Share

Against The Rules
Against The Rules
Author: Trexgedy

Chapter 1

“Rolean Academy!” a man with black cloak shouted. 

“No boring classes to attend!”  sigaw nito at pilit na nilalapitan ang mga taong pilit naman siyang iniwasan.

Napakurap ako ng magawi ang kaniyang tingi sa akin at ang bughaw nitong mata ay diretsyong ang tingin sa aking mata. Naglakad ito patungo sa ’kin. Napalunok ako habang dahan-dahang umihip ang hangin sa gawing kanan ko. Sumabog sa ere ang kahel kong buhok habang tinatangay ng hsngin ang mga hibla nito sa magkabilang panig ng aking katawan. 

“Wanna come? You are from mortal realm? Aren't you?” tanong pa nito. Tumango lang ako bilang tugon dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya.

Inabot nito ang sa ‘kin ang isang gintong papel. “Here, your parents, guardian etc. They need to sign this if you are interested to enrolled.” Nakangiting wika nito at naglakad na palayo. Hindi ko man lang nagawang makapagsalita o naitanong man lang ang pangalan niya dahil bigla na lamang itong naglaho ng parang bula. 

Napalinga-linga ako sa paligid at ginagap ng aking mga mata ang misteryosong lalaki. Bigla na lamang umihip ang malamig na hangin at isang mabigat na palad ang lumapat sa'king balikat.

“Alam ko ang tumatakbo sa maliit mong utak, Pillow,” nakabusangot na ani ni Tanda.

Napayuko na lamang ako habang hawak ang kapiraso ng papel na ibinagay sa ‘kin ng ginoo. 

“Hindi simpleng paaralan ang papasukan mo Pillow. Isa iyong paaralang kung saan huhubugin at guguluhin ang iyong kaisipan.”

“Hindi po ba talaga ako maaaring mag-aral?” 

“Hindi naman sa hindi ka maaaring makapag-aral, Pillow. Hindi ko lang nais na may malaman ka sa nakaraan mo. Magdudulot lamang iyon ng kaguluhan sayo at sa mundo,” ani niya na nakatanaw ang mga mata sa malayo. Ilang sandali pa ay nagpatiuna na itong naglakad.

Napaisip ako sa tinuran ni Tanda. Bakit naman magugulo ang isip ko kung huhubugin naman ng paaralan ang maliit kong utak? Napakibit-balikat na lang ako at sinundan ito.

“Paul, long time no see,” ani ng baritonong tinig na hindi ko mawari kung na saan. Inilibot ko ang aking mata tinig lamang nito ang aking naririnig. 

Ibinagsak ni tanda ang kaniyang baston sa lupa na nagdulot ng isang malaking bitak. Napatili ang mga tao sa paligid at nagsipagtakbuhan. Ang iilan sa kanila ay natumba at hindi mawari ang kanilang gagawin.

Ang mga maliliit na pamilihan sa paligid ay nagsipagtumba dahil sa mga taong natataranta. Napahawak ako sa braso ni tanda upang ipaalam na nahihintakutan ako. 

“Umuwi na tayo, Pillow,” ani ni tanda at mabilis na ginamit ang kaniyang mahika. Ilang saglit pa ay umikot ang paligid. 

Napapikit na lamang ako dahil tila naduduwal ako sa umiikot na imahe habang tinatahak namin ang daan patungo sa aming mansion.

Lumapat ang aking paa sa lupa hudyat na nakarating na kami. Naunang naglakad si tanda pa pasok ng trangkahan. 

Sinalubong siya ng mga katulong at iniyuko ng mga ito ang kanilang ulo kapag natapat na si tanda sa kanilang gawi.

“Ano pang itinatayo mo r’yan, Pillow?” dumagundong ang boses ni tanda sa aking tainga.

“Na r’yan na ’ho!” sigaw ko at nagmadaling pumaroon sa direskyon niya.

Nahinto sa paglalakad si tanda at mataman akong tinitigan. “Gusto mo ba talagang mag-aral?” tanong niya sa seryosong boses.

Nagdadalawang isip akong sumagot. Gusto ko nga ba pumasok at makipagsalamuha sa iba?

Tila nangungusap ang mga mata nito tanda na humindi ako. Ang panunuyo ng lalamunan ko ang nagpadagdag sa kabang nadarama ko.

“Opo, tanda. Gusto ko pong pumasok. Kung papayagan niyo po ako ay malugod kong ikatutuwa. Ngunit kung hindi ay tatakas na lang,” pagbibiro ko sa kaniya.

Inambahan naman ako ni tanda ng baston. Tila hindi ito natuwa sa pagbibiro ko. 

Napabuntong hininga ito. “Kung gusto mong makapasok roon ay kailangan mong sumailalim sa pagsasanay upang hindi ka nila agrabyaduhin.”

Ihinakbang niya ang mga paa papasok sa hardin at sinenyasan akong sumunod. Limang hakbang ang ginawa nito at huminto. Itinagilid niya sa maliit na awang ang dulo ng baston at pilit na inangat ang tipak ng lupang may damo.

Bumiyak ang lupa sa gitna ng hardin. Dinig ko ang pag-urong ng semento, kasabay n'on ay ang pag-uga ng lupa.

Nanginig ang tuhod ko at napakapit sa balikat ni tanda. “Ta-tanda! Anong ginagawa ko!? Bakit lu-lumilindol!?”

Pakiramdam ko ay magugunaw ang mundo dahil sa labis na pag-uga ng lupa. Mahinang natawa si tanda at inimuwestra ang buhang sa ilalim ng lupa. 

May hagdang semento pababa roon na nasakluban ng mga halamang ligaw. Napaawang ang aking bibig. Sa ilang taon kong narito sa mansion ay ngayon ko lamang nalaman na may sikretong daanan pababa sa lupa.

