Makalipas lamang ang kalahating oras ay agad na tumunog ang cellphone ni Noah kung saan ay kaagad niya naman itong sinagot. Ang isang tauhan niya ang tumawa. “Sir, ang pangalan ng taong iyon ay Axel Madrigal at isa siyang doktor. Ang kanyang ama ang may-ari ng shop na iyon at tatlong taon na silang magkakilala ni Ma’am Alexa.” sabi nito.Dahil rito ay agad na nagsalubong ang mga kilay ni Noah dahil sa sinabi nito at ang kanyang mga mata ay malamig na napatitig sa kawalan. “Tingnan mong mabuti, baka ito ang tinatawag ni Alexa na Nio.” sabi niya rito. Pagkatapos nun ay pinatay na niya kaagad ang tawag at napakuyom ang mga kamay. Ilang sandali pa ay humugot siya ng malalim na buntung-hininga bago tuluyang itinuly ang kanyang ginagawa.Mabilis na lumipas ang oras at hindi niya namalayan na gabi na pala. Ilang sandali pa nga ay napahawak sa kurbata niya si Noah at bahagyang niluwagan iyon at pagkatapos ay nilingon niya ang kanyang personal assistant na si Lex habang salubong ang kanyang m
Makalipas lamang ang ilang oras ay medyo may tama na si Noah. kararating lang ni Parker ng mga oras na iyon. Maraming tao kanina sa bar na pinuntahan nila pero habang pagabi ng pagabi ay halos iilan-ilan na lamang ang natira doon at kabilang na nga sila ni Parker.Nakaupo si Parker sa upuan at nakasandal habang nakahawak ng isang baso na may lamang alak at nakatingin kay Noah. “Ano bang problema mo?” tanong nito sa kaniya.Sa halip naman na sumagot ay nagsalin muli si Noah ng alak sa kanyang baso at uminom muna bago sumagot. “Ayokong pag-usapan.” sabi niya rito at malamig ang mga matang nakatitig sa kawalan.Dahil sa naging sagot nito ay mabilis naman na napailing si Parker. “Tsk. hindi ba at niyaya mo akong lumabas para uminom? Pero ayaw mong pag-usapan kung ano ang problema mo? Seryoso ka ba? Kung ano man ang pinoproblema mo ay sabihin mo sa akin, isa pa ay pwede ka namang mag-table ng babae para maging masaya ka at gumanda ang mood mo o kaya ay gumastos ka ng napakarami mong pera.
Nahihiya namang ngumiti si Lily pagkatapos siyang tanungin ni Parker. “Simula bata ako ay hindi pa ako nagbalat ng hipon dahil palagi akong ipinagbabalat ng mga magulang ko. Isa pa, sa tuwing lumalabas kami para kumain ay palagi akong ipinagbabalat ni Noah ng mga hipon.” mabilis na sagot nito sa kaniya.Iniunat ni Lily ang kanyang kamay at hinawakan ang braso ni Noah sa malanding paraan at nilandian niya rin syempre ang boses niya. “Noah, gusto kong kumain ng hipon. Pwede mo ba akong ipagbalat?” tanong niya kay Noah at nagpaskil ng mapang-akit na ngiti sa kanyang mga labi.Napabuntung-hininga na lamang si Noah at mabilis na tinanggal ang mga kamay nito sa kanyang braso at pagkatapos ay nagsuot ng disposable gloves at nag-umpisang balatan ang mga hipon na nakalagay sa plato. Samantala, habang nagbabalat siya ng hipon ay bigla na lamang lumitaw sa kanyang isipan si Alexa na habang ipinagbabalat siya ng hipon. Napakahusay nitong magbalat ng hipon at kapag nagbalat ito ay buo pa rin ang l
Nang lumingon si Parker sa pinto ay nakita niya doon si Alexa na palabas na ng mga oras na iyon. Dahil rito ay dali-dali siyang tumayo upang habulin ito. Mabuti na lamang at naabutan niya rin naman ito kaagad at mabilis na hinawakan ang braso nito. “Alexa, teka lang.” pigil niya rito dahil palabas na nga ito at pagkatapos ay mabilis na hinawakan ang balikat nito upang paharapin sa kaniya.Samantala sa pagkakataong iyon naman ay doon eksaktong napatingin si Noah sa pinto kaya nakita niya na hinawakan ni Parker ang balikat ni Alexa. Bigla siyang napaisip sa ginawa ni Parker ngunit nang maisip niya ang naabutang tagpo kanina sa pagitan ni Lily at ni Noah ay naisip niya na mas masahol pa ang mga ito sa kaniya. Hindi na lamang siya nagsalita at nagpahila na lamang kay Parker hanggang sa makarating sila sa harapan ng mga ito. Sa tatlong taon nilang pagiging mag-asawa ni minsan ay hindi siya nakipag-away rito at hindi siya nagsasalita kapag nagagalit siya pero ngayong malapit na silang magh
