The least favorite-- not even close to favorite part of my day is always the afternoon. Specifically, summer afternoon. I feel extra sad and depressed. Ito ‘yong mga oras na gusto kong antukin pero hindi ko magawa. When afternoon comes, I do my best to distract myself from hurting myself. But it is just… sometimes. Hindi naman palaging gusto kong mawala. Pero palagi akong sobrang lungkot kapag sumasapit ang hapon. I really don't like the struggle to wait until night comes. Hindi ko alam kung ganoon ba talaga o mahaba at matagal lang talaga ang hapon kaysa gabi at umaga.
Kadalasan ay nilulunod ko ang sarili ko sa pagsusulat. Pero kapag hindi nakikisama ang utak ko sa tanging bagay na alam kong gawin ay nasa sulok lang ako ng bahay at tahimik na umiiyak habang nilalabanan ang kagustuhan kong gumawa ng masama sa sarili ko. Ang hirap mabuhay pero nandito parin ako. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nandito parin ako.
I stared at the only picture on my table. The frame of it got broken and I don't have a heart to buy a new one. After so many years, I am still hurting like everything was just yesterday. I quit counting the days because I know it is impossible to heal in a certain duration of time. They said, time heal all wounds. It is not true. They said, acceptance and forgiveness is the only way to have a peaceful and happy life. I tried to accept it, to forgive them. But I guess acceptance and forgiveness requires honesty and willingness to do it to finally free from hatred.
"I hate you all,” I sob. Pinilit ko namang kalimutan ang nangyari pero hindi parin maalis alis sa isip ko ang nakaraan. Naging permanenteng mantsa na ito sa pagkatao ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko para lang mabura na ang sakit na idinulot ng iba't ibang taong dumaan at umalis sa buhay ko.
Years ago, I used to spend the weekends with my family. But then after the whole betrayal happened, I left with no choice but to stay away from all of them. Nilisan ko ang tahanan na ito at nagkubli sa isang apartment na malapit sa dating pinagtatrabahuan ko. Yes, I had jobs before but sadly, It didn't last long. Mas nanaig palagi ang takot at alinlangan ko sa mga bagay bagay kaya sa huli ay nagreresign ako, na siyang pinagsisisihan ko. Palagi na lang akong natatalo nitong sakit ko.
Sakit ko na hindi tanggap ng pamilya ko. Pilit nilang itinatanggi sa mga sarili nila na totoong may problema. Gusto nilang isiksik sa isip ko na lahat ng nararamdaman ko ay pawang imahinasyon ko lang. Na pinili ko lang na maramdaman. Pero alam ng Diyos na hindi ko ginusto 'to. Kung may antidote lang na puwede kong inumin ay matagal ko ng binili. Pero katulad ng muli nilang pagka buhay, impossible ‘yong mangyari.
But before everything turns into mess, I used to be a happy shy. Mahiyain ako, oo. Pero kahit na ganoon ay hindi ako kailanman nag alala dahil kasama ko naman ang pamilya ko. Sila ang nasa isip ko na magtatanggol sa akin kapag naging malupit ang mundo. Pero akala ko lang pala 'yon. Sila pala mismo ang malupit na mundong kinatatakutan ko.
Tuloy tuloy lang ang pagpatak ng luha ko habang sinasariwa ang pinakamadilim na alaala na ayaw ko na sanang balikan pa.
I was studying in a university kung saan nagtapos ang mga magulang ko. I took up Bachelor of Arts major in English and I wonder why I took that up. I honestly don't have any plan to really enroll and proceed to a bachelors degree. Kaya lang madalas sabihin ng iba na magandang makatapos ng pag aaral dahil magiging sandata mo raw iyon sa pagharap sa kinabukasan. So without any violent reaction, nag enroll ako. I must say, college is a whole different experience. Mas may freedom kaysa noong nasa secondary education pa lang ako. Akala ko mawawala na sa landas ko ang mga taong nambully sa akin noon. Until one unfortunate day, Gregory, one of my bully in high school found me. We accidentally bumped each other at the university's field. He is grinning when he finally recognize me. The mouse they used to play appeared in front of him once again. I was scared of what will happen in the next following days. Siguradong gagawa at gagawa siya ng paraan para pagtripan na naman ako ulit. At hindi nga ako nagkamali.
