naman siya ng gamot sa sakit ng ulo, nawawala rin naman pero hindi namin inasahang kukumbulsyunin siya dahil sa sobrang sakit ng ulo. Siguro dahil sa dami na rin ng problemang kinahaharap namin simula nang mawala ang amahin ko na siyang tumaguyod sa pamilya namin. Pero marami ring problema na naiwan at utang na kailangan bayaran.

Pinilit kong huwag maluha habang nakikinig sa kapatid. “Hayaan mo at gumagawa na ako ng paraan upang magkaroon ng pera pampagamot ni Nanay. Magsisimula na rin ako sa trabaho ko bukas kaya huwag ka nang mag-alala. Padadalhan din kita ng pera panggastos mo riyan sa Linggo.” Ani ko upang itago ang katotohanan sa kapatid na hanggang ngayon ay wala pa ring kaide-ideya sa gagawin ko.

“Paano kaya kung… tumigil na lang din ako sa pag-aaral, Ate? Tutulungan kitang magtrabaho. Kahit dito lang ako sa atin magtrabaho. Para may maidagdag ako sa gastusin.” Agad akong naalarma sa sinabi ng kapatid ko.

“Ven! Hindi! Hindi ka magtatrabaho, okay? Makinig ka sa akin, ako lang ang magtatrabaho at ipapapatuloy mo ang pag-aaral. First year college ka na, i-prioritize mo ‘yang pag-aaral mo. Hayaan mong ako ang humanap at gumawa ng paraan sa problemang kinakaharap natin.” Gagad ko sa sinasabi ni Ven sa kabilang linya.

“Pero, Ate, mas matatagalan at mahihirapan ka kung hindi kita tutulunga. Saka, alam mo ba kung ano’ng sinabi ni Nanay kanina nang magising siya? Na gusto na niyang umuwi at hindi magpagamot dahil nalaman niyang pumunta ka ng Maynila para magtrabaho at humanap ng pera para maipagamot siya. Ayaw niyang maging sagabal sa ‘yo–sa atin!” pakikipagtalo pa niya.

Doon tumulo ang luha ko. Habang pinakikinggan ang hinaing at mga salita ng kapatid ko ay mas lalo akong naging determinado na gawin ang lahat ng makakaya ko sa trabahong ito. Dahil bukod sa matatanggap ko kay Ma’am Berry ay sasahod pa ako bilang sekretarya ng CEO na ‘yon.

“Huwag mo na muna isipin ang pagtatrabaho, Ven. Hayaan mong si Ate ang gumawa ng paraan, okay? Asahan mong gagawin ko ang lahat para mapaigamot si Nanay at makasama pa natin siya nang matagal.” Saad ko habang pinupunasan ang luha ko.

“Ate…” rinig ko ang hikbi ng kapatid ko dahilan upang mas lalong tumulo at mag-unahan ang mga luha ko.

Hindi ako pinatulog ng isiping ‘yon. Naririnig ko pa rin sa aking utak ang paghikbi ng kapatid ko, ang lungkot sa boses nito, at ang kawalan ng pag-asa.

I don’t want that thought to burden my job. I have to be tough and have a good plan right now. Hindi ako p’wedeng panghinaan ng loob ngayon. Narito na ako, kailangan kong panindigan ito. Kailangan kong panindigan ang trabahong ito dahil ito lang ang alam kong makakasalba sa amin.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag-asikaso. Nagluto muna ako ng agahan bago kumain at maligo. Pagkatapos ay umalis na ako ng bahay, nakatatak sa isipan ko na kailangan ko munang magmukhang inosente sa loob ng isa o dalawang liggo hanggang sa makuha na niya ang loob ng aking biktima.

Kinilabutan ako sa salitang iyon. Hindi ako sanay at hindi ko akalaing magagamit ko ang salitang iyan sa sarili ko.

Nakasuot lang ako ng simpleng puting dress na pinatungan ko lang ng itim na blazer, nagsuot din ako ng sandals at pinaresan ng kulay puting sling bag. Mabuti na lang at may mga ganito akong damit na p’wedeng gamitin as formal attire. Noon kasi nasusuot ko ito sa school at noong nagtatrabaho ako sa Munisipyo. Mabuti na lang at nagkasya pa sa akin. Medyo masikip pero hindi naman para masira kapag sinuot ko na. Bibili na lang ako sa susunod ng ibang damit kapag nag-day off ako.

