Share

Chapter 3

Ilang beses akong napalunok at hindi magawang iaalis ang paningin sa pagkain. Tiyak  kong uunahin ay ang kulay gintong rolyo ng gulay. Binilang ko ang layo nito sa mula sa bawat pagitan ng bawat potaheng na sa plato. 

Ini-imagine ko ang bawat pagnguya ng aking ngipin sa bawat rolyo ng pagkain na sa lamesa.

“Maupo ka at isaulo ang bawat posisyon ng pinggan. Memoryhahin mo ang nasa kaliwa’t kanang pagkain at ipasok mo sa iyong kokote ang mga pangala’t amoy ng mga ito.”

Agad ko namang tinitigan ang mga ito.

“Mula sa hugis, amoy, lasa at kung saan ito nakalagay ay memoryahin mo sa gitna ng madilim na espasyo ng lugar na ito,” tila isang hipnotismong ani ni tanda.

Natutuwang pinasadahan ko nang tingin ang bawat plato. Sinunod ang sinaad ni tanda, minimeryo ang pwesto ng bawat isa. Sa panlasa ay sigurado naman akong agad ko itong malalaman.

“Easy!” buong pagmamayabang kong wika.

Umingos si tanda. Tila hindi sang-ayon sa'king tinuran. “Huwag aanihin ang hindi pa nahihinog na bunga, Pillow,” pagpaparinig nito at umiiling na  lumikha ng isang piring sa kaniyang palad.

Nag-aapoy ang piring nahawak ni tanda. Mistulang isang apoy na mga hibla ang bumuo sa kapirasong telang hawak niya. Inilapat ito ni tanda sa'king mata. Nakasisilaw na paligid and sa'king mata’y yumapos.

“Konsentrasyon, Pillow!”

Nawala sa isipan ko ang lahat ng aking minemorya. Sa pagdagundong ng boses ni tanda  ay mas ikinaila ng aking isipan ang bawat lokasyon, pang-amoy at kung ano ang nararapat kong gawin sa mga oras na ito.

Inangat ko ang aking kamay upang subukang mangapa sa liwanag. Agad akong napahiyaw ng may mainit na bagay akong nahawakan.

“Kandila iyan, Pillow!”

“Konsentrasyom, Pillow!”

“Isda iyan!”

“Hindi mo isina-isip ang mga sinambit ko, Pillow!”

“Sigurado ka bang gusto mong mag-aral sa paaralang iyon?!”

Nagsimulang manginig ang mga daliri ko dahil sa kaguluhan ng isip ko. Parang sumusuko na ako at gusto nang ihinto ang pag-eensayong ito. Sa hindi ko nga kayang magfocus. Hindi ko kayang maisip kong ano nag gagawin! Ang hirap! Ang ganitong pagsasanay ay isang kalabisan!

Marahas na tinanggal ni tanda ang piring sa'king mata. Doon ko pa lamang na pagtantong may mga likidong dumadaloy sa'king pisnge. Hinagis ni tanda ang tela sa lagusan. Sa isang iglap ay naging abo ito.

Naluluhang napayuko ako at pinagsalubong ang magkabilang hintuturo.  Hinampas ng malakas ni tanda ang mesa dahilan upang lumikha ng malakas na tunog. Malakas na tunog na siyang mas lalong nagpapalahaw sa'kin sa pag-iyak.

Sa labing pito kong pamumuhay sa mundong ito, ngayon ko pa lamang nasaksihang ganito ang ikinilos ni tanda. Kung ayaw niya akong pumasok sa paaralan ay hindi na lamang ako papasok. Hindi ko na pipiliting mag-aral. Mananatili na lamang ako sa kaniyang tabi kung ganito kahirap ang matuto.

“Itatangis mo na lamang ba ang lahat kapag nahihirapan ka? Walang puwang ang luha sa akademyang iyon! Hindi laro at biro ang paaralang iyon, anak. Maaari mong ikamatay ang pagtapak sa lupain ng mga dyos!” 

Umalingaw-ngaw ang tinig ni tanda. Tila isang latigong humahagupit sa magkabilang tainga ko ang kaniyang tinig.

“Ayaw mong magsanay? Ayaw mong mahirapan? Saan ka lulugar sa paaralang iyon? Baka sa unang araw ng iyong pagpasok ay agad kang bawian ng buhay!”

Nanlamig ako sa sunod sunod na tinuran ni tanda. Kung ang pag-aaral sa loob ng paaralan ay katumbas ng kamatayan, bakit pa nila iniimbitahan ang mga nilikha na pumaroon?

Napayukyok ako sa lamesa at tahimik na umiiyak. Siguro nga’y hindi ako nararapat na pumasok doon. Sa mahinang kokoteng kaulad ko ay hindi kakayaning mamalagi ng matagal sa paaralang iyon.

Kung siguro’y katulad ako ng mga batang mula sa Scarlet Clan ay hindi ako mahihirapan ng ganito. Napatid ang pag-iisip ko dahil sa kakaibang tunog. Inangat ko ang aking ulo at pinaling ang mata sa pinagmumulan nh ingay.

Umurong ang isang tipak ng bato sa itaas. Hudyat na binuksan ni tanda ang labasan.  Kasunod noon ay ang pagbuhos ng tubig sa itaas. Kitang kita ko ang nanlalaking mata ni tanda dahil sa paghampas ng tubig sa kaniya. 

“Umulan pala? Bakit hindi ko alam?” ani niya at pinatunog pa ang dila.

Sa isang kisap mata ay agad na bumalik si tanda sa dati niyang pag-uugali. Nawala ang nakakatakot nitong boses gayoon rin ang istrikto nitong mga mata.

