Share

Chapter 5

“Ate” nakangiting bungad ko kay Ate Ellaine pagkasagot sa tawag niya. Saktong kararating ko lang sa apartment ng tumawag siya.

Malapad na ngiti mula sa kanya ang bumungad din sa akin. 

“Aba, bagay talaga sa’yo yang ID ng BMC ha” may abot hanggang tenga na wika niya. Mababakas ko rin sa mga mata niya kung gaano siya ka proud sa akin.

“Dapat lang, ate. Sa BMC kaya ko nababagay” wika ko at pareho kaming natawa.

Naputol ang tawanan naming iyon ng may tumawag sa kanya. Ngayon ko lang napansin na nasa sari-sari store niya pala sila. 

“Ellaine, pabili nga ko ng 5 kilong bigas.” wika ng isang babae. 

Kilala ko ang boses na iyon. Isa ‘yon sa mga marites na nakatira sa tapat namin eh.

“Ah sige po” sagot ni Ate Ellaine rito. “Teka lang Thea ha, dyan ka muna” wika nito at nagpaalam bago tuluyang nawala sa screen.

Malamang ay pumasok iyon sa bahay nila kasi doon inilalagay nila tito iyong mga paninda nilang bigas. 

Itinungtong ko muna ang cellphone ko sa may lamesa. Iiwan ko na muna sana iyon don para magbihis pero hindi sinasadyang marinig ko ang usapan ng babaeng bumibili at ng kasama niya.

“Ang laki na ng tyan ni Ellaine no?” chismosang wika ng bumili. Si Aling Lorna.

“Oo nga eh. Sayang nga eh. Edi sana kasama na siya ni Althea ngayon kung hindi nabuntis” sagot ng kasama niya. 

“Hay nako. Iyang si Althea? masyadong mataas ang tingin sa sarili. Panigurado ako sinuswerte lang ‘yan kaya nakapasok sa BMC. Hindi ‘yan magiging permanent don” may himig ng pangungutyang wika ni Aling Lorna. 

Mapait ang ngiti na lumabas sa mga labi ko. Wala pa rin talagang nagbabago. Kahit anong maabot ko at saan ako mapunta, at kahit wala akong masamang ginagawa sa kanila, may masasabi pa rin silang masama tungkol sa akin. Mamaliitin pa rin nila ko kahit anong maabot ko. 

“Akala mo nga kung sino eh. Ang taas din ng standards. Inaayawan niya mga lalaki sa barangay natin kasi mga wala raw nararating sa buhay” bitter na wika ng kasama nito. 

Anong gusto niyong gawin ko? Patulan mga tambay niyong anak?

“Nako matutulad lang din ‘yan sa mama niya na iniwan ng papa niya” wika ni Aling Lorna na tuluyang nagpawala sa mood ko. 

“Ito na po” wika ni Ate Ellaine. 

Ilang segundo pa ay bumalik na ito sa screen. 

“Oh, anong nangyari sa’yo? Bakit parang wala na sa timpla yang mood mo?” 

Hindi ako tutulad kay mama. Hindi ako gagaya sa kanya na iiwan ang magandang career para lang sa lalaki na wala namang pangarap sa buhay! Mas pipiliin ko ang career ko kaysa sa umibig sa taong hindi naman deserve ang pagmamahal ko!

“Hoy” rinig kong pagtawag ni Ate Ellaine. 

Napunta ang atensyon ko sa kanya.

“Po?” takang tanong ko.

“Kinakausap kita pero natutulala ka na dyan” sagot nito. 

Isang ngiting may pagpaumanhin ang isinukli ko sa kanya. 

“Sige na. Magbihis ka na muna at magpahinga bago ka pumasok sa part-time mo mamaya.” wika niya na tinanguan ko. “Alagaan mo ang sarili mo Althea ha. Wala ako dyan kapag nagkasakit ka” pagpapaalala niya pa. 

“Opo. Huwag po kayong mag-alala. Ingat din po kayo dyan” nag-thumbs up pa ako at malapad na ngumiti.

Pagkababa ni Ate Ellaine sa tawag ay napabuntong hininga ako at napatitig sa pader. 