Greg is like one of my permanent bruise. When he died, the bruise became more tender and painful. It serves as a receipt of my youth. Yes, the non-existent but still exist bruise. No one knows why he died so young. Everyone in town still wondering why. When I learned that he died, I felt nothing.
Alam ng mga magulang ko ang nangyayari. But they did nothing to save me. None of them took an action to help me. Ang sabi lang nila ay umiwas ako sa gulo. Umiwas na lang daw ako. So I did. Hindi ako lumalaban. And they have been pretending like bullying never happened to me. They treated me the usual. Walang nagtanong kung naapektuhan ba ako ng mga pangyayaring iyon.
But I let it all pass.
Until I graduated college. Nagkatrabaho ng hindi minimum ang suweldo. Doon ko nalaman na hindi pala ako tinuring na pamilya ng aking mga magulang. Gusto lang nila ako maging retirement plan-- whatever they called it. The money that I will brought on the table is the only thing that matters to them.
Lalong nakapagpatibay ng paniniwala ko ay noong isang araw na pauwi ako sa dating apartment ko. May namataan akong pulang van na nakaparking sa harap ng pintuan ng main room ng buong building. Kilala ko ang lalaki. Kaibigan ito ng daddy ko. Noon pa man ay wala na akong tiwala kay George De Castro kaya nagtago ako sa gilid ng malaking vase ng landlady namin. Narining ko mula sa usapan nila ng kaniyang mga tauhan na ako talaga ang sadya nila. Bigla naman akong kinabahan. Walang dahilan para sadyain nila ako puwera na lang kung tama ang hinala ko.
Dahan dahan akong umalis sa pinagtataguan ko at tumakbo para makakuha ng taxi. Uuwi ako sa bahay para humingi ng tulong.
Matapos kong makapagbayad ay dumiretso ako sa likod ng bahay namin. Madalas akong dumaan sa likod bahay dahil ayaw kong naiistorbo ang panunuod ng telebisyon ng mga magulang ko. Nagmamadaling binuksan ko ang pinto at natagpuan kong nagkakape si mommy at humihithit ng sigarilyo si daddy.
"Ano na kayang nangyayari doon?" rinig kong tanong ni mommy.
"Kaya na nila 'yon. Aba wala yatang nakakalusot kay pare," natatawang sagot naman ni daddy.
Dahil lumalakas ang hinala ko ay kinuha ko ang cellphone ko at nagpadala ng mensahe kay daddy na kailangan ko ng tulong niya. Ilang sandali lang ay tumunog ang telepono nito.
"Sino 'yan?" kuryosong tanong ni mommy na hindi inalis ang tingin sa nagpatong patong na mga papel na hula ko ay ang mga monthly bills namin. She doesn't look bothered to me. Dati rati ay sumasakit ang ulo niya sa mga bayarin buwan buwan. Lalong lumalakas ang kutob ko. May mali talaga.
Humithit pa ang daddy sa kaniyang sigarilyo bago sumagot. "Si Hendell. Humihingi ng tulong. Hula ko ay nakita na niya sila pareng George," balewalang sagot niya na parang hindi niya anak ang pinag uusapan.
"Ganoon ba? Sana ay maayos na siyang sumama para sulit naman ang binayad sa atin. Ang laki din ng hirap natin sa batang 'yon. Hanggang ngayon ay hindi parin natin mapagkunan ng malaking halaga. Idinadahilan pa na may sakit siya. Ayaw lang talaga niyang magtrabaho dahil tamad siya. Hindi niya gayahin ‘yong anak ni Dahlia na si Alicia. Manager na ng bangko at marami ng negosyo."
My world suddenly stopped when I heard it from mom. I never thought that she was thinking of me that way.
There's a long pause in the conversation. Huminga ng malalim si daddy at ibinaba ang kaniyang telepono. "Huwag ka nang mag alala diyan. Siguro ngayon ay nasa kamay na nila si Hendell. Hindi na tayo maghihirap. Maisasalba na natin ang factory."
Tipid na ngumiti si mommy. Wala akong makapang pag aalala o pagsisisi sa mga mukha nila. All I can see is just two individual whom I don't know anymore. Parang hindi na sila ang magulang na minahal at kinamulatan ko. How could they do this to me? To their own daughter? Dahil ba sa pera? Gaano ba kahalaga ang pera at pati ang sarili nilang anak ay kaya nilang ibenta? Ganoon na ba sila kawalang puso?
