Share

Chapter 2

“Hoy! Kaloka ka teh. Bigla ka na lang umuwi kahapon. Gusto mo ba talaga mawalan ng trabaho?” stress na wika ni Timothy.

Sa sobrang taranta ko kahapon eh bigla na lang akong napatakbo pauwi. Hindi nga ako sigurado kung namukhaan na ba ako ng lalaking tinataguan ko kasi narinig ko pa siyang nagtanong kay Timothy na ‘what’s wrong with her?’ pero mabuti na rin na sure no kaya tama lang na umalis ako bago niya pa ko tuluyang mamukhaan. Bakit ba kasi sumusulpot biglang iyong lalaking iyon dito eh ang laki kaya ng Manila. Teka, ano nga ulit pangalan non? Ah ewan. Basta sana huwag na kami magkita.

“Wala bang love life ‘yang si sir?” curious na tanong ko kay Tim dahil nabaling ang atensyon ko sa pwesto ni Sir Sebastian.

Isang tingin mula ulo hanggang paa ang ibinigay ni Tim sa akin.

“Ay bakit teh? papatulan mo ba ’yan?” nakangiwing tanong niya habang inginunguso ang direksyon ni sir.

“Sira” sagot ko at inirapan ito “nagtataka lang ako kasi inaabot na ng madaling araw ‘yan dito” dugtong na wika ko. Totoo rin naman, patapos na dapat ako ng shift tapos si sir abala pa sa ginagawa. Walang social life.

May pagdududang tingin naman ang itinapon sa akin ni Tim habang nakataas ang isang kilay.

“Wala raw eh” taas ang kilay na sagot nito pagkatapos ay bahagyang yumuko at sinenyasan ako na lumapit sa kanya at iyon nga ang ginawa ko. “Ang balita eh bakla raw ‘yan si sir’ bulong niya at pareho pa kaming natawa.

Naputol ang pagtawa kong iyon ng lingunin ko si sir ay blangko ang ekspresyon nitong nakatingin sa akin. Kaya naman ay pareho kaming napaayos ng tayo ni Tim.

Tumayo naman si Sir Seb at naglakad papalapit sa pwesto namin.

Agad naman kami nagkatinginan ni Tim at pinandilitan ako nito ng mata at gano’n din ang ginawa ko sa kanya.

Kunyari ay abala siya sa pagpupunas sa counter at ako naman ay kunwaring nagpipindot sa POS machine.

“Why are you still here?” muntikan pa akong mapatalon ng marinig ang boses ni sir.

Nag-angat ako ng tingin at ang kunot-noong mukha niya ang sumalubong sa akin.

“Oo nga. 2am na oh. May pasok ka pa naman bukas” wika naman ni Tim.

Pinandilatan ko ito ng mata. Pumapapel pa eh. Napansin ko lang na kapag si sir ang kaharap namin, lalaking-lalaki itong boses ni Tim. Alam kaya ni sir na baliko ‘to?

“Go home. Dapat nagpapahinga ka na. Lalo na at masama pa ang pakiramdam mo” wika ni sir.

“Po?” takang tanong ko.

Masama ang pakiramdam ko? Or namali lang siya ng sabi at dapat talagang sasabihin niya ay ‘masama ang ugali ko’ dahil bigla na lang akong umuwi kahapon. Kaya nga rin hindi muna ako umuuwi ngayon habang hindi pa nakakauwi si sir kasi bumabawi ako sa ginawa ko kahapon.

“Tim told me na bigla kang nahimatay kahapon kaya dinala ka sa ospital. He also told me na baka raw buntis ka?” nag-aalinlangan pero may pag-aalalang tanong ni sir.

Awkward akong tumawa at hinarap si Tim.

“Siraulo” pabulong na wika ko rito.

“Fake news pala sir, kabag lang ‘yon. Hehe” wika nito kay sir.

Tiningnan lang kami nito at bumalik sa pwesto niya. Kinurot ko naman si Tim sa braso niya na ikinasama ng tingin niya sa akin.

Pumunta na rin ako ng locker room para kunin ang mga gamit ko. Bahala na si sir, kakapalan ko na mukha ko dahil inaantok na talaga ako gusto ko na umuwi para matulog dahil maaga pa ako bukas.

“Nasaan si sir?” tanong ko kay Tim dahil paglabas ko ng locker room ay wala na si sir.

“Kakalabas lang” sagot nito habang ang atensyon ay nasa book record na binabasa niya.

