Share

Chapter 3

“Bakit naman parang stress ka dyan?” usisa ng kasama kong si Lyka at inabot sa akin ang hawak niyang bondpaper.

Kinuha ko iyon sa at inilagay sa photocopy machine sa harap ko. Inutusan kasi kami ni Sir Erwin na ipa-photocopy itong 50 pages na document na binabasa niya kahapon. Limang copy raw para sa aming limang intern. Kaya hindi ko alam kung sabog ba ako dahil sa dami ng kailangan namin ma photocopy o dahil sa mga nangyari kahapon lalo na at ang lalaking iyon at ang boss ko pala ay magpinsan.

“Okay lang ako” sagot ko na lang kay Lyka at nginitian ito para matapos na.

Bumalik kami sa mga pwesto namin dala ang document na ipinakopya ni sir.

“Kumuha ka dyan at ibigay mo yung iba sa mga kasama mo” wika nito sa akin. Kinuha ko ang akin at ibinigay sa mga kasama ko ang iba.

“50 pages ‘to. Pinagsama-samang business report na mula sa mga top intern noong previous years.” panimulang wika ni sir at bahagya pang itinaas ang hawak niya na document. “Hindi naman sa pagyayabang pero matagal na ako sa company na ito kaya alam ko na lahat ng laman nitong mga bondpaper na ito. Now, gusto kong gumawa kayo ng sarili niyong version nito” seryosong wika nito at isa-isa kaming tiningnan. Tanging mga tango ang isinagot namin sa kanya. “I will give you 2 months para maipasa ‘yan. Kailangan niyong seryosohin ang paggawa nito. Dahil ang pinakamagandang papers ang magkakaroon ng pagkakataon na makasali sa Quarterly meeting ng company kung saan kasama ang mga board of directors and the new CEO. Ito ang pagkakataon niyong ipakita kung sino kayo. Good luck” wika nito at bigla na lang lumabas.

Kung hindi lang namin alam na busy si sir baka sinabihan na rin namin siya na suplado. Nang makalabas na nga si sir ay tungkol na sa business report ang topic nila.

“Althea, para na sa’yo ‘to. Ipakita mo sa kanila kung sino ka” malapad ang ngiting wika ni Lyka at tinusok-tusok pa ang gilid ko.

“Para sa ating lahat ‘to no” ngiting sagot ko sa kanya. Nagtawanan kami.

Ang tawanan naming iyon ay naputol dahil sa pagtunog ng phone ko.

Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag ng lalaking ito o hindi. Bahala na siya. Kapag nagkita kami rarasunan ko na lang siya na busy ako. Alangan naman unahin ko pa siya eh hindi naman siya nagpapakain at sweldo sa akin.

Pinatay ko ang tawag niya at iniwan sa table ko ang phone ko at saka lumabas para ipasa na rin sa marketing team iyong report na ipinagawa nila last week. Nautusan kasi kami na gumawa ng data gathering and analysis para sa bagong brand na kumuha sa company.

Natuwa naman ako dahil puro magaganda ang feedback nila. Kaya worth it ang pinaghirapan namin ng team ko.

Nakangiti akong bumalik sa table namin at ibinalita sa kanila ang good feedback na ibinigay sa amin na siyang ikinangiti nila.

“Ay oo nga pala, may tumawag sa’yo kanina. Parang galit nga eh.” wika ng kasama ko na ikinakunot ng noo ko. “Tinanong kung nasaan ka. Sabi ko nasa BMC. May internship” dugtong niya pa.

“Anong name?” kinakabahan na tanong ko.

“Hindi ko alam. Basta kupal nakalagay na contact name eh” wika nito at nagpaalam na aalis.

Nginitian ko lang ito at saka ako napahawak sa noo pag-alis nito.

Sa ngayon hindi ko alam kung malas na ba ako o sadyang malas lang iyong kupal na iyon sa buhay ko. Sunod-sunod na vibration mula sa phone ko ang narinig ko.

‘May deal tayo. Idedemanda kita sa eskandalong ginawa mo noon kung hindi ka tutupad sa usapan’ text ng lalaking iyon.

Pinanggigilan ko ang cellphone ko at kunwaring pinagsusuntok dahil sa inis. Ang sarap saktan ng lalaking iyon!