Lumingon siya sa direksyon ko. Inilahad ang kaniyang kamay ilang milya mula sa aking kinauupuan. Nakapaskil sa kulunit nitong labi ang isang matamis na ngiti.

“Halika ka na, Pillow. Kung hindi mo nais na magsanay ay hindi kita mapipilit. Ngunit, kung nanaisin mo pa ring pumasok sa paaralan ay huwag mong asahang may tulong kang matatatanggap mula sa'kin.”

Tumayo ako at pinunasan ang luha gamit ang likod ng palad ko. “Sa pagpasok mo sa loob ang ugnayan natin ay magtatapos,” ani niya na nagpatigil sa akin sa paglalakad.

Kumirot ang aking dibdib sa inusal ni tanda. Muli akong pumalahaw sa pag-iyak. Mistulang  isang batang naligaw ng landas sa masukal na gubat.  Gusto ko lang namang mag-aral. Nasasaktan ako ng sobra dahil tila itinatakwil na ako ni tanda.

“Anong iniiyak iyak no d’yan? Hindi ba’t gusto kong mag-aral at umalis sa'king poder? O s’ya! Pinapalaya na kita,” dagdag pa niya.

Humihikbing lumapit ako kay tanda. Hinimas nito ang kaniyang balbas at seryosong nakatitig habang papalapit ako. 

“Gusto mo bang pumarito na lang sa loob? Kay bagal mong gumalaw!”

Umiiling na binilisan ko ang pagtakbo at sinundan siya paakyat ng hagdan. Nagtatakang tinitigan ko ang tapakan. Malapad na ito at hindi na  maikit. 

“Bukas na bukas ay kahaharapin mo ang mundo na hindi na ako kasama,” wika niya ng palabas na kami. 

Suminghot ako sa hangin habang nakasunod sa likuran niya. Wala naman akong ibang nais kung hindi ay maglakbay at matutong protektahan ang aking sarili. Gusto ko lang naman na hindi maging pabigat kay tanda. Ang tanging nais ko lang naman ay masilagan ang mundo at balang araw ako naman ang magpro-protekta sa kaniya.

Biglang sumagi sa'king isip ang ilusyong nakita ko kanina. Ang ginang na may pulang kimono at ang mga kawal na walang habas nitong pinatay. Ang batang babae na may kasing kulay ng aking buhok at ang ginoong nais kong yakapin. Tila may kung ano sa’king kaloob looban ang gustong muling makita ang dalawang nilikha. 

Ang dalawang nilalang ay nais kong muling makita, mayakap at alamin kong baiit ganito na lamang ang pagsikdo ng aking puso sa tuwing maiisip sila.

Ang ginoong nakasuot ng pandigma at ang ginang na may pangungulila ang mga mata ay nais kong mayakap. Parang may kung ano sa'king kalamanan na sumisigaw ng kasabikan. Kasabikang inaasam asam ng aking puso.

“Maligo ka’t magpalit ng iyong damit. Baka magkasakit ka,” bilin nito at nagpatiuna na.

Hindi na ako umimik dahil wala naman akong sa sabihin. Okyupado rin ang aking utak ng mga katungan na sa tingin ko ay sa paaralang iyon ko malalaman.

“Hindi ko alam na darating ang panahong masisilayan kong lumaki ka’t magiging katulad ng kapalaran ng iyong ina. Nawa’y sa landas na iyong tatahakin ay ang pagiging mabuti ang ’yong piliin,” tanging wika ni tanda bago  ako iwan sa tapat ng masukal na kagubatan.

Nais ko sana siyang pigilan ngunit bigla siyang nawala ng parang bula. Nagsarado ang mga baging sa paligid at pumulupot ito sakin. Hiniila  ako sa pusod ng kakahuyan. 

Nang maalis ang nakapulupot na baging sa'king baywang ay umikot ang paningin ko. Marahil ay sa pag-alog ng aking ulo habang hinihila ako ng mga ito.

Natatakot man ay sinubukan ko pa ring ihakbang ang mga paa. Kung mananatili ako rito’y walang mangyayari. Kung may pasukan, siguradong may labasan. Kailangan ko lamang ay magpatuloy at labanan ang takot na lumalamon sa'kin.

Kinuha ko ang mapa at lampara sa'king supot na dala. Sinindihan ko ito at iniintindi ang mga nakasulat sa mapang hawak ko. Kung tama ako ay sa kanang bahagi ang daan. Subalit na saan nga ba ang kanan?

Napakamot na lamang ako sa ulo habang pinagmamasdan ang mapa. Dumidilim na rin ang paligid. Ang mga damo ay nagsisimula ng lamunin ng kadiliman. Tanging ang lamparang hawak ko lamang ang nagbibigyan liwanag sa daan.

“Nakakapagod,” usal ko at pansamantalang tumigil. Pinunasan ko ang namumuong mga pawis sa'king noo. 

Lumalamig na ang simo’y ng hangin. Ang simukra ko naman ay kumakalam na rin dahil sa gutom. Hindi kasi ako pinayagan ni tandang magbaon ng pagkain. Sa paglalakbay ko raw ako maghahanap ng makakain upang malaman ko ang salitang MABUHAY sa gitna ng kaharangan kong mag-isa.

Nagpatuloy ako sa paglalakd. Pinakiramdaman ko ang paligid habang naglalakad. Hindi ko nga alam kung ilang oras ko na bang nilalakbay ang gubat na ito. Parang pakiramdam ko ay paikot ikot lang ako. 

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Luxx Oxford
waiting for next chapter
goodnovel comment avatar
Luxx Oxford
next chapter po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status