Share

Chapter 37.2

Hindi napigilang mapakuyom ng kamay ni Trisha habang nakatingin sa room kung nasaan si Lucas. Kung hindi pa sinasadyang mapasulyap siya sa gawi doon ay hindi niya pa makikita na naroon din pala si Annie sa restaurant na iyon.

Isa pa ay iniwan talaga siya ni Lucas na mag-isa doon para lang puntahan si Annie. Nakakapanggigigil talaga. Birthday niya ngayong araw at nandoon sila para mag-date pagkatapos ay nandoon si Annie para sirain lang ang espesyal na araw na iyon? Kanina pa ito sa jewerly store at hindi niya akalain na hanggang doon ay naroon ito.

Ngunit hindi siya dapat makita ni Lucas na galit. Kailangan niyang magpanggap sa harap nito na walang nangyari at wala siyang nakita para maging smooth ang date nila. Kailangan niyang tiisin ang lahat ng iyon.

Nang marinig niya ang papalapit na mga yabag ay mabilis niya ibinuka ang kanyang mga kamay mula sa pagkakakuyom at pagkatapos ay nagpaskil ng matamis ng ngiti sa labi. “Lucas…” sabi niya pagkatapos bumukas ang pinto at pumasok ito ro
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Roscales Merlita
Ano to Author joke subrang martir sa tingin mo may mg tiis na mg basa nito dont open but you Need to create a Good Novel or you Need Help from ME
goodnovel comment avatar
Jhunjie Madera
bakit Wala ulit update
goodnovel comment avatar
Marivic Sancha
thank you so much author sa update, more more more more updates please author nakakaexcite basahin
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status