I crawl quietly to the door and went out faster. I don't want to listen any further. Nasusuka ako. Hindi ko masikmura ang ginawa nila. Pakiramdam ko ay wala na talaga akong halaga kahit na sa kanila mismo na magulang ko.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa tabing dagat. Ang alam ko lang ay hindi na nila ako mahahanap dito. I am safe. For now. Sa tingin ko ay gagawa at gagawa ng paraan si George para matunton ako, lalo pa't bayad na pala ako. Hindi ko parin matanggap na ibenenta ako at ginawang puhunan sa matagal ng naluluging factory namin.
Nabalik ako sa kasalukuyan nang may kumatok sa pinto. Mabilis kong pinahid ang luha ko at inayos ang buhok ko. Yes, I am miserable. But I don't want to look miserable in front of other people. The least thing I want right now is their pity.Pagbukas ko ay tumambad sa akin ang kapit bahay kong si Monica. And she is wearing her weird high heels once again. She is known as the antagonist of Route 88. Lahat ay hindi siya matagalan. Lahat ay sinisinghalan niya. Parati siyang iritable na minsan ay hindi ko maintindihan kung bakit siya ganoon. Mataray siya. I guess that is who she is.And I didn't mind that. Lalo na't wala naman kaming kinalaman sa isa't isa.Lumunok ako at iniwas ang tingin ko sa kaniya. Another thing that I hate about myself is that I can't look straight in the eye of anyone whom I was talking to. Bagay na hindi ko talaga kayang i work on sa sarili ko kahit ilang bese
Nasa harap na ako ng bahay nang mamataan kong papalabas si Marcio. As usual, he is wearing all black and eyeliner all over his eyes. Mukha itong kultong aattend ng daily session. Iniwas ko ang tingin ko dahil hindi siya magandang tanawin. Para siyang nababalutan ng itim na aura at lahat ng titingin sa kaniya ay magiging kasapi nito."Hoy!" si Marcio. "Gusto mo raw akong makausap?"Dahan dahan ko siyang nilingon. Ito kasi ‘yong klase ng tao na hindi mo puwedeng isnabin. Gustuhin mo man ay baka manganib lang ang buhay mo. "Ah oo… noong isang araw."Hindi ito sumagot kaya nagpatuloy ako. "Papakiusapan lang sana kita na hinaan mo ang music mo.""Bakit?! Naririndi ka?"Sometimes I am convinced that he is some kind of a member of a cult or a mafia. Wala yatang araw na hindi ito nag aangas at nananakot. N
I don't like bars. Sa makatuwid, mga establishementong pampubliko. Ayokong nasa matataong lugar. But now, I have no choice but to be in a room full of drunk people. Kanina pa sumasakit ang ulo ko sa iba't ibang ilaw na kumukuti-kutitap at sa malakas na musika na sisira na yata ng ribcage at eardrums ko. Bakit nga ba ako nandito? At bakit ko nga ba ginagawa 'to?I bit my lips in annoyance. Dapat ganitong oras ay nagkakampo na ako sa kuwarto ko at natutulog o 'di kaya ay nagsusulat ng kung ano ano. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at sinunuod ko ang suhestiyon ni Syria. I have never been so desperate, ngayon lang. At ngayon lang din nag sink in sa akin ang pabigla bigla kong desisyon. But Harken is here. And I need to do the love letter as soon as possible. Kung patatagalin ko lang ay mas lalong lalala ang anxiety na idinudulot sa akin ng pabor ni Monica.Umupo ako sa tagong parte at tahimik na nagmasid. Hindi ko pa nakikita si Harken. Ang sabi s
Alam kong si Harken ang sadya ko kung bakit ako nagpunta sa bar na iyon noong nakaraang gabi. Pero hanggang ngayon ay hindi parin matanggap ng utak ko na pinatulan ko talaga ang desperation ko para makagawa ng love letter. Nakatitig lang ako sa beige paper na balak kong sulatan ng mga salitang gagawin ko dahil kailangan ko at hindi dahil gusto ko. But even if I need to, creativity doesn't cooperate with me. My creative side becomes more potent when harnessed for a purpose. A personal purpose that will move me in a bigger way to impact my boring life into something useful and satisfying. Pero ang gawin ito para sa ibang tao ay parang mahirap simulan.Nangalumbaba na lang ako dahil pinanghihinaan na ako ng loob. Ito talaga ang ayaw ko kapag mayroong responsibilidad na nakaatang sa akin. I have this heightened tension feeling if I didn't yet accomplish or achieve something. Feeling ko palaging doble ang pagtibok ng puso ko kada segundo at ang bilis kong mag panic.
"Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito," Harken says and looks around my house. "Ang aliwalas ng bahay mo."Tahimik akong ngumiti. Hindi ko naman maaaring sabihin na ang sinasabi niyang maaliwalas na bahay ay maraming ibinigay sa aking sama ng loob. But on the good side, I am glad that he knows how to appreciate someone's home. That is a good way to start a conversation."Uhh…," I tried to say something interesting but my brain doesn't cooperate with me. "Take a seat?" I motioned him to sit on the chair in front of the dining table. He comfortably sat and look around again. I know I shouldn't care what he thinks, but I am really conscious about the fact that my house is not ready for a visitor yet. Hindi naman makalat ang bahay ko. Sadyang wala lang talagang buhay at saka wala akong masiyadong gamit dahil itinapon ko na ang mga bagay na nakapagpapaalala sa akin sa nakaraan.First-time kong magpatuloy ng tao sa bahay ko kaya hindi
We arrive at the mall after about one hour of driving. 'I missed the mall.' My first thought when we arrived. It's been a long time since I stepped into this big and wide mall near San Madrid, which is the town where you can find Route 88. I honestly like to hang out with myself in the mall but lately, my money is hindering me from doing so. My salary is just fine to secure my primary bills like electricity, water, groceries, and a wifi subscription. Only when I have spare money, I go to the mall to breathe.Honestly speaking, based on my own perspective, introverts like me really love to be in a place without anyone with them but will need someone when it involves and needed to talk to other people on our behalf. It's like having a representative to talk about things that we cannot say alone. But in the end, I am still alone and I need to speak or else I will be in trouble for not asking. Kahit hirap na hirap ako ay sinisikap kong labanan ang malakas na tibok ng
My dearest Harken,I hope you will take the time to read this letter until the very end. I don't have the courage to introduce myself to you. Not yet. I am still gathering some courage and I hope you are interested to know who I am…Mariing binura ni Hendell ang itinipa niyang sulat para kay Harken. Napakamot siya ng ulo habang pinagmamasdan ang nakasabit na kalendaryo. Pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng oras kahit wala namang ibinigay na palugit si Monica kung kailan niya dapat tapusin ang pinapagawa nitong love letter. Pero kahit na ganoon ay kailangan niya pa rin na magmadali. Baka isang araw ay biglang sumulpot si Monica at bulyawan siya kapag nalaman nitong wala pa siyang nagagawa kahit dalawang paragraph.Eh kasi naman! Ang hirap talaga ng ipinapagawa nito. Oo nga't nakasama niya si Harken sa mall at sa cliff noong nakaraang araw, but that doesn't mean na magkakaroon na kaagad siya ng idea kung paano gawing makatotohanan ang l
Umiiyak na napaupo si Hendell at napasandal sa pinto ng kaniyang kuwarto. Inaatake na naman siya ng kaniyang kalungkutan. Wala sa sariling napatingin siya sa orasan. It's two in the afternoon.Isa isang nagfaflashback sa kaniya ang lahat ng nangyari noon. Ganoon palagi ang nangyayari tuwing inaatake siya. Lahat ng masasakit na alaala ay nagiging dahilan ng kaniyang paghagulgol. Sa sobrang sakit ay parang mawawasak na ang kaniyang ulo pati na rin ang kaniyang puso. She just wanted to live a normal life, mahirap bang ibigay iyon? Gusto niya lang magising ng walang bigat sa dibdib at walang tinatakasan at kinakalimutang bahagi ng kaniyang pagkatao. Gusto niya lang mabuhay.Pero bakit ayaw siyang tantanan ng kalungkutan?She opened her laptop. Kailangan niya ng distraction at umaasa siyang online si Syria para kahit papaano ay mayroon siyang mapaglabasan ng kaniyang mga sentimiyento. Tuloy tuloy lang na pumapatak ang luha niya at nanlal