Share

Billionaire's Love Beyond Misunderstanding
Billionaire's Love Beyond Misunderstanding
Author: Calliana

Prologue

Lakad takbo ang ginawa ko para pasukin ang restaurant na nabanggit ng pinsan ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin ang lamesang sinabi niya ngunit nabigo ako dahil sa lawak ng lugar. Masyado nga talagang pangmayaman ang lugar na ito kaya wala akong maintindihan sa paligid.

“Excuse me, kuya. Nasaan po yung VIP-AA1?” tanong ko sa waiter na napadaan sa harap ko. Nadako ang tingin nito sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Masyado namang mapanghusga ‘to.

“May reservation po ba kayo?” may pangungutyang tanong niya. Aba, masama ang ugali ng mga tao rito ha. Kasing sama ng lalaking hinahanap ko.

Nakahanda na akong ibuka ang bunganga ko para sermunan ito kaso ay bigla itong tinawag ng isang kasama niya kaya nabaling ang atensyon niya roon at iniwan akong nakatunganga sa pwesto ko. Inirapan ko na lang ito kahit hindi niya nakikita at muli akong nagpalinga-linga sa paligid.

“Sa VIP-AA1 ‘tong cake, ingatan mo ‘yan. Pati na rin ‘tong wine. Para ‘yan sa engagement nila” rinig kong wika ng kasama noong waiter na tinanungan ko kanina.

Engagement? Ang kapal naman talaga ng mukha ng lalaking iyon. Matapos ng ginawa niya sa pinsan ko ay may gana pa talaga siyang magpakasal sa iba! Ang kapal talaga!

Umuusok ang tenga na sumunod ako sa waiter na iyon. Pumasok ito sa isang pinto pa na narito sa loob ng restaurant. Nakita ko na ang guard na nakabantay sa door ay may kinausap na guest na mukhang paalis na kaya tahimik at dali-dali akong pumasok.

Natanaw ko ang waiter na sinusundan ko. Nasa isa itong lamesa. Nakangiting inilapag niya ang cake sa harap ng isang babae at lalaki. Sa tingin ko ang lalaking iyon na ang hinahanap ko. Malapad na ngumiti ang babae habang poker face lang ang kasama nito. Sunod na binuksan ng waiter ang bottle ng wine at nagsalin sa wine glass na naroon.

Kasalukuyan niyang sinasalinan ng wine ang glass ng lalaki. Lumapit ako sa harap nila. Nakita ko pa sa peripheral vision ko na tila nagulat ang waiter na muli akong makita.

Nakipagtitigan ako sa lalaking poker face na nakatingin ngayon sa akin. Habang mababakas naman sa mukha ng babaeng kasama niya ang pagtataka.

Inabot ko ang wine glasss ng lalaki at walang pagdadalawang isip na itinapon ito sa pagmumukha niya.

“Ang kapal naman ng mukha mo! Matapos mong mabuntis ang pinsan ko, narito ka ngayon to celebrate your engagement!”

Narinig ko ang bulong-bulungan ng mga tao sa paligid namin. Ang waiter naman na katabi ko ay tarantang hinawakan ang braso ko at sinasabihan ako na umalis. Pero hindi ako nakinig sa kanya at binawi ko pabalik ang braso ko.

Nagtititigan ang dalawang magkasintahan. Tinatansya ang bawat isa. Nagmistula tuloy akong isang hangin ngayon.

“Explain, Samuel” basag ang boses na wika ng babae.

Tiningnan lang siya ng lalaki at nagkibit-balikat. Wala akong nababasa na emosyon sa mukha niya. Ang kapal talaga ng mukha! kawawa ang fiance niya sa kanya!

“Samuel” nagbabantang wika ng isang matandang babae sa kabilang table.

Nang wala pa rin makuha na tugon mula sa kanyang fiance ay tumayo na ang babae at itinapon ang wine na hawak niya sa mukha ng lalaki. Naglikha iyon ng ingay mula sa mga reaksyon ng tao sa paligid.

“Dad, let’s go” wika ng babae at may tumayo namang matandang babae at lalaki sa isa pang lamesa. Nilisan nila ang lugar na hindi pinapansin ang mga tumatawag sa kanila. Lalo na ang matandang babae kanina.

“Oh my gosh, kuya. Are you okay?” nag-aalalang tanong pa ng isang babae na galing sa isang table.

Oh my gosh, napatakip ako ng bibig at lumingon sa paligid. Nagpapalit-palit ang tingin ng mga tao sa akin at sa lalaking tinawag na Samuel kanina. Huwag mong sabihin na isang buong pamilya silang lahat na narito? Jusko, eh kung kainin na lang kaya ako ng lupa!

“Who are you?” maarteng tanong ng babaeng lumapit sa tinawag niyang kuya.

