Awtomatiko niyang isinara ang kanyang bibig ng mga oras na iyon ngunit paano nga ba siya makakalaban sa lakas nito? Walang panama ang kanyang lakas rito. Galit na galit ang lalaki at ibinuhos lahat ng alak sa kanyang bibig. Sobrang sakit ng pagkakadiin nito ng hawak sa bibig niya at halos napatulo ang kanyang mga luha.Sa huli ay ang isang buong bote ng white wine ang nabuhos nito, ang kalahati ay natapon sa sahig at ang kalahati naman ay nainom niya dahil kung hindi niya ininom ay baka namatay na siya sa pagkalunod. Nang bitawan sya nito ay agad siyang napaubo.Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay tila ba may naglalagablab na apoy sa kanyang tiyan. Magkahalong sakit at init ang nararamdaman niya kung saan ay hindi siya naging komportable.Napahawak siya ng mahigpit sa kanyang damit at parang may nagliliyab sa knaiyang niya, sobrang naiinitan siya. Napahawak siya sa kanyang buhok sa kanyang suot. Bahagyang binuksan ang ilang butones ng kanyang damit dahil sobrang init na init talaga
“Nasaan ka?” agad na tanong ni Lucas rito.Isang matagumpay na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Trisha ng mga oras na iyon. Ngumiti siya at ibinaba ang tawag ng hindi sumasagaot. Agad na tumayo si Lucas mula sa kanyang kinauupuan at lalabas na sana ng silid anng maalala niya si Annie.Makalipas lamang ang ilang minuto ay lumabas ng banyo si Annie at nang makita siya ni Lucas ay agad na ibinigay nito sa kaniya ang mga damit na hawak nito sa kamay nito ng mga oras na iyon. “Magpalit ka ng damit.” utos nito sa kaniya.“Huh?” naguguluhang tanong niya rito at kaagad na nagsalubong pa ang kanyang mga kilay. “Bakit ako magpapalit ng damit?” tanong niya rito.“Basta magbihis ka na lang. Lalabas tayo at Emergency ang pupuntahan natin.” sabi nito sa kaniya.Hindi na lamang siya nagtanong pa at pagkatapos ay kinuha na lamang niya ang damit na ibinibigay nito sa kaniya. Pagkatapos niyang makapagbihis ay kaagad silang bumaba at sumakay sa kotse. pagkaupong -pagkaupo nila sa loob ay kaagad na tumi
Sa mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay ang mga ito ang mag-asawa at siya ay isang estranghero lamang at isang taganuod. Ang mga mata ni Lucas ay bumagsak kay Trisha at hindi man lang siya nito tiningnan kahit na isang sulyap man lang.Sa mga mata nito ay si Trisha lamang ang mahalaga at tila ba nakalimutan na siya nito ng lubusan. Ngayon pa lamang sa paningin niya ay isa lang siyang tagatawag ng tulong at wala ng iba pa. Iyon lamang ang silbi niya. Tumingin si Annie sa mga ito at kung gaano ka-sweet ang mga ito, kung gaano kaantig ang itsura ng mga ito.Nakita niya pa na nakatitig sa kaniya si Trisha habang umuungol sa sakit at nakatingin sa kaniya ng mapanuksong tingin at tila ba nagmamayabang. Isang kasinungalingan ang sabihin na wala lang sa kaniya iyon. Isang kasinungalingan ang sabihin na hindi siya malungkot at hindi siya nasasaktan sa nakikita niya sa kanyang harapan ng mga oras na iyon.Ngunit napaisip siya kung maaari ba siyang lumapit rito at agawin si Lucas mula sa hawak
Habang pinapanuod niya si Annie ay bigla siyang nakaramdam ng awa rito at pagkatapos ay naghanda nang puntahan sana ito ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ay bigla na lamang hinawakan ni Trisha ang kamay niya at pagkatapos ay malungkot na nagsalita. “Lucas please, huwag mo akong iwanan ngayon pwede ba?” sabi nito sa kaniya kung saan ay napatitig siya rito.Nagsalubong ang kanilang mga mata at bakas sa mukha nito ang lungkot. “Natatakot ako. Natatakot talaga ko, pwede bang samahan mo na muna ako?” dagdag pa nitong sabi sa kaniya at pagkatapos ay nag-umpisa nang umiyak.Nang makita niyang umiyak ito at nanginginig ang buong katawan nito dahil sa pag-iyak ay bigla siyang napahawak ng mahigpit sa kamay nito at pagkatapos ay marahan pang pinisil ito. Humarap siya ng tuluyan rito. “Huwag kang mag-alala, magiging maayos rin ang lahat.” sabi niya rito kaagad.Agad naman itong napatango sa kaniya. Inabot ni Trisha ang kanyang braso at mahigpit na niyakap at tila walang planong bumitaw. May
