"Ano nga ulit 'yon?"
Nanginginig kong ibinulsa ang dalawang kamay ko. Hindi ko alam kung dala ba ito ng sakit ko o sadyang naiinis na ako sa paulit ulit na tanong ni Mrs. Palmeras na halata namang hindi nakikinig sa akin. Nasa TV ang buong atensyon niya nang dumating ako para ireklamo ang ingay na nagmumula sa kuwarto ng anak nitong si Marcio. Ang alam ko ay isa itong bandista na walang patutunguhan dahil sa naririnig ko ay hindi naman raw ito magaling. Araw araw akong nagtitiis sa tunog ng electric guitar at heavy metal music nitong kulang na lang ay maging instrumento para pasabugin ang tenga ko.
I do appreciate music but if it is too much, if it is Marcio's music to be exact, ay parang gusto ko na lang mawalan ng tenga.
Lumunok ako at saglit na sinalubong ang naiiritang tingin ni Mrs. Palmeras. "Baka 'ho puwedeng sabihan niyo si Marcio na hinaan ang pagpapatugtog. Masiyado po kasing malakas."
Mrs. Palmeras roll her eyes at me. Hindi na ako nagulat dahil hindi talaga kagandahan ang ugali nito. Marami na itong nakakaaway at umaabot na sa baranggay. Sa kaniya siguro talaga nagmana ang anak niya.
"Ikaw nakaisip. Bakit hindi ikaw ang magsabi?" pabalang nitong sagot at ibinalik ang atensiyon sa telenovelang pinapanood.
I bite my own tongue to prevent myself from talking back. Ayaw ko namang magmukhang bastos at siguradong kapag humaba pa ang usapan, ako parin ang lalabas na mali. Kailan ba nakinig ang nakakatanda sa mas bata sa kanila?
Lumabas na lang ako at nagpasyang katukin ang bintana ni Marcio. Ayaw ko mang magkaroon ng human interaction sa pagitan namin ni Marcio, hindi naman puwedeng palagpasin ko na lang ang kaingayan niya. Isa pa, hindi ako makapag concentrate sa pagsusulat dahil masiyado na talagang nakakaistorbo ang musika niyang heavy metal rock.
Nakadalawa pa akong katok nang sa wakas ay buksan niya ang bintana. Pero hindi ko inasahan na ibang tao ang bubungad sa akin. Hindi ito ang conceited na anak ni Mrs. Palmeras na maraming hikaw sa tenga at mahaba ang buhok. The guy is simply… clean. He is nothing like Marcio, who always wear black and has a rock and roll aura around him.
"Yes? Anong kailangan mo?" tanong nito. He has a deep and serious voice. Hindi ito nakangiti kaya bigla akong nakaramdan ng pagkailang at kaba. He is not familiar na lalong nakadagdag sa panginginig ko. I despise myself when I met new faces. Nagiging literal na bobo ako.
I swallowed my entire existence because of the stupid excessive heart beat I have in the moment. Bigla akong na blanko.
"Tinatanong kita."
"Uhh.. where is your uhh name?" I ask, probably looking very stupid now.
Kumunot ang noo nito. "Ano?"
Lumunok ako ulit. Piniga ko ang mga kamay kong nagsisimula ng mamawis. Nahihirapan akong huminga. Ngunit dapat kong labanan ang nararamdaman ko ngayon. Ayaw ko nang magmukha pang tanga.
I gather all my wits together. "Nandiyan ba si Marcio?" sa wakas ay naisambit ko na rin.
"Bakit? Anong kailangan mo sa kaniya?"
"Pwede mo ba siyang tawagin? Nandiyan ba siya? Paki sabi naman na kailangan ko siyang makausap."
He is frowning when I have decided to look at him again. He might think that I am very stupid and I bet he didn't know about me having some trouble talking to random people. But that is the least of my worries right now. I am not really interested about what he think of me. Gusto ko lang matapos na ang ipinunta ko rito.
"He's not around. Baka pumunta 'yon sa bar ni Alejandro para kumuha ng gig mamayang gabi. Ako na lang ang magsasabi sa kaniya ng gusto mong sabihin, kung ayos lang sa iyo."
"Ah hindi na," unti unti akong umatras. "Pakihinaan na lang ‘yong tugtog," sabi ko at tumalikod na. Mukhang naubos na ang enerhiya ko sa pakikipag usap ngayong araw.
Hindi pa ako nakakalayo nang sumigaw ang lalaki. "Anong pangalan mo?"
Hindi ako makasagot. Tila nawala ang kakayahan kong magsalita. Ang alam ko lang ay napakalakas ng pagtibok ng puso ko.
Humakbang na ako bago pa ako mas maging kahiya hiya.
"My name is Harken."
Napangiti na lang ako. Sana kaya ko ring gawin ang ginawa niya. Sana kaya ko ring magpakilala.
'Nice to meet you Harken.'
There are people that you never expect to show up on your doorstep. I mean no one really showed up even before. Like ever. But why is Harken standing on my doorstep?
