Share

Chapter 2

Umupo ito sa maliit na lamesa at inimuwestra ang nagbabagang lagusan sa lupa. May mga maliliit na butil ng baga ang sumasayaw sa hangin. 

Napaatras ako dahil sa samu’t saring pakiramdam na namumutawi sa’king kaloob-looban.

“Way to hell ang tawag sa lagusang iyan. Kung magagawa mong makapasok sa loob ng hindi dumadaing ay papayagan kitang mag-aral sa paaralang iyon,” ani nito sa malamig na tinig.

Napalunok ako sa kaisipang tumatakbo sa’king utak. Gaano laya ito kainit? Kung magagawa ko bang makapasok, makalalabas pa ba ako?

Walang pag-aalinlangang hinakbang ko ang aking mga paa. Gusto kong humiyaw sa labis na init. Ngunit nilabanan na lamang ito dahil ayokong biguin ang kagustuhan kong makapasok sa paaralan.

Sa bawat paghakbang ng aking paa ay bumibigat ito. Tila nakatali ang aking mga binti sa napakabigat na bato. At mas lalong dumiin ang aking pagkakapikit ng humaplit sa’king likuran ang isang boltahe ng kuryente.

“Ahh!” hiyaw ko. 

Malakas na ibinagsak ni Tanda ang baston na ikinauga ng lupa. Lumikha ito ng malalaking bitak. 

“Magpapatuloy ka pa ba?” tanong niya.

Tumango ako at mariing ikinagat ang ibabang labi ko. Muli akong naglakad at biglang napahinto  ng may matulis na bagay ang tumarak sa’king braso. Naghatid ito nang panlalamig sa’king katawan. Hindi ko magawang maigalaw ang aking mga paa at ganoon rin ang aking kamay.

“Konsentrasyon Pillow. Konsentrasyon ang tutulong sa iyo upang malagpasan ang init sa gitna ng lamig. Ang pagbalewala sa hagupit ng kidlat ang magpapatuloy sa iyo sa paglalakad.”

 

Nagtagis ang ngipin  ko sa bawat paglapat ng boltahe ng kuryente sa’king likuran at binti. Tila anumang oras ay mawawalan na ako ng balanse. Ngunit hindi ako dapat sumuko! Kakayanin ko ito!

“Isipin mo kung gaano ka kadesididong umalis sa poder ko. Isipin mo kung gaano mo kagustong maglakbay ng mag-isa.”

Ano nga ba ang gusto ko? Gusto ko nga bang iwanan si tanda? Gusto kong lumabas sa mundo ng ako lamang mag-isa.

“Ngayon, ihakbang mo ang kaliwang paa mo,” ani niya.

Sinubukan kong ihakbang ang kaliwang paa ko ngunit hindi ko magawa. Nawindang ako ng makitang nagyeyelo na pala ito habang ang kanang paa ko ay nagliliyab.

Kasabay n'on ay ang pagdidilim ng paligid. 

“Willow, anak?” turan ng isang  tinig at tumakbo sa kung saan. 

Napalinga ako sa paligid. Nasa isang masukal na bahagi ako nang kagubatan. May nakapulang kimono ang tumatakbo papasok sa madilim na mabagi. Kusang gumalaw ang aking paa at tumakbo. Sinundan ko ito hanggang sa makarating sa isang makinang na kastilyo.

“Tanda? Nasaan ka?” ani ko habang nagpatuloy sa paglalakad.

Pumasok ang babae sa kastilyo na agad pinigilan ng mga kawal. Nanginig ako sa takot. Ang mga bangkaw ng kawal ay tumusok sa braso ng babae.

Hindi ito makikitaan ng sakit. Tuwid lang itong tumayo at sinakal ang isang guwardiya. Pinaslang nito ang bawat madadaanan niya. Hindi ko magawang makagalaw. Pinagmasdan ko lamang siyang patayin ang lahat. 

Nang masigurong wala nang hahadlang sa dadaanan niya ay pumasok ito sa gintong pinto. Kusa na namang humakbang ang aking paa at sinundan siya.

