Share

Chapter 11

Napaluhod sila sa labis na takot. Nabitawan pa nila ang aking braso dahil sa panginginig ng kanilang kalamnan. Takot na takot sila sa lalaking kaharap namin. Nang sandaling mabitawan nila ako ay wala akong ibang kahilingan bukod sa huwag nang makaramdam pang muli ng panibagong sakit sa katawan.

Hinihintay ko ang paglapat ng aking katawan sa lupa ngunit  isang mainit at matigas na mga bisig ang saki'y sumalo. Napasinghap ako ng magtama ang aming balat.  Amoy na amoy ko ang mala rosas nitong pabango at ang pulang piring sa kaniyang mata'y na aaninag ko kahit na nanalalabo na ang aking paningin.

"Nagkita tayong muli, binibini," bulong nito sa aking tainga.

Ang mabibigat kong talukap ay napakurap-kurap. Ang ibig sabihin niya ba'y nagkita na kami noon? Ngunit hindi ko siya matandaan. Saan ba kami nagkita? Wari'y pamilyar nga ang kaniyang mukha. Nakatitig ako sa kaniyang pulang piring, pakiramdam ko'y tinititigan ako nito sa likod ng kapirasong tela. Binuhat

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status