Nagising si Alexa dahil sa haplos sa kanyang mga hita at halik sa kanyang leeg. Wala siyang nagawa kundi ang mapa*ngol. Ilang sandali pa ng ay tuluyan nang ipinasok ni Noah ang kanyang mga kamay sa kanyang pantulog at hinaplos ang kanyang pagkababae.Naging mabilis ang pangyayari at sa isang iglap ay tuluyan na nga siyang walang saplot at sa sumunod na sandali ay tuluyan na nga itong pumatong sa kaniya at hinalikan siya ng mapusok sa kanyang mga labi. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at agad na sinagot ang halik nito.Agad na gumapang ang init sa buong katawan niya hanggang sa bawat himaymay ng pagkatao niya. Hindi niya napigil ang mapadaing lalo na nang tuluyan na nga nitong ipasok sa kaniya ang matigas nitong sandata. Napayapos siya sa likod nito nang mag-umpisa itong umulos.Napuno ng daing at ungol niya ang buong silid hanggang sa tuluyan na silang matapos at naghahabol pareho ng hininga. Ibinagsak nito ang sarili sa kama sa kanyang tabi. Samantalang siya ay naka-s
Mapait na ngumiti si Alexa, kung hindi pa siya aalis ay ngayon ay kailan pa? Hihintayin pa ba niya na ipagtulukan siya nito paalis doon? Sa halip na sumagot ay tumayo na lamang siya basta at tumalikdo doon upang magtungo sa kanilang silid. Agad niyang inilabas ang kanyang maleta at inipon doon lahat ng gamit niya at pagkatapos ay nagbihis siya at ibinaba ang maleta niya.Nang makita siyang pababa ni Noah ay agad siya nitong sinalubong upang kuhanin ang maleta niya. “Ako na ang magdadala niyan.” pagprepresinta nito sa kaniya na tinanggihan naman niya kaagad.“Hindi na kailangan. Ako na, kaya ko naman.” malamig na sagot niya at hinila ito hanggang sa labas. Habang naglalakad palabas ng gate ay nadaanan niya ang garden na may mga halaman at namumulaklak. Sa araw-araw ay palagi niyang dinidilig ang mga ito at habang humahakbang siya pakiramdam niya ay naaawa ang mga ito sa kaniya.Tatlong taon na ang lumipas at ang inakala niyang magiging forever niya ay natuludukan na nang araw na iyon.
Nang marinig ito ng kanyang ina ay agad na umahon ang galit sa dibdib nito. “Tatlong taon na ang nakalipas noong naaksidente si Noah at sinabi ng doktor na hinding-hindi na siya makakalakad pa at buong buhay na lang siyang mananatili sa wheelchair at sa ibat-ibang bansa pa siya nagpagamot at iniwan siya ng babaeng iyon at tumakas sa responsibilidad nitong alagaan siya!”“Inalagaan mo siya araw at gabi na parang isang katulong at ngayon ay nakakalakad na siya, nakakatalon at nakakatakbo na pagkatapos ay babalik ang babaeng iyon? At ang Noah na iyon? Napakawalang hiya niya naman na pagkatapos ng lahat ng pagsasakripisiyo mo sa kaniya ay nagawa ka pa rin niyang iwanan!” galit na galit na sabi ng kanyang ina na may kasama pang panggigigil.Napabuntung-hininga na lamang siya at pagkatapos ay yumuko upang kuhanin ang tseke na ibinigay sa kaniya ni Noah kanina at pagkatapos ay inilagay niya sa kamay nito iyon. “Bilang kapalit ng pag-aalaga ko sa kaniya sa nakalipas na tatlong taon ay ito ang
Ang dapat lang naman sana sa dalaga ay huwag magsalita ng hindi niya kayang mapanindigan. Okay lang sana kung ito lang ang mapapahiya ngunit maging siya, at ang buong shop niya. Ngunit sa halip ay nagmatigas pa ito.“Tatlong araw lang na tatapusin ko ito at kung sakaling ibenta mo man ito kapag naayos ay baka ilang daang milyon ang mapagbebentahan mo nito.” sabi niya rito.Pagkatapos nilang magkasundo sa presyo ay agad silang pumirma ng kontrata. Pagkaalis ng lalaki ay agad siyang nagsimula. Mabuti na lamang at noong bata pa siya ay kasama niya ang kanyang lolo na nagre-restore ng sinaunang mga paintings kaya natuto siya at masasabi niya na bihasa na talaga siya sa larangang iyon.Ang kanyang lolo at lola kasi ay mahilig din mangolekta ng mga antique na mga bagay at mga paintings. Sa dami ng paintings na ni-restore niya noon ay nagawa niya naman ng mabuti at maayos. Inubos niya doon ang kanyang oras at hindi niya namalayan na gabi na pala.Dahil sa pagiging abala niya ay pansamantala