Share

CHAPTER FOUR

Nabalik ako sa kasalukuyan nang may kumatok sa pinto. Mabilis kong pinahid ang luha ko at inayos ang buhok ko. Yes, I am miserable. But I don't want to look miserable in front of other people. The least thing I want right now is their pity.

Pagbukas ko ay tumambad sa akin ang kapit bahay kong si Monica. And she is wearing her weird high heels once again. She is known as the antagonist of Route 88. Lahat ay hindi siya matagalan. Lahat ay sinisinghalan niya. Parati siyang iritable na minsan ay hindi ko maintindihan kung bakit siya ganoon. Mataray siya. I guess that is who she is.

And I didn't mind that. Lalo na't wala naman kaming kinalaman sa isa't isa.

Lumunok ako at iniwas ang tingin ko sa kaniya. Another thing that I hate about myself is that I can't look straight in the eye of anyone whom I was talking to. Bagay na hindi ko talaga kayang i work on sa sarili ko kahit ilang beses ko nang sinubukang makipag eye to eye.

"Ba- bakit?" tanong ko. And also my problem of how to speak normally.

She was looking at me like she was examining my inner organs. My palms are now sweaty because of the uncomfortable feeling she was trying to make me feel.

"Chill. I am not gonna eat you alive,” she chuckled while looking at my trembling hands. "Kailangan ko lang ang serbisyo mo."

"Anong serbisyo?" my stupid question again.

"I heard writer ka. Siguro naman ay may kakayahan ka para magsulat ng love letter, ano?"

Love letter. I never tried to write one. Unang una dahil wala naman akong pagbibigyan. Ikalawa, wala naman akong lakas ng loob para gumawa 'non at ibigay sa taong nagugustuhan ko. At pangatlo at panghuli, uso pa ba iyon ngayon?

Tatanggi na sana ako nang lumapit siya at niyugyog ang balikat ko. "Kaya mo naman 'yon 'diba? Kaya mo!" she urged, her brown eyes wide and fixated. Like leaving me with no choice but to say yes.

I swallowed the lump in my throat. Dinig ko ang pagkabog ng puso ko sa kaba. Para akong hihimatayin.

"Oo? Yata?" naisatinig ko. Gusto kong takpan ang bibig ko. Ang sabi ng utak ko ay huwag sumagot pero may sarili yatang isip ang bibig ko. Minsan talaga ay hindi sila magkasundo. At madalas, napapahamak at napapasubo ako. Katulad ngayon.

Monica smiled, widely that I can see her perfect set of teeth. "Then it is a deal! Gagawan mo ako ng love letter. Gusto ko ‘yong mahaba at siguradong maaantig siya kapag nabasa niya. Kukunin ko next week dahil may out of town trip pa ako."

Napakamot ako sa aking batok. Mukhang hindi maganda ito. "Mas maganda kasi kung ikaw ang gagawa. Mas personal. Mas makatotohanan."

"Marunong ka pa sa akin?" mataray na tanong niya at inirapan ako.

Hindi na lang ako kumontra pa. Wala naman akong laban sa kaniya.

"Sino pala ang pagbibigyan mo? Para malaman ko kung paano ang paggawa ng tama sa susulatin ko."

"Nakikita mo ba ‘yong bahay na 'yon?" turo niya sa bahay ni Mrs. Palmeras. Tumango ako. "Diyan nakatira ang taong pagbibigyan ko ng sulat."

Natutop ko ang bibig ko. "Si Marcio?" I don't want to be rude but that guy is really a bad news. His reputation is not impressive and by the type of him, hindi nito maaappreciate ang kahit na ano mang love letter. Pero hindi naman ito panget kung pisikal na anyo lang naman ang pag uusapan. Sadyang panget lang ang napili nitong tahakin sa buhay. Iyon ay ang maging pasaway sa bayan.

Kumunot ang noo ni Monica at napabuga ng hangin. "No! Anong akala mo sa akin? I am talking about Harken! Lumabas ka kasi sa lungga mo nang makilala mo naman ang mga tao sa paligid mo."

Napalunok ako. Biglang na blanko ang utak ko. All I can remember was, I said yes. Isa na namang pagkakamaling 'YES' na nasabi ko sa buong buhay ko.

Ilang beses akong pabalik balik sa estante ng iba't ibang stationery paper na naka display sa bookstore kung saan ako madalas na pumupunta. Hindi ako makapili dahil hindi ko naman alam ang preference ni Monica. Wala naman itong ibinigay na karagdagang detalye bukod sa dapat ay mahaba ang mensahe at nakakaantig. Wala itong sinabi kung saan isusulat at kung anong kulay ang magiging tema nito. Bakit kasi nagtiwala pa siya sa walang alam na tulad ko. Maling mali siya ng nilapitan. I am not the perfect person she was looking for.

The good news is, the store is having their monthly sale which means, makakatipid ako. But that's it. Hindi 'non nasolusyonan ang totoong problema ko. I breathed a silent sigh. I am no expert in writing something about feelings in general. I mean I love writing poems and it is personal to me. But love letter is a different case. I believe it is much more detailed than poetry. Added that I am not really familiar with romantic love itself.

I tried to find a lot of definition of love but upon reading it, it doesn't make a lot of sense to me. I read over the book that my favorite romance author wrote and I ended up thinking that every single thing about love was just a fiction. And it is not going to happen in real life.

"I am really hopeless," I muttered while feeling so dumb about myself.

"Narinig mo na ba na habang may buhay may pag-asa?" a voice said. Unti-unti akong lumingon at nanlaki ang mata ko nang makita kong sobrang lapit sa akin ni Harken. Now that I catch a little sight of him smiling, I felt a little bit of uneasiness and comfort at the same time. But it doesn’t feel right.  

Sumiksik ako sa estante at lumayo na parang may nakakahawang sakit. "Bakit ka nandito?"

Lumingon lingon siya sa paligid. "Bakit? Bawal na ba ako rito?"

"Hi-hindi naman. Sige mauuna na ako,” paalam ko at dinampot ang unang set ng stationery na nahablot ko. Bahala na!

"Teka!" sigaw nito pero hindi ako lumingon.

May kakaiba akong nararamdaman kapag kaharap ko si Harken. I shouldn't be nervous but that is the only emotion I can produce out of my system. I sneak a quick glance at him while I am paying to the cashier. He's looking for a certain book based on my observation. Only now that I realize that he was so tall. I didn’t notice it that much because I was always nervous when he was in front of me. Ang ganda rin ng pagkakaayos ng buhok niya. Ang galing niya ring dumala ng damit. Kahit itim na t-shirt lang at cargo shorts ang suot niya ay napakalinis niyang tingnan. He looks pleasant, and refreshing. At bakit ko ba sinasabi 'to?

I squeeze my eyes and decided to shut it out of my mind. Pagkatapos kong magbayad ay mabilis na akong lumabas ng bookstore.

Baka kung saan pa umabot ang imahinasyon ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status