Sandaling natigilan si Elyssa sa pakikipag-usap kay Wilson, bago niyang kaibigan, nang marinig ang isang pamilyar na boses. Pasimple siyang lumingon sa kanyang tagiliran kung saan nanggagaling ang boses. Inaasahan na ni Elyssa na baka kaboses lang ‘yon pero nabigo pa rin siya. It was the girl that she started to loath. She was not wrong, it’s Tracy. Agad na gumuhit ang kirot sa puso niya nang makita si Louie na masaya at sweet na nakikipag-usap kay Tracy. He really forgot everything that happened between us. Mapait na bulong ng isip niya.Pero kahit ganoon ay hindi niya pinahalata na hindi siya apektado. Nilabanan niya ang sarili na huwag itong lingunin. Nagpatuloy siya sa pakikipag-usap kay Wilson at paminsan-minsang tumatawa dahil sa mga biro nito. Nakilala niya ang nang nagpa-enroll siya noong nakaraang linggo. Kaya nang nagkita sila kanina ay agad silang nagkausap. Medyo magaan ang loob ni Elyssa rito dahil kuwela itong kausap.Ang siste ay biglang nagbago ang paligid niya dahil sa
Padabog na isinara ni Louie ang pinto pagkapasok na pagkapasok ng opisina. Maaga siyang pumasok sa factory para makita si Elyssa, ngunit imbes na sumaya dahil nakita niya ang dalagang napupusuan ay nasira lang ang mood niya nang maabutan itong may kayakap na lalaki. Lalong nag-init ang dugo niya nang marinig pa itong pumayag makipag-lunch sa lalaking kausap nito. He was beyond frustrated and …jealous?Walang kaabog-abog na dire-diretso siyang naglakad papunta sa elevator. Madilim pa rin ang mukha niya at mababakas pa rin ang inis habang pinipinndot ang top floor nang makapasok sa elevator. Nasasaktan siya na makita si Elyssa na intimate sa ibang lalaki. It may have looked like a friendly hug, and he didn't have any idea what had happened. He still felt hurt.Pilit na pinakalma ni Louie ang sarili habang mabilis na humuhugot ng buntong-hininga upang tanggalin ang inis na nararamdamn. Pero halos naibuga na niya ang hangin sa baga niya ay hindi pa rin nawawala ang inis niya.Fuck! Ano ba
Nanlulumo ang balikat na napasandal sa pintuan ng stockroom si Elyssa nang makalabas ng opisina ni Louie. Malayo ito sa workplace kung saan maraming kasamahan niya kaya't walang gasinong tao. Malaya niyang mailabas ang sakit na nararamdaman niya. Hindi niya maintindihan ang pabago-bagong ugali ni Louie. Malamig siya nitong pinakitunguhan ngunit nang silang dalawa ang natira sa opisina ay nagbago na naman ang ugali nito. Daig pa nito ang bagyo sa bilis ng ihip ng hangin. Naiinis siya rito dahil sa pagtrato nito kay Diego kanina na hindi naman alam ang tunay na dahilan kung bakit niyakap siya ng binata. Iyon ang dahilan kaya hindi niya ito kinausap nang maayos. "Hanggang kailan mo sasaktan ang damdamin ko, Louie? Why are you treating me like this kung may iba ka na?" Tahimik na usal niya. Mariin niyang ipinikit ang mata na nag-uumpisang nagtutubig. Pero dahil sa sakit na hindi niya kayang pigilan ay tumulo pa rin ang luha niya.Nagulantang si Elyssa nang biglang may nagsalita sa tabi
Mabilis na kumabog ang puso niya at ibinalik ang tingin kay Marra. "Ah, sige, cousin. Mag-usap na lang tayo sa bahay. Mag-uumpisa na ang klase ko." Mabilis siyang nagpaalam sa pinsan. "Nope, you're staying with me. Samahan mo kaming mag-lunch," pigil ni Marra. "But—" "No more buts!" putol nito sa sasabihin niya. Hindi siya binigyan ng puwang upang magprotesta. "Besides, kung hindi mo siya iniisip tulad ng sabi mo, ba't mo siya iniiwasan?" Walang nagawa si Elyssa kundi ang sumunod sa pinsan upang ipakita rito na hindi siya naapektuhan sa presensiya ni Louie. Hindi na siya nakahuma nang tuluyang makalapit sa kanila ang dalawa."Hi, babe," bati ni Minho kay Marra. Dinampian nito ng halik sa labi ang pinsan bago bumaling sa kanya. "Hello, Issay." Nginitian siya nito."Hello, Minho," matipid na sagot niya. Bahagya niyang sinulyapan si Louie. "Hello, sir."Tumango lang ang huli pero hindi umimik. Nakaramdam muli si Elyssa nang bahagyang kirot sa dibdib dahil sa malamig na pakikitungo n
