Share

Chapter 37

Pumikit ako bago sumagot. "S-Sige po kung 'yan ang gusto niyo." Kumalas siya sa pagyakap sa akin at hinalikan ang aking mga kamay.

"Gusto ko siyang makita si Nanay," wala sa sariling sabi ko.

"Huwag kang mag-aalala, dadalawin natin siya," ngumiti si Mommy sa akin bago ako niyakap ng mahigpit. "Mahal na mahal kita, anak. Hayaan mo akong punan ko ang mga araw at taon na hindi tayo magkasama bago ako mawala sa mundo."

"Mommy huwag kang magsalita ng ganiyan!" saway ni Britney sa kaniya. "Magpapakabait na ako. Lalo na't kasama na natin si Ate. Hindi ko na kayo bibigyan ng problema," emosiyonal na sabi ni Britney.

Muling bumukas ang pintuan at pumasok ang doctor. Nanlaki ang aking mata nang makita ko si Lucas. Palit-lipat ang kaniyang paningin sa amin ni Britney.

"Luc..." tawag ko sa kaniya.

"Hindi ko alam na may kambal ka pala," sabi niya at tumabi sa kaniyang ama. Pumikit ako saglit at huminga ng malalim. Mamaya ko na lang ipapaliwanag sa kaniya ang lahat.

"Nakapag-desisyon na ba k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status