Only a blanket covered us. I gazed at him, a bitter smile forming on my lips as I thought about what could happen between us after that night. I still couldn't believe that I had given myself to Liam. I knew we couldn't be together because Liam was already engaged. I was happy that I had given myself to him, my first love. I loved him so much. Perhaps he would stop pursuing me now that he had gotten what he wanted. That's all he wanted.Carefully, I picked up my bikini from the floor when I noticed that Liam was already asleep. I glanced at the wall clock. It was almost two o'clock in the morning. I needed to leave before he woke up. Lucas and I were leaving early to go back to the condo.I grabbed one of Liam's shirts and put it on. I fixed my hair and took a deep breath as I looked at Liam."Until we meet again, Liam," I whispered.I kissed him one last time before finally leaving his room. I hoped our paths would never cross again. I had given him what he wanted.As I walked back t
Nanatili ako sa bahay nina Lucas habang pina-process niya ang aking mga kakailanganing dokumento patungong United States. Buo na ang desisyon ko na umalis at doon mag-aral. Naunang bumalik patungong US ang aking pamilya dahil marami pa silang kailangang aasikasohin para sa operasyon ni Mommy. Bukas na ang alis ko patungong US. Ihahatid ako ni Lucas doon at susundoin ako ng aking pamilya sa airport. Kinuha ko sa loob ng aking bag ang phone na bigay sa akin ni Britney. Tinawagan ko ang numero ni Nanay pagdating ko sa labas ng simbahan na kadalasan namin pinupuntahan dati. Ngumiti ako nang agad niya itong sinagot. "Hi, Nay. Nasaan na po kayo?" nakangiting tanong ko at pinasadahan ng tingin ang buong paligid. "Nasa bahay pa ako, 'nak. Kanina ka pa ba naghihintay diyan?" tanong ni Nanay sa akin sa kabilang linya. "Kararating ko lang po. Matatagalan pa po ba kayo? Excited na kasi akong makita kayo," sabi ko. "Pasensiya kana, anak. Hindi ko alam kung makakaalis ako sa bahay ngayon. Lasi
"Wala na si Tatay, 'nay," napapaos na sabi ko sa kaniya. Mas lalong humagulhol sa pag-iyak si Nanay."Napatay ko siya..." sabi niya habang umiiyak. Tumayo siya bigla at ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Tumayo ako at lumapit kay Nanay para pigilin siya. "Pabayaan mo ako Francine! Ayokong makulong!""Nandito na ang mga pulis!" sigaw ng aming kapitbahay kaya mas lalong nakaramdam ng takot si Nanay. Marahas niya akong tinulak at lumabas siya ng kwarto."Nay!" sigaw ko at hinabol siya. Pumasok siya sa dati kong kwarto at mabilis na tumalon sa bintana. "Lucas! Si Nanay!" sigaw ko. Narinig ko ang mabilis na pagtakbo ni Lucas patungo sa aking kwarto. "Tumakas si Nanay!" dugtong ko at tinitingnan si Nanay na tumatakbo sa bubong ng aming mga kapitbahay."Nasaan si Mrs. Alejandro?" tanong ng mga pulis sa amin pagpasok nila sa dati kong kwarto."She escaped," sagot ni Lucas at itinuro sa mga pulis kung saan dumaan si Nanay. Mabilis na bumaba ang mga pulis. Tinawagan nila ang kanilang mga kas
"Here's your room. Never ginalaw ni Mommy ang room mo simula nang nawalay ka sa amin," sabi sa akin ni Britney pagpasok namin sa aking kwarto. Ngumiti ako at inilagay sa gilid ng kama ang aking maleta. Kulay pink ang aking kwarto. Kararating ko lang ng US. Sinundo ako ng aking pamilya sa airport. Si Lucas naman ay agad din bumalik sa Pilipinas dahil aasikasohin niya pa ang mga dokumentong kakailanganin ng aking mga kapatid sa bago nilang papasukan na paaralan. Gusto ng aking pamilya na huwag munang bumalik agad si Lucas sa Pilipinas pero nagpumilit siyang umuwi agad. Nagpapasalamat ako kay Lucas dahil bukas ang loob niya para tumulong sa ibang tao. Sa unang linggo ko sa US ay nahihirapan akong mag-adjust, lalong-lalo na sa panahon. Palaging si Britney ang kasama ko sa bahay dahil si Daddy ay naging abala sa pag-manage ng aming kompanya rito sa US at sa ibang bansa. Our family owns the Maxey Group and Companies kung saan meron kaming hotels and restaurants, malls, beaches and resorts