Inangat nito ang tingin at tiningnan ang bag na bitbit ko. Agad niya naman nilapag ang book record na hawak niya.

“Uuwi ka na? Hatid kita sa labas” wika nito at kukunin na sana ang bag ko pero inilayo ko iyon sa kanya.

“Ako na” wika ko at tinapik ito sa braso. Wala na siyang nagawa ng may pumasok na customer.

“Ingat ka ha” wika nito at tinanguan ko lang siya.

Inilabas ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na.

“Hatid na kita” wika ng isang boses na nagpalingon sa akin.

“Sir Sebastian, kayo po pala.” Wika ko rito at tinanguan siya. Nasa loob siya ng sasakyan niya at ibinaba nito ang bintana para makita ako.

“Sakay na. Hatid na kita” wika niya.

Nagtatalo pa lang ang utak ko kung papayag ba ako o hindi pero bumaba na agad si sir at binuksan ang pinto sa passenger seat kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumakay na lang lalo na at bored itong nakatingin sa akin.

Akala ko ay aalis na siya pagkatapos kong makaupo pero hindi. Inabot nito ang kabilang side ng seatbelt at siya na ang nagsuot nito sa akin kaya halos pigil hininga rin ako at hindi makagalaw dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Hindi ko na nga namalayan na nakabalik na siya sa driver seat.

“Dito ka nakatira?” tanong nito ng makarating kami sa address na nilagay ko sa waze niya. “I’m sorry. I’m just worried. Ligtas ba rito? Look, madaling araw na pero marami pa ring tambay sa labas” nag-aalalang wika nito. Bahagya akong natawa.

‘Ano ka ba, sir. Yang mga tambay pa na ‘yan ang magliligtas at tutulong sa’yo minsan” may ngiti sa labing wika ko.

Totoo naman kasi. Kahit tambay ang mga iyan eh maasahan mo.

“Whatever” wika nito at tinanggal ang seatbelt at saka lumabas para pagbuksan ulit ako. In fairness kay sir, gentleman.

“Thank you, Sir Sebastian” nahihiya pero bahagyang nakangiti na wika ko.

Tanging tipid na pagtango lang ang isinagot nito bago pumasok sa sasakyan niya at umalis. Ang sungit pa rin.

Ito na nga ba sinasabi ko eh. Hindi talaga dapat ako nagpupuyat kasi late na ako nagigising. 7:54 AM na at halos liparin ko na mula rito sa labas ng BMC papunta sa 10th floor.

“Aray” reklamo ko ng may lalaking nakabangga sa akin.

Hahayaan ko na sana ito dahil baka hindi naman sinadya pero tila wala itong plano na humingi ng sorry dahil hindi man lang ako nito nilingon.

“Excuse me, bulag ka ba?” wika ko at saka marahas na hinawakan ito sa kamay para iharap sa akin.

Kapag minamalas ka nga naman. Ilang beses ko pa bang makikita ang lalaking ‘to?

Mula sa kamay kong nakahawak sa kanya ay inangat niya ang tingin papunta sa mga mata ko.

“You” wika nito at agad kong binitiwan ang kamay niya para sana tumakbo ngunit agad niyang nahawakan pabalik ang kamay ko. “Finally” may ngisi sa labing wika niya.

Nakahanda na sana akong tanggapin ang kapalaran ko nang biglang may tumawag sa lalaking ito.

“Sir, we need to go. Baka po maipit tayo sa traffic jam” wika ng lalaking sa tingin ko ay driver niya.

Kinuha ko ang pagkakataong iyon para mabawi ang kamay ko sa kanya at agad na tumakbo. Narinig ko pa siya na tinawag ako pero hindi na ako nag-abala pa na lumingon. Mahal ko pa ng buhay ko no.

Hinihingal na napatigil ako malapit sa elevator. Napakahaba ng pila! Nanlaki ang mata ko ng makita na 8:10 na. Althea naman, third day mo pa lang, late ka na. Kapag hindi talaga ako nakapasa sa internship namin ang lalaking iyon ang sisisihin ko. Yung problema niya, yung fiance niya lang naman siguro, ako naman, sa internship program na ito nakasalalay ang buhay ko at ng pamilya ko. Kaya mas mahalaga ‘to.

“Hoy” tawag ni Timothy.

May hawak ito na isang supot sa kamay na may mga lamang order. Kakatapos ko lang gawan ng report iyong inventory namin na inutos niya tapos mukhang may iuutos ulit ‘to. Dahil manager, abusado?

