Hindi napigilang mapakuyom ng kamay ni Trisha habang nakatingin sa room kung nasaan si Lucas. Kung hindi pa sinasadyang mapasulyap siya sa gawi doon ay hindi niya pa makikita na naroon din pala si Annie sa restaurant na iyon. Isa pa ay iniwan talaga siya ni Lucas na mag-isa doon para lang puntahan si Annie. Nakakapanggigigil talaga. Birthday niya ngayong araw at nandoon sila para mag-date pagkatapos ay nandoon si Annie para sirain lang ang espesyal na araw na iyon? Kanina pa ito sa jewerly store at hindi niya akalain na hanggang doon ay naroon ito.Ngunit hindi siya dapat makita ni Lucas na galit. Kailangan niyang magpanggap sa harap nito na walang nangyari at wala siyang nakita para maging smooth ang date nila. Kailangan niyang tiisin ang lahat ng iyon.Nang marinig niya ang papalapit na mga yabag ay mabilis niya ibinuka ang kanyang mga kamay mula sa pagkakakuyom at pagkatapos ay nagpaskil ng matamis ng ngiti sa labi. “Lucas…” sabi niya pagkatapos bumukas ang pinto at pumasok ito ro
“Hindi ko ginagastos ang pera ng asawa ko sa mga walang kwentang bagay isa pa ay hindi naman nagrereklamo ang asawa ko tungkol rito.” sabi nito.Ang mga salita nito ay mas lalo pang nagpagalit sa kaniya lalo. Napakakapal ng mukha nito. Sa isang banda nang marinig niya ang isinagot ni Annie ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng tuwa.Sinulpayan siya nitong muli at si Lucas pagkatapos ay nagsalita. “O siya sige na, hindi na ako magtatagal, aalis na ako para hindi ko kayo ma-istorbo.” sabi nito sa kanila at akmang tatalikod na sana itong nang bigla niya itong pigilan.“Sandali lang Annie. Gusto kitang makausap ng tayo lang, pwede ba?” tanong niya rito ngunit mabilis itong umiling.“Kung may gusto kang sabihin sa akin ay sabihin mo na rito ngayon.” walang gana nitong sabi sa kaniya ngunit hindi siya papayag na doon niya ito kakausapin. Kailangan nilang mag-usap ng sila lang dalawa.“Ilang minuto lang ang hihingin ko sayo at sinisiguro ko sayong hindi ako lalampas doon. Annie huwag
“Annie hindi mo pa ba nakikita o ni naiintindihan ang lahat? Ako lang ang nag-iisang mahal ni Lucas simula sa umpisa at hanggang noong hindi pa nakikilala ng nanay mo ang lolo ni Lucas. Ang mga magulang mo ay mahirap lamang at kung hindi dahil sa hiling ng nanay mo sa lolo ni Lucas ay hindi ka kailanman mapapabilang sa pamilya Montenegro. Para kang nangangarap ng isang bagay na napaka-imposible mo namang maabot Annie.” tuloy-tuloy na sabi nito sa kaniya.Ngumiti siya rito kahit na sobrang sakit ng puso niya ng mga oras na iyon dahil sa mga binitiwang salita nito sa kaniya. Pinigilan niya rin na huwag magpakita ng kahit na anumang emosyon rito. “E ikaw Trisha, kamusta ka naman sana?” balik niyang tanong rito. “Sa dalawang taon naming pagsasama paano mo nalaman na wala nga siyang feelings para sa akin? Paano mo malalaman na katulad pa rin ng dati ang pagmamahal niya sayo?” tanong niya rito ng nakataas ang noo.Hindi ito nakapagsalita kaya nagpatuloy siya. “Hindi ka ba natatakot?” dagdag
Pagkatapos magsalita ni Annie ay napatitig siya rito habang pinandilatan ito. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa utak niya para sabihin iyon ngunit hindi niya naman iyon pinagsisishan. Halatang nagulat ito dahil sa sinabi niya dahil bahagya itong natigilan ngunit ilang sandali lang din naman ay nakabawi din ito kaagad at pagkatapos ay nilapitan siya nito at hinaplos ang kanyang buhok.“Huwag kang mag-alala, uuwi ako mamayang gabi sa bahay.” sabi nito sa mahinang boses.Bigla siyang nakaramdam ng saya nang marinig ito at pagkatapos ay sumagot. “Fine. hihintayin ko nalang sa labas ng mall si Kian.” sabi niya rito.Nang makalabas siya ng mall ay ilang minuto lamang ang hinintay niya at tuluyan na nga siyang nakita ni Kian at pagkatapos ay inihatid na siya nito sa bahay nila. Pagkababa niya sa harap ng bahay nila ay pinaalis niya muna si Kian at pagkatapos ay inilagay lamang niya ang kanyang mga pinamili sa garahe at hindi man lang pumasok sa loob pagkatapos ay muling lumabas ng gate
