Habang na sa himpapawid kami'y hindi ko maiwasang mapasulyap at ilabas ang aking kamay sa may bintana upang hawakan ang mapuputing usok na tinatawag nilang ulap.
"Pillow, huwag mong inilalabas ang iyong kamay. Baka makita at maamoy ng hungry fish ang iyong aroma at salakayin tayo," saway ni Death sa akin.
"Hungry Fish?" tanong ko at ipinasok ang aking kamay sa isang maliit na lampara. Nilalamig ako dahil sa dulot na kakaibang enerhiya ng mga ulap sa aking balat.
"Hungry Fish, sila ang mga isinumpang sirena sa karagatan. Pinarusahan sila at ginawang taga bantay at taga linis ng kalangitan. Sila ang pumapawi sa mga bagyo't sama ng panahon. Ngunit ang iilan sa mga hungry fish ay matitigas ang mga ulo."
"Sila pa mismo ang nagpapalakas ng buhawi't mga masasamang klima sa mundo ng mga tao," saad ni Dicky na kasalukuyang umiinom ng tsa-a.
"Kung gaanoon sila ang dapat sisihin sa mga buhay na nawawala dahil sa paghugupit ng masamang
Nang sandaling ilapat ko ang aking likuran sa kama ay agad akong nakatulog. Nagising ako nang may humila sa aking kumot. Nahulog ako sa kama dahil sa lakas nang pagkakahila nito.Napadaing ako sa sakit at inangat ang aking tingin sa nagmamay-ari ng dalawang pares na mga mahahabng binti. Madilim ang mga mata nitong tumingin sa akin ngunit agad din na tumalikod. Inihagis nito sa akin ang kumot at mabilis na naglakad palabas ng aking ssilid."Bilisan mo't magtungo ka na sa paliguan," turan ni Pawn Cyptus at malakas na isinara ang pinto.Napangiwi na lamang ako habang sinisubukang itayo ang aking sarili. Ngayon ko lang na napagtantong hindi pa rin ako nakapagpapalit ng damit. Napatingin ako sa aking dibdib at bigla napatili. Kaya pa la ito lumabas ay dahil bahagyang nakalabas ang aking panloob na kasuotan.Mabilis kong iniligpit ang kumot at isinalansan ito sa kama. Nagbihis na rin ako upang magtungo sa paliguan. Ito ang unang beses kong makapupun
Nahihiyang umiwas ako nang tingin ngunit hinuli niya ang aking mukha at pilit na ihinaharap sa kaniya."Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang kagustuhan kong makasama ka. Handa kong itigil ang oras at pag galaw ng ng mundo para lamang makasama ka," saad niya at unti-unting inilapit ang kaniya mukha sa akin.Naipikit ko ang aking mata at bigla na lamang rumehistro ang ilan sa mga imaheng hindi ko gaanong mamukhaan. "Magkikita tayong muli sa ikatlong dimension ng buhay," rinig kong wika ng kung sino kung kaya't mabilis akong napamulat.Sobrang lapit ng aming mukha sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit may butil ng luha sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin."Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya at bahagyang inilayo ang aking mukha.Tumango ito at nagtungo sa pinakamalapit na kabinete. Kumuha ito ng napalaking libro. Mugto pa rin ang kaniyang mata habang nakatitig sa akin."Ang kapalarang paulit-ulit mong babaguhin ay paulit-ulit
“Rolean Academy!” a man with black cloak shouted. “No boring classes to attend!” sigaw nito at pilit na nilalapitan ang mga taong pilit naman siyang iniwasan. Napakurap ako ng magawi ang kaniyang tingi sa akin at ang bughaw nitong mata ay diretsyong ang tingin sa aking mata. Naglakad ito patungo sa ’kin. Napalunok ako habang dahan-dahang umihip ang hangin sa gawing kanan ko. Sumabog sa ere ang kahel kong buhok habang tinatangay ng hsngin ang mga hibla nito sa magkabilang panig ng aking katawan. “Wanna come? You are from mortal realm? Aren't you?” tanong pa nito. Tumango lang ako bilang tugon dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Inabot nito ang sa ‘kin ang isang gintong papel. “Here, your parents, guardian etc. They need to sign this if you are interested to enrolled.” Nakangiting wika nito at naglakad na palayo. Hindi ko man lang nagawang makapagsalita o naitanong man lang ang pangalan niya dahil bigla na lamang itong nagla