Nakikipagtalo ito sa isang babaeng nakaputi. Bukod tangi ang kagandahan ng dalawa. Pilit kinukuha ng nakapulang kimono ang batang babaeng may kahel na buhok. Pilit siyang itinatago ng babaeng nakaputi sa likuran nito. 

Kasabay nang pagbagsak ng mga bulalakaw ang paglabas ng lalaking may metal na kasuotan. Natigilan ang nakapulang  kimono at mistulanh nanigas sa kinatatayuan niya. Itinutok ng ginoo ang sandatan nito sa babae.

Hindi nanlaban ang ginang bagkus ay dumaloy ang mga luha nito. Hindi makikitaan ng anumang takot ang ginang kanina habang nakikipagsagupaan sa mga kawal. Ngunit sa sandaling maglapat ang tingin nila ng ginoo ay tila isang batang naligaw.

“Pillow! Gumising ka! Gumising ka!” sigaw ni tanda.

Napakurap-kurap ako at agad na nangamba ng maramdaman ang panunuyo ng aking lalamunan.

“Tu..tubig!” namamaos kong hiyaw.

Sabik na sabik akong mapatakan ng malamig na tubig. Para akong nasa gitna ng disyerto. Napakainit, nakatutuyo ng sistema.

Imbes na bigyan ng tubig  mga matatalim na tingin ang inihandog ni tanda sa'kin.

“Anong nakita mo!?” tila isang napakalas na kulog ang tinig nito. Bahagya pang umuga ang lupa.

Hinawakan ni tanda ang aking braso at tila papel na ihinihagis sa pader. Malakas akong napadaing ng lumapat ang aking likuran sa matigas na bato.

“Immm!” impit kong hiyaw.

Tumulo ang mainit na pulang likido sa aking noo. Tila umusli ang aking mga buto sa likod. Pinilit konh iminulat ang aking talukap nagsasarado dahil sa sakit.

Isang kristal na nilalang ang nasa harapan ni tanda ngayon. Ang asul at puting usok ang bumuo sa kaanyuan nito. Dumagdag sa pagkinang niya ang maliliit na  bagang bumabalot sa kaniyang likod.

“Hindi niya maaaring matunghayan ang lahat!” sigaw ni tanda.

Inaasahan kong magtatalo ang dalawa ngunit prenteng umupo lamang ang nilalang na iyon sa lagusan. Tila hindi niya alintana ang galit sa bumabalot kay tanda.

“Isang kapangahasan ang labagin ang sariling patakaran pangino—” 

“Ititikom mo ang iyong bibig o sisirain ko ang lagusang iyan?!” pagputol ni tanda sa sasabihin nito.

Agad namang bumaling ang ulo ng kausap niya sa’kin. Nahintakutan ako sa lamig ng boses ni tanda. Mas nadarama ko pa ang nangangalit niyang tinig kay sa sa’king na nanakit kong katawan.

“Hanggang kailan mo siya pro-protektahan? Kailangan ka rin sa sarili mong mundo kamahalan,” ani ng nilalang sa harapan ni tanda. 

Lumingon sa’king direskyon si tanda. “Hanggang sa kaya na niyang protektahan ang sarili niya.”

Tumayo ang kausap niya at akmang lalapit sa’kin nang humarang ang baston ni tanda sa kaniyang dibdib. Napataas ang kamay nito at tumigil. 

Sa isang iglap unti-unting nagbabago ang anyo niya. Naging isang napakagandang lalaki ito. Ang katawan nito ay puno ng maningning na bato na naglalaro sa kaniyang kasuotan. Pilit kong inaaninag ang mukha nito ngunit hindi ko magawa. Dahil na rin siguro sa panghihina kung kaya’t nanlalabo ang aking paningin.

“Tama na ang ilusyon, Pien. Makababalik ka na sa loob. Salamat sa paghatid sa kaniya pabalik,” ani ni tanda.

Napakamot sa ulo ang binata at mabilis na lumukso sa lagusan. Kinurap ko ang aking mabibigat na talukap dahil sa walang kahirap-hirap nitong pagpasok sa loob.

