Share

Chapter 1

“Ang ingay ni nanay, umagang-umaga” reklamo ni Ate Ellaine habang inaabot ang kapeng kakatimpla ko lang at iniwan sandali sa lamesa para kumuha ng tinapay na iniwan ni lola sa taas ng ref.

“Oo, ang aga-aga eh nangangapitbahay ka” wika ko rito at inagaw ang kapeng 1 inch na lang ang layo sa labi niya. “Pwede ba, alam mo namang buntis ka kaya tigilan mo ang pagkakape” panenermon ko na ikinaasim ng mukha niya.

“Para kang si nanay, puro sermon sa umaga” nayayamot ang mukhang wika niya.

“Ano na naman bang sermon sa’yo?” walang gana na tanong ko kasi alam ko naman na talaga ang sinesermon ni tita sa kanya.

Komportable akong naupo sa kawayan na upuan namin sa balkonahe habang naghihintay sa sagot niya. Iniabot ko sa kanya ang supot ng tinapay na agad niya namang kinuha.

“Ano pa ba” puno ang bibig na wika niya “syempre gusto niya ipakita ko sa kanya iyong tatay ng pinagbubuntis ko. Saan ko naman hahanapin iyon ‘di ba?” reklamo niya at pareho lang kaming napabuntong-hininga.

Natahimik kaming dalawa at napatingin lang sa kalsada.

Matanda ng tatlong taon sa akin si Ate Ellaine pero nagkasabay pa rin kami sa college kasi napatigil siya dati dahil sa kakulangan sa pera. Idagdag pa na pababalik-balik noon sa ospital ang lola namin na ang mga magulang din ni Ate Ellaine ang gumastos sa ospital.  

“Nalaman ko lang naman na pupunta iyon sa restaurant na iyon kasi nga nakita ko iyong invitation letter na naiwan niya noong gabing nagkasama kami” may panghihinayang pa na wika nito “pero teka nga, maiba ko, noong araw na iyon pumunta ko para makita sana siya sa huling pagkakataon man lang pero ang kabaliwan mo ang nakita ko!” sermon niya na ikinapula ko. Naalala ko na naman kasi iyong kahihiyaan ko ng araw na iyon.

“Sana talaga sila pa rin” guilty na wika ko at ininuman ang kape ko.

Pitong buwan na rin ang nakalipas. Kung makita ko man ang lalaking iyon sana ay mapatawad niya ako. Pwede rin naman na hindi na kami magkita. Mas pabor sa akin iyon. Tutal hindi rin naman talaga siya ang ama ng dinadala nitong pinsan ko.

“Pero in fairness ha, ang gwapo kaya ng lalaking iyon” kinikilig na wika niya. Tanging iling ng ulo na lang ang naging reaction ko.

Nagpokus na kaming dalawa sa pagkain. Ilang minutong katahimikan din ang namagitan sa amin bago ako mapa-isip na magtanong.

“Gusto mo ba hanapin natin yung tatay ng anak mo? Ano ba pangalan non?” biglaang pabirong tanong ko at naghintay sa reaksyon niya.

“Hindi ko alam eh” wika niya na ikinabuga ko ng kapeng iniinom ko. Lalo na at mukhang seryoso siya.

“Hindi mo alam?” hindi makapaniwalnag tanong ko “malala ka ng babae ka. Isusumbong kita kay Tita Myrna” iiling-iling na wika ko.

“Eh hindi niya kasi nabanggit, at saka paggising ko wala na nga siya. Basta alam ko may kaunting balbas at bigote iyon. Hindi ko masyadong nakita kasi nga lasing at madilim pero naramdaman ko” wika niya na itinaas-baba pa ang kilay. Napailing ako at napangiwi kaya napahagalpak siya ng tawa. “Nahawakan ko kasi mukha niya” tumatawang wika niya.

“Ewan ko sa’yo Ellaine Rodriguez. Matalino ka sana at maganda. Kaso bobo ka sa pag-ibig” wika ko na ikinangiwi niya.

“Maiba ko, kailan ka luluwas ng Manila?” tanong niya.

“Ay, oo nga pala, next week na” medyo gulat na sagot ko kasi marami pa akong dapat na ayusin.

Next week na ang simula ng internship namin. Sa awa ng Diyos ay malapit na akong makapagtapos ng college. Excited din ako sa company kung saan gaganapin ang internship namin dahil iyon ang dream company na gusto kong pasukan pagkatapos ko ng college.

