Share

CEO's Obsession
CEO's Obsession
Author: MissBangs001

CO 01:

Gaea

"Samantha naman! Kailangan ko ng inspirasyon hindi ang maingay na lugar na iyon!" Napakamot ako sa batok ko nang bigla niya akong binatukan.

Inilapag nito sa kama ang mga mini dress na napili at umupo sa aking tabi. Saglit ko lang siyang tinignan at ibinalik na sa screen ng laptop ko ang aking paningin.

Kaninang umaga lang nakatanggap ako ng mensahe sa editor ko na ipapatanggal ako ni Boss Ricky kapag hindi pa ako nakapagsubmit ng bagong manuscript sa susunod na linggo.

"Kaya nga tayo pupunta sa club para humanap ng inspirasyon mo!" Naririnig ko naman siya pero hindi ko pa rin siya nililingon. Sumasakit ang ulo ko sa susunod na eksena dahil walang ideyang pumapasok sa utak ko. "Hello! Earth to my pretty Gaea?"

Bumuntong-hininga at malungkot na tumingin sa kanya. Mahal ko ang trabaho ko at ayaw kong mawala iyon sa akin, pero simula nang maghiwalay kami ni Russu ay nawalan na rin ako ng ganang magsulat.

"Wala nga akong makukuhang ideya doon! Ang ingay pa ng mga—" Napatigil ako sa pagsasalita nang kaagad nitong tinakpan ang aking bibig.

"Sumama ka na sa akin at kung wala ka ngang ideya na makukuha roon ay ililibre kita ng paborito mong tsokolate!" Kumislap ang mga mata ko sa narinig. "Game?"

Mabilis akong ngumiti at kinuha ang kulay itim na damit na nakapatong sa kama ko.

"Sabi mo yan! Walang bawian!" masaya kong sambit at nagtatalon pa papuntang banyo. Narinig ko siyang tumawa kaya mas lumapad ang aking ngiti.

"Oh my gosh, Gaea!" I looked at samantha with a confuse look. Hinila naman ako nito papalapit sa kanya at marahang pinaikot. "Mukhang hindi inspirasyon ang mabibingwit mo ngayon, sister!"

Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinasabi niya. Medyo naging slow ako at hindi ko kaagad siya maintindihan. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Lalaki ata ang makukuha mo mamaya—" Mabilis na tumaas ang kaliwa kong kamay at pinitik ang kanyang noo.

"Kahit kailan ka talaga Samantha Marquez. Tapos ka na ba?" Malapad pa rin ang ngisi niya na tumango sa akin at hinila na ako palabas ng apartment namin.

Mag-isa akong namumuhay sa syudad dahil nasa probinsya ang mga magulang ko, kaya nang makilala ko si Samantha at inaya ako nitong magsama kami sa isang bahay ay pumayag na ako.

"May kasama ka ba ngayong lalaki?" tanong ko sa kanya. Noong isang linggo lang ay iniwan ako nito sa club dahil dumating ang nobyo nito.

Napailing ako nang humagikhik ito at hinampas pa ang manibela.

"Huwag kang mag-aalala Gaia, makakahanap ka rin ng lalaki mo mamaya." Masama ko siyang tiningnan kung hindi lang talaga siya nagmamaneho ngayon ay mababatukan ko talaga siya.

"Sabi ko naman sayo—"

"Na hindi ka naghahanap ng lalaki. Alam ko na yang linya mo na yan, pero maniwala ka sa akin makakahanap ka talaga mamaya." Napailing na lamang ako at hindi na siya pinatulan. Ang hirap makipag-usap ng matino sa babaeng 'to.

"Yes! We're here! Finally!" nagtitili niyang saad at mabilis na bumaba ng kotse.

Tiningnan ko ang pangalan ng club at bumaba na rin. May taste rin pala ang babaeng 'to akalain mo ba naman sa yayamaning club din siya nagpupunta.

"Last time sa Downtown lang tayo eh. Bakit nasa First Class na tayo ngayon?" nakataas kilay kong tanong sa kanya.

