Share

CHAPTER 4

Pagkatapos kong dalhin iyon sa HR Department ay bumalik na ako sa lamesa ko. Hindi na ulit ako tinawag ni Mr. Silvano sa loob ng isang oras. Hindi ko alam kung iyon na ang huli niyang utos o marami siyang ginagawa kaya hindi na niya ako ulit tinatawag pa.

Tiningnan ko ang schedule niya at nakitang may 3pm meeting siya sa isang representative ng kilalang kumpanya. Bumaling ako sa orasan na nasa mesa at nakitang alas dos y media na pala.

Tumikhim ako bago pinindot ang intercom para paalalahanan siya sa sunod na activity niya.

“Sir, you have a meeting with Heyin Corp. at 3pm.” Imporma ko sa kaniya.

Hindi naman ako naka-receive ng sagot sa kaniya kaya naman hinayaan ko na lang.

At 3:45pm the representative arrived.

“Sir, the representative of Heyin Corp. is already here,” saad ko para malaman niyang narito na ang panauhin.

“At the conference room,” iyon lang ang sinabi niya pero alam ko na agad ang meaning no’n.

Iginiya ng receptionist ang bisita papunta sa conference room habang ako naman ay inihanda na ang gagamitin para sa meeting mamaya. Nang mag-3:55pm ay lumabas si Mr. Silvano kasabay ng pagtayo ko. Nakataas agad ang kilay niya nang makita ako. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at hindi matagalan ang titig niya. Dahil sa ginawa ko ay bumaba ang tingin niya sa labi ko. Kitang-kita ko ang paglunok niya nang tumagal ang titig niya sa labi ko. Tumikhim ako dahil kakaiba na ang nararamdaman ko sa titig niya.

Huminga siya nang malalim bago nag-iwas ng tingin.

“Let’s go,” sumunod ako sa kaniya nang mauna na siyang lumakad papunta sa elevator.

Hindi nakapagsalita nang nasa loob na kami ng elevator dahil kahit anong pigil ko sa puso kong huwag tumibok nang mabilis sa kaba ay hindi ko iyon mapigilan.

‘Ano ba’ng problema sa akin?!’

Nang makarating kami sa tamang palapag ay saka ko pa lamang pinakawalan ang pinipigilang hininga. Mabuti na lang at hindi naman niya narinig iyon.

“Sorry to keep you waiting,” ani Mr. Silvano sa ka-meeting at nakipagkamay.

“It’s not a problem, Mr. Silvano since I got here early. I’m Jerrie Teng, representative of Heyin Corp. I’m here to present you our proposal for our next project. Since you want to hear and see the presentation first before presenting with the board members.” Anito sabay baling sa akin. Bahagya akong nag-bow bilang respeto. I saw how amused he is.

“Shall we start now?” ani Mr. Silvano kaya napatingin ako sa kaniya. Naabutan ko siyang matalim ang tingin sa akin.

May nagawa ba akong mali?

“Oh! Alright,” nagmadaling ayusin ni Mr. Teng ang projector at nagsimula na sa pagprepresenta.

I jot down the minutes while listening to Mr. Teng. While Mr. Silvano is listening with creased forehead and unreadable expression in his face. Panay din ang tingin ni Mr. Teng sa akin kaya naman medyo naiilang ako habang nakikinig. Dinederetso ko na lang sa nasa harap ang tingin at hindi siya sinusulyapan kahit ramdam na ramdam ko ang tingin niya. At dahil siguro sa ginagawa nito ay napapatingin na rin si Mr. Silvano sa akin. Nakakunot ang noo na para bang galit na.

“That’s all for our proposal, Mr. Silvano. Do you have any questions?” saad ni Mr. Teng sabay baling sa akin na para bang ako si Mr. Silvano.

Tumikhim si Mr. Silvano bago umayos ng upo. “I don’t have a problem with your proposal since it’s all good and negotiable, but if you keep on staring at my secretary like that… I might have a problem with you.” Seryoso at mababa ang boses na sambit ni Mr. Silvano habang may pagbabanta sa tono.

