Share

Chapter 18

Nang sandaling ilapat ko ang aking likuran sa kama ay agad akong nakatulog. Nagising ako nang may humila sa aking kumot. Nahulog ako sa kama dahil sa lakas nang pagkakahila nito.

Napadaing ako sa sakit at inangat ang aking tingin sa nagmamay-ari ng dalawang pares na mga mahahabng binti. Madilim ang mga mata nitong tumingin sa akin ngunit agad din  na tumalikod. Inihagis nito sa akin ang kumot at mabilis na naglakad palabas ng aking ssilid.

"Bilisan mo't magtungo ka na sa paliguan," turan ni Pawn Cyptus at malakas na isinara ang pinto.

Napangiwi na lamang ako habang sinisubukang itayo ang aking sarili. Ngayon ko lang na napagtantong  hindi pa rin ako nakapagpapalit ng damit. Napatingin ako sa aking dibdib at bigla napatili. Kaya pa la ito lumabas ay dahil bahagyang nakalabas ang aking panloob na kasuotan.

Mabilis kong iniligpit ang kumot at isinalansan ito sa kama. Nagbihis na rin ako upang magtungo sa paliguan. Ito ang unang beses kong makapupun

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status