“Nandito si Annie sa bar ko.” sabi ni Tristan sa kaniya.“What?” halos mag isang linya ang kanyang kilay dahil sa sinabi nito. Napatayo siya mula sa kanyang kinauupuan at mabilis na lumabas ng silid. “Diyan ka lang muna pwede ba hanggang sa makarating ako diyan.” sabi niya rito at pagkatapos ay pinatay na ang tawag at nagmadaling sumakay ng kanyang kotse at nagtungo doon.Nang dumating siya doon ay kaagad siyang nagtuloy-tuloy sa loob at nakita niya kaagad si Annie na natutulog sa sofa at mukhang napakahimbing ng tulog nito. Samantala si Tristan naman ay nakaupo sa katabing upuan nito at nang makita siya nito ay kaagad itong tumayo upang salubungin siya.“Pwede ba tayong mag-usap?” agad na tanong nito sa kaniya.“Sorry pero kailangan ko ng iuwi si Annie. Pwede bang sa susunod na lang?” sabi niya rito at pagkatapos ay lumapit kay Annie at kinarga ito kaagad.Medyo naalimpungatan ito ngunit hindi naman ito nagising at pagkatapos ay nakatulog ulit. Tinanguan niya lang si Tristan at nagpa
“Sige.” sagot nito sa kaniya at pagkatapos ay tumango. Kalmado ang boses niyo kagaya ng dati.“Paano ang marriage certificate natin? At si lolo? Nasabi mo na ba?” tanong nito sa kaniya bigla.Tumango naman siya rito. “Pupunta ako sa mansiyon at sasabihin ko kay lolo mamaya at kukunin ko na rin sa kaniya ang marriage certificate. Gusto mo bang sumama doon?” tanong niya rito at pagkatapos ay nakita niyang muli itong tumango sa kaniya.“Sige sasamahan kita doon.” sabi nito sa kaniya.PAGKATAPOS nilang mag-almusal ay nagready na sila kaagad at sumakay na sa kotse para pumunta sa lumang mansiyon ng pamilya Montenegro. Pagkarating nila doon ay kaagad silang sinalubong ng mag-asawang Tita Malou at Tito Alex at tuwang-tuwa ang mga ito nang makita sila.“Hija, binanggit ka lamang ni Sir nitong nakaraang araw at ngayon ay nandito kana ulit.” nakangiting sabi nito sa kaniya. Matamis niya naman itong ngnitian at pagkatapos ay nakipagbeso-beso.“Oo nga po.” magalang na sagot niya.“Tito nasaan po
Nagmulat siya ng kanyang mga mata at pagkatapos ay ibinaba ang tasa sa mesa at pagkatapos ay sumandal sa balikat ng matanda.“Lolo may itatanong ako sa inyo kung okay lang po sa inyo. Gusto ko lang pong malaman ang totoo.” sabi niya rito at pagkatapos ay umayos ng upo at nilingon ito. Agad niyang nakita na nagsalubong ang kilay nito habang nakatingin sa kaniya at pagkatapos ay bahagyang napangiti.“Magtanong ka lang hija sasagutin ko sa abot ng aking makakaya.” sabi nito sa kaniya kaya doon na siya nagkalakas ng loob para magtanong.“Lolo noong pinakasalan ako ni Lucas nagkusa ba talaga siya o dahil pinilit niyo lang siya?” tanong niya na hindi napigilang mapakagat-labi at mangilid ang luha hanggang sa tumulo ito sa pisngi niya.Patuloy na tumulo ang luha niya sa kanyang pisngi. “Lolo sinabi sa akin ni Trisha na kaya lang ako pinakasalan ni Lucas para maprotektahan niya ito. Nagsasabi ba siya ng totoo lolo?” humihikbing tanong niya rito.Hindi naman ito sumagot kaagad bagkus ay masuy
“Sige hija. Mukhang buo na talaga ang isip mo kaya wala na akong magagawa pa kundi ang irespeto na lamang ang desisyon mo.” sabi nito sa kaniya.Bigla nitong iniunat ang kamay at pagkatapos ay itinuro ang cabinet hindi kalayuan sa kanila. “Ilabas mo ang box sa loob ng cabinet.” sabi nito sa kaniya.Agad naman siyang nagpunas ng kanyang mga luha at pagkatapos ay tumayo doon at lumapit sa cabinet at kinuha nga ang box doon pagkatapos ay bumalik siya sa tabi ng matanda at inilapag iyon sa mesang nasa harapan nila.Nakita niyang may kandado pala iyon at may numero, kailangan iyon ng password kaya agad siyang tumingin rito. “Lolo naaalala mo ba ang password nito?” agad niyang tanong rito.“Ang birthday ng lola mo ang password.” mabilis na sagot naman nito sa kaniya. “Lola?” ulit niya sa sinabi nito. Sa totoo lang ay hindi niya ito naabutan dahil nang tuluyan na siyang makapasok sa pamilya Montenegro ay namatay na ito dahil sa sakit.“Alam ni Lucas ang petsang iyon hanapin mo siya para siy