Namutla ang lalaki sa harap at marahas na napalunok.

“Uhm… uh… I’m sorry, Mr. Silvano. Hindi na po mauulit…” anito sa isang maliit na boses. Like a scared cat to his owner.

Saka ko lang napagtanto kung ano ang sinabi ni Mr. Silvano nang mapatingin ako rito. He’s staring blamkly at me while holding his pen and bit it after.

Ibinaba ni Mr. Silvano ang kaniyang ballpen bago tumikhim at tumayo. Mukhang tapos na niyang pirmahan at aprubahan ang proposal ng kumpanyang ito.

“Present this again with the board members,” aniya bago umalis doon.

Tumayo ako at kinuha ang mga papel sa lamesa bago nagpaalam at umalis na rin doon. Wala na rin naman akong gagawin doon. At dahil sa sinabi ni Mr. Silvano ay nahihiya na tuloy ako kay Mr. Teng.

Napailing ako nang nasa elevator na kami ni Mr. Silvano. Hindi ako nangahas magsalita dahil pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa halu-halong nararamdaman ko ngayon.

Nakatingin lang ako sa harapan nang bumaling sa akin si Mr. Silvano sabay iling.

“B-Bakit po, sir?” tanong ko sa kabadong boses.

“Nothing. I just can’t understand those men who’s always staring at you,” aniya sabay igting ng kaniyang panga. Mas lalong lumagabog ang dibdib ko. “I think because you’re too fucking attractive. Even you haven’t done anything.” Bulong niya sa huling sinabi na hindi ko masyadong naintindihan.

“Po?”

He sighed heavily. “Nothing,”

Nang makarating kami sa opisina niya ay hiningi niya sa akin ang minute para raw basahin niya ulit.

“Um-order ka muna ng meryenda,” aniya na agad kong tinanguan.

“Any specific food to order, sir?” tanong ko.

“Kahit ano. And… order for yourself also.” Nabigla ako roon dahil kapag umo-order siya ng meryenda ay para lang sa kaniya ang ino-order ko.

“S-Sige, sir.” Tumalima ako at umalis sa kaniyang opisina para um-order ng pagkain niya… at pagkain ko.

Pagkatapos no’n ay tumawag muna ako saglit kay Venice para kumustahin siya. Alam kong wala siyang pasok ng hapon at wala pa naman akong ibang ginagawa kaya naman ayos lang kung tumawag ako.

“Hello, Ate?” masayang bati ng kapatid ko sa kabilang linya.

“Kumusta, Ven? Si Nanay?” tanong ko habang binabasa ang sunod na schedule ni Mr. Silvano. Mabuti na lang at huling meeting na niya ang kanina kaya hindi na ulit lalabas si Mr. Silvano ng opisina at itutuloy na lang ang pagpirma ng mga papeles.

Rinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya.

Ibinalita niya sa akin ang kalagayan ni Nanay. Kahit paano naman daw ay umaayos ang lagay nito pero siyempre hindi pa rin siya magaling at naka-confine pa rin sa hospital.

“Gusto ko sanang umuwi sa darating na linggo pero… kakapusin ako sa pamasahe, Ven.” Medyo mahal kasi ang pamasahe kaya mukhang hindi ko na muna babalaking umuwi para mabisita si Nanay.

“Ayos lang, Ate. Hindi ko naman pinapabayaan si Nanay. ‘Yon nga lang ay wala ako sa hospital ngayon dahil gumagawa kami ng midterm project namin para sa isang subject. Mamaya ako pupunta roon pagkatapos nito, Ate.”

“Unahin mo muna ‘yang project mo, basta huwag mong kalimutan si Nanay na puntahan sa hospital.”

Hindi naman din nagtagal ang usapan naming dalawa dahil nasa trabaho ako at may ginagawa rin naman siya. Kalahating minuto ang lumipas ay dumating ang pagkain ‘namin’ ni Sir. Dinala ko ang pagkaing para sa kaniya at iniwan sa lamesa ko ang para sa akin.

