Share

Chapter 33

Sheiha Fajardo's POV

"Akala ko nakalimutan mo na kung paano maglaro," sabi ni Calex habang hinaharangan ang goal net.

Nagkibit-balikat ako at naghandang sipain ang bola. I should focus enough to set a goal. Even though I don't remember this guy, my heart feels like Calex had been my friend for a long time.

"Huwag mo masyadong galingan!" sigaw na niya nang bumwelo ako pasipa.

Nang masipa ko na ay siya namang pagtakbo niya paharang sa bola para hindi ito makapasok. Napangisi ako pagkatapos niyang madapa at hindi naharangan ang bola.

"I thought you'll teach me how to play? It turns out..." I cover my mouth to suppress my chuckle.

Umingos siya at bumangon. Pinagpagan muna niya ang sarili bago nag-umpisang naglakad papalapit sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko at agad na tumakbo palayo sa kaniya.

Run for your life. An enemy is after you! 

"Siguruhin mo lang na hindi kita maaabutan! Isa kang malaking scam!" 

Natatawa akong tumakbo ng mabilis. Hindi ko akalaing kaya ko pa lang tumakbo ng ganito kabilis na halos ilang metro na ang layo ko kay Calex.  

Ngayon lang kami nagkakilala sa pagkakaalala ko pero nagkasundo kami kaagad. We have the same vibes, minsan nga napag-uusapan namin iyong hindi namin gusto habang naglalaro kami ng soccer kanina. Tulad na lang ng dugo at injection. Takot kami sa dalawang bagay na 'iyon. I am having fun with his company.

"Gago! Ikaw nag-aya, tapos kapag natalo ikaw pa galit? Bakla!" sigaw ko pabalik sa kaniya.

"Bakla pala, a..."

Nanggigigil nitong binilisan pa ang pagtakbo kaya wala akong choice kung hindi ay mas bilisan pa. Taena, nakalimutan kong mahahaba pala ang mga biyas ng lalaking 'to. Lumingon ako sa likod para tingnan si Calex. Muntik na akong madapa nang may humawak sa kwelyo ko bigla at pinatigil ako sa pagtakbo.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo," Gulat akong napatingin kay Brimme na hawak ang kwelyo ko.

"Bryly, wahh!!!! Ilayo mo ang lalaking 'yan sa akin!" Agad akong pumwesto sa likod ni Brimme at ginawa itong panangga sa paparating na Calex.

"Hoy, walang ganyanan!" Calex tsked and raise his hand as a sign of defeat. Wala talagang lalaban kapag si Brimme na ang kaharap. Mas kinatatakutan pa ata ang babaeng 'to kaysa sa mga lalaki. 

"Tara icecream, libre mo." 

Lumabas ako sa likod ni Brimme at hinarap si Calex. Nakapamulsa na ito habang kaharap din si Brimme.

"Nice seeing you again, Brimme," pagbati ni Calex sa pinsan ko.

"Magkakilala kayo?" Sumabay ako sa paglalakad nila paalis sa field. 

"We met once," si Brimme ang sumagot.

"Okie..." 

Nang makalabas kami ng field, sumalubong sa amin sina Clinton, iyong pinsan niyang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin qalam ang pangalan, at ang dalawang may dalawang kasarian na si Bae at Ruiz-za.

"Jusmi, bise! Akala namin kung sino na ang nag-kidnap sa 'yo!" Nakita ko ang pag-aalala ni baklang Bae. Magkahawak pa sila ng kamay ni baklang Ruiz-za.

"Ayos lang ako, nagpapahangin lang...." Nginitian ko sila para sabihing ayos lang talaga ako.

"Saan ka ba nagsusuot? Muntik na akong maging corn beef dahil sa 'yo," nakangusong saad ni Clinton. Bakit feeling ko na kasalanan ko pa? Bakit ba nila ako iniwan mag-isa?

