Share

Chapter 16

Nagsimulang tumugtog ang orchestra. Napakabanayad ng musika, habang ako'y na natili lamang na nakatayo sa gitna ng mga nagsasayawan. Naaaliw na tinitigan ko ang bawat galaw nila. Pakiramdam ko ay sumasayaw na rin ang aking katawan sa pamamagitan lamang nang pagtitig ko sa kanilang masayang mukha.

Huminga ako ng malalim  at pinihit ang katawan sa kabilang direksyon. Ginagap ng aking mata kung na saan ang aking mga kasama. Ngunit bigla na lamang namatay ang ilaw.

Huminto ang tugtog gayoon din ang paggalaw ng mga tao. Nangyari na ito, bulong ng aking isipan. Nanigas ako sa gitna ng madilim na kapaligiran. Habang malamig na umiihip ang hangin sa aking gawi'y nakararamdam ako ng kakaibang saya. Dinadala ng hangin ang isang pamilyar na amoy na nunuot sa aking ilong.

Alam ko kung kanino ito nang gagaling.

Nagsipagtayo ang aking balahibo ng makaramdam ng mainit na bagay na lumapat sa aking leeh. "Hindi kita nagawang isayaw, binibini" bulong nito sa aking

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status