“Hoy, okay ka lang?” kunot-noong tanong ni Lyka.

“Oo naman” wika ko at nginitian ito.

“Halata nga” kunot-noong wika niya at saka umalis.

Himalang natapos ang linggong ito na hindi ako ginugulo ng lalaking iyon. Pagkatapos ng chat niya na idedemanda ako ay wala na siyang paramdam. Ang pinoproblema ko na lang ngayon ay si Sir Sebastian na halos gabi-gabi na akong isinasabay sa pag-uwi. Kapag talaga nagka-issue akong nilalandi ko boss ko magwawala ako.

Parang gusto ko na kainin ang sinabi ko. Natapos nga ang linggo kahapon na hindi ako ginulo ng lalaking iyon pero nagsimula naman ang Lunes na siya agad ang bungad. Nasa labas ito ng cafe at may hawak na kape habang nakaharap kay Sir Seb na mukhang seryoso at naiinis.

“I’m just here to buy coffee. Relax” nakangising wika ng lalaking ito kay Sir Seb.

“Hindi mo gawain ‘yan, Samuel. Pwede mong iutos ‘yan sa tauhan mo” seryosong wika ni Sir Seb.

So, Samuel pala ang pangalan ng lalaking ito.

“Yeah. Pwede kong iutos, pwede ko rin gawin” kibit-balikat na sagot ni Samuel at ininuman ang kape niya habang nakangisi.

Tila naramdaman siguro nila ang presensya ko dahil sabay silang napatingin sa direksyon ko.

“Binabalaan kita, Samuel. Kung ano man ang binabalak mong gawin, huwag mo ng ituloy” may pagbabanta sa boses ni Sir Seb.

Ako ang natatakot sa aura na inilalabas ng dalawang ito. Baka magkasuntukan pa sila rito.

Imbes na sagutin ang pinsan ay naglakad si Samuel papunta sa pwesto ko.

Akala ko ay lalampasan niya na ako pero tumigil ito sa mismong gilid ko at nagsalita.

“I’m back. Ihanda mo ang sarili mo about sa deal na sinabi ko” wika nito at inilapit sa bibig ang kapeng hawak niya at saka umalis.

Anong deal? Eh hindi naman ako pumayag! Demanda my face! Ang dami niya namang time para gawin ‘yon.

Patayin ko na kaya ang lalaking iyon bago niya ako mapatay? Pero kung hindi man siya ang papatay sa akin, feel ko eh iyong fiance niya na ang gagawa. Ni hindi pa nagsabi ng exact date para maihanda ko ang sarili ko sa kamatayan. Mamaya sabunatan ako ng fiance niya no.

“Anong meron sa inyo ng pinsan ko?” agad na tanong ni Sir Seb pagkalapit ko sa kanya.

Hindi pa ako nakakasagot ay muli na naman itong nagsalita.

“Ikakasal na ‘yon, Althea” seryosong wika nito.

Isang tawa ang lumabas sa bibig ko.

“Kung ano man po ang iniisip niyo nagkakamali kayo” disappointed na wika ko.

Nakipagtitigan lang ito sa akin ng ilang segundo bago umalis. Ano bang tingin niya sa akin? Papatol sa may karelasyon?!

Nagising ako sa tunog ng cellphone. Ang aga-aga eh tumatawag na agad ang Samuel na iyon. Ang dami niyang time para guluhin ako ha!

Hindi ko sinagot ang tawag niya. Pinatay ko iyon at muling humiga pero hindi siya tumigil sa kakatawag. Dahilan para padabog akong naupo sa higaan ko at inilagay sa silent mode ang phone ko.

Wala akong naging choice kung hindi ang bumangon na lang at mag-ayos dahil nawala na ang antok ko sa inis. Hindi pa nagsisimula ang araw ko pero sinira na ng lalaking iyon!

Maaga akong nakarating sa office. Parang one hour early nga ako eh. Paano ba naman kasi eh wala rin naman akong gagawin don sa apartment. Kasalanan ‘to ng Samuel na iyon eh. Kung sanang hindi tumawag edi mahaba pa sana ang tulog ko.

Anong meron? Ang aga-aga pero pansin ko na tila natataranta ang mga tao rito sa office.