Paano niyang nagawa iyon ng hindi nahihirapan? Halos ikamatay ko paglapit sa lagusang iyon samantalang ang binatang kausap ni tanda ay normal lamang na lumukso sa loob n’on.

Sa lalim ng aking pag-iisip, hindi ko naramdamang nasa harapan ko na si tanda. Napaangat ako nang tingin sa kaniya. Matiim lamang niyang akong tinitigan at inangat sa ere.

“Anong iniisip ng maliit mong utak?” tanong niya sa malalim na boses.

Nanghihinang ibinuka ko ang nanunuyo kong labi. Ba-bakit wala akong boses? Napakahapdi ng aking lalamuna na halos ikapilit ko.

“Nanunuyo ang lalamunan at labi mo dahil sa paglamon ng ilusyon sa iyo. Mabuti na lamang at agad kang nakuha ni Pien sa kalagitnaan ng iyong pagdedeliryo.”

Parang papel niya akong iwinasiwas sa himpapawid. Inupo ako nito sa maliit na bangko at hinawi ang magulo kong buhok patungo sa gilid ng aking tainga.

“Alam kong nanghihina ka sa sandaling ito. Ngunit, ang pagsasanay ay nararapat na ituloy at hindi maaaring itigil sa sandaling na umpisahan.”

Hinampas, iwinasiwas, at halos patayin ako sa pagsasanay na ito. Ipagpapatuloy ko pa ba o ititigil ko na?

Nanlaki ang aking mata ng maliwanag ang palad ni tanda. Inilapat niya ito sa aking ulo. Sumisid sa aking kalamnan ang kakaibang pakiramdam. Ang bawat himaymay ng aking katawan ay tila naglalaban sa loob ng aking balat.

Tila pinapawi ng liwanag na ito ang bawat sakit at kirot na sumisikdo sa’king katawan. Tumikhim ako upang subukang malaman kung kaya ko na bang magsalita o kung may boses namamumutawi sa’king labi. 

“Nakasalalay ang kinabukasan mo sa pagsasanay na ito.”

Ibinaba niya ang kaniyang palad at naglakad sa Way to hell. Napaawang ang aking labi nang makitang naghuhugas ito ng kubyertos sa lagusan. Inilapit ko ang aking ulo upang pagmasdang

mabuti  ang ginagawa niya.

Sa pagkamangha ay agad akong napatayo. Inihakbang ko ang aking paa palapit sa direksyon niya. Gusto kong makompirma kung tama ba ang nakikita ko. May mga tubig ma tumatalamsik sa lagusan!

Nang makalapit ay agad kong itinampisaw ang aking daliri. Sa kasamaang palad ay hinampas ni tanda ang lagusan at napunta ang tubig sa’king mata. Napahiyaw ako sa labis na sakit. Tila binudburan ng sili ang aking mga mata!

“Ahhh! Tanda! Balak mo ba akong bulagin?!”

Natatarantang iminulat ko ang aking mata. Mahabaging bathala! Wala akong makita! Napakadilim ng paligid! Napakasakit ng mata ko!

Pilit kong inaaninag ang aking mata. Wala akong makita!

“Ta..tanda?”

Isang manipis na bagay ang tumarak sa’king braso. Nakalimutan ko naman na hindi pwedeng banggitin ang salitang tanda.

Hindi ito sumagot kaya mas lalo lamang akong natakot. Pilit akong naglakad at kinampay-kamypay ang aking mga kamay. Isang pukpok ang gumising sa natataranta kong diwa.

“Gising, Pillow! Ang mga mata mo ay nakapikit lamang! Dahil sa labis na pagkataranta ay pansamantalang hindi gumana ang bahagi ng iyong utak at hindi mo nagawang imulat pa ang iyong mata!”

Huminga ako ng ilang ulit bago kumalma ang aking isip. Napagtanto ko nga na ako’y nakapikit lamang. Sa pagmulat ng aking mata ang nakahaing masasarap na putahe ang agad kong natunghayan. Ulala! Naglaway ako sa pagkaing nakahain sa lamesa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status