Bumuntong hininga si Lucas. "Willing akong tumulong kahit walang kapalit, Francine. Anak ng kaibigan ko ang batang dinadala mo. I know hindi magiging madali para sa 'yo 'to lalo na't ikakasal si Liam kay Celine." "I know, Luc. But sobra-sobra na ang nagawa mo para sa akin. Ikaw na rin ang kumupkopnsa mga kapatid ko. Binihisan at pinag-aral mo sila sa isang pribadong paaralan." "Basta kung kailangan mo ng tulong, just text or call me," sabi ni Lucas. "Anyway, may balak ka bang ipaalam kay Liam na buntis ka?" biglang tanong ni Lucas sa akin. Hindi agad ako nakapasagot. "Hindi na kailangan, Luc. Para saan pa? Ayoko ng gulo. Gusto ko ng tahimik na buhay kasama ang anak ko," sagot ko. "At isa pa, may pamilya na si Liam. Kahit malaman niya pa na may anak kami hindi pa rin kami pwede, Lucas. Ayokong ipamukha sa akin ni Celine na inahas ko si Liam sa kaniya," dugtong ko at hinahawakan ang aking tiyan. Kailangan kong magpakatatag para sa anak ko. "Alam na ba ng pamilya mo na buntis ka?" t
Gabi na nang nakauwi kami ni Britney. Natagalan kami sa salon dahil nakipag-kwentohan pa siya kay Tina. Kumain na rin kami ng hapunan sa isang fast food restaurant. "I'm so in love with my new nails!" nakangiting sabi ni Britney pagpasok namin sa bahay habang nakatingin sa bago niyang nail extension. "Dapat nagpa-nail extension ka rin," sabi niya bago umupo sa couch. "Hindi ako kumportable, Brit. At saka, ayos lang sa akin na ganito ang kuko ko," sabi ko bago humiga sa couch. I'm so sleepy. Ganito ba kapag buntis? Palagi na lang akong inaantok at nagugutom. "Nag-enjoy ka ba ngayong araw?" tanong ni Britney sa akin. Bumangon ako at inaantok siyang tiningnan. "Yes, of course. Sobrang nag-enjoy ako sa lakad natin," sagot ko at inihilig ang ulo sa couch. "Mabuti naman kung ganun. Dapat masanay ka na lalo na't walang linggong hindi ako magwawaldas ng pera," sabi ni Britney. Napalunok ako at umiwas ng tingin sa kaniya. Nahihiya ako sa aking kapatid dahil may naabot na siya sa buhay sa
"Sayang naman. Ipapakilala rin sana kita sa mga friends and naging classmates ko before," sabi ni Britney at pinaglaruan ang hawak niyang lapis. "Sumama ka na, please. Para naman hindi nila ako painomin ng marami. Alam mo naman kung gaano ako kahilig pumarty at uminom ng alak. I can't say no to all of my friends," dugtong niya. Tumayo siya at naglakad patungo sa akin. "Ngayon lang naman. Next time hindi na kita kukuliting sumama," pagpupumilit niya. "Basta huwag kang iinom ng marami. Alam mo namang hindi pa ako marunong magmaneho ng sasakyan," sabi ko kay Britney. Napalunok ako nang bigla niya akong yakapin. "Ang bait mo talaga. Hindi mo talaga ako matitiis no?" sabi niya at tumawa. "Promise, hindi ako iinom ng marami mamaya. After the party ay uuwi rin tayo baka mapagalitan tayo ni Daddy." "Wait, nagpaalam ka na ba kina Mommy at Daddy na pupunta tayo mamaya para sa opening ng bar ng kaklase mo?" bigla kong tanong kay Britney. Mamaya rin kasi sila dadating. Umiling si Britney. Tina
Iminulat ko ang aking mata nang naramdaman ko ang malamig na kamay na humahaplos sa akin. Nakita ko si Mommy sa gilid ng kama. Nakayuko siya habang humihikbi. "Mommy..." napapaos kong tawag sa kaniya. Mabilis siyang nag-angat ng tingin at pinunasan ang mukha gamit ang kaniyang kamay. "Are you alright? May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Mommy at hinawakan ang mukha ko. "I'm alright. Medyo nahilo lang ako kanina," sagot ko. Ngumiti ako para mapanatag ang loob ni Mommy na ayos lang ako. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Nakita ko sina Britney at Daddy na natutulog habang nakaupo. Napalingon ako sa pintuan ng bumukas ito at may pumasok na doctor. Itsura pa lang ay mapapansin mong isa itong Pilipino. Dahan-dahan din nagmulat sina Britney at Daddy ng kanilang mga mata. Nakangiting lumapit ang doctor sa amin. "She's six weeks pregnant. Congratulations!" sabi ng doctor at ibinigay ang isang papel kay Mommy. Dumapo ang paningin nilang lahat sa akin. Puno ng pagtataka ang