Kailangan kong magtagumpay sa buhay. Kailangan kong maging permanent sa BMC para sa pamilya ko at para patunayan sa mga mga walang believe sa akin na mali sila. 

Bigla kong naalala iyong scene nila Samuel kanina at ng fiance niya na agad namang ikinabagsak ng balikat ko. Kailangan ko ata muna ayusin iyong problema ko sa lalaking iyon bago ko matupad mga pangarap ko. 

Nasa cafe na ako. Hindi ko ata magagawang ibigay ang buong atensyon ko sa part-time ko ngayon. Minsan nga nakakalimutan ko pa ngitian yung mga customer na nakakaharap ko. 

“Hoy, ngumiti ka naman. Kanina mo pa sinisimangutan yang mga customer natin” wika ni Tim. 

Peace sign na lang ang isinagot ko sa kanya. 

“May problemado ka ba?” alalang tanong niya. 

Sasagutin ko na sana siya ngunit natuon ang atensyon namin pareho sa tunog ng pinto na kakabukas lang. Agad kong ikinasimangot iyon pagkakita kung sino ang pumasok. 

“Samuel” agad siyang tinawag ni Sir Seb pagkakita rito. Parehong seryoso ang mga mukha nila. 

Nagtatanong na ekspresyon ang ibinigay ni Tim sa akin at kibit-balikat lang ang sinagot ko sa kanya. 

“Manliligaw mo ba ‘yan ha?” ikinangiwi ko ang tanong na iyon ni Tim. 

“Kung kilala mo lang ‘yan pati ugali niya, baka kilabutan ka sa sinasabi mo”  nakangiwing wika ko sa kanya.

“Anong ginagawa mo rito?” nabaling ang atensyon namin sa magpinsan ng marinig ang seryosong boses ni Sir Seb. 

Kaming apat na lang ang natira ngayon dito sa cafe dahil pasara na rin naman na kami. 

“Bakit ba palagi mo yang tinanong sa tuwing pumupunta ko rito? Ayaw mo ba ng customer?” iritadong pabalik na tanong ni Sir Samuel sa pinsan. 

“Sigurado ka ba kasi talaga na hindi ang staff ko ang pinunta mo rito?” tanong ni Sir Seb na  ikinakunot ko. 

Naramdaman ko rin ang paglingon ni Tim sa pwesto ko. Isang tipid na tawa naman ang pinakawalan ni Sir Samuel.

“No way” wika ni Sir Samuel.

“Hindi ka rin pala gusto” natatawang bulong sa akin ni Tim.

“Imagination mo kasi. Ikakasal na ‘yan no” sumbat ko rito. 

“I will never like someone like her. Lalo na at may atraso pa sa akin ang babaeng iyon. ” dugtong pa ni Sir Samuel sa sinabi niya kanina. 

Wow ha. As if din naman na papatol ako sa kanya.  

“Huwag kang magsalita ng tapos Samuel. Hindi ikaw ang magsasabi kung sino ang mamahalin o magugustuhan mo. Baka magulat ka na lang, kung sino pa yung ayaw mo, sa kanya pa titibok yang puso mo” may ngisi sa labing wika ni Si Seb.

Please, sana naman hindi ako ang tinutukoy ni Sir Seb kasi kinikilabutan ako. Ayaw ko sa pinsan niya no.

Napangisi naman si Sir Samuel sa sinabi ng pinsan niya. Nilapitan niya iyon at hinawakan sa magkabilang braso. Pagkatapos ay bahagya iyong pinagpag at tumingin sa mata ng pinsan. 

“Kuya Seb” mapanuksong tono ang lumabas sa labi ni Sir Samuel bahagya pa itong ngumiti na agad din nawala. 

Napansin ko naman na tila nagulat pa si Sir Seb sa pagtawag na Kuya sa kanya ni Sir Samuel.

“Ikakasal na ko. Wala na akong plano magkagusto sa iba” wika nito at tipid na ngumiti bago naglakad papunta sa direksyon ko. 

Nakita ko ang pagsama ng mukha ni Sir Seb dahil sa sinabi ng pinsan.

“Kanino? Sa fiance mong inayawan ka?” may ngising tanong nito pabalik sa pinsan.