“Sa loob n’yan ka magsasanay bago kita payagang magkapag-aral,” mahinang ani ni tanda.

Napakiwit ang labi ko pakanan. Seryoso ba siya? Nakakatakot namang pumaroon sa loob niyan!

Pagsasanay ba talaga? O baka rito ako balak ikulong ni tanda. Napaatras ako sa naiisip ko.

“Anong naiisip ng maliit mong utak? Binulong niya ba sayo kung kailan niya balak lumaki?” panunuya nito na sinabayan pa ng tawa.

“Tanda naman e!” hiyaw ko sa kaniya dahil sa labis na pagkainis. 

Hinaplos nito ang kaniyang balbas at pinasingkit ang mata bago nagwika.“Sinabi ko na bang magsasanay ka hindi ba?” 

Tumango ako bilang sagot. “Pagsasanay ba talaga ang gagawin ko r’yan? Tanda naman, hindi pakikipag-away ang gagawin ko. Mag-aaral ako,” mahinang ani ko at pinagsalubong ang magkabilang hintuturo ko.

“Wala kang ideya sa paaralang papasukan mo ano?”

Muli akong tumango at inginuso pa ang labi. Hinila ako ni tanda pababa. Nagulat naman ako dahil sa marahas nitong paghila sa'kin. 

Pumasok kami sa isang madilim na lagusan. Nangatog ang tuhod ko dahil sa maikit nitong tapakan. Saktong isang paa lamang ang tangin mailalapat mo. Kung hindi ka mag-iingat ay paniguradong mahuhulog ka.

“Tanda! Tanda! Dahan-dahan lamang! Baka mahulog ako!” hiyaw ko dahilsa muli nitong paghila.

Humagalpak ito ng tawa nawa’y  natutuwa sa’king pagkataranta. “Huwag kang mag-alala! Hindi kita sasaluhin!”

Nasa ikalabing pitong baitang na kami ng tumigil si tanda. Tanaw mula sa kinatatayuan namin ang isang malawak na nagbabagang lagusan. 

Muling yumanig ang lupa kasabay noon ay ang pagsarado ng buhang sa itaas. Agad kong hinila ang balabal ni tanda dahil magsasara ang lagusan.

“Tanda! Ang lagusan! Sumasarado!” sigaw ko ngunit tila nakikipag-usap ako sa hangin.

Walang salitang namutawi sa mga pabi ni tanda. Nagpatuloy ito sa pagbaba sa hagdan. Unti-unting dumili ang paligid. Ang liwanag na nagmumula sabuhang sa itaas ay tuluyang nawala.

Naipikit ko ang mata ko dahil sa takot. Hindi ko nais ang ganitong tanawin. Ayoko sa madilim na lugar tila may nakatanaw sa'kin sa tuwing sasakupin ako ng kadiliman.

“Pwede mo nang buksan ang  iyong mata senyora,” sarkastikong wika nito at marahas na inalis ang kamay kong nakakapit sa kaniyang braso.

Sa pagmulat ng aking mata isang mahabang marmol na lamesa ang bumungad sa'kin. Hanggang tuhod ko lamang ito. May mga maliliit na upuan sa paligid nito na gawa sa bato.

Nakakamangha ang maparito sa ganitong klaseng lugar. Tila nasa isang panaginip ako. Ito na ba ang umpisa nang paglalayag ko! I giggled while thinking what should I do if makalalabas ako mga patakaran nito tanda!

Buo na ang aking desisyon! Kung bibigyan ako ng pagsubok ni tanda ay dapat ko itong maipasa upang masilayan ang mundo sa labas ng aming mansiyon na hindi kasama si tanda!

Napatango tango pa ako sa aking naiisip. “Tatlong araw kang kakain ng nakapikit,” seryosong sambit niya habang nililinis ang mga kubyertos sa lamesa. 

Napakurap ako sa tinuran nito. Ang kumain sa gitna ng dilim ang unang pagsasanay? 

Humalukipkip ko. “Paano ako kakain ng nakapikit ang mga mata tanda?” 

Sumeryoso ang mukha nito. Hindi makikitaan ng emosyon ang kaniyang mukha. Ang nakatayo sa aking harapan ay tila hindi si Tanda. Napaiwas ako nang tingin dahil sa labis na panlalamig.

“Sa mga oras na ito. Pakatatandaan mo na ako ang iyong guro, at hindi si tanda. Ang bawat pagtawag mo sa akin ng tanda ay may nakaakibat na kaparusahan,” ani niya sa malamig na tinig.

Napalunok ako at napatayo nang tuwid. Ang boses niya ay tila nagmumula sa kailalamin ng lupa.

“Yes, tanda!” mabilis kong ani at huli na para magpagtanto ang aking nasambit.

Isang manipis at matulis na bagay ang agad na humaplit sa’king braso. Mahina ang bawat daing ko. Sumikdo ito sa kaibuturan ng aking kalamnan. Tila isa itong parusang nais na kumawala sa aking balat.

“Ang pag-alala sa panuto ang pinakamahalagang bagay sa paaralang iyon. Talas nang isip at hindi kakikitaan nang ano mang takot ang siyang magpapanatiling buhay sayo,” dagdag pa niya sa seryosong boses.

Mariin akong napapikit habang sapo ang aking braso. May mainit na  likidong dumadaloy doon na siyang nagpagimbal sa’king sistema.

“Ta..tanda!” hiyaw ko dahil sa labas na pagkatakot sa dugo. 

Ngunit imbes na ako’y aluhan, panibagong manipis na bagay ang sa'kin ay tumama.

“Sabihin mo sa'kin agad kong sumusuko ka na. Dahil ang lugar na iyong paroroonan ay mga halimaw at walang awang papaslang sa ’yo!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status