“Good morning, Sir Erwin” bati ko kay Sir Erwin ng makita ito. Tila natataranta pa ang mukha nito.

Nilingon ako nito at tila lumiwanag kaunti ang mukha niya ng makita ako.

“Thank you at andito ka na” tila hinihingal pa na wika nito.

“Anong meron, sir?” kunot-noong tanong ko.

“Pupunta rito ngayon ang bagong CEO, si Sir Ben. Tell your team na huwag ma late, okay?” wika nito at agad na umalis ng may tumawag sa kanya na isang manager.

Wow. Parang ito iyong first appearance ng CEO simula ng maupo siya kaya siguro natataranta ang lahat dahil hindi rin namin alam ang ugali nito. May usap-usapan naman na sobrang suplado at strikto umano nito.

Sinabi ko sa gc namin ang mga sinabi ni sir kanina kaya naman natataranta na sila ngayong pumunta rito. Ako naman ay pumasok na muna sa restroom para mag-ayos.

Mula sa salamin ay kita ko ang eyebags ko. Hays. Itong Samuel ang may kasalanan nito.

Isang huling tingin pa sa sarili ang ginawa ko. Nang makita na maayos at presentable na ako tingnan ay lumabas na ako.

“You’re here” wika ng isang boses sa likod ko.

Nilingon ko ito at mukha ni Samuel ang nakita ko na siyang ikinalaki ng mga mata ko.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Huwag mong sabihin na nagtatrabaho siya rito? Agad kong tiningnan ang suot niya at nakahinga ako ng malalim matapos makita na wala itong ID na suot.

“Pati ba naman dito sinusundan mo ko?” pabulong at nainis na wika ko. Kumunot ang noo nito.

“What?” kunot-noong tanong niya.

Hindi ko na siya nasagot dahil nakatanggap ako ng tawag mula kay Sir Erwin. Hinahanap ako nito at pinapapunta sa office.

“Umalis ka na ha! Huwag kang pakalat-kalat dito. Darating ang CEO namin!” banta ko rito at iniwan ito. May naalala pa akong sabihin kaya nilingon ko itong muli “at saka pwede ba, ilugar mo naman iyong panggugulo mo. Hindi ka na nakakatuwa” may bahid ng inis na wika ko rito. Nakita ko itong napangisi lang na siyang mas ikinainit ng ulo ko pero hinayaan ko na lang dahil muling tumawag si Sir Erwin.

Pagpunta ko sa office ay naroon na ang mga ka team ko na tila hinihingal pa.

“Good morning” nakangiting wika ko sa kanila. Isang masamang tingin naman ang natanggap ko mula sa kanila na ikinatawa ko na lang.

“Althea” agad na wika ni Sir Erwin pagkapasok “sa front seat sa left side ka uupo mamaya, okay?” wika nito na ikinatango ko. “At kayo” wika niya at tiningnan isa-isa ang mga kasama ko, habang wala kami, gawin niyo ang trabaho niyo” wika ni sir sa kanila na ikinatango nila habang nakakunot ang noo.

“Teka, sir. Hindi po ba sila kasama mamaya?” takang tanong ko.

“No. Exclusive para sa mga board of directors and managers daw ang meeting mamaya.” wika ni sir.

Mas ikinakunot ko ang sagot niya.

“Eh ako po?” kunot-noong tanong ko at nakaturo pa sa sarili.

“Pumili ang CEO ng random intern na makakasama sa meeting mamaya. You’re the lucky one, kaya huwag mong bibiguin ang buong department” wika nito sa akin na parang biglang ikina-pressure ko.

Nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Paano ba naman kasi eh si Sir Ben na iyong makakaharap ko, CEO ng company at sinasabi nilang strikto at suplado. Sana hindi ako mapansin nito mamaya. Sino ba naman ako eh isang intern lang naman ako.

Papunta na ako sa Elevator para makaakyat sa 20th floor pero parang bigla akong hindi makagalaw sa kinatatayuan ko dahil nakita ko ang mga babae at lalaking formal at elegante ang suot. Grabe they look so expensive. Nakakahiya sumabay sa kanila. Ang tataas kasi talaga ng tingin ko sa mga board of directors. Nakakahiya na makisabay sa kanila lalo na at hindi talaga kami magkalevel. Paano na lang kaya mamaya kung pati iyong CEO na iyong makaharap ko, baka natameme na talaga ako.

“What are you doing here?” tanong ng isang boses.

“I’m sorry” wika ko at tumabi. Bahagya pa akong yumuko.

Tila hindi naman ito gumalaw kaya medyo nagtaas akong ng tingin para makita ito. Talaga ngang napahawak nalang ang dalawang kamay ko sa bewang at bahagya pang itinuro si Samuel ng makita ito.

“Ikaw na naman?” nauubusan ng pasensya na tanong ko rito. Bahagya pa itong napangisi at itinuro ang sarili mula ulo hanggang paa. “Hindi ba binalaan na kita?” nauubusan ng pasensya na tanong ko rito.

“Ang daldal mo” wika nito at hinila ako papapasok sa elevator.

Hinampas ko ito pagkapasok namin. Masama ang tingin na nilingon naman ako nito. Nag-peace naman ako ng mapansin na nakasuot pala ito ng tuxedo. Paki ko, alangan naman singilin niya pa ko.

Tila bahagya pa ako nitong inirapan. Napapanganga na lang ako sa inis.

Nakita ko naman na 20th floor ang pinindot nito. Teka, sino ba ‘to? Intern ba ‘to rito? Ang pagkakaalam ko ako lang ang intern na kasama sa meeting. O baka sa team lang namin iyon, at kada team ay may representative.

“Intern ka ba rito ha?” tanong ko sa kanya. Hindi naman ako nito sinagot hanggang sa makarating kami sa 20th floor.

Bumukas ang pinto ng elevator at umakto pa ako na tila susuntukin ito sa likod na siya namang nakita niya kaya kumunot ang noo nito at masamaa akong tiningnan bago lumabas.

Pumunta muna ako sa CR dahil naiihi na ako sa kaba. Mapapaligiran ako mamaya ng mga high profile, paano ko kaya kakayanin iyon?

Tiningnan ko ang relo ko. 5 minutes na lang ay magsisimula na ang meeting. Bahala na nga. Kainin ko muna ang kaba at hiya ko.

Papasok na ako at nakita ko si Samuel sa may pinto at may kausap sa phone.

“Hoy” tawag ko rito ng makita na tapos na siya sa kausap ka. Binigyan naman ako nito ng tingin na tila nagtatanong. “Saan ka nakaupo? Tabi na tayo” medyo nahihiya pa na wika ko. Pwede na ‘to. Pagtyagaan ko muna kaysa naman ma OP ako mamaya. Nasaan na ba kasi si Sir Erwin?

Bahagya pa itong natawa sa sinabi ko.

“Saan ka ba?” tanong niya.

Sinabi ko sa kanya kung saan ako nakapwesto. Pinauna niya naman ako at sumunod sa akin. Kaya magkatabi kaming dalawa ngayon.

Kanina ko pa nararamdaman ang tingin ng mga tao sa pwesto ko. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba at hiya. Lalo na at ako lang pala talaga ang intern na narito. Kaya pakiramdam ko ay hinuhusgahan na nila ako. Nagtataka sila siguro kung anong ginagawa ng isang intern na katulad ko rito. Same, nagtataka rin po ako.

“Don’t mind them” wika ng katabi ko. Napansin siguro nito na tila uncomfortable na ako lalo na at unti-unti ko nang inilulubog ang sarili sa upuan ko. Nilingon ko ito.

“Seat properly. Ipakita mo sa kanila that they can’t intimidate you” wika nito habang nakatingin sa relo. Wow. Matino rin pala kausap to. “At isa pa, hindi naman ikaw ang tinitingnan nila” dugtong pa nito na ikinakunot ko.

May sasabihin pa sana ako pero bigla ng nagsalita ang nasa stage kaya roon napunta ang atensyon ko.

“Let’s welcome, our CEO, Mr. Samuel Bennett” wika nito at agad naman tumayo ang katabi ko.

Nanlalaki ang matang sinundan ko ito ng tingin.

“Good morning, Sir Ben” bati pa ng speaker pagkaakyat ni Samuel, or Sir Ben. Ah basta.

“Good morning” seryosong bati ni Samuel habang nasa akin ang tingin. Bahagya pa itong napangisi nang bahagyang ilubog ko ang sarili sa upuan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status