Share

Chapter 81.2

“Talaga?” tanong ni Lucas sa kaniya habang nakatitig na may malalim na mga mata. “Kung ganun ay gagalingan ko pa sa susunod.” sabi nito sa kaniya.

Nanlalaki ang mga mata niyang napatitig rito at napayuko. Nagpatuloy na lamang siya sa kanyang pagkain ng hindi na sumasagot pa sa sinabi nito sa kaniya. Maiksi lang ang kordon niya at hindi niya kayang sabayan ang pang-aasar nito sa kaniya.

Pagkatapos nilang mag-umagahan, akala ni Annie ay papasok sa opisina si Lucas ngunit dumating si Kian doon at idinala ang ilang mga dokumento. Nag-stay ito sa sala habang nakaharap sa laptop nito. Nang mga oras a iyon ay naghihintay pa rin si Annie ng resulta ng kanyang interview sa ospital kaya umupo na lamang sya sa tabi ni Lucas habang may ginagawa rin ito.

Kahit magkatabi silang dalawa ay abala sila sa kaniya-kaniya nilang ginagawa. Hindi nila namalayan ang pagtakbo ng oras at sa madaling panahon ay gabi na pala kaagad.

NAPASIMANGOT si Trisha nang maalala niya ang tungkol sa kapatid niya na si April
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status