Share

CHAPTER 5

Hindi ko alam kung paano ko matitiis ang hindi tumingin sa gawi ng boss ko. He was just there, driving and in all serious mode, minding his own business. Tapos ako ito at hindi mapakali kung paano ako uupo nang maayos sa passenger seat habang nagmamaneho siya. Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon.

At ano ‘yong sinabi niya kanina? Baka may maghatid pa sa akin na iba? Sino naman? Wala naman din akong close sa kumpanya dahil halos palagi lang akong nasa lamesa ko at inaatupag ang trabaho ko. Kaya wala pa akong nagiging close sa opisina, mapababae o lalaki man.

“Can you tell me your address?” napatingin ako rito nang magsalita siya.

Hindi pa ako nakapagsalita agad dahil napatitig ako sa side profile niya. Napakaperpekto talaga ng hugis ng mukha niya. Hindi mo aakalaing natural ang mukha niya dahil walang bahid ng kung anumang kapangitan ito. From his perfect jawline, his pointed and proud nose, to his brown eyes and long lashes, to his thick eyebrows… it’s all perfect for me. Kaya siguro hindi naiiwasan ng mga nagiging sekretarya niyang babae na mahulog dito dahil sinong hindi, ‘di ba? Kahit siguro may edad na ay magkakagusto pa rin sa lalaking ito. Mayaman at matalino na g’wapo pa.

“Did you hear me?” napabalik ako sa reyalidad nang marinig ulit ang boses niya. Napatingin ito sa akin at naabutan akong nakatitig sa kaniya. “I was asking you to tell me your address.”

“Oh, uhm…” pasimple kong kinurot ang sarili bago ko ibinigay sa kaniya ang address ng apartmenet ko. Tumango naman siya at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Napahinga ako nang malalim nang matahimik na naman kaming dalawa.

“Do you have a family here in Manila? Or are you with your family in your house?” tanong niyang muli dahil mukhang matatagalan pa kami sa pagdating sa apartment ko dahil nag-traffic. “I heard you’re from province,” tumango ako roon.

“Ako lang mag-isa rito, sir. Uhm… nasa probinsya po ang pamilya ko. Kailangan ko kasing kumayod para sa kanila…” hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin agad ang lagay ni Nanay o huwag muna? “At may pinapaaral po kasi akong kapatid kaya kailangan kong makahanap ng trabahong may malaking sahod.” Saaad ko, hindi pinapahalatang pinipigilan ang sariling magsalita pa.

“Malaki na ba para sa ‘yo ang pasahod ng kumpanya ko?” tanong niya na agad kong tinanguan.

“Oo, sir! Matutustusan ko na ang pang-araw-araw naming gastusin no’n… at ang pag-aaral ng kapatid ko… kaya malaking tulong na po sa akin ang matanggap sa kumpanya n’yo.” Totoo ‘yon, dahil kahit paano ang sasahurin ko sa kumpanya niya ay makakatulong na sa akin na ipadala sa probinsya at makabili kahit paano ng gamot na kailangan ni Nanay o panggastos ni Ven sa araw-araw.

Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya at kung paano nagbago ang ekspresyon niya sa sinabi ko. Hindi ko masabi kung iniisip niya nang mabuti ang sinabi ko o may mali sa sinabi ko. Hindi naman ako nagpapanggap sa sinabi ko, ah?

“That’s good to know. Kapag mas inayos mo ang trabaho mo sa kompanya may posibilidad na tumaas pa ang sahod mo.” Aniya na ikinangiti ko.

Pero natigil ‘yon nang maalala kong hindi rin siguro ako magtatagal sa kompanya dahil wala rin naman iyon sa plano. Pero kung maging successful naman ang trabaho ko, baka may chance nga na tumagal ako sa trabaho ko rito.

Ibinalik ko ang ngiti sa labi. “Pagbubutihin ko po ang trabaho ko, sir.” Saad ko, sa nangangakong boses.

“I’ll look forward to that,” aniya na tinanguan ko lang.

Natahimik muli kami hanggang sa umusad na ang trapiko. Tahimik lang akong nagmamasid sa labas ng sasakyan dahil ayaw kong matulala na naman kapag tumingin ako sa mukha niya. At hindi ko rin alam kung bakit sobrang bilis palagi ng tibok ng puso ko kapag nagtatama ang paningin naming dalawa.

Alam kong hindi maganda ito, kaya dapat nang pigilan. Hindi kami puwede. At lalong hindi talaga puwede dahil baka pumalpak ako sa gagawin ko.