Malalim akong napabuntong-hininga nang makarating ako sa tapat ng matayog na mga gusali. Halos malula ako kakatingin doon kahit na nasa labas lang naman ako at hindi pa nakakaapak sa loob no’n.

Habang nakatingala ako roon ay may sasakyan namang bumusina sa likod ko. Malakas akong napatili at napansing nakaharang pala ako sa daan. Mabilis akong gumilid at tiningnan ang sasakyan pero tinted ang mga bintana no’n kaya naman hindi ko rin nakita ang nakasakay sa loob.

Bumaling ulit ako sa gusali at binasa ang nakasulat doon sa isang maganda at makintab na metal.

“E.D. Silvano Real Estate… Silvano… saan ko nga ulit narinig ang apelyidong ito?” ani ko sa sarili habang tinititigan ang nakasulat. “Parang narinig ko na ito noon. Hindi galing kay Ma’am Berry, paniguradong narinig ko na ‘to noon.” Umiling ako dahil natanto kong nagtatagal na ako roon. “Hay naku! Huwag ko na nga lang isipin ‘yan.”

Pumasok ako sa loob ng gusali. Agad akong binati ng guwardiya at tinanong kung ano ang sadya ko sa lugar.

“Uh… ako po ‘yong nag-apply na bagong sekretarya,” sagot ko sa guwardiya.

“Ah! Ikaw pala ‘yon. Halika rito sa receptionist para matawag ang HR Manager. Iyon kasi ang magbi-briefing sa ‘yo mamaya.” Anito na tinaguan ko na lang.

Kinakabahan ako!

Kaia, kalma lang. Kumalma ka. Huwag mo ipahalatang may iba kang balak!

“This way, Miss.” Anang isang receptionist bago kunin ang impormasyon ko. Mabuti na lang at alam ko na ang detalye ng mga sasabihin ko ngayon!

Nakilala ko ang HR Manager at hindi lang pala ako ang naroon, mayroon ding iba pero dahil iba ang in-appy-an ko ay pinagilid muna ako hanggang sa matapos sila. Nang matapos doon ay ako naman ang nilapitan niya.

“Dahil sekretarya ka ni Mr. Silvano, kailangan nasa bahay ka na niya bago pa man mag-alas sais ng umaga dahil gusto niyang marinig ang schedule niya habang nasa bahay–habang nag-aasikaso siya sa pagpasok o habang kumakain siya ng agahan. Ikaw rin ang magdadala ng mga files na inuuwi niya para pirmahan o basahin ng personal. Huwag kang mag-alala dahil may allowance ka naman para sa pamasahe mo sa pagpunta sa bahay niya.” Sambit nito na sinaulo ko naman agad. “Ayaw niya ng mabagal kumilos. Ayaw niya ng nale-late. Bale magsisimula ang araw mo sa trabaho once na makatapak ka sa bahay ni Mr. Silvano. You may call him Sir or Mr. Silvano. And… you better not flirt with him dahil iyan ang pinakaayaw niya sa lahat ng mga nagiging sekretarya niyang babae.” Anito na may banta sa boses.

‘Siguro ay dahil na rin sa ikakasal na siya kaya ayaw niya ng nilalandi siya? Masyado siyang loyal sa mapapang-asawa niya at hindi niya gusto ang magkaroon ng issue na pag-aawayan nila.’ Ani ko sa aking isip. ‘Pero paano ko siya lalandiin kung gano’n ang pinakaayaw niya?’

“Mr. Evander Damon Silvano is one of the most successful bachelors in the Philippines and even one of the top 10 successful businessmen all over Asia. Maselan ‘yan lalo na sa mga babaeng empleyado. Dahil nga karamihan ng mga babaeng empleyado ay nagnanasa sa kaniya…” anito na para bang may pinapahiwatig sa akin. “And because of that… they’re fired out of their job as the consequences of their malicious actions towards the boss.”

