Share

Chapter 44

Tahimik pero kumplikado ang nararamdaman ni Louie habang nakaharap siya sa laptop kaya ni isa ay wala siyang natatapos na trabaho. Nasa Del Rio Tower ang katawan niya pero ang utak ay tila naiwan niya yata sa Tagaytay. Magulo ang isip niya kaya hindi siya makapag-isip ng tama. Parang gulong na paikot-ikot sa isip ang isang gabing panaginip niya kay tungkol kay Elyssa noong huling gabi niya sa Tagaytay bago siya umuwi ng Maynila.

"It doesn't seem right. Why did I feel like that dream was surreal?" naguguluhan pa ring bulong niya. Sumandal siya sa kinauupuang swivel chair at bahagyang hinilot ang sintido. Kanina pa sumasakit ang ulo niya sa kakaisip.

Ang totoo, ay nag-iiba ang pakiramdam ng katawan ni Louie sa tuwing maalala ang mainit na tagpo sa panaginip niya. "Oh, I miss you, Elyssa..." anas niya. Mariin siyang napapikit. Pero sa pagdilim ng paningin at pagsarado ng talukap ng mata ay ang nakangiting mukha ng dalaga ang bumungad sa kanya.

"God!" Naihilamos niya ang kamay sa mukha dah
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status