"Kapag iniwan niyo pang mag-isa si Sheiha, ako mismo ang wawasak sa event na 'yan," banta ni Brimme.

Napangiwi ako. Alam ko na tutohanin talaga niya ang sinabi niyang iyon. Pero ayos naman ako, buti na lang sinamahan ako ni Calex.

"Hindi naman namin iniwan si Sheiha. Kasama niya si papa Adie kanina," Hindi makatingin nang deretso si baklang Ruiz-za habang sinasabi iyon kay Brimme. Hindi siya pinansin ni Brimme dahil tinalikuran na kami nito at nakapamulsang naglakad papalayo.

"Ang weird talaga niyang pinsan mo, ano vice?" komento ni baklang Bae.

Nagkibit-balikat lang ako at tiningnan si Calex. Nakatingin ito sa papalayong si Brimme.

"I can't treat you today, may gagawin pa pala ako. See you, later." Hindi na ako nakapagpaalam pa dahil mabilis na itong tumakbo patungo sa dereksiyon kung saan pumunta si Brimme.

"Hindi ba siya si Mr. former representative?" bulong ni baklang Bae pero rinig ko pa rin.

"Bakit ba siya nakatingin sa Brimme ko? Gusto ata niyang mawalan ng mga mata, e..." Natatawa akong napapailing.

"Walang iyo," sabi ko sa kay Clinton. Nilingon ko sina baklang Bae at Ruiz-za, "Tara, practice na tayo. Mas ginanahan akong rumampa ngayon."

___

"Babye.... Kita na lang tayo bukas," paalam ko sa dalawang bakla. Kumaway ang mga ito sa akin bago naglakad sa kabilang pathway.

"Ano pala ang pangalan ng pinsan mo, Clinton?" Nilingon ko saglit si Clinton bago binalik ang mga tingin sa daan.

Hindi namin kasama iyong pinsan niya dahil nauna na itong umuwi. May aasikasuhin daw ito kaya hindi na nito natapos pa ang practice. Hindi naman na niya kailangan pang mag-ensayo nang mabuti dahil para na siyang professional kung rumampa. Feeling ko nga, nagmo-modelo iyon sa states, e.

"Andrius Lexton, bakit?" sagot naman niya. 

"Paano kayo naging magpinsan?" 

Natatawa niya akong nilingon habang naglalakad, "Seryoso? Iyon talaga ang tanong mo?" 

I tsked, "Sagutin mo na lang kasi, huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa."

"Boom karakaraka..."

Hinampas ko siya sa braso, "Clinton naman!" 

Natatawa naman itong umiwas.

"Syempre blood related kami. Magkapatid ang mga papa namin," Ngumiti siya pagkatapos sabihin iyon.

I hummed, "Sana all may kamag-anak galing sa states. For sure may chocolate ka, pingi! Bawal madamot, woi!"

"Hindi iyon mahilig sa magpasalubong, lalo na ang kumain ng chocolate. Conservative kaya iyon sa ngipin niya."

Umirap ako, "Minsan lang naman!"

Napailing siya, "Ayos ka na ba? Hindi na sumakit ang ulo mo?"

Umiling ako, "Ayos na, nabigla lang siguro ako kanina. Galing kasi ako sa initan tapos biglang nagpa-air con." 

Bigla kasi na sumakit ang ulo ko kanina ilang minuto bago kami magsimula ulit na mag-ensayo. Hindi naman nagtagal ay nawala na iyon.

"Anyways, malapit na ang birthday ng papa niyo, anong handa? Pwede ba akong makikain?" Napangiti ako nang mabanggit niya ang tungkol doon.

"Hindi pa namin napag-uusapan iyan. Kilala mo naman si papa, ayaw nun na sine-celebrate ang birthday niya. Siguro kakain na lang kami sa labas," sagot ko.

"Sama ulit ako."