Tahimik kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa apartment ko. Marami pang tao sa labas dahil maaga pa naman, alas siyete pa lang kaya hindi pa tulog ang mga tao rito. Nasanay na rin ako sa ingay ng paligid dito sa lugar. May mga napapatingin sa gawi ng magarang sasakyan ni Mr. Silvano kaya medyo nahiya ako. Lalo pa ngayong pababa na ako ng sasakyan.

“This is where you live?” tanong niya habang nakamasid sa paligid, mukhang hinuhusgahan na niya ang paligid mula sa kaniyang isip.

“Uh… opo, sir. Diyan sa apartment na ‘yan po,” tinuro ko ang kulay puting may tatlong palapag na gusali sa harap. Nakatingin siya roon bago tumango.

“Is this place safe for you?” tanong niya ulit.

Tumango ako. “Opo, sir. Safe naman dito at may gate naman din po ang apartment kaya hindi makakapasok agad ang magnanakaw o anuman.” Bumaling siya sa akin habang umiigting ang panga.

Akala ko ay galit siya pero kalaunan ay tumango na lamang siya bago huminga nang malalim. Bumaling siya sa harap habang may malalim na iniisip.

“Bababa na po ako,” tumango siya sa akin kaya naman binuksan ko na ang pinto ng kaniyang sasakyan. “Ingat po sa pag-uwi at salamat sa paghatid.” Ngumiti ako kahit na hindi naman siya nakatingin sa akin.

Naging hilaw ang ngiti ko kaya naman nagpatuloy na ako sa paglalakad. Gusto kong lingunin ang sasakyan niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Masyado niyang mahahalata iyon. Pumasok ako sa gate at pinakinggan kung nakaalis na ba ang sasakyan niya. Ilang minuto akong nanatili sa gilid ng gate bago ko narinig ang tunog ng kaniyang porsche. Huminga ako nang malalim bago umalis doon at umakyat patungo sa aking apartment.

Tumawag ang kapatid ko nang gabing iyon kaya hindi rin ako agad nakatulog. Bukod sa pag-iisip kung bakit ako hinatid ni Mr. Silvano rito sa aking apartment. Hindi naman sa ayaw kong gawin niya ‘yon, magandang simula ang ginawa niya para sa plano kong gawin, medyo nagulat lang ako na sa ganito kabilis na panahon ay mahuhulog siya sa kainosentehan ko. Hindi ko alam na ganito pala kabilis siyang… mauto? O at least, ganito kabilis makuha ang loob.

Kinabukasan ay mabilis akong bumangon nang mag-alarm ang aking cellphone. Naalala kong kailangan ko nga palang pumunta sa bahay ni Mr. Silvano para asikasuhin ang iba niyang kailangan.

Ganito ba talaga kapag mayaman? Sekretarya nila ang kumikilos kahit sa pang-personal nilang kailangan? Ugh! Hindi ko pa rin talaga sila ma-gets kahit ano sigurong halubilo ko sa kanila, hindi ko makukuha kung anong buhay ang mayroon sila o kung gaano sila kalayo sa akin—sa amin. Baka maubos na lang lahat ng braincells ko sa kanila nang wala sa oras!

“Pakisabi sa kitchen na maghanda ng almusal natin,” ani Mr. Silvano nang magising siya at maglakad papunta sa kaniyang banyo.

Marahan akong tumango, “uhm… kumain na ho ako sa bahay—” natutop ko agad ang aking bibig nang makita ko ang matalim niyang tingin sa akin.

“Ilang linggo ka nang nagtatrabaho sa akin, hindi ka pa rin nasasanay sa nangyayari ngayon?” aniya habang nakapameywang at nakatingin sa akin.

Hindi ako makatango at hindi rin ako makailing. Hindi pa rin talaga ako sanay sa ginagawa niya. Kahit na magandang sign ito, hindi pa rin ako kumportable dahil boss ko siya.

“Bababa na po ako,” saad ko bago tumalikod sa kaniya. Pinilig ko ang ulo ko dahil sa katangahan. Kailangan kong mag-focus sa ginagawa! Hindi puwede ito. Hindi pwedeng palagi na lang akong nagiging anga-anga sa harap ni Mr. Silvano!

Gano’n pa rin ang nangyari, sabay pa rin kaming kumain ng agahan at sabay na pumasok sa opisina. Hindi naman na bago iyon sa mga nasa kumpanya dahil normal nang gawain ng sekretarya ni Mr. Silvano iyon. Pero may iba pa rin na mapanghusga ang tingin. At ang iba ay pinagpapantasyahan siguro ang boss namin.