Hindi namalayan ni Elyssa na matuling lumipas ang tatlong buwan at ngayon nga ay second evaluation nila ni Althea para sa pagiging posisyon ng department head. Siya ang nakakuha ng points noong nakaraan kaya naman kapag siya uli ang makakuha ng points ngayon ay siya na ang mapipili. At ang mapipili ay magkakaroon ng pagkakataon na makapunta ng Singapore para sa isang linggong work seminar sa branch nila roon.Masayang nakikipagkuwentuhan si Elyssa kay Diego sa canteen nang biglang dumaan sa tabi nila si Althea. As usual, the bitch always has something to say."Oh! The leech and the snake!" Nang-uuyam na tuya nito sa kanila.Nawala ang ngiti sa labi ni Elyssa nang marinig ang sinabi ni Althea. Pero pinigilan niya ang sarili na huwag siyang umimik. Nagpatuloy siya sa pagkain ng kinakain niyang pasta. Hangga't maaari ay ayaw niyang makipagtalo rito. Sangkaterbang pagtitimpi ang inipon niya para hindi ito patulan."Hello there, Miss Castillo. Did you enjoy your moment with my boyfriend? Or
Habang nakatayo sa harap ng pintuan ng opisina ni Louie ay pilit na inaayos ni Elyssa ang suot na damit kahit wala naman iyong gusot. Dahil hindi na siya nakapag-retouch ay pinunasan na lang niya ng dalang panyo ang pawis na namumuo at ang natuyong luha dulot ng drama niya kanina-kanina. Mabilis ang tibok ng kanyang puso habang may naka-plaster na ngiti sa kanyang labi.Tumikhim muna siya at nag-ipon ng lakas ng loob bago kumatok.“Come in!”Matapos marinig ang sagot mula sa loob ay tuluyang pumasok sa loob si Elyssa. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya dahil silang dalawa na naman ni Louie ang magkasama.Nang makapasok ay tumigil siya sa sofa pero hindi umupo. Lalong sumikdo nang malakas ang dibdib niya nang makitang nakapamulsa si Louie at nakasandal sa pader habang may kausap sa cellphone nito. Kahit side profile lang ang nakikita niya ay guwapong-guwapo pa rin si Elyssa sa binata. Nakatanaw ito sa labas ng bintana kaya siguro hindi siya napansin na pumasok.Hindi niya mapigilan a
Nagpapadyak sa inis na lumabas ng opisina si Elyssa. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang galit sa kanya ni Louie para pag-akusahan siya tungkol kay Diego.Grr!!! Daig pa ang babaeng nireregla!Naglakad siya pabalik sa area na nakasimangot. Mabilis Kang bawat hakbang niya dahil nails niyang makalayo sa pagmamukha ng boss niya. Pero dahil sa sobrang inis ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahapo kaya huminto siya sa paglalakad. Sa isiping uulitin niya ang report at ipasa iyon kinabukasan ay pakiramdam niya nauubusan na siya ng hininga.Napahawak siya sa dibdib at napagpasyahan na umupo sa kahon na nasa tabi ng hallway papunta sa bodega. Walang tao sa pasilyo marahil ay abala na ang lahat sa kani-kanilang trabaho.Bago pa man lumapat ang puwetan ni Elyssa sa kahon ay biglang may tumawag sa kanya. It was Louie."Miss Castillo! I need you—"Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil bigla itong napatakbo papalapit sa kinaroroonan niya. Paano ba naman kasi, ang kahon na uupuan
Kinabukasan kahit day-off ay pumasok nga si Elyssa sa trabaho para tapusin ang report na pinapagawa sa kanya ni Louie. Alam niyang tama ang ginawa niya pero ayaw niyang makipagtalo sa kanyang boss na may topak. Nasa factory na siya at hindi niya alintana ang mga tsismis tungkol sa kanya ng mga kasamahan nina tungkol sa nangyari kahapon. Inabala niya ang sarili sa pagagawa ng report upang makalimutan ang nangyaring insidente at para na rin hindi mapansin ang nakakabagot na oras.Kung bakit kasi pinapaulit pa ng topakin na ‘yon? Himutok ng dalaga. Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang subsob sa trabaho at hindi niya pansin ang oras.Biglang napatayo si Elyssa mula sa pagkakaupo sa sahig nang marinig na pina-page ang pangalan niya. Alas-dose na pala? Tahimik na bulong niya nang mapasulyap sa wallclock na nasa area ng stockroom kung saan siya nagbiblang.Matapos ligpitin ang nagkalat na inventory sheets ay dali-daling inayos ni Elyssa ang sarili at lumabas ng stockroom. Mabibilis an