Tumango ako at tumigil sa paglalakad. Nasa highway na kami kung saan parahan ng jeep. Marami kaming nag-aabang sa pwesto na ito dahil kalimitang dumadaan ang jeep dito.

"Paano, mauna na ako. Pupuntahan ko pa ang pinsan ko sa tinutuluyan niya ngayon." 

Tinanguan ko, "Sige, salamat sa paghatid."

Kumaway muna siya bago niya ako tinalikuran at tumakbo sa kabilang dereksiyon. Napangiti ako habang tinatanaw ang papalayong bulto ni Clinton. Kung magkakaroon man ako ng bayaw, gusto kong si Clinton iyon. He is a gentle and a thoughtful man. He cares for others even though they aren't related to him. He saw me as his little sister that he need to look and care for. How I wish I have a big brother like him, hindi iyong parang amazonang pinsan na babae. Pero ayos lang, with Brimme in my side, no one can harm me.

"Ayan na ang jeep," rinig kong sabi ng katabi ko sa kasama niya. 

Huminga ako nang malalim at nilingon ang paparating na jeep. Hinubad ko ang bag ko at inilipit ito sa harapan ko. Nang  huminto na ito sa pwesto namin, agad nagsipasukan ang iba, hinintay ko munang makapasok ang lahat bago ako. Kahit siksikan, ayos lang basta makarating sa destinasyon namin. 

"Manong, sa St. Lucas Cemetery po," Kasabay niyon ang pag-abot ko ng bayad. 

Hindi mahaba ang biyahe papunta sa sementeryo pero gabi na akong nakarating doon. Bukod sa traffic, masyadong hapon na noong umuwi kami kanina dahil sa practice.

Pumasok ako sa gate kung nasaan ang sementeryo. Pribado ang lugar na ito kaya may harang. May security guard din na nagrurunda at nagbabantay sa paligid. Nang marating ko ang puntod ng taong sadya ko, nilagay ko ang binili kong puting rosas sa ibabaw ng lapida niya at umupo sa tabi nito.

"Hi, Grace... Kumusta ka na?" Nginitian ko ang lapidang may naka-engrave na pangalan niya.

,

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Clinton habang hawak ang likod ko. Bigla na lang kasi akong muntik nang matumba dahil sa biglaang pagsakit ng ulo ko. Buti na lang ay malapit ako sa dingding kaya may nakapitan ako.

"Vice, kaya mo bang mag-ensayo ngayon? Dahil ba 'yan sa masyadong stress?" Umiling ako bilang sagot kay baklang Bae.

Nag-abot naman ng tubig ang pinsan ni Clinton sa akin na tinanggap ko naman. Nang mahimasmasan ako ay agad kong tinanggal ang suot na hills at nagpaalam sa kanila na may aasikasuhin lang. Naririnig ko pa ang pagtawag nila pero hindi ko na sila pinansin pa at nagpatuloy sa pagtakbo palabas.

Napatigil ako at pagtakbo at hinihingal na humarang sa dadaan sanang babae, "Ms, kilala mo ba si Calex Conrad? Matangkad na lalaki, maputi..." 

"Oo naman, sino ba ang hindi nakakakilala sa kaniya rito?" sagot ng babae tapos umirap pa. Sikat pala ang ugok na iyon? Teka, bakit ganito makapagsalita ang babaeng 'to? Parang walang galang, a?

"Nakita mo ba siya? Kailangan ko lang siyang makausap," Kahit nahihirapan akong magsalita dahil sa paghingal ko, ay pinilit ko pa rin na hindi mautal at putol-putol ang pananalita para lang maintindihan agad ng babae.

"Sa mga oras na ito, nasa likod siya ng school." Nagpasalamat ako at tinapik ang balikat niya. Hindi ko na pinansin ang pagtataray niya at tumakbo na naman ulit ako papunta sa lugar na sinabi ng babae. 