Napakagat sa labi na lang ako ng imbes na si Sir Seb ang lingunin ni Sir Samuel ay ako ang tiningnan nito. Idagdag pa na talagang magkalapit kami dahil nasa harap na siya ng counter ngayon. Isang awkward na ngiti ang pinakawalan ko sa harap nito. 

Nilingon naman nito na ang pinsan at nagsalita. 

“Just wait cousin. Don’t worry ikaw pa rin ang best man ko” wika nito sa pinsan at hindi na hinintay pa magsalita ang pinsan bago ito muling humarap sa akin at magsalita. 

“You” wika nito sa akin “doon ka  sa office ko magre-report bukas. Ako na ang bahala sa Head niyo” wika nito at agad na umalis. 

Ang bastos talaga ng lalaking iyon! Ang hilig mang-iwan para wala ka ng choice kumontra!

  

“Teka, ano ‘yon?” kunot-noong tanong ni Tim. 

"Huwag ka na makichismis pa. Tulungan mo na lang ako magligpit para makapagsara na tayo” wika ko rito. 

Nakita namin si Sir Seb na lumabas kaya naman tuluyan ng lumapit si Tim sa akin at nakichismis.

“Maiba ko. Ikaw ba eh wala talagang gusto sa lalaking ‘yon?”

“Mas gugustuhin ko na lang maging single forever kaysa sa magkagusto sa lalaking ‘yon no” 

“Tulad nga ng sabi ni Sir Seb kanina, huwag ka rin magsalita ng tapos” wika pa nito at tumawa. 

Binigyan ko siya ng isang masamang tingin pagkatapos ay inirapan.

“Pero bakit nga ba never ka nagkaroon ng boyfriend?” usisa nito at nakakunot pa ang noo. 

“Hay nako, Tim. Buhay ko to. Magbo-boyfriend ako kapag gusto ko” pabalang na sagot ko sa kanya na ikinatawa niya. 

“Alam mo, takot ka lang maiwanan tulad ng nangyari sa mom mo eh” wika nito. Hindi ako nakasagot. “Thea, hindi naman lahat ng lalaki sasaktan ka” pagpapatuloy niya na ikinairap ko. 

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. Bahagya rin itong yumuko para magpantay ang mga mata namin. 

“May tiwala ako sa’yo. Alam ko na wala ka pang plano sa lovelife na ‘yan kasi gusto mo maging successful ka muna para naman kahit iwan at saktan ka pa nila at least hindi mo need maghabol kasi kaya mo naman ang ang sarili mo” mahabang wika niya at seryosong nakatingin sa akin na siyang ginawa ko rin. “Marunong ka naman pumili eh. I trust you. Basta ipangako mo na kapag tumibok ‘yang puso mo, hindi ka matatakot, hindi mo pipigilan. Isa pa, pwede naman kasi talaga pagsabayin ang lovelife at career. Pumili ka lang ng matinong lalaki. Magtiwala ka sa sarili mo.” mahabang wika niya. 

Napaisip ako sa mga sinabi ni Tim at napabuntong hininga. 

Isang ngiti ang ibinigay ko sa kanya. 

“Tatandaan ko ‘yang mga sinabi mo” matamis ang ngiti na wika ko sa kanya na ginantihan niya rin ng isang matamis na ngiti. 

Ginulo niya ang buhok ko at bumalik sa counter para kolektahin na ang mga nabenta ngayong araw. 

Mabuti pa si Tim, bukod kay tito, isa si Tim sa mga lalaki sa buhay ko na hindi ako iniwan. Gwapo si Tim. Mabait pa at matalino. Kung hindi ko nga lang best friend ‘yan at kung hindi ko alam na hindi siya straight baka nagkagusto nako sa kanya. Natawa ko sa naisip ko kaya naman kunot-noong nilingon ako ni Tim.

“Bakit ganyan ka makangiti? Kung ano man ‘yang nasa isip mo burahin mo na. Parang may masama kang balak” ngiwing wika niya. 

Nakangiti akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa braso. Taka niya naman akong tiningnan na tila nandidiri pa dahil sa higpit ng paghawak ko sa kanya. 

“Basta Tim, kapag 35 na ko at wala pa rin akong mahanap, ikaw na lang ha” wika ko rito na sobra niyang ikinagiwi at agad na tinanggal ang pagpulupot ko sa kanya. 