Hindi na ako nakasagot pa dahil sa biglaang paghila ng kung sino sa akin. Nagpatangay na rin ako dahil halos kainin na ako ng lupa sa kahihiyaan na gawa ko. Pero bakit ba ako nahihiya eh kasalanan naman ‘to ng lalaki na ‘yon!

“Anong ginagawa mo?” pasermon na tanong ng humila sa akin. Dinala niya ako sa kabilang kalsada na katapat ng restaurant.

“Ate Ellaine?” takang tanong ko dahil hindi ko masyadong makita ang mukha ng kaharap ko pero sigurado ako na ang pinsan ko ito kahit balot na balot pa ito ng hoodie jacket at nakasuot pa ng cap na humaharang sa buong mukha niya. “Anong ginagawa mo rito? Hindi ba dapat nagpapahinga ka? Baka mapano yung baby mo!” sermon ko at hinampas siya sa braso.

“Aray naman, yung anak ko!” reklamo niya.

“Ay sorry” wika ko. “Ang OA mo, ang layo sa tyan mo yung hampas ko ha” pambabara ko sa kanya.

“Pero maiba nga ko, anong ginagawa mo rito ha?” nagbabantang tanong niya. Hindi ko siya sinagot at ibinaling ang tingin ko sa paligid. Kunwaring naa-aapreciate ko bigla ang mga halaman at bato sa paligid namin.

Isang malakas na hampas ang natanggap ko mula sa kanya.

“Aray naman!” reklamo ko na sinuklian niya lang ng isang masamang tingin. “Eh hindi ko napigil ang galit ko eh kaya sinugod ko yung lalaking nanloko sa iyo” wika ko na ikinalaki ng mata niya. “Alam mo rin ba, ang kapal talaga ng mukha ng lalaking iyon. Sorry ate ha, pero kasi, mukhang pinagdirawang nila iyong engagement nila kanina” muling wika ko na ikinatakip niya sa bibig niya at parang naluluha na dahil hindi makapaniwala. Baka nga talaga hindi siya makapaniwala na gano’n ang klase ng tao na minahal niya. Niyakap ko siya.

“Okay lang ‘yan, ate Hindi worth it iyakan ang mga lalaking ganyan” hinihimas ang likod niyang wika ko.

“Altheaaaa!” malakas na sigaw niya na ikinalayo ko dahil sa sakit na epekto sa tenga ko. Sigawan ba naman ako sa tenga! Ang sunod niyang ginawa ay pinaghahampas ako.

“Aray! aray! ano ba!” reklamo ko habang iniiwas ang katawan sa mga ibinabato niyang hampas. “Bakit ba?” inis na wika ko at sinalo ang kamay niya. Marahas niya iyong binawi sa akin at isang malakas na hampas ang muling ibinato sa akin.

“Hindi ko naman kilala iyong sinugod mo!” umuusok ang tenga na wika niya at napahawak sa noo. Tila stress na naman sa mga pinaggagawa ko sa buhay.

“Eh ano naman?” nakapamewang na tanong ko habang taas-noo na nakatingin sa kanya. “Ha?” malakas na tanong ko ng mapagtanto ang sinabi niya.

“Althea! Ikaw! iyang kaiksian talaga ng pasensya mo ang magpapahamak sa iyo!” panenermon niya. “Hindi ko sa’yo binanggit iyong location para puntahan mo!” pakiramdam ko talaga magpapakain na lang ako sa lupa! Help!

Nawala ang atensyon ko kay Ate Ellaine ng makita sa kabilang kalsada na lumalabas na iyong pamilya siguro ng lalaki kanina. Iyon iyong matandang babae kanina. May mga kasama pa ito. Sa tabi nito ay iyong batang babae kanina at sa pinakalikod nila ay iyong lalaki kanina. Nagpalinga-linga ang ulo nito sa paligid na tila may hinahanap. Humarap ito sa direksyon namin at nagtama ang mga mata namin. Itinuro ako nito at nilingon ako ng mga lalaking nakaitim na katabi niya. Nakita ko siyang lumapit sa matandang babae at nagbeso. Saka ito naglakad papunta sa direksyon ko.

Patawid na ito ng pedestrian ngunit biglang nag-go signal para sa mga sasakyan. Bahagyang nataranta ako ng makita na pwede ng tumawid. Handa na itong tumawid papunta sa direksyon ko. Nahihiyang peace sign ang pinakawalan ko sa kanya. Pasensya na talaga.

“Althea! Ang pangit mo talaga ka bonding! Alam mo naman na buntis ako!” sumisigaw na reklamo ni Ate Ellaine habang hinihila ko siya.

“Pasensya na” pasigaw na sagot ko at pumara ng taxi. Nilingon ko ang lalaki at hinahabol pa rin ako nito.

“Sorry po. Sana okay lang kayo ng fiance mo” sigaw ko sa lalaking iyon at bahagya pang yumuko bilang paghingi ng paumanhin bago nagmadaling sumakay sa taxi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status