‘Bennet Multimedia Company’ o BMC, mabuti na lang isa ako sa limang maswerte na pumasa sa school namin para sa internship sa company na iyon. Noong third-year pa kami pinakuha noong exam para roon. Kasama si Ate Ellaine sa mga nakapasa kaso hindi na siya nakapagpatuloy ngayong school year kaya sayang talaga.

“Pasensya ka na, Althea ha. Alam ko na gusto mo na sabay na tayong makakapagtapos pero natigil na naman ako” may kalungkutan na wika ni Ate Ellaine.

Noong nakapag-aral na kasi ulit siya at nagkasabay kami, sabi ko na sabay na rin dapat kaming makakapagtapos ng college.

“Ano ka ba, Ate Ellaine. Okay lang. Bawi na lang sa susunod” nakangiting wika ko sa kanya.

Napabuntong hininga ito.

“Hindi ko nga alam kung may susunod pa” may bahid ng lungkot sa boses niya. “Sigurado disappointed na naman si Tatay” pilit itong ngumiti pero hindi nito natabunan ang lungkot sa mga mata niya.

“Ano ka ba, Ate Ellaine. Mahal ka ni tito” wika ko at nilapitan siya.

“Alam ko naman eh. Mahal na mahal ako ni tatay. Masakit para sa kanya na napatigil ako noong high school kaya bumawi siya at nag-ipon para mapa-aral ulit ako. Kasi mataas din ang pangarap ni tatay para sa akin. Kaso ito na naman. Nasa mababang parte na naman ako ng buhay” tuluyan na itong naluha. Siguro ganyan talaga kapag buntis.

“Ate Ellaine, tutulungan kita na maabot ang mga pangarap mo. Ang mga pangarap natin” nakangiting wika ko at pinunasan ang mga luha niya. “Malapit na ko magkapagtapos. Kapag dumating ang araw na iyon, papasok ako sa BMC” malapad ang ngiti sa labi na wika ko habang ini-imagine ang araw na iyon  “at ako na ang bahala sa iyo, kay lola, kila tito at tita, pati na rin sa magiging anak mo. Para makabayad man lang ako sa mga kabutihin nila at tulong sa pag-aaral ko” ngiting wika ko pero hindi rin napigilan na maluha dahil sa tuwa ng puso ko.

Ang sarap lang kasi sa pakiramdam na kahit na lumaki akong wala ng mga magulang, andyan naman sila lola kasama ang mga pamilya ni Ate Ellaine na nagmahal sa akin. Kaya gusto-gusto ko talaga na mabigyan silang lahat ng magandang buhay. Hindi lang para sa salitang utang na loob, kung hindi dahil totoong mahal ko sila.

“Oh, mga batang ‘to. Bakit kayo nag-iiyakan?” tanong ni Tito Ian, ang tatay ni Ate Ellaine. Kasama niya sa likod niya si Tita Myrna at lola.

Natatawa kaming tumayo at nagpunas ng luha bago sila lapitan at magmano.

“Natutuwa lang kami, tay. Kasi naman next week na ang internship ni Thea. Nakakalungkot nga lang kasi iiwan niya na tayo para bumalik ng Manila” sagot ni Ate Ellaine.

“Ay oo nga” wika ni tito at tumingin sa akin. “Anak oh” wika niya. Anak ang tawag nila sa akin kahit ni lola dahil itinuturing daw talaga nila akong anak.

May inilagay si tito sa palad ko. Taka ko iyong tiningnan. Tatlong-libo iyon at may mga one hundred peso bills pa na hindi ko alam kung ilan lahat.

“Tito, huwag na po” wika ko at iniabot ang kamay niya para ibalik ang pera ngunit agad niya namang itinago ang mga kamay niya sa likod niya.

“Huwag na, sa iyo na iyan. Baunin mo. Pagpasensyahan mo na kasi limang-libo lang ‘yan” wika nito.

Nilapitan ko si tito at niyakap.

“Ano ka ba, tito. Malaki na po ‘to. May ipon naman ako. May part-time na rin ako na nakuha” malapad ang ngiting wika ko sa kanilang lahat para masiguro sa kanila na magiging okay lang ako. Lalo na at ito ang unang pagkakataon na babalik ako at maninirahan mag-isa sa Manila at hindi kasama ang pinsan ko.