“Sir, ito na po ang pagkaing in-order ko para sa inyo,” saad ko bago nilapag ang paper bag sa lamesa niya.

Tumingin siya sa akin. “Where’s your food?” aniya.

“Uhm… nasa mesa ko na po.” Sagot ko nang hindi nakatingin sa kaniya.

“Alright, enjoy your food.” Then he gave a small smile.

Medyo natulala ako roon kaya hindi agad ako nakasagot sa kaniya. Nang maka-recover ay tumango ako sa kaniya.

“S-Salamat, sir.”

Lumabas ako ng opisina niya at doon ko lang napagtantong hindi ako gaanong humihinga sa loob. Napahagot ako ng hininga habang tinitingnan ang pagkaing… si Mr. Silvano ang nagbayad.

“Ano ba itong nararamdaman ko?” tanong ko sarili habang sapo-sapo ang aking dibdib kung saan mabilis ang tibok ng aking puso. “Nginitian ka lang, Kaia!” impit kong sermon sa aking sarili.

‘Hindi ka narito para ikaw ang mahulog, Kaia! Hindi ganito ang nasa plano!’

Bumalik ako sa trabaho habang inuunti-unting kainin ang meryendang binili. At nang mag-alas sais ay nakita ko nang nagsisiuwian na ang mga empleyadong nasa palapag na iyon, bukod sa receptionist na nanatili roon habang may mga bumabati sa kaniya.

Napatingin naman ako sa pintuan ng opisina ni Mr. Silvano nang bumukas ang pinto no’n. Diretso agad sa akin ang tingin niya dahilan ng pagtalon ng puso ko sa sobrang gulat.

Tiningnan niya ang orasan niya bago binalik ang mga mata sa akin.

“Hindi ka pa uuwi?” marahang tanong niya.

“Uh… kung… kung uuwi na po kayo, sir.” Tumayo ako at inayos ang gamit.

Naka-puting long sleeve na lang siya dahil hawak niya sa kaliwang kamay ang suit at necktie na mas lalong nagbigay ng kagwapuhan sa kaniya.

“I’m going home now,” aniya na tinanguan ko.

Hinintay niya akong makalapit sa kaniya bago siya naglakad papunta sa private elevator niya—para lang sa kaniya iyon o kaya ay sa mommy niya na minsan lang daw pumunta rito sa kumpanya. Hindi ko pa nakikita ang mommy niya kaya wala akong ideya sa hitsura ng ginang. Pero paniguradong maganda siya dahil guwapo ang anak niya. Wala na raw ang tatay ni Mr. Silvano dahil ipinapatay raw ng kalaban ng kumpanya. Kinalubutan nga ako nang ikwento sa akin iyon ni Tarah noong isang linggo, dahil takot akong baka mangyari ulit iyon at masaksihan ko pa.

Kaya rin siguro naging ganito kahigpit si Mr. Silvano sa kumpanya at empleyado, ayaw na niyang maulit ang nakaraan. Kaya siguro siya namulat sa negosyo sa batang edad dahil kailangan niyang gawin iyon lalo pa at mag-isa siyang anak ng mag-asawang Silvano.

“May susundo ba sa ‘yo? Perhaps… a boyfriend?” marahang tanong niya sa akin.

Umiling ako. “Wala ho akong nobyo,” sagot ko nang walang pag-aalinlangan.

“Hmm… good to know.” Ngumiti ulit siya dahilan na naman ng pagkatigil ko. Bakit ba siya ngiti nang ngiti?! Hindi ako makapag-concentrate kapag ganiyan siya!

“Na-Nandiyan na po ang sasakyan n’yo, sir.” Saad ko upang matauhan siya.

Buong araw ko ‘atang nakita siyang nakangiti sa akin.

“Tell me your address first,” agad ko namang sinagot iyon. “Let’s go,”

Napamulagat ako sa sinabi niya. “Po?”

“Let’s go. Ihahatid kita, baka may iba pang maghatid sa ‘yo.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status