Nang nasa bandang likuran na ako nang school, may nakasalubong na naman akong isang babae. Kulot ang buhok nito na naka-pony tale. Pamilyar siya kaya sa pangawalang pagkakataon, nangharang na naman ako ng tao. 

"Miss, nakita mo ba sa likod si Calex–kilala mo ba si Calex Conrad?" Baka hindi niya kilala ang taong 'yun. Kahit sikat pa ang isang 'yun, may iba pa rin na hindi nakakakilala sa kaniya. Katulad ko, kahit na bise presidente ako ng school, marami pa rin ang hindi nakakakilala sa akin.

Hindi siya nagsalita bagkus ay tinuro lang ang dinaanan niya kanina. Magpapasalamat na sana ako kaso nagmamadali na siyang umalis.

"Salamat!" Naisigaw ko na lang para marinig man lang niya. 

Dahan-dahan akong napatigil at ang pagtakbo ko ay naging paglalakad na lamang papalapit sa lalaking nakahiga sa bermuda grass habang naka-ear phone. Huminto ako sa gilid niya. Nakapikit siya habang nakaunan ang ulo sa dalawang braso.

"Sinabi ko sayong umalis ka na 'di ba? Hindi ka ba makaintindi—" Nang tuluyan na niyang maidilat ang mga mata ay taka siyang tumingin sa 'kin, "Sheiha...?" 

"Naalala ko na kung paano at saan tayo nagkakilala noon," Nakangiti akong umupo sa tabi niya. Kahit malalalim pa ang paghinga ko ay nagawa kong matawa.

"What do you mean?" Tinanggal na nito ang suot na earphone na napag-alaman kong wala palang musikang tumutugtog. 

"You are Grace's brother... her twin brother to be exact! Naging classmate rin kita noong elementary!" 

He is in awe, "Wow, akala ko ba may amnesia ka?"

"Kanina ko lang naalala. Jusmi, kumusta ka na? Saan si Grace? Gusto rin niyon maging soccer player paglaki!" Napahawak ako sa d****b ko nang kumabog ito ng matindi. Hindi ko alam pero bigla akong kinakabahan, "How about Kyla? I mean, Kaye Lane Dizon? Kumusta na rin ang isang 'yun?!"

"They are both gone...."

,

"Nagulat talaga ako noong sinabi sa akin ni Calex na wala ka na, pati rin si Kyla. Ang daya niyong dalawa, akala ko ba sabay tayong magiging sikat na girl soccer player?" Hindi ko na napigilan ang mga luha kong kusang pumatak mula sa mga mata. 

Simula noong nangyari sa amin ni Brimme ang trahedya, palagi kong tinatanong ang sarili kung bakit halos lahat ng mga mahal namin sa buhay ay iniiwanan kami. Our relatives won't accept us, dahil mga salot daw kami. Then they move somewhere far from us, tapos hindi na nagpakita. May mga alaala man na nakalimutan ng isip ko, alam ko naman na nananatili lang sila sa puso ko. Nandito lang sila sa kaila-ilaliman, nagtatago. Naghihintay na mahanap ko. Just like now....

"Grace Lee Conrad. Born on December 4,  2001. Died on February 22, 2017." 

Napayuko ako at napangisi ng mapait. Bakit parehang-pareha silang nawawala sa araw na iyon? Anong meron sa araw na iyon at palaging iyon na lamang ang tanging araw na kinakatakutan ko sa lahat. Dahil pakiramdam ko, kapag sumasapit ang araw na iyon, may mawawala sa buhay ko na napakahalaga.

"Magkasama ba kayo ni Kyla ngayon? Nagbabangayan na naman ba kayo? Naku, baka pinapa-stress niyo na si San Pedro riyan, a?" 

Inilabas ko ang kandila at posporo ko sa bulsa ng palda ko at sinindihan ito saka inilagay sa ibaba ng lapida ni Grace. 

"Sana mahanap ko rin ang puntod ni Kyla..." 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status