“Basta mag-ingat ka roon, apo” wika ni lola habang hawak ang kamay ko. Nginitian ko ito at tinanguan.

“Basta mag-ingat ka sa mga lalaking makakasalamuha mo ha?” pagpapaalala ni Ate Ellaine.

“Hindi ako katulad mo, Ate Ellaine” pabirong wika ko na ikinatawa naming lahat.

***

Tiningnan ko ang suot ko sa salamin. Natanaw ko rin ang ID na suot ko kaya kinuha ko iyon at isang malapad na ngiti na abot hanggang tenga ang lumabas sa labi ko. ‘Althea Cruz. Intern’ iyon ang nakasulat don. Hindi talaga ako makapaniwala na makakatapak na ako sa dream company ko kahit na bilang intern lang. Pagdarasal ko talaga na pagkatapos ng internship namin ay kunin nila ko. I will do my best talaga para mangyari iyon.

“Good morning, everyone” poker face na sabi ng isang lalaki sa harap namin.

Iyon ay kung lalaki nga ito dahil mahahalata naman na hindi.  May dumaan na mga naka-formal attire sa harapan namin at tinanguan niya ang mga ito. Nang tuluyan ng makaalis ang mga ito ay ngumiti siya sa amin.

“Hay naku, huwag kayong pa intimidate sa mga ‘yon ha. Basta tayo happy and chill lang dito” masiglang wika niya sa amin habang nakangiti. Napangiti naman kami. “I’m sir Erwin. The Head of Internship Department. Basta gawin niyo lang nang maayos ang trabaho niyo ha? Tapos na rin naman ang orientation niyo last time kaya alam niyo na ang mga bawal at hindi. Do your job at ipapangako ko na magiging maganda ang experience niyo sa lugar na ito” isang malapad na ngiti ang isinukli namin sa mga ngiti niya.

Iniikot niya kami sa building. Wala akong nagawa buong tour kung hindi ang mamangha sa mga nakikita. Sobrang laki at ganda talaga rito sa BMC. May mga ilang celebrity pa nga kaming nakasalubong pero bawal kami masyado magreak kasi kailangan namin maging professional. Believe nga ako kasi kinakaya ng mga tao rito na poker face lang kahit si Taylor Swift na ang kaharap nila.

“Tumabi kayo” mahina pero tarantang wika ni Sir Erwin.

May padaan kasi na isang babae sa harap namin na nakasuot ng sunglasses. Tinanguan ito ni Sir Erwin.

“That’s Miss Madeline. Fiance ng CEO nitong company” bulong niya sa amin.

Ayos din si sir. Libre chismis sa kanya. Kaya sure marami kaming makukuhang chismis about sa company.

Sinundan ko ng tingin ang babaeng iyon. Hindi ko alam pero parang ang pamilyar niya. Siguro nakita ko na siya sa isa sa mga post nitong company lalo na at fiance raw siya ng CEO. Speaking of CEO, hindi ko pa pala nakikita ang bagong CEO ng BMC. Wala kasing kahit anong article o interview na inilabas about sa kanya. 

***

“Kaloka ka girl. Bakit ngayon ka lang? First day mo late ka” bulong na wika ng bestfriend ko, si Timothy pero tinawatag ko siyang Tim.

Gwapo to kaya nga inaaway ako ng mga may gusto sa kanya kasi palagi kaming magkasama. As if naman na papatulan ko to eh mahilig pa ‘to sa lalaki kaysa sa akin. First day ko sa part-time job ko ngayon.

“Paano ba naman kasi, walang taxi malapit sa harap ng BMC. Nilakad ko pa papunta sa hintayan ng taxi. 10 minutes din ‘yon no” reklamo ko. Paano ba naman kasi eh ang  laki-laki pala talaga ng BMC. Kung malaki ‘to sa picture, mas malaki sa personal.

“Good evening” wika ng isang lalaki na kakapasok lang at nakasumbrero.

“Good evening po, sir. Ano po inyo?” ngiting tanong ko rito. Nakatingin lang ito. Hinuhusgahan ba ako nito? “Sir?” tanong ko ulit dahil tila wala itong plano na sagutin ang tanong ko. “Sir, kung prank lang po ito o trip, pwede na po kayong umalis” nauubusan ng pasensya na wika ko. Ayoko pa naman sa lahat iyong mga mahilig manloko. Nakita ko itong napangisi na mas ikinainit ng ulo ko.