Umakbay naman ito sa akin at hinila ako papasok sa loob ng club.

"Mas maganda rito maraming gwapo. Pili ka na lang ng gusto mo," natatawa niyang sabi. "Ibibigay ko na lang sila sayo."

Kung makasabi ito na ibibigay sa akin para bang pag-aari niya ang mga taong narito. Napailing ako at umupo na sa bakanteng sofa.

"Huwag diyan! Sa sulok tayo. Mas maganda roon dahil hindi tayo mahahalata na nagpapantasya," saad nito sabay hila sa akin patayo.

Nagpatianod na lang din ako sa kanya dahil wala na naman akong magagawa. Kapag si Samantha na ang may gusto, dapat lahat ng sasabihin niya masusunod.

"Counter muna ako. Kukuha lang ako ng maiinom." Tumango ako at kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Binuksan ko ang documents saka nagbukas ng bagong pahina.

Inikot ko ang aking mata sa loob ng club habang naghahanap ng eksenang pwede kong isulat. Napakagat ako sa aking labi nang may pumasok na lalaki.

Nakaakbay ito sa magandang babae habang nakangisi. Maamo ang mukha nito ngunit puno ng kapilyuhan ang mga ngising binibitawan nito. Ang malapad nitong katawan ay tumatakip na sa maliit na pigura ng babaeng kasama nito.

"Clyden! Buti naman at nakapunta ka? Sa sobrang busy mo minsan na lang kitang makita rito sa club ko!" reklamo ng lalaking lumapit sa kanya.  Humalakhak naman siya at inakbayan rin kaibigan.

Ang sarap pakinggan ng tawa nito, nakakahumaling tila ba inaakit ako na pakinggan iyon ng mabuti. Kahit sa ingay na dala ng musika ay malinaw ko pa rin na naririnig ang halakhak niya.

"Ngayon lang ako naghahanap ng babae." Napasinghap ako nang biglang magtama ang aming paningin.  Napapikit ako para mamemorya ko ang kanyang mukha ang matangos nitong ilong, maliit na mukha at chinitong mata.

Pagdilat ng aking mga mata ay nakita ko pa rin siya na nakatitig sa akin. Kahit na kinakabahan ay nginitian ko pa rin ito at mabilis na nag-iwas ng tingin at nagsimula nang mag-sulat.

"Gaea, ang bilis mo naman nakaisip ng ideya! Nag-enjoy ka ba sa pagpunta mo rito?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Samantha at nagpatuloy lang sa pagsusulat.

Mabilis ang pagdaloy ng ideya sa aking isipan para bang may sariling utak ang kamay ko at hindi ko na kailangan pang mag-isip ng malalim.

"Hay naku, Gaea. Tatanda kang dalaga niyan." Tumawa ako at tiningnan si Samantha na namamaktol.

"Saglit lang ito. Magtatapos lang ko ng tatlong chapter." Ibinalik ko muli ang paningin sa cellphone na hawak ngunit kahit na anong gawin ko ay wala ng ideya na pumapasok sa utak ko. "Malapit na yun eh!"

Ginulo ko ang aking buhok at hinanap ang lalaki kanina ngunit hindi na ito mahagilap ng aking mata. Napabuntong-hininga ako at kinuha inisang lagok ang baso ng alak.

"Saglit lang, Samantha may hahanapin lang ako." Nanlalaki ang mata nito na tumingin sa akin.

"Maglalandi ka? Wow naman, first time!" Mabilis ko siyang binatukan at naglakad na palayo sa kanya. Kailangan kong mahanap ang lalaking iyon.

Kailangan ko siya para sa bago kong libro.

"May hinahanap ka ba, Miss?" Napalingon ako sa nagsasalita at nginitian ito. Gwapo siya pero hindi ko siya type at wala akong panahon ngayon para rito.

"Pasensya ka na. Busy kasi ako, may hinahanap akong importanteng tao," hinging-paumanhin ko rito.

Nakakaintindi nama itong tumango at lumayo na sa akin. Bumalik na rin ako sa paghahanap sa lalaki kanina. Nakita ko naman siya sa may counter at may kasamang babae.

