Share

CHAPTER 3

“Huwag kayong mag-alala dahil trabaho naman ang habol ko rito at hindi lalaki,”

Tumango si Tarah at ngumiti. Maya-maya ay bumalik na kami sa loob upang maghintay ng kung anong utos sa amin.

“I want a coffee,” napatingin ako sa lalaking nasa harapan nang magsalita ito.

“Uh…” hindi ko alam kung ako ba agad ang gagawa no’n dahil hindi ko pa naman alam kung paano gawin ang kape niya.

“Tarah, make me a coffee.” Utos ulit nito kaya naman napahinga ako nang malalim dahil ko naman alam ang gagawin.

“Right away, sir.” Anito bago umalis sa tabi ko at lumabas.

Naiwan ako ro’n na hindi na alam ang gagawin. Tumitig na lang ako sa kawalan habang ang boss ay nagpapatuloy sa ginagawa nitong pagbabasa sa kung anumang nasa folder na ‘yon.

“How old are you again?” muntik pa akong mabulunan sa tanong na ‘yon.

“Twenty-four, sir.” Mabuti na lang ay hindi ako nautal sa pagsagot sa kaniya.

“You didn’t finish your College degree? Why?” he asked again. Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago ako nagsalita.

“Uhm… financial problem, sir.” Matuwid kong sagot sa kaniya.

“In what year did you stop?” he asked again and again.

“I was in my third year in college that time, sir.”

Tumango ulit ito at hindi na nagsalita.

Natapos ang araw na iyon na halos para lamang akong robot na sumusunod lang din sa utos at sa schedule ng boss ko. Pero ang maganda lang doon ay agad namang nag-adjust ang sarili ko sa trabaho kahit pa medyo nakakapagod ‘yon.

“Bukas ay kahit sa lamesa mo na ikaw maghintay ng mga utos ni sir. Marami lang talaga siyang naka-schedule ngayong araw kaya hindi na rin ako umalis sa loob ng opisina niya.” Sambit ni Tarah nang makalabas kami ng opisina dahil tapos na ang araw namin.

Napahinga naman ako ng maluwang. Para kasing nakakatakot talaga ang awra ng boss namin sa loob ng opisina. Sobrang tahimik na para bang kapag nakagawa ka ng kaunting ingay ay magagalit siya sa ‘yo.

“I’ll take note on that,” ngumiti ako sa kaniya.

“At… maraming salamat dahil nag-apply ka. Nakakapagod maging secretary ni Mr. Silvano,” anito sabay iling na para bang pagod na pagod siya sa trabahong iniatang sa kaniya.

Gusto kong matawa pero sineryoso ko na lang ang sitwasyon niya dahil totoo naman ‘atang nakakapagod maging sekretarya ni Mr. 

“Ilang buwan ka na bang naging pansamantalang sekretarya ni Mr. Silvano?”

Tarah looked at me flatly, “isang linggo pa lang pero parang isangg buwan na agad simula nang maging temporary secretary niya ‘ko.” Bumuntong-hininga pa ito at umiling.

“Mukha namang magiging maayos ang trabaho ko rito…” sagot ko na sana ay hindi ko rin pagsisihan bandang huli.

“Ipanalangin mo!” natawa siya roon at nailing na lang.

Pag-uwi ko sa apartment ko ay tinawagan agad ako ni Madame Berry. Hindi pa man ako nakakaupo ay kinailangan ko nang sagutin agad iyon.

“Hello, Ma’am Berry.” Sagot ko sa tawag.

“Kumusta ang unang araw? Nasa kumpanya ba siya?” she asked, thrilled at any news.

“Opo. Nakilala ko siya kanina.”

“Oh? Isang himala dahil madalas ay hindi pumapasok ang taong ‘yon.” Nagtatakang saad nito. “But, anyway, I don’t care as long as you do your job. Baka hindi na kita matawagan sa mga susunod na araw dahil may bakasyon ako sa ibang bansa. But you still need to inform me, fill me with news after I came back from my vacation.”