"Hello," bati nito ngunit hindi ito nakangiti. Ganoon parin ang suot nitong pulang sweater at itim na pants. Nakasuot na ito ng eyeglasses.
My throat went dry all of a sudden. "Bakit?"
"Hindi ba't may sasabihin ka kay Marcio? He's home now. Baka gusto mo siyang puntahan."
"Alam mo ba kung anong oras na? It's almost midnight. At nag abala ka pa talagang puntahan ako rito?" hindi napigilang tanong ko nang makabawi ako sa pagkakabigla.
"Well," he scratch his left eyebrow. "Naisip ko lang na baka importante ang sasabihin mo sa kaniya."
"Hindi naman masiyado."
Then awkward silence follows. Bukod sa kuliglig ay wala na akong ibang marinig. Sobrang lalim na ng gabi at walang matinong tao ang bumibisita ng ganitong oras.
'Hindi ka naman niya binibisita,' sabi ng isang bahagi ng isip ko. Which is true. Hindi naman niya ako binibisita. He is just here to inform that Marcio is now home. But why? Puwede naman talagang ipagpabukas iyon.
Harken catches me staring at him and shakes his head. "Okay?" he step backwards. "Sorry to disturb your sleep... at sa abala."
Nang mawala na si Harken sa paningin ko ay napasandal ako sa pinto. He is sorry that he disturbed my sleep? Is he really sorry or he just wanted to prank me? Guys nowadays loves to pull stunts whenever they like doing it. I am not and never a fan of those deeds but way back in elementary and high school, well even in college, I was the favorite victim of bullies. I am always the target because maybe I am the easiest one in class. Madaling saktan, apihin, at paglaruan.
They were a part of me that I will never ever forget. Hindi nakatulong ang ilang taon na nakalipas para burahin ang lahat ng sakit, paghihirap, at trauma na idinulot nilang lahat sa akin. Siguro isa sila sa mga naging dahilan kung bakit ako tuluyang nagkaroon ng SAD.
But I chose not to take any revenge. Wala akong makukuha roon at para na rin akong naging katulad nila. Isipin ko pa lang na mananakit ako ng iba ay para na akong masusuka. I don't want to be like every people came and eventually left out of my life for good. I don't want to be the monster in every story. I can't even imagine the pain I could inflict on other person's life.
The least favorite-- not even close to favorite part of my day is always the afternoon. Specifically, summer afternoon. I feel extra sad and depressed. Ito ‘yong mga oras na gusto kong antukin pero hindi ko magawa. When afternoon comes, I do my best to distract myself from hurting myself. But it is just… sometimes. Hindi naman palaging gusto kong mawala. Pero palagi akong sobrang lungkot kapag sumasapit ang hapon. I really don't like the struggle to wait until night comes. Hindi ko alam kung ganoon ba talaga o mahaba at matagal lang talaga ang hapon kaysa gabi at umaga.Kadalasan ay nilulunod ko ang sarili ko sa pagsusulat. Pero kapag hindi nakikisama ang utak ko sa tanging bagay na alam kong gawin ay nasa sulok lang ako ng bahay at tahimik na umiiyak habang nilalabanan ang kagustuhan kong gumawa ng masama sa sarili ko. Ang hirap mabuhay pero nandito parin ako. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nandito parin ako.
Nabalik ako sa kasalukuyan nang may kumatok sa pinto. Mabilis kong pinahid ang luha ko at inayos ang buhok ko. Yes, I am miserable. But I don't want to look miserable in front of other people. The least thing I want right now is their pity.Pagbukas ko ay tumambad sa akin ang kapit bahay kong si Monica. And she is wearing her weird high heels once again. She is known as the antagonist of Route 88. Lahat ay hindi siya matagalan. Lahat ay sinisinghalan niya. Parati siyang iritable na minsan ay hindi ko maintindihan kung bakit siya ganoon. Mataray siya. I guess that is who she is.And I didn't mind that. Lalo na't wala naman kaming kinalaman sa isa't isa.Lumunok ako at iniwas ang tingin ko sa kaniya. Another thing that I hate about myself is that I can't look straight in the eye of anyone whom I was talking to. Bagay na hindi ko talaga kayang i work on sa sarili ko kahit ilang bese
Nasa harap na ako ng bahay nang mamataan kong papalabas si Marcio. As usual, he is wearing all black and eyeliner all over his eyes. Mukha itong kultong aattend ng daily session. Iniwas ko ang tingin ko dahil hindi siya magandang tanawin. Para siyang nababalutan ng itim na aura at lahat ng titingin sa kaniya ay magiging kasapi nito."Hoy!" si Marcio. "Gusto mo raw akong makausap?"Dahan dahan ko siyang nilingon. Ito kasi ‘yong klase ng tao na hindi mo puwedeng isnabin. Gustuhin mo man ay baka manganib lang ang buhay mo. "Ah oo… noong isang araw."Hindi ito sumagot kaya nagpatuloy ako. "Papakiusapan lang sana kita na hinaan mo ang music mo.""Bakit?! Naririndi ka?"Sometimes I am convinced that he is some kind of a member of a cult or a mafia. Wala yatang araw na hindi ito nag aangas at nananakot. N
I don't like bars. Sa makatuwid, mga establishementong pampubliko. Ayokong nasa matataong lugar. But now, I have no choice but to be in a room full of drunk people. Kanina pa sumasakit ang ulo ko sa iba't ibang ilaw na kumukuti-kutitap at sa malakas na musika na sisira na yata ng ribcage at eardrums ko. Bakit nga ba ako nandito? At bakit ko nga ba ginagawa 'to?I bit my lips in annoyance. Dapat ganitong oras ay nagkakampo na ako sa kuwarto ko at natutulog o 'di kaya ay nagsusulat ng kung ano ano. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at sinunuod ko ang suhestiyon ni Syria. I have never been so desperate, ngayon lang. At ngayon lang din nag sink in sa akin ang pabigla bigla kong desisyon. But Harken is here. And I need to do the love letter as soon as possible. Kung patatagalin ko lang ay mas lalong lalala ang anxiety na idinudulot sa akin ng pabor ni Monica.Umupo ako sa tagong parte at tahimik na nagmasid. Hindi ko pa nakikita si Harken. Ang sabi s
Alam kong si Harken ang sadya ko kung bakit ako nagpunta sa bar na iyon noong nakaraang gabi. Pero hanggang ngayon ay hindi parin matanggap ng utak ko na pinatulan ko talaga ang desperation ko para makagawa ng love letter. Nakatitig lang ako sa beige paper na balak kong sulatan ng mga salitang gagawin ko dahil kailangan ko at hindi dahil gusto ko. But even if I need to, creativity doesn't cooperate with me. My creative side becomes more potent when harnessed for a purpose. A personal purpose that will move me in a bigger way to impact my boring life into something useful and satisfying. Pero ang gawin ito para sa ibang tao ay parang mahirap simulan.Nangalumbaba na lang ako dahil pinanghihinaan na ako ng loob. Ito talaga ang ayaw ko kapag mayroong responsibilidad na nakaatang sa akin. I have this heightened tension feeling if I didn't yet accomplish or achieve something. Feeling ko palaging doble ang pagtibok ng puso ko kada segundo at ang bilis kong mag panic.
"Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito," Harken says and looks around my house. "Ang aliwalas ng bahay mo."Tahimik akong ngumiti. Hindi ko naman maaaring sabihin na ang sinasabi niyang maaliwalas na bahay ay maraming ibinigay sa aking sama ng loob. But on the good side, I am glad that he knows how to appreciate someone's home. That is a good way to start a conversation."Uhh…," I tried to say something interesting but my brain doesn't cooperate with me. "Take a seat?" I motioned him to sit on the chair in front of the dining table. He comfortably sat and look around again. I know I shouldn't care what he thinks, but I am really conscious about the fact that my house is not ready for a visitor yet. Hindi naman makalat ang bahay ko. Sadyang wala lang talagang buhay at saka wala akong masiyadong gamit dahil itinapon ko na ang mga bagay na nakapagpapaalala sa akin sa nakaraan.First-time kong magpatuloy ng tao sa bahay ko kaya hindi
We arrive at the mall after about one hour of driving. 'I missed the mall.' My first thought when we arrived. It's been a long time since I stepped into this big and wide mall near San Madrid, which is the town where you can find Route 88. I honestly like to hang out with myself in the mall but lately, my money is hindering me from doing so. My salary is just fine to secure my primary bills like electricity, water, groceries, and a wifi subscription. Only when I have spare money, I go to the mall to breathe.Honestly speaking, based on my own perspective, introverts like me really love to be in a place without anyone with them but will need someone when it involves and needed to talk to other people on our behalf. It's like having a representative to talk about things that we cannot say alone. But in the end, I am still alone and I need to speak or else I will be in trouble for not asking. Kahit hirap na hirap ako ay sinisikap kong labanan ang malakas na tibok ng
My dearest Harken,I hope you will take the time to read this letter until the very end. I don't have the courage to introduce myself to you. Not yet. I am still gathering some courage and I hope you are interested to know who I am…Mariing binura ni Hendell ang itinipa niyang sulat para kay Harken. Napakamot siya ng ulo habang pinagmamasdan ang nakasabit na kalendaryo. Pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng oras kahit wala namang ibinigay na palugit si Monica kung kailan niya dapat tapusin ang pinapagawa nitong love letter. Pero kahit na ganoon ay kailangan niya pa rin na magmadali. Baka isang araw ay biglang sumulpot si Monica at bulyawan siya kapag nalaman nitong wala pa siyang nagagawa kahit dalawang paragraph.Eh kasi naman! Ang hirap talaga ng ipinapagawa nito. Oo nga't nakasama niya si Harken sa mall at sa cliff noong nakaraang araw, but that doesn't mean na magkakaroon na kaagad siya ng idea kung paano gawing makatotohanan ang l