“Sir Seb, good evening po. Andito na po pala kayo” nakangiting bati sa kanya ni Tim na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.

“Kilala mo ‘yang bastos na ‘yan?” badtrip na tanong ko kay Tim habang tinuturo pa ang Sir Seb na sabi niya. Hinawakan niya naman ang kamay ko at ibinaba. Pagkatapos ay nagbitaw ng awkward na tawa.

“Hindi ka pa nag-iisang oras dito pero gusto mo na talagang matanggal?” gigil na bulong na tanong nito. Binigyan ko naman siya ng kunot-noong tingin. “Ano ka ba, ngumiti ka naman, boss natin ‘yan. Kanya ‘tong cafe” bulong pa nito at nginitian si Sir Seb na nakatingin lang sa amin at tila naiinip na. Kinurot pa ako ni Tim dahil hindi ko siya agad sinunod.

Paano ako makakangiti agad eh kinain na naman ako ng kahihiyan ko. Kahit kailan talaga, Althea!

“Ay sir. Haha. Kayo po pala. Hi po. Hehe. Ano pong gusto niyo? Libre ko na” wika ko at nginitian ko siyang nang malapad.

Pakiramdam ko mukha akong tanga sa ngiti kong iyon. Nakita ko si Tim na napailing-iling na lang sa tabi ko. Samantalang si Sir Seb naman ay bahagyang napangiti bago tumalikod at umupo sa isa sa mga table na narito.

“Tanga mo talaga” tinawanan ako ni Tim kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Mabuti na lang ay may mga ibang customer na rin na dumating kaya naabala ko ang sarili kaysa isipin ko na naman iyong kahihiyan ko.

“Hoy” pagtawag ni Tim. Lumapit ito na may dalang tray na may mga order.

“Kanino ‘yan? Parang nabigay na ‘yung order ng last customer ha?” takang tanong ko.  Inirapan ako nito. Ang arte talaga.

“Kay Sir Seb ‘yan. Ibigay mo. Tuwing gabi ‘yan dito. Ito order niya palagi kaya kapag andito ‘yan automatic na agad” wika nito at bahagya pa akong tinulak-tulak dahil mukhang alam niyang ayaw ko talaga lumapit sa Sir Seb na ‘yon.

“Good evening, sir. Ito na po order niyo” kunwaring masaya na wika ko at nginitian ito. Hindi ako nito kinibo kaya iniligay ko na lang sa harap niya ang mga order niya.

Natapos ako sa paglalagay na ang attention niya ay nasa laptop niya pa rin. Naramdaman nito siguro na nasa tabi niya pa rin ako kaya itinaas nito ang tingin sa akin at kunot-noo akong tiningnan.

“Sabi ko nga po. Aalis na ko. Hehe. Enjoy po” wika ko rito at pilit na nginitian. Ang sungit. Thank you lang hindi pa masabi. Tss.

“Hoy, bakit ang tagal mo?” agad na tanong ni Tim. Hindi ko ito pinansin dahil badtrip na naman ako. “Huwag mong sabihin na hinintay mo thank you non?” tanong niya at natawa. Tiningnan ko siya nang masamang tingin na mas ikinatawa niya. “Huwag ka ng umasa kay Sir Seb. Alam  mo, gwapo ‘yan eh, kaso hindi ko na naging crush kasi ang sungit at cold. Halatang hindi ako kayang lambingin” wika nito na tila nalulungkot pa.

“Kilabutan ka nga” nakangiwing wika ko rito at nadako ang paningin ko sa pinto nitong cafe na kakatunog lang.

Natuon ang attention ko sa lalaking kakapasok lang at nakasuot ng sunglasses. Wow, where’s the sun? 11 pm na kaya.

Naglalakad ang lalaking iyon papunta rito sa counter. Bahagya pa itong napatingin sa relo niya bago tuluyang tanggalin ang sunglasses na suot niya. Nagtama ang tingin namin at agad akong napatalikod. Sa isip ko ay gusto ko na rin magmura. ‘Anong ginagawa niyan rito?!” mahinang bulong ko sa sarili. Taka naman akong tiningnan ni Tim.

“Problema mo?” tanong nito.

Anak ng- sa dami ba naman kasi ng customer na pwede kong makasalamuha eh itong lalaki pang ‘to na napagkamalan kong nakabuntis sa pinsan ko!

“Hey, you” wika nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status