“Makakaasa po kayo.”

Hindi ko alam kung paano ako uusad nito bukas dahil sa mga naoberba ko kanina ay mukhang mahirap utuin ang isang Evander Damon Silvano. Kakayanin ko pa bang gawin ang isa pang utos ni Madame Berry sa akin? Nagtataka pa rin ako kung bakit gusto niyang akitin ko ang lalaking iyon. At kung ano ang nagawa nito kay Madame Berry para maisipan niya itong gawin.

Pagkatapos ng tawag ay nagpahinga ako saglit bago nag-halfbath at nagluto ng hapunan ko. Habang naghihintay sa sinaing ko ay tinawagan ko ang aking kapatid.

“Hello, Ate?” sagot ni Ven.

“Ven, kumusta? Si Nanay? Nakakain na ba kayo?” sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

“Oo, Ate. Katatapos lang namin kumain.”

Tumagal ang pag-uusap namin dahil habang kumakain kami ay patuloy ang aming usapan. Wala naman ding problema sa akin iyon dahil mas malulungkot ako kung saglit lang ang pag-uusap naming dalawa lalo na at wala naman din akong kasama rito sa apartment, wala akong ibang makakausap.

Kinabukasan, alas kuwatro pa lang ay nag-aayos na ako at naghahanda na agad sa panibagong araw sa trabaho. Halos hindi ko na nga maisip kung bakit ako narito at kung ano talaga ang dapat kong gawin dahil parang normal na trabaho lang ang pinasok ko rito.

At dahil kailangan ko pang bumiyahe papunta sa bahay ni Mr. Silvano ay kailangan talagang maaga ako para malaman ko kung ilang minuto o oras ang biyahe mula sa apartment ko. Mukha pa namang ayaw ni Mr. Silvano ng palpak lagi sa oras ng trabaho.

Nang makarating ako sa village kung saan nakatira si Mr. Silvano ay agad akong lumapit sa guard upang magtanong. Agad naman din akong binigyan ng ID Pass na kailangan ko bago makapasok matapos makumpirmang empleyado ako ni Mr. Silvano.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay—este mansyon ni Mr. Silvano ay napanganga ako. Ang laki no’n kahit nasa labas ka pa lang. Gaya ng sa kumpanya niya ay nakakalula ang ganda ng mansyon. Halatang hindi basta-basta ang nakatira. Halatang milyon ang ginastos sa mansyong ito.

“Dito po ang kuwarto ni sir,” anang kasambahay at iginiya ako paakyat sa second floor kung nasaan ang kuwarto ni Mr. Silvano.

“Hindi pa ho ba siya gising?” tanong ko sa kasambahay na sinusundan ko.

Tumingin ito sa akin at kumunot ang noo, pagkatapos no’n ay parang may napagtanto siya. “Ah! Bagong sekretarya ka niya?” Tumango ako bilang sagot. “Kaya pala hindi mo pa kabisado si Mr. Silvano,” iling nito. “Nagigising ‘yan ng alas siyete ng umaga, sa alarm niya. Mabilis naman ‘yon magising at dahil ikaw ang sekretarya niya, habang tulog pa siya ay p’wede mo nang iligpit ang mga papeles na ginawa niya kagabi. Gano’n talaga siya, gusto niya ang sekretarya lang at siya ang hahawak sa mga papeles na tinatrabaho niya.”

Now I understood everything. Isinaulo ko ang lahat ‘yon at binigyan ang sariling tandaan lahat ng mga sinabi sa akin mula kahapon. Hindi ko p’wedeng kaligtaan ang bawat detalyeng ito.

‘Kailangan kong kabisaduhin ito lahat, kailangan ay makuha ko ang loob ni Mr. Silvano.’ Saad ko sa aking isip.