Tumango ako, “makakaasa po kayong malinis ang intensyon ko sa trabahong ito, ma’am.” Painosente pa akong ngumiti rito para idiin ang punto ko.

‘Malinis nga ba?’ my mind contradicted my words.

Ilang minuto pa ang itinagal ng briefing at matiyaga naman akong nakikinig upang malaman ang mga gagawin. Mabuti na lang din at hindi na bago sa akin ito dahil naging sekretarya rin ako sa munisipyo noong nag-aaral pa ako at kailangan niya ring kumayod sa murang edad.

“O siya, halika na at ipapakilala na kita kay Mr. Silvano sa opisina nito at ngayong araw rin ang simula ng pagtatrabaho mo. May makakasama ka sa unang araw, ang pansamantalang sekretarya ni Mr. Silvano, pero ngayong araw lang dahil bukas ay ikaw na mag-isa. Kaya gawin mo ang lahat ng makakaya mo upang magtagal ka sa trabahong ito. Mr. Silvano could fire you any time. Always remember that, okay?” Tumango ako sa kaniya at inayos ang sling bag na dala.

Sumunod ako sa ginang habang dahan-dahang inililibot ang mga mata sa paligid. Napakalaki noon at hindi mo aakalaing nasa isang kumpanya ka lang, para na iyong mansyon sa lawak at sa gara ng hitsura.

“Good morning, Mr. Silvano,” the woman greeted the moment we entered the office.

Nakatuon ang tingin ko sa likod ng ginang kaya naman hindi ko agad makita ang taong nasa harapan namin ngayon.

“This is the new secretary we hired for you, sir.” At nang gumilid ang ginang ay nakita ko ang lalaking nakatalikod sa amin dahil may kinuha ito saglit.

“Kaia Yllana… Formario,” anito sa pangalan ko gamit ang mababa at matigas na boses.

“Y-Yes, sir…” I answered, stuttering.

“Hmm… I see.” Said the man in front, then turned around for me to gasp because of the man’s beauty.

Hindi ako nakapaghanda roon, mabuti na lang ay hindi narinig ng ginang na nasa gilid ko ang pagsinghap ko dahil doon. Tumagilid ang ulo ng lalaki na para bang sinusuri ako kahit na malayo naman ako sa mesa niya.

“Can you stay professional?”

Tumango siya, “yes, sir. I can stay professional. This is not my first time being a secretary, so rest assured that I will do my very best as your secretary.” She answered with determination.

Tumango ang binata at ibinaba ang folder na hawak, na paniguradong ang ginawa niyang portfolio iyon.

“I’ll look forward to that, then.” Ani ng binata at umupo na sa swivel chair nito. “You may start your job now. Tarah,” tinawag nito ang babaeng nasa gilid na pansamantala nitong sekretarya. “Tell her about my schedule.”

“Yes, sir.”

Umalis ang manager at iniwan na ako sa babaeng nagngangalang Tarah na binibigay na sa akin ngayon ang schedule ni Mr. Silvano. Gaya kanina ay nakinig lang din siya at sinaulo ang mga sinasabi ng babae. Iginiya niya ako sa labas.

“Ito ang magiging lamesa mo. Sa iyo muna dadaan ang mga bisita o mga kliyente, tatawag ka kay sir gamit ang intercom bago mo papasukin ang mga kliyente. Kailangan ay may appointment ang kliyente at kilala ang bisita bago papasukin dahil galit si sir kapag hindi importante ang usapan.” Imporma ni Tarah sa akin.

“Lagi ba talagang galit si Mr. Silvano?” tanong ko nang hindi na mapigilan.

“Hindi naman. Masungit siya pero may mabait na side naman si Sir Damon.”

“Damon…” I echoed his name.

“At… ayaw niya ng sekretaryang haharutin lang siya.” Biglang nagseryoso ang boses nito.

Alam kong may gusto siyang ipahiwatig sa akin kaya naman tinanguan ko siya habang may maliit na ngiti sa labi bago seryoso ring nagsalita.

“Huwag kayong mag-alala dahil trabaho naman ang habol ko rito at hindi lalaki,”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status