“Ikaw ang hilig mo talaga mang hoy. Hindi ako pinangalanan para sa wala no” wika ko at inirapan ito. Tinawanan niya lang ako. “Ano ba ‘yan? Take out ko ba ‘yan?” tanong ko rito.

“Special ka beh?” ngiwing tanong nito. “Wala pa si Tristan. Ikaw muna mag-deliver nito” wika niya at inabot sa akin ang hawak. Ngiwi ko iyong tiningnan at itinuro pa ang sarili.

“Ako? Seryoso ka?” kunot-noong tanong ko sa kanya.

“Alangan naman ako?” balik tanong niya at itinuro pa ang sarili.

“Bakit naman hindi?” pambabara ko.

Inirapan niya lang ako at inilagay sa kamay ko ang plastic. Pagkatapos ay agad niyang inasikaso ang pumasok na customer para hindi na ako makapagreklamo.

Baliw rin ‘to eh. Minsan ang caring at protective tapos ganitong 11pm na uutusan pa ako magdeliver ng order sa kung saan.

Hindi ba pwede na ipahatid na lang muna ‘to sa grab? tutal wala pa ang delivery man namin? Si sir naman kasi bakit isa lang kinuha na taga deliver.

Tiningnan ko ang resibong nakalagay sa plastic. Wow. Alam ko ‘tong address na ‘to. Ang yaman ng mga nakatira sa building na ‘to. Dito ko dream na makabili ng condo eh. Napangiti ako. Chance ko na makapunta sa building na ito kaya tatanggapin ko na lang ‘tong delivery na iniuutos ni Tim.

“Hello po. Andito na po ako sa labas ng building niyo” wiko ko sa customer na kausap ko sa telepono. Ilang segundo pa itong natahimik bago sumagot. Siguro eh nagulat na babae ang nagdeliver ng order niya sa ganitong oras.

“I see. I already told the guard. Just come here” wika naman nito.

Kinatok ko ang unit na nakalagay sa resibo. Halos 30 segundo ang hinintay ko bago ito tuluyang bumukas.

“Good evening po” wika ko at bahagyang yumuko pa. Pag-angat ko ng mukha ay nakangising mukha ng lalaki ang naabutan ko.

“Hi. Here. Keep the change” ngiting wika ng lalaki sa likod nito na biglang sumulpot. Kaboses niya iyong kausap ko kanina sa phone.

Inabot ko ang order sa lalaking nagbayad at agad na nagmadaling umalis. Para akong tanga. Naiiling na lang ako sa sarili. Alam ko naman na may atraso ako sa lalaking ito pero bakit ayaw niya akong tantanan.

Hindi ko alam kung gagamit ba ako ng elevator o hagdan na lang. Bahagya kong nilingon iyong unit na pinanggalingan ko at nakita ang lalaking iyon na nakatingin lang sa akin. Iniling-iling pa nito ang ulo. Mukha wala naman itong plano na sundan ako kaya elevator ang ginamit ko.

“Kuya, nagdeliver lang po ako. Naibigay ko na nga po eh” wika ko sa guard na kaharap ko. Paano ba naman kasi eh hinarangan nila ako at ayaw palabasin.

“Pasensya na po ma’am. Napag-utusan lang po kami” paumanhin nito.

“Thank you, kuya” hindi ko na natuloy ang pagtanong kung sino ang nag-utos sa kanila dahil sa boses pa lang ng lalaking nagsalita ay alam ko na.

Hinarap ko ito at ngingitian pa lang sana ngunit agad na ako nitong hinila papunta sa kabilang exit na sa tingin ko ay papuntang parking lot. Hindi nga ako nagkamali dahil narito na ako ngayon sa loob ng sasakyan niya at nakaupo sa tabi niya. Ito na ang katapusan ko.

Salubong ang mga kilay nito ng harapin ko siya. Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko.

“Bakit ba palagi kang tumatakbo?” iritadong tanong nito.

“Bakit mo ba kasi ako palaging hinahabol” inis na bulong ko na sa tingin ko ay narinig niya dahil mas lalong sumama ang tingin na ibinibigay niya sa akin.

“Bakit nga kaya?” taas-kilay na tanong nito.

Siguraduhin lang talaga ng pinsan ko na cute at malusog ang magiging baby niya para worth it lahat ng ito.

“Uhm-” panimula ko.