“Ito ang kuwarto niya,” binuksan nito ang isang magarang pinto. Agad na bumungad sa amin ang kama kung nasaan patalikod na natututlog si Mr. Silvano. Mukhang hindi ito nagla-lock ng pinto dahil nabuksan agad iyon ng kasambahay.

Napalunok ako nang makita ang likod nito. Bakit ganito katikas ang katawan nito? Saka… paano niya nakukuha iyon e, hindi ba palagi siyang busy sa trabaho?

“Maiwan na kita, Miss.” Anang kasambahay saka lumabas at iniwan ako roon mag-isa kasama ang natutulog na si Mr. Silvano.

Bumaling ako sa kanang bahagi ng kuwarto at nakita roon sa coffee table ang mga papeles na dala nito kagabi. Huminga ako nang malalim bago lumapit doon at inayos iyon. Naka-folder at naka-stapler naman ang karamihan kaya hindi naman ako nahirapan iayos.

Nawiwili na ako sa pag-aayos nang mag-alarm ang alarm clock na nasa bedside table kasunod ng pagkamatay n’yon ay marahang pag-ungol ng taong nasa kama. Hindi agad ako nakakilos nang marinig ko ang paggalaw ni Mr. Silvano sa kama. Dahan-dahan kong pinakawalan ang hininga ko na para bang hindi ako nito makikita kapag gano’n ang ginawa ko.

Pero siyempre, mali ako roon. Wala pang isang minuto ay narinig ko na ang baritonong boses ni Mr. Silvano

“Anong oras ka nakarating dito?” tanong ni Mr. Silvano na bumasag sa katahimikan ng kuwarto.

“A-Ah… 6:30am po.” Sabay baling ko sa lalaki, na sana ay hindi ko na lang ginawa nang makita ang hubad nitong pang-itaas na katawan. Napalunok ako at mabilis na iniwas ang tingin dito.

‘Hindi pa man nagsisimula ang plano ko bakit parang siya ang may planong akitin ako?’ ani ko sa aking isipan.

“Tapusin mo ‘yang ginagawa mo, maliligo lang ako.” Hindi na ako nakasagot lalo pa nang naglakad na ito papunta sa kaniyang banyo.

“Ikakasal na siya pero wala naman akong nakikitang litrato nila ng mapapang-asawa niya?” bulong ko sa sarili habang nagmamasid sa buong kuwarto.

Puro lamang mamahalin at detalyadong painting ang nasa kuwarto niya. May iilang litrato pero mukhang siya lang iyon, walang ibang kasamang babae. Bukod doon ay wala na. Puro na simpleng dekorasyon.

Hanggang sa matapos maligo at magbihis si Mr. Silvano ay iyon ang nasa isip ko.

“Have you eaten?” I was shocked that he asked me that question. Tinaasan niya ako ng kilay nang hindi agad ako makasagot.

Tumikhim ako, “o-opo, bago ako umalis ng bahay kanina ay nag-almusal na ako.” I answered him honestly and innocently.

“Anong oras ka umalis sa bahay mo?” tanong ulit nito habang binobutones ang polo niya.

“Uh… kaninang alas singko po,”

He turned to me and looked at me with disbelief in his face as if I said something unacceptable.

“Kaninang madaling-araw pa ‘yon, alas siyete na.” Umiling ito at may pinindot sa side table. “Prepare breakfast for two.”

Hindi ko inasahang magpapahanda ito ng agahan para sa amin. Hindi ko inasahang ayos lang dito na makasabay ako sa pagkain kahit pa isa lamang akong sekretarya.

“Ayos lang po ako, sir. Hindi naman po ako gutom.” Saad ko upang hindi na makasabay ang amo ko. Nakakahiya!

Ngayon pa nga lang ako nagsisimulang magtrabaho ay ganito na ang nagaganap. Hindi ko inasahang ganito ang ugali ng boss ko. Akala ko ba ay masungit at hindi ito mabait? Bakit kabaligtaran naman ang nakikita ko?