“Good morning, Sir!” bati ng iilang empleyado na kasabay namin sa elevator. Pero si Mr. Silvano ay nakatingin lang sa kaniyang cellphone. Ako naman ay bahagyang nag-bow dahil may ilang bumati rin sa akin, bilang respeto na lang din siguro dahil sekretarya ako ng boss.

Nagsimula na agad ang araw ko nang makaapak sa opisina ni Mr. Silvano. Naging abala rin siya dahil sa dami niyang kailangang basahin at pirmahan. Ang iba ay ako na ang nagbasa para sa kaniya at ire-report ko na lang din sa kaniya lalo na kung mga business and project proposal lang naman. Um-order ako ng pagkain ni Mr. Silvano pero hindi niya rin nagalaw dahil sa sobrang abala sa ginagawa at sa sunod-sunod na meeting.

“You have a 4pm meeting today, sir.” Saad ko habang hawak ang aking folder kung saan naroon lahat ng schedule niya. 

“Hmm… is that my last meeting for today?” tanong niya nang hindi ako tinitingnan dahil busy siya sa kaniyang laptop.

Tumango ako, “yes, sir.” Sagot ko.

Marahan siyang tumango sa akin. “Great! Maaga tayong uuwi.”

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tumikhim siya bago nagsalitang muli. “I mean, I’m done reading and signing these files and there’s nothing to do here anymore. So of course, as my secretary you will also go home early.” Aniya sa isang seryosong boses.

“Yes, sir. Mas… maagang makakapagpahinga.” Ani ko habang may alanganing ngiti sa labi.

Hindi pa man nag-iisang minuto ang katamihikan namin ay tumunog na ang cellphone niya para sa isang tawag. Kinuha niya iyon at sinagot.

“Hello, Yunnice?” sagot niya sa tawag.

Tumingin siya sa akin saglit bago tumayo at tumalikod. Hindi ako umalis agad sa kinatatayuan dahil hindi pa naman niya sinasabi. Saka… may parte sa akin na gustong makinig sa usapan nila. Sino si Yunnice? Ito ba ‘yong… fiancee niya? 

“Hindi ako makakapunta riyan. I have other things do later.” Tumigil siya at marahang minasahe ang kaniyang batok.

Hindi ko alam pero… bakit parang ang hot niya tingnan kapag ginagawa ‘yan?

“May pupuntahan nga ako. Kasama ko si Grey—fuck! You don’t have to know everything. I’m not going there and that’s final.” Tinapos niya ang tawag bago bumaling sa mesa niya. Nagulat pa siya na narito pa ako. Nakalimutan niya ‘atang hindi pa ako lumalabas. Umiling siya at huminga nang malalim. “You can leave the office now,” aniya na tinanguan ko na lang. Doon lamang ako lumabas ng kaniyang opisina.

Pagkasarado ko ng pinto ay napabuntong-hininga ako. Hindi ko namalayang nagpipigil ako ng hininga habang nakikinig. Fiancee niya ba talaga ang kausap niya? Bakit siya gano’n makipag-usap kung iyon ang fiancee niya, ‘di ba? Baka kapatid o pinsan? Kapatid? Wala nga pala siyang kapatid.

Natapos ang meeting niya na sobrang seryoso niya. Hindi ko nga alam kung nakikinig ba siya kanina sa presentation kanina dahil mukhang natutulala siya.

Nag-aayos ako ng gamit ko nang lumabas si Mr. Silvano ng kaniyang opisina. Nakaputing long sleeve na lang siya, tanggal na ang kaniyang necktie at suit na mas lalong bumagay sa kaniya. Mas lalo siyang naging guwapo sa paningin ko.

“Tapos ka na? Let’s go,” hindi ko siya agad na-gets pero sa pagkakataranta ko at tinapos ko na ang ginagawa bago sumabay sa kaniya sa elevator.

“Uhm… hindi n’yo naman na po ako kailangang ihatid, sir. May pera naman po akong pampamasahe.” Saad ko pero hindi niya ako pinansin. Dire-diretso siya sa kaniyang porsche na nakaparada.

Pinagbuksan pa niya ako ng pinto. Agad naman akong sumunod at pumasok doon. Sumakay na rin siya pero hindi pa niya binubuhay ang makina ng kaniyang sasakyan. Sobrang tahimik ng sasakyan hanggang sa basagin niya ‘yon.

“I have an offer for you,”

BabyblueAye

HI! I HOPE YOU WILL LIKE AND SUPPORT THIS STORY OF MINE!

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status