I don't like bars. Sa makatuwid, mga establishementong pampubliko. Ayokong nasa matataong lugar. But now, I have no choice but to be in a room full of drunk people. Kanina pa sumasakit ang ulo ko sa iba't ibang ilaw na kumukuti-kutitap at sa malakas na musika na sisira na yata ng ribcage at eardrums ko. Bakit nga ba ako nandito? At bakit ko nga ba ginagawa 'to?
I bit my lips in annoyance. Dapat ganitong oras ay nagkakampo na ako sa kuwarto ko at natutulog o 'di kaya ay nagsusulat ng kung ano ano. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at sinunuod ko ang suhestiyon ni Syria. I have never been so desperate, ngayon lang. At ngayon lang din nag sink in sa akin ang pabigla bigla kong desisyon. But Harken is here. And I need to do the love letter as soon as possible. Kung patatagalin ko lang ay mas lalong lalala ang anxiety na idinudulot sa akin ng pabor ni Monica.Umupo ako sa tagong parte at tahimik na nagmasid. Hindi ko pa nakikita si Harken. Ang sabi sa akin ni Mrs. Palmeras kanina noong tinanong ko siya ay nandito raw si Harken kasama ni Marcio. Mukhang tutugtog si Marcio dahil ilang beses na akong narindi sa ingay ng gitara nito kagabi. I felt sorry for the people who would listen to his music later. Mukhang marami ang uuwing may mabigat na pakiramdam at nasirang pandinig. Sumiksik ako sa pulang sofa na kinauupuan ko. Bigla kong nahilo dahil sa makukulit na mga ilaw na tila sumasabay sa nagwawalang tugtugin. Napagtanto ko bigla na hindi talaga ako bagay sa mga lugar na katulad nito. Katulad na lang ng tubig at langis. Kapag pinaghalo mas lalong lilitaw na hindi puwedeng pagsamahin. Therefore, I don't really belong to the wild side. I am more on the calm side."Hindi ba ako dinadaya ng mata ko? Ikaw ba talaga 'yan Hendell?" I secretly pinched my arm when I felt my heart beat fast. Sometimes I wish that I have a superpower, invisibility to be specific. Gusto kong maging lalong mas hindi kapansin-pansin. But come to think of it, the more I refuse to be noticed, mas lalo lang akong napapansin. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. "Vienna," I acknowledge. She was one of the people I knew back in high school. She was my classmate but we were never been close. Pinapansin niya ako dati. She used to hang out with me kasi ang sabi niya, gusto niya akong maging kaibigan. That time, I was really not surprised. Vienna was and probably still is a social butterfly. Ang dami niyang nagiging kaibigan at sabi ng iba, napakabilis nilang makagaanan ito ng loob. Unlike me, kaya niyang unang kumausap ng tao. Which I admire about her.Ngunit hindi naman pala totoo 'yong mga ipinakita niya sa akin noon. Hindi ko parin alam kung bakit niya ako nilalapitan dati, at hindi ko na inalam. Ang natatandaan ko lang ay kinaibigan niya ako ng ilang buwan at biglang hindi na pinansin pagkatapos. Nagulat na lang ako one morning, sa ibang grupo na siya sumasama at parang hindi na niya ako kilala. Kahit sinong tao sasama ang loob sa nangyari. I almost admit that she was my friend. Mabuti na lang ay hindi at naagapan kong maging assuming sa harap niya.
Seeing her now, I must say that she changed a lot. Mas na enhance ang kagandahan niya. Her long brown curly hair suits her and she is putting a minimal makeup na lalong nagpakita ng kaniyang dugong Spanish.Umupo siya sa tabi ko. "How are you? Gosh! It's been a long time."Pasimple akong umusog palayo. I don't know why. Probably my instinct told me that putting a little distance is the most conventional thing to do. "I am fine," I said, trying to be civil."Ano pa lang ginagawa mo dito? I mean don't get offended ha? Hindi ko talaga kayang isipin na pumapasok ka sa ganitong klaseng lugar. Santa ka kasi noong high school."I want to laugh like a drain but I refrain myself from doing it. I maintained my usual 'no reaction' reaction. "I am just looking for someone."Vienna squints with confusion. "Who's that someone? Your boyfriend?" she assumed."Don't have one," i said while my eyes are now roaming around. I still can't find Harken or his shadow Marcio. I saw Vienna pull out something from her bag. It's a cigarette. "You want?" alok niya. Umiling ako at patuloy na lang na hinanap ang hinahanap ko. "I am a flight attendant now. Alam mo ba na pangarap ko lang dati na makapag libot around the world? Who would've thought right? Ni hindi nga mataas ang grades ko masiyado noon. Nangongopya lang ako sa top one natin noon na si Kristoff dahil alam kong may gusto siya sa akin," aniya at humithit sa kaniyang sigarilyo. "But we used to date. He is not bad naman kaya sinagot ko rin siya after a while. Persistent kasi at saka hindi naman mahirap magustuhan. But we broke up because I don't like him anymore. Wagas kasi makahingi ng super tight commitment. Imagine twenty pa lang kami 'non ha? Aba't nagyaya na ng kasal! Mabuti na lang I had an excuse. That time kasi ay nililigawan ako ng current boyfriend kong Piloto ngayon na si Chad. Ayon, sabi ko may iba na ako at maghiwalay na kami.""Ah ganoon ba?" That's what you do best. Gusto ko sanang sabihin kaya lang hindi rin naman ganoon ka importante na i-bring up ko pa ang mga bagay na tapos na at wala nang halaga sa akin o sa kaniya. Napailing si Vienna at hindi makapaniwalang tiningnan ako. "You haven't changed Hendell. Ang haba ng sinabi ko tapos," she drifts her eyes to a certain group of people I think she knows. "Anyway, I got to go. Nice seeing you here." I watch her dash across the table to meet the group of people she was looking earlier. Sabi na eh. Alam ko ang mga tipo niya. Mga social butterfly na wala naman masiyadong motibo pero talagang gagamitin ka nila. But that's just for a moment. After they're done, they will drop you off somewhere dark and act like nothing. Act like they never left a permanent painful mark to the people they made use of for their personal intention.Finally, just like magic. I saw Harken sitting in a high stool chair on the bar counter. He was holding a glass that contains I assume, an alcoholic beverage. He was wearing a white shirt and faded blue jeans with his boyish smile. I think he is talking to the bartender. At ngayong nakita ko na siya, parang gusto ko na lang na manatili na lang sa kinauupuan ko at tingnan na lang siya sa malayo. Parang 'yong inipon kong lakas ng loob kanina habang papunta ako rito ay biglang naglaho at napunta na kung saan.Parang timing noong patayo na ako para lumapit ay siyang pagtugtog ng isang musikero sa entablado. Napakalamyos ng musika at nagustuhan iyon ng aking pandinig. Kaya nalipat ang tingin ko sa stage. And there I saw the prodigal son, the Blacksheep of Route 88, Marcio, singing his heart out. Yes, he is still wearing all black but his music is different from what everyone knows. It's surprising and amazing at the same time. Finally nagkaroon din ako ng positibong pananaw kay Marcio.
Nang magsimulang kumanta si Marcio ay tila nag awitan ang mga anghel. Hindi ko alam kung nag exaggerate lang ako o hindi lang ako ang nag iisip ng ganoon. It's crazy. Ibang iba ang boses nito sa bahay nila kumpara ngayon. Kung noon ay makabasag tenga ang boses nito, ngayon naman ay parang may kakayahan itong pagalingin ang kung sino mang may problema sa pandinig. His voice is soft and delicate that you can't help but listen to him more. It's like commanding but in a gentle way. I accidentally glance at Harken. He is now looking at my way. He is looking at me! I can't breathe. Parang hinihigop ng kaniyang tingin ang lahat ng katinuan na natitira sa akin. May kung ano sa tingin niya na hindi ko rin maialis ang tingin ko."Stop looking here Harken," I whisper to myself. I am tensed. I just can't figure out things if he'll continue looking at me like that. "I want to be invisible. Sana maging lamok ako ngayon or langaw or hangin. Ayoko nitong pakiramdam na ito!" Pero natapos na lang ang kanta ni Marcio ay hindi parin ako nilubayan ng tingin ni Harken. Huminga ako nang malalim. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano. Marahil ay nacucurious lang siya kung bakit ang tulad ko ay nasa ganitong lugar. Tama. Walang ibig sabihin ang mga titig niya.Mga titig niyang tumagal ng tatlo't kalahating minuto.Alam kong si Harken ang sadya ko kung bakit ako nagpunta sa bar na iyon noong nakaraang gabi. Pero hanggang ngayon ay hindi parin matanggap ng utak ko na pinatulan ko talaga ang desperation ko para makagawa ng love letter. Nakatitig lang ako sa beige paper na balak kong sulatan ng mga salitang gagawin ko dahil kailangan ko at hindi dahil gusto ko. But even if I need to, creativity doesn't cooperate with me. My creative side becomes more potent when harnessed for a purpose. A personal purpose that will move me in a bigger way to impact my boring life into something useful and satisfying. Pero ang gawin ito para sa ibang tao ay parang mahirap simulan.Nangalumbaba na lang ako dahil pinanghihinaan na ako ng loob. Ito talaga ang ayaw ko kapag mayroong responsibilidad na nakaatang sa akin. I have this heightened tension feeling if I didn't yet accomplish or achieve something. Feeling ko palaging doble ang pagtibok ng puso ko kada segundo at ang bilis kong mag panic.
"Salamat sa pagpapatuloy mo sa akin dito," Harken says and looks around my house. "Ang aliwalas ng bahay mo."Tahimik akong ngumiti. Hindi ko naman maaaring sabihin na ang sinasabi niyang maaliwalas na bahay ay maraming ibinigay sa aking sama ng loob. But on the good side, I am glad that he knows how to appreciate someone's home. That is a good way to start a conversation."Uhh…," I tried to say something interesting but my brain doesn't cooperate with me. "Take a seat?" I motioned him to sit on the chair in front of the dining table. He comfortably sat and look around again. I know I shouldn't care what he thinks, but I am really conscious about the fact that my house is not ready for a visitor yet. Hindi naman makalat ang bahay ko. Sadyang wala lang talagang buhay at saka wala akong masiyadong gamit dahil itinapon ko na ang mga bagay na nakapagpapaalala sa akin sa nakaraan.First-time kong magpatuloy ng tao sa bahay ko kaya hindi
We arrive at the mall after about one hour of driving. 'I missed the mall.' My first thought when we arrived. It's been a long time since I stepped into this big and wide mall near San Madrid, which is the town where you can find Route 88. I honestly like to hang out with myself in the mall but lately, my money is hindering me from doing so. My salary is just fine to secure my primary bills like electricity, water, groceries, and a wifi subscription. Only when I have spare money, I go to the mall to breathe.Honestly speaking, based on my own perspective, introverts like me really love to be in a place without anyone with them but will need someone when it involves and needed to talk to other people on our behalf. It's like having a representative to talk about things that we cannot say alone. But in the end, I am still alone and I need to speak or else I will be in trouble for not asking. Kahit hirap na hirap ako ay sinisikap kong labanan ang malakas na tibok ng
My dearest Harken,I hope you will take the time to read this letter until the very end. I don't have the courage to introduce myself to you. Not yet. I am still gathering some courage and I hope you are interested to know who I am…Mariing binura ni Hendell ang itinipa niyang sulat para kay Harken. Napakamot siya ng ulo habang pinagmamasdan ang nakasabit na kalendaryo. Pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng oras kahit wala namang ibinigay na palugit si Monica kung kailan niya dapat tapusin ang pinapagawa nitong love letter. Pero kahit na ganoon ay kailangan niya pa rin na magmadali. Baka isang araw ay biglang sumulpot si Monica at bulyawan siya kapag nalaman nitong wala pa siyang nagagawa kahit dalawang paragraph.Eh kasi naman! Ang hirap talaga ng ipinapagawa nito. Oo nga't nakasama niya si Harken sa mall at sa cliff noong nakaraang araw, but that doesn't mean na magkakaroon na kaagad siya ng idea kung paano gawing makatotohanan ang l
Umiiyak na napaupo si Hendell at napasandal sa pinto ng kaniyang kuwarto. Inaatake na naman siya ng kaniyang kalungkutan. Wala sa sariling napatingin siya sa orasan. It's two in the afternoon.Isa isang nagfaflashback sa kaniya ang lahat ng nangyari noon. Ganoon palagi ang nangyayari tuwing inaatake siya. Lahat ng masasakit na alaala ay nagiging dahilan ng kaniyang paghagulgol. Sa sobrang sakit ay parang mawawasak na ang kaniyang ulo pati na rin ang kaniyang puso. She just wanted to live a normal life, mahirap bang ibigay iyon? Gusto niya lang magising ng walang bigat sa dibdib at walang tinatakasan at kinakalimutang bahagi ng kaniyang pagkatao. Gusto niya lang mabuhay.Pero bakit ayaw siyang tantanan ng kalungkutan?She opened her laptop. Kailangan niya ng distraction at umaasa siyang online si Syria para kahit papaano ay mayroon siyang mapaglabasan ng kaniyang mga sentimiyento. Tuloy tuloy lang na pumapatak ang luha niya at nanlal
"Now tell me, do you still want to be friends with me?"It was a tricky question coming from Hendell but Harken never thought of giving up just because of her self-doubt. Hindi ganoon ang gusto niyang ipakita rito. He always saw Hendell as a beautiful and strong woman hiding in a girl who can't move on from her past. Aaminin niya, noong una ay curiosity lang talaga ang nag udyok sa kaniya para lapitan ito. But later on, every single day that he spent with her? Hindi na curiosity ang kumikilos sa kaniya. It's the willingness and the wantness to be with her that talks.Because he likes her. Yes, in that short period of time. Hindi niya alam kung paano o kailan nag umpisa. He just found himself waking up in the morning and wanting to jump out of the window to see her right away. To start his day right. 'Cause seeing her felt right.Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay nito. Sa ganitong paraan man lang, maramd
Kusang loob na sumama si Hendell kay Harken, hindi dahil sa nakokonsensiya siya o napipilitan. Gusto niya subukan na maging normal katulad nito. Now that Harken is beside her, she suddenly felt brave. Not the brave like no fear like. Iyon bang nagkaroon siya ng kaunting kumpiyansa dahil alam niyang nasa tabi niya lang ito."Ready?" nakangiting tanong nito nang makarating sila sa orphanage. She gulped. Ngayong nasa harapan na siya ng gate ay parang hinigop yata ang lahat ng lakas niya. Nanginginig at pinagpapawisan na rin ang mga kamay niya. It is funny because nothing happened yet but here she is, acting like everyone already harmed her."Yeah, I think so," alanganing sagot niya."Kung hindi mo talaga kaya, puwede naman tayong bumalik. Hindi kita pinipilit o inoobliga kitang samahan ako. My intention was to help you come out of your shell and I thought, this was the perfect place you could adjust. Dito kasi walang manghuhusga
First time na maramdaman ni Hendell ang kalayaang ipinagkait sa kaniya nang matagal na panahon. Kalayaang, sabihin ang nasa loob ng kaniyang puso. She finally confessed. At wala siyang makapang pagsisisi o pangamba. He made her brave and she will be forever grateful because he managed to awaken her inner strength. At sa pamamagitan nito iyon unang lumabas.She's trembling but she anticipating his response. Oo nga't nagtapat ito sa kaniya noong nakaraang linggo, pero maaaring mag iba ang magiging sagot nito ngayon. Kailangan niyang maging handa sa kung ano man ang kalalabasan."You like me?" Basag ni Harken sa ilang segundong katahimikan na bumalot sa kanilang dalawa.Nakagat niya ang ibabang labi niya saka tumango. "Oo. Gu- gusto kita."She is proud of herself for not sounding stupid. She wants to congratulate herself for finally being true to her own emotions. Na sa wakas, napagbigyan niya na rin ang tinitibok ng puso