Umupo ito sa maliit na lamesa at inimuwestra ang nagbabagang lagusan sa lupa. May mga maliliit na butil ng baga ang sumasayaw sa hangin.Napaatras ako dahil sa samu’t saring pakiramdam na namumutawi sa’king kaloob-looban.“Way to hell ang tawag sa lagusang iyan. Kung magagawa mong makapasok sa loob ng hindi dumadaing ay papayagan kitang mag-aral sa paaralang iyon,” ani nito sa malamig na tinig.Napalunok ako sa kaisipang tumatakbo sa’king utak. Gaano laya ito kainit? Kung magagawa ko bang makapasok, makalalabas pa ba ako?Walang pag-aalinlangang hinakbang ko ang aking mga paa. Gusto kong humiyaw sa labis na init. Ngunit nilabanan na lamang ito dahil ayokong biguin ang kagustuhan kong makapasok sa paaralan.Sa bawat paghakbang ng aking paa ay bumibigat ito. Tila nakatali ang aking mga binti sa napakabigat na bato. At mas lalong dumiin ang aking pagkakapikit ng humaplit sa’king likuran ang isang boltahe ng ku
Ilang beses akong napalunok at hindi magawang iaalis ang paningin sa pagkain. Tiyak kong uunahin ay ang kulay gintong rolyo ng gulay. Binilang ko ang layo nito sa mula sa bawat pagitan ng bawat potaheng na sa plato.Ini-imagine ko ang bawat pagnguya ng aking ngipin sa bawat rolyo ng pagkain na sa lamesa.“Maupo ka at isaulo ang bawat posisyon ng pinggan. Memoryhahin mo ang nasa kaliwa’t kanang pagkain at ipasok mo sa iyong kokote ang mga pangala’t amoy ng mga ito.”Agad ko namang tinitigan ang mga ito.“Mula sa hugis, amoy, lasa at kung saan ito nakalagay ay memoryahin mo sa gitna ng madilim na espasyo ng lugar na ito,” tila isang hipnotismong ani ni tanda.Natutuwang pinasadahan ko nang tingin ang bawat plato. Sinunod ang sinaad ni tanda, minimeryo ang pwesto ng bawat isa. Sa panlasa ay sigurado naman akong agad ko itong malalaman.“Easy!” buong pagmamayabang kong wika.
Napatalon talon ako at parang may sariling buhay ang katawan kong sumasayaw ng mag-isa na walang musika. Hinawakan ko pa ang saya ng aking roba at nakangiting umikot ikot. Napawi ang ngiti sa'king labi ng mapagtanto na hindi na ako ang may kontrol sa katawan ko.“Munting binibini. Lapit, lumapit ka..” wika ng isang tinig sa may puno.Pilit kong pinipigil ang aking katawan ngunit ayaw nitong sumusunod sa'king kagustuhan. Natataranta na ako sa takot. Patuloy lang sa pag-ikot at pagsaliw sa hangin ang aking katawan. Hindi ko alam ang gagawin ko’t ang dapat kong isipin.“Konsentrasyon, Pillow..” mula sa kung saang tinig.Napawi ang aking takot ng mapag-sino ang boses na iyon. Agad akong pumikit at inisip kong anong gusto ko.“Gusto kong makaalis sa lugar na ito..”“Gusto kong makaalis sa lugar na ito..”“Gusto kong makaalis sa lugar na ito..” paulit ulit kong us
Sa apat na araw na pamamalagi ko sa tabi ni Olfor, ang puno na nagturo sa akin ng pamumuhay sa labas ng ang aking kinagisnang lugar ay napakadami na akong natutunan. Hindi pa la madaling mamuhay ng mag-isa kaya siguro ganito na lamang ang pagtutol ni tanda sa akin na umalis at mag-aral. Ayon din kay Olfor mas lalong marami kang nalalaman mas malaki ang tiyansang mapahamak ka. Kung hindi matibay ang pananalig mo sa iyong sarili mas makabubuting wala kang kaibiganin kapag na sa loob ka na ng paaralan.Na alimpungatan ako sa malakas na sigaw ni Olfor."Pillow, gumising ka! Kailangan mong maalis ngayon din!"Napabalikwas ako ng bangon. Mabilis akong dumaosdos sa kaniyang mga sanga. Kaya ko nang bumaba ng walang kahirap-hirap dahil sa ilang araw na pagtuturo niya sa akin."Anong problema, Olfor?" tanong ko sa kaniya na papungas-pungas pa."Ang mga kalahok sa Rolean Blood plus ay naghahanap ng maaari nilang maging alipin para sa gaganaping
Iniwan na nga ako ni Grocha sa may pangpang. Sa gitna ng kadiliman ay lumiwanag ang ibinigay sa aking regalo ni Olfor. Ito ang nagbigay daan sa aking upang matagpuan ang isang maliit na daanan. Naglakad ako papasok sa makitid na halaman. Tinanaw ko muna sa malayuan ang asul na tarangkahan na kung saan si David at Argus ay na roon. Hindi ko lubos maisip na malayo pa rin ang lalakbayin ko bago marating ang paaralan."Lumapit ka upang tuluyang makapasok sa iyong paaralan," rinig kong turan ng kung sino.Sinuyod ko ang bawat sulok ng kadiliman upang mahanap ang tinig na iyon. Ngunit wala akong makita. Tinahak ko na lamang ang daan ng hindi lumilingon sa aking likod. Pakiramdam ko ay kanina pang may sumusunod sa akin. Ilang minuto pa ay narating ko na ang nagliliwanag na lagusan.Nag-aalangan man ay pumasok na lamang ako. Labis akong napasinghap ng magbago ang paligid. Napapikit-pikit pa ako dahil hindi ako makapaniwalang na sa loob na agad ako ng paaralan. Sa aking