Malapad akong napangiti at umupo sa di kalayuan sa kanila. Sapat na naman sa akin na makita siya para makapagsulat ako.

"Saan tayo mamaya? Sa condo mo o sa condo ko?" Kahit na nakayuko ako at nagsusulat ay ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa malanding tanong na iyon ng babaeng kasama niya.

"Bakit sa condo pa kung pwede naman nating gawin iyon sa kotse?" Mahina akong napaubo at nagsimula ng tumayo sa aking upuan.

Lalayo lang ako ng kunti 'yong hindi ko maririnig ang pag-uusap nila. Mabubuntis ata ako kahit na nakikinig lang sa paglalandian nilang dalawa.

"Hi!" Napasigaw ako sa sobrang gulat dahil sa biglang pagkalabit sa akin ng di ko kilala. "Are you okay?"

"I'm fine. I'm sorry, nagulat lang ako dahil bigla ka nalang lumapit." Tiningnan niya ang ginagawa ko bago umupo sa aking tabi.

"May gusto ka sa kaibigan ko?" tanong niya habang itinuturo si Clyden na nakikipagtawanan pa rin sa babae. "Aalis na yan mamaya. Gusto mong kausapin?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Aalis na kaagad? Paano ko matatapos ang nobela ko na 'to?

"Saan siya pupunta?" inosente kong tanong. Naramdaman ko lang pag-iinit ng aking pisngi ng maalala ang sinabi nilang dalawa kanina.

"Nahihiya ako." Pwede ko naman siguro siyang pakiusapan na maging portrayer ko. "May kasama naman kasi siya."

Kinindatan ako nito at tumayo na. "Sumunod ka na lang sa akin."

Nauna itong lumapit sa dalawa at inaya ang babae na sumayaw. Lumingon muna ito sa akin bago itinuro si Clyden na nag-iisa. Tumango ako sa kanya at malalim na bumuntong-hininga bago lumapit dito.

"Hi!" mahinhin kong bati dito. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba habang nakatingin sa kanyang mukha. "Pwede ba kitang makausap."

Pinasadahan nito ang katawan ko ng tingin bago ngumisi at pinaupo ako sa tabi niya.

"Anong kailangan mo?" deretsa niyang tanong.

"Pwede ba kitang maging..." nag-aalangan akong sabihin sa kanya ang gusto ko. Baka magalit ito at sigawan ako rito. "Gusto ko sanang maging parte ka ng nobelang isusulat ko."

Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa akin. Napahigpit ang paghawak ko sa aking telepono at nag-iwas ng tingin.

Napapitlag ako nang bigla niyang hinawakan ang mukha ko. Nag-iinit ang katawan ko dala ng pagkakahawak niya sa akin.

"Hindi kita maintindihan, Miss."

"Gusto kitang makita habang nagsusulat ako. I mean kailangan lang kita kapag nagsusulat ako. Tatapusin ko lang ang isang libro ko tapos—"

"Tapos hindi mo na ako guguluhin? Kung papayag ako, ano naman ang makukuha ko sayo?"

Nanlalaki ang mata ko sa tanong niya. Hindi ko naisip ang tanong na ito kanina.

"I'll pay you? Hindi nga lang malaki—"

"Marami akong pera," he cut me off. Napakagat labi ako habang nag-iisip ng ibang pwedeng i-offer. "Ibigay mo sa akin ang katawan mo, Ibibigay ko sayo ang serbisyo ko."

Mabilis akong umiling ngunit natigil rin ng tumayo siya. Tiningnan ko lamang siya habang may kinukuha sa kanyang bulsa.

"Iyon lang ang gusto kong kapalit mula sa'yo. Kapag nakapag-desisyon ka na, tawagan mo lang ako," nakangisi niyang saad.

Tatayo na rin sana ako sa aking kinauupuan nang bigla nitong hinila ang batok ko at dinampian ng halik ang aking nakaawang na labi.

"Taste good." Napahawak ako sa aking dibdib habang nakatingin sa kanyang likuran na palayo na sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status