“Give me your phone” blangko ang mukha na putol nito sa sasabihin ko. Parang ewan lang ako na nakatingin sa kanya. Kaya lumapit na ito sa akin at inagaw ang sling bag ko.

“Hoy” reklamo ko. Ang gwapo at yaman pero nanghahablot ng bag.

Nakita ko na tila nag-dial siya ng mga numero sa phone ko.

“What?! You don’t have load?” magkasalubong ang mga kilay na tanong nito. Sorry naman.

Kinuha nito ang phone niya at ibinigay sa akin. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa cellphone niya.

“Faster. Dial your number” nauubos ang pasensyang wika niya.

Pairap kong kinuha ang cellphone niya na ikinasama ng tingin niya. Ibinalik ko agad iyon sa kanya matapos mailagay ang number ko.

“Don’t do that again” casual na wika niya. Ha? Ang ano?

Ilang sandali pa at narinig ko na nag-ring ang phone ko. Tiningnan ko siya at sinenyasan niya ako na sagutin iyon kaya nakasimangot ko iyong sinunod. Pagkasagot ko ay agad niya iyong pinatay. Ang bastos.

“Save my number” walang ganang wika niya. “Tatawagan kita kapag kailangan kita” muling wika niya na ikinangiwi ko.

“Ang dumi ng isip mo” agad na wika niya at dinuro ang noo ko. Ang slang magtagalog ng isang ‘to. “May utang ka pa sa akin. For now, I have a meeting na kailangan puntahan. Next time ako maniningil” slang na wika nito.

“Pwedeng ano” panimula ko at nag-peace sign pa. Masama itong tumingin sa akin “kung kayo pa rin ng fiance mo, patawarin mo na ko. Hehe” medyo nakayukong wika ko.

Inilapit nito ang mukha sa akin. Ang mga kamay nito ay inihawak niya sa upuan ko habang ang isa ay nasa manibela.

“No” madiin na wika niya at pinaandar ang rolls-royce nito. Siya na ang mayaman kung gano’n.

Saan naman ako dadalhin nito. Baka mamaya ipapatay ako nito.

Teka, wait, anong no? No, as in hindi niya na ko mapapatawad? or no as in wala na sila? Jusko ko po. Alin man sa dalawa ay walang magandang dulot sa akin.

Wala sa oras na napahawak din ako sa noo dahil naalala ko ang motor ni Tim. Ang malas ko naman.

Masamang tingin ang itinapon ko sa katabi ko. Tiningnan naman ako nito at tinaasan lang ng kilay. Tumigil ang sasakyan at nakita ko ang cafe na pinagtatrabahuhan ko. Paano ba ‘yan, mukhang wala na akong kawala sa lalaking ito dahil alam niya na kung saan ako nagtatrabaho.

“Labas” wika nito. Aba, ang bastos talaga.

Inirapan ko it ato padabog na bumaba sa sasakyan niya. Talaga ba Althea? Mukha kayong magkasintahan na nagkaroon ng LQ.

Pagtingin ko sa door ng cafe ay nakita ko si Sir Sebastian na nakatingin sa amin. Ano na lang iisipin ng boss ko nito? Oras ng trabaho pero bumababa ako sa sasakyan ng isang lalaki.

Nakita ko na tila nagtititigan na ang dalawang lalaking ito kaya hinarap ko itong kasama ko, wait, ano nga ulit pangalan nito? Mula sa boss ko ay inilipat niya sa akin ang blangko niyang ekspresyon. Bago pa ako makapagtanong ng pangalan niya ay nagsalita na ito.

“Help me fix my engagement. Tatawag ako bukas.” wika nito at pinaharurot ang sasakyan paalis.

Bahagya pa akong napanganga dahil sa sinabi niya? Ha? Ano raw? Baliw ba ‘yon? Stress na nga ako kakatago sa kanila ng fiance niya tapos ako pa uutusan niya umayos sa engagement niya! Gets ko naman na kasalanan ko pero wala na bang ibang option?? Wala sa oras akong napasapo sa ulo ko. Ano pa bang malalaman at maririnig ko ngayon na magpapasakit ng ulo ko.

“Magkakilala kayo ng pinsan ko?” tanong ni Sir Seb.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya. Nakatalikod pa ako sa kanya. Exhale inhale. Iyan ang ginawa ko habang mariing nakapikit ang mga mata dahil sa narinig ko. Pinsan? Sa lahat ba naman ng tayo na makikilala ko. Lord, tulong!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status