“Sa kaniya ba ito?” tanong ni Annie kay Kian. sa buong byahe nila ay ngayon lang siya nagsalita.Agad namang tumango si Kian. “opo ma’am. Isa pa ay talagang ibinilin po ni Sir dahil alam niya raw na malamig ngayon sa labas at natatakot daw po siya dahil baka sipunin po kayo. Isa pa ay alam niya rin daw po na mahina kayo sa lamig.” sabi nito sa kaniya.Nagtaas siya ng kilay. “So, ibig sabihin ay siya ang humiling na sunduin mo ako at dalhin ako sa ospital?” tanong ni Annie rito.Agad namang tumango si Kian sa kaniya. “Opo, ma’am.”Hindi na siya sumagot pa at pagkatapos ay naglakad na papasok ng ospital at hanggang sa makarating siya sa opisina ng doktor. Agad naman siyang sinuri ng doktor at sinabi na medyo malalim nga daw ang sugat niya at mabuti na lamang daw at walang napinsalang buto.Ilang sandali pa nga ay natapos ng linisin ang sugat niya at pinahiran ng gamot at pagkatapos ay binigyan din siya ng gamot para sa kirot. Agad naman niyang sinabi na gusto niya ay ang ipinapahid lama
Biglang nanlaki ang mga mata ni Lucas na napalingon kay Annie at bakas rin ang pagkagulat sa mukha nito. “Annie, ba-bakit ka nandito?” halos nauutal pa na tanong nito sa kaniya.“Bakit bawal ba akong pumunta rito?” balik na tanong niya rito ng mga oras na iyon. Kung pagkukumparahin ang ekspresyon nilang dalawa ay mas mukha pang natataranta si Lucas ng mga oras na iyon samantalang siya ay kalamadong nakatingin lamang sa kanila.“Hindi, hindi iyon ang ibig kong sabihin.” mabilis na pagdepensa nito sa kaniya na may kasama pang pag-iling. Tumayo si Lucas at naglakad palapit sa kaniya at pagkatapos ay hinawakan ang mga kamay niya.“Kamusta ang sugat mo? Ano ang sinabi ng doktor?” tanong nito sa kaniya na ikinapag-salubong ng mga kilay niya.“Hindi naman delikado.” malamig na sagot niya rito at pagkatapos ay nilingon si Trisha na sa mga oras na iyon ay nakahiga sa kama at nakatingin din sa kanila. “Kamusta ang lagay niya?” tanong niya rito.“Maraming dugo ang nawala sa akniya at mabuti na l
Sa pag-iisip nito ay biglang nakaramdam ng kirot si Lucas sa kanyang puso. Bigla niya pang naalala ang mga nangyari kagabi kung saan ay hinalikan niya ito ng mapusok at sinubukang makipagniig ngunit sa una ay tinanggihan siya nito at siguro ng mga oras na iyon ay labag na labag talaga sa kalooban niya ang pagpayag sa gusto niya.At pagkatapos ay naalala niya na noong nagsabi siya rito na maghihiwalay na sila ay hindi man lang ito tumutol at basta na lamang pumayag ng hindi man lang nagdadalawang isip. Sa huli ang dahilan kung bakit hindi sila naghiwalay ay dahil pa rin sa hiling ng kanyang lolo sa kanilang dalawa. Iyon lamang ang dahilan kung bakit nananatili pa rin silang kasal na dalawa.Nang mga oras na iyon ay napatanong sa isip si Lucas kung hanggang sa mga oras na iyon ay iyong lalaking iyon pa rin ba ang iniisip nito at isinisigaw nito. Ang lalaking bumihag sa puso nito sa loob ng sampung taon. Nang maisip niya iyon ay para siyang isang baliw na nagselos.Nang hindi mahintay n
Agad naman na napatitig si Lucas sa mukha ni Trisha. “Sigurado ka bang kaya mong mag-isa rito?” tanong niya rito.Ngunit hindi pinansin ni TRisha ang tanong sa kaniya ni Lucas. “O siya sige na, sanay naman akong mag-isa. Isa pa ay maliit na bagay lang ito sa akin dahil magpapalipas lang naman ako ng gabi e.” sagot niya rito. “Isa pa ay alam ko ng may asawa ka na at may sarili ng pamilya at ako ay isang pilay na walang magawa.” dagdag pa niyang sabi rito.“Pasensiya ka na. Hindi na kita hahanapin pa at sa pamamagitan nito ay baka…” tumigil ito sa sinasabi mo nito at pagkatapos ay napakagat-labi at nilingon ang direksiyon ni Annie. “Sa mga susunod na raw ay baka hindi na niya ako hanapin ng mali o puntiryahin pa ako.” sabi niya kay Lucas.Samantala ang mga paghakbang na gagawin sana ni Annie ay natigil nang mainig niya ang sinabi ni TRisha. Sa totoo lang ay nagtataka siya kanina pa kung bakit nananatiling kalmado si Trisha a halos hindi man lang kinakabahan na iwan siya ni Lucas mag-isa