“A breakfast with your boss won’t hurt, right? And also I just want to have a formal welcome for you as my new secretary.” Hindi na ako nakaimik nang sabihin niya iyon.

‘Ganito rin ba siya sa mga nagiging sekretarya niya noon?’  ani ko sa isip. ‘Siguro ay sinusubukan niya ako. Siguro ay ganito rin ang mga ginawa niya sa mga babaeng naging sekretarya niya noon. Sasakyan ko na lang ang trip niya.’

And yeah, a breakfast won’t hurt because as soon as we settle down I badly wants to get out of that situation as soon as possible. In front of us is not just a simple breakfast… for me, it’s a feast. Sa dami ba naman no’n ay hindi ko alam kung ano ang titingnan, kukunin, at kakainin. Ang iba pa ay hindi ko kilalang pagkain.

Dahil sa probinsya ay simpleng tuyo, sinangag, itlog, tinapay, at kape lang ang alam kong inihahain. Hindi ganito kagara ang nasa hapag kapag agahan.

“A-Ang dami naman nito, sir.” Ani ko habang tinitingnan ang mga pagkain.

“It’s fine. Kahit hindi maubos ‘yan, walang problema.” Malamig nitong sambit habang nagsisimula nang kumain. Gano’n din ang ginawa ko kahit pa nga naiilang sa dami ng pagkain maging ang presensya ng mga kasambahay sa gilid.

Masasanay rin naman siguro ako, ‘no?

Dumaan ang isang linggo na gano’n lamang ang nagaganap. Nasasanay na rin ako sa mga gawain sa opisina at nagagawa ko na rin namang mag-multitask kapag kinakailangan. Napapansin ko na ring strikto ito sa trabaho kaya parang takot ang mga empleyadong magkamali sa mga ginagawa nila. Ngayon ay naiintindihan ko na sila, gaya ngayon…

“Kaia, in my office.” Anito sa isang mababa at nakakatakot na boses na agad kong sinunod.

Tumigil ako sa harap ng lamesa nito.

“I told you to sort these files out, right?” anito sabay turo sa isang tumpok ng mga papel.

Tumango ako, “yes, sir.”

“Bakit hindi maayos? I told you to arrange these alphabetically. Pero hindi pa rin maayos.” Tumaas ang kilay nito sa akin. Agad akong kinabahan doon.

Natutop ko ang bibig kaya hindi na agad nakapagsalita.

“I-Inayos ko naman po. Binalikan ko pa po ‘yan kanina bago ibigay sa inyo,”

“So, you’re telling me I shuffled these up to find a mess?” he asked mockingly. “Do you think I’m that petty?” he added.

Namutla at nanlamig ako roon. Kahit pa balak kong magmukhang inosente sa paningin nito ay gusto ko pa rin namang ayusin ang trabaho ko rito nang hindi pumapalpak. Pero ikalawang linggo pa lang ay ganito na ang nangyayari sa akin. Palpak na agad.

Umiling ako. “H-Hindi po. U-Uulitin ko na lang po ang pag-ayos.”

Nang kukunin ko na ang bulto ng mga papeles ay agad ako nitong hinawakan sa kamay para pigilan ako sa pagkuha ng mga ito. Para namang may kuryenteng dumaloy sa aking kamay patungo sa aking katawan nang hawakan niya ako. Dahil doon ay mabilis na tumibok ang puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba ‘yon sa kaba o iba ang dahilan ng pagtibok nito. Hindi ko na gustong alamin pa ‘yon.

Huminga ito nang malalim bago binasa ang labi. “Hayaan mo na. Ibigay mo na ‘to sa HR Department at sabihing i-finalize na muna ang mga papeles na minarkahan ko ng pula. Tell them to sort it out before bringing it back to me.”

Tumango ako, “ma-masusunod po,” saad ko at agad na kinuha lahat ng mga ‘yon at lumabas ng opisina nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status