“Kilabutan ka nga sa sinasabi mo” diring-diri na wika niya na siya namang ikinahagalpak ko ng tawa. “Kung ganyan lang din naman ang plano mo eh ipipilit ko na lang yung Samuel na ‘yon para sa’yo kaysa sa ako pa maging trip mo” wika niya na ikinabusangot ko.

Isang mahinang pag-ubo ang narinig namin. Pareho pa kaming nagulat ng makita na mula iyon kay Sir Seb na ngayon ay nasa tabi na pala namin. 

Baliw talaga ‘to si Tim. Malamang narinig na ni Sir Seb yung sinabi niya. 

“Let’s talk” walang emosyon na wika ni Sir Seb habang nakatingin sa akin pagkatapos ay naglakad papunta sa pwesto niya kanina. 

Isang masamang tingin ang itinapon ko kay Tim bago sumunod kay Sir Seb. 

“Have a seat” wika nito na agad ko namang sinunod. 

“Anong sinasabi ng cousin ko na may atraso  ka pa raw sa kanya?” seryosong tanong nito.

Paano ko ba sasabihin sa kanya? Problemadong tanong ko sa isip ko.

“Ikakasal na ang pinsan ko, Thea.” muling wika ni Sir Seb. Gustuhin ko man na mainis dahil sa accusation niya ay hindi ko na nagawa kasi wala rin naman siyang alam sa totoong nangyari. 

“Na parang hindi matutuloy” wika ko.

“What?” kunot-noong tanong niya. Parang nagulat pa siya sa naging sagot ko. Akala talaga nito plano ko maging kabit eh no. 

“Don’t get me wrong, Sir Seb” panimulang wika ko rito at ikinuwneto sa kanya ang nangyari noong araw na sumugod ako sa restaurant kung nasaan si Sir Samuel at ang fiance niya, pati na rin kung paano ko ito napagkamalan na nakabuntis sa cousin ko. 

Natawa naman ito sa narinig. 

“I’m sorry” wika nito habang pinipigilan ang pagtawa. 

Nakita ko si Tim na may nagtatanong na tingin at tanging kibit-balikat lang ang isinagot ko. Parehas ata kaming nagugulat ngayon kasi ito ang unang pagkakataon na makita namin si Sir Seb na tumatawa. 

Ilang sandali pa ay kumalma na ito. 

“That’s why parang familiar ka” wika niya. Oo nga pala, baka andon din siya noong araw na iyon. “So, ano ang gusto sa’yo ng pinsan ko?” usisa nito.

“Gusto niya na tulungan ko po silang magkabalikan ng fiance niya” diresto na sagot ko. 

Napangisi ito sa narinig.

“Interesting” may ngisi sa labi habang bahagyang iniiling ang ulo na wika niya. “So, ano ang plano mo?” kalmadong tanong niya.

Sandali akong napayuko bago muling tingnan sa mata si Sir Seb.

“Sa totoo lang, hindi ko po alam kung tutulong ako o hindi” sagot ko rito. 

“Then don’t.” May ngiting wika niya. 

“Po?” nakakunot ang noong tanong ko. 

Hindi ako sigurado kung nabibingi lang ba ako o talagang malaki lang ang galit ni Sir Seb sa pinsan niya para gustuhin niya na hindi ko ito tulungan. Parang ang sama naman na ata non lalo na at kasal and future ni Sir Samuel na pinsan niya ang pinag-uusapan namin.

“Sa totoo lang hindi alam ni Samuel kung ano ang gusto niya sa buhay. Tulungan mo man siya o hindi, pabor pa rin yon sa kanya.” wika niya na nagpagulo sa isip ko. “Pero kung talagang nalilito ka, piliin mo yung desisyon na gusto mo at makakatulong sa’yo” pagpapauloy niya at tumayo na para lumabas.

Naiwan akong nag-iisip. Ano nga ba ang gusto ko? Isa lang naman ang gusto ko, maipakita sa lahat na deserving ako na makapasok sa BMC at ang isa si Sir Samuel sa pwede makatulong sa akin. Ang tanong naman eh kung handa na ba ako pumasok sa magulong mundo nila?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status