Share

Chapter 1:

Third Person's POV

Hindi magkamayaw sa kakatakbo ang mga batang naglalaro sa isang playground. Naghahabulan, nagtatawanan at nagkakasiyahan.

Ngunit isang bata ang naiiba. Sa ilalim ng puno siya'y nakapuwesto, nakatabon ang hawak na libro sa mukha habang nakasandig sa kahoy. Ilang kaklase na ang lumapit sa kaniya upang siya ay yayaing maglaro ngunit kung hindi man niya ito tinatanggihan, hindi naman niya ito pinapansin. 

Ngunit isang pangyayari ang nakapagpabangon sa bata. Nasapol siya ng isang bola na pinaglalaruan ng isang grupo ng mga babae. 

"Naku po..."

"Patay tayo, natamaan siya."

"Galit na ata si Andrius..."

Ilan lamang sa bulungan ng mga bata. Lahat ay napatigil sa paglalaro, kaninang masayang mukha ay napalitan ng pangamba. 

"Sino ang bumato sa bola?" 

Hindi man makikita sa eksprisiyon ng kaniyang mukha ang galit, mararamdaman mo naman ito sa tanong na iyon. Walang nagtangkang magsalita kahit isa dahil sa takot. Ang iba, maiihi na. 

"Iibahin ko ang tanong, kanino ang bola na ito?"

Hawak ng batang lalaki ang bola sa kanang kamay habang hawak naman nito sa kaliwang kamay ang librong nahulog kanina nang matamaan ang kaniyang mukha ng isang soccer ball. Sa katunayan, hindi naman talaga natamaan ang mukha niya ng deretso, nasalag ito ng libro. Ngunit dahil sa kabigatan at puwersa ng bola, kahit may takip pa ang mukha niya ay nasaktan pa rin siya.

Sa kabilang banda naman. Pinuntahan ng mga batang babae ang isa pa nilang kasamahan na umihi muna. 

"Sheiha!" tawag ng mga batang babae sa kaniya. 

"Teka lang, hindi pa ako tapos. Nagbibihis pa ako, teka!" sagot naman ni Sheiha. 

Nagmamadali itong nagbihis at lumabas ng cubicle. Nakita niya ang pangamba sa mukha ng mga kalaro kanina.

"Iyong bola kasi..."

"Ano ba ang nangyari?" tanong niya sa mga kaklase habang naghuhugas ng kamay. 

Mahinhin ang kilos nito ngunit napakaliksi pagdating sa sports na soccer. Paborito kasi nito iyon at pamana sa namayapang ama na sikat na soccer player ng bansa. Pitong taong gulang palang ay alam niya nang maglaro ng soccer dahil tinuruan siya ng kaniyang ama. 

"Eh, kasi... habang naglalaro kami ng soccer hindi sinasadyang nalihis ang bola," mangiyak-ngiyak na saad ni Kyla. Isa sa mga kalaro niya kanina at kaklase.

"Ano namang problema roon? Nasabit ba ang bola? Pero imposoble dahil isa lamang ang punong kahoy sa playground at mababa lang ang sanga kaya naaakyat."

Winisik-wisik ni Sheiha ang kamay at bumunot ng tissue at pinatuyo ang kamay. Sa kilos nito, hindi mo aakalain na naglalaro ito ng soccer.

Napakapino kung kumilos pero napakaliksi kung maglaro.

"'Yon na nga ang problema, Sheiha. Nalihis ang bola pagtira ni Grace kaya napunta sa dereksiyon ng kahoy at natamaan si Andrius," paliwanag ni Kyla.

"Sheiha," nagsusumamong ani ni Grace at humawak sