Share

Chapter 25

Sheiha Fajardo's POV

Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit ito ng kunti. I sometimes wish that everytime my head hurts, I can reminisce some memories in my past. But nothings happening. Though, those blured dreams I've been seeing every night was some sort of something that I can't explain. I had hopes that it was part of my memories but I can't tell. 

"Ate! May ginawa kami ni kuya, Aaron na is... is... Ano nga po ulit ang tawag dito?" Bumaling ito sa nakasunod na lalaki. 

"Script..." natatawang sagot ng lalaki at sumaludo sa akin. Tinanguan ko lang siya at binalingan ulit si Zana na kinukulit akong lumabas kami.

"Iskrip... Skrip... Scriptt? Bakit ang dali lang para sa inyo na sabihin ang salitang 'yun?" Nakanguso ito habang nakatingin sa lalaking nakasunod sa amin. Sa makatuwid, hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya. 

Hindi naman siya mapapatid ng bato 'di ba? Maayos kaming nakarating sa likod bahay kung saan may bangko at lamesa. Nasa ilalim ito ng puno kaya hindi ito naiinitan. 

"Kuya, Dane!" Bumitaw ito sa pagkakabit sa braso ko at tumakbo patungo sa isa pang lalaki. "May iskrip... Is-crip? Ay bahala na! Iyong sa pelikula po? Alam mo 'yun? Iyong ano... anong bang tawag niyon? Iyong..."

"Script? Iyong pinagbabasehan ng mga artista sa dapat nilang sabihin at gawin. Iyon ba ang gusto mong sabihin?" Nakangiting ani ng lalaki. 

Umupo ako sa harap nila, sumandal at humalukipkip. Isa-isa kong tiningnan ang dalawang lalaki na tatlong araw ng nakikitira rito. Hindi pa rin umuuwi ang tatay ni Zana, anim na araw na ang nakakalipas simula noong huli niyang dalaw dito.

"What are you two, still doing here?" Nagsalita ako sa lenggwaheng hindi maiintindihan ni Zana. It may be rude for her to hear it. 

Hindi namin kilala ang mga taong 'to. Kahit pa sinabi nilang pinadala sila ng tatay ni Zana para bantayan kami. 

But this guy infront of me was somehow, familiar. Hindi ko alam kung saan ko ito nakita. Nagkakilala na ba kami dati? But I just thought, lahat naman pamilyar sa akin. So, I discard the thought that this man was part of my past. Noong tinanong ko kasi siya na nagkakilala na ba kami rati, sinabi lang niyang...

"I don't think, so."

Pero ang nakakaduda, palagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa 'kin. And everytime I caught him, he suddenly look away and provides reason to flee.

"We told you before, that—"

"Farzana's father told you to protect us? What a lame one," napaingos ako at tiningnan ng masama ang alipores ng lalaki na nagpalipat-lipat ng tingin sa amin.

Agad naman itong umiwas ng tingin at tumikhim. Tiningnan ko ang lalaking nagngangalang Dane. Nakangiti itong nakatingin sa kasama at umiling.

"That's partly true..." Deretso siyang tumingin sa mga mata ko. The way he look at me gives me creeps.

"Partly...? So you mean—"

"Ano pong pinag-uusapan niyo?" Inosenteng tanong ni Zana habang nagpalipat-lipat ng tingin sa amin.

"Wala naman... nangungumusta lang ang ate mo kung ayos lang ba kami habang nakikitira sa inyo," paliwanag ng lalaki.

Everytime we talk like this and Zana asked, he provided a good alibi. I must say that this guy is smart... and fast.

Tumango-tango naman si Zana, naniwala sa sinabi ng lalaki. This is the reason, na kahit gusto ko nang umalis sa lugar na ito, hindi ko kayang iwanan mag-isa si Zana. Lalo pa't madali lang siyang maniwala sa mga sinasabi ng tao.  Alam kong may taong binilin ang tatay niya para bantayan siya. Pero hindi sa lahat ng oras na naririto ang taong 'yun kasama ang bata. 

Well, she's not a kid anymore. But the way she think, it's still not mature. Dise-otso na siya, but due to lack of knowledge and awareness, she seemed still a kid that's exploring an elementary subject. 

"May ginawa kami ni kuya, Aaron." She's referring to Dane's alipores, "Ano, iskrip siya. Gusto kong si kuya Dane at si ate 'walang pangalan' ang magbabasa." Napakunot ang noo ko, "Iyong may... ano nga iyong sinabi mo sa 'kin kanina kuya, Aaron?"

"Dapat may feelings habang binabasa ang script," gatong naman ng lalaki. 

"Ayun! Pelings, dapat may pelings ang pagbabasa ng iskrip." Tumango-tango si Zana. Binigyan niya kami ng tig-iisang papel na hawak niya. 

Ayaw ko man, napipilitan kong kinuha ang papel na inaabot ni Zana. Napangiwi ako pagkatapos kong mabasa. Hindi naman sa hindi siya maganda, ang conyo niya lang para sa 'kin.

May ingles ang script pero alam kong so Zana ang sumulat. Hand writing niya kasi at napakaganda ng mga ito. 

"Ready na ba kayo?" I can see excitement in Zana's eyes while clapping her hands.

Nagkatinginan kami ni Dane at sabay na tumango sa bata. Huminga ako ng malalim at hinintay si Dane na basahin ang kaniya. Siya kasi ang una. 

"Don't stay on that dark past, please chase the light I've give you. Chase it and you'll find peace." 

Iyon ang unang linya ni Dane. Katulad ng sa mga artista, binigyan niya ng emosoyon ang bawat katagang lumalabas sa bibig niya. I must say that he's a natural. Huminga ako ng malalim saka binasa ang linya ko.

"What if... what if I don't? Paano kung hindi ko magawang maging kampante, maging payapa hanggat hindi ko nagagawa ang bagay na matagal ko ng gustong makamit? Would you stay in that dark room with me? Serves as my light to see the path I'm taking?" Pagbasa ko.

Umangat ang ulo ko para tingnan sila. Nakatingin din sila sa 'kin, at kung makatingin sila ay para bang napugutan ako ng ulo. Anong ginawa ko ba?

"Ate, hindi ka pwedeng maging artista." Nataka ako sa sinabi ni Zana.

"Ma'am, binasa niyo lang po kasi 'yun linya niyo..." segunda naman ni Aaron.

"Ano ba ang gagawin ko? Kainin 'tong script? Nakakain ba 'to?" asik ko sa kanila.

"What they mean is, huwag mo lang basahin ang linya mo. Bigyan mo ng feelings, lagyan mo ng damdamin. Hindi iyong para ka lang nagsasalita sa recitation niyo noong high school." Sinamaan ko nang tingin si Dane dahil nangingiti itong nakatingin sa 'kin.

Hindi kami close pero feeling close siya. Iningusan ko siya at nilapag ang papel sa lamesa.

Tumayo ako at tiningnan sila, 

"Kung ako hindi pwedeng maging artista, hindi naman kayo pwedeng maging derektor at manunulat. Ang oa ng mga linyahan niyo," tinalikuran ko sila para lang din mapako sa kinatatayuan.

"I see, you're having fun. Am I disturbing you?" 

A guy with a mask was standing in front of me. He seems dangerous while setting his foot on our ground, an almighty man who's mysterious.

"Mr. Kang...."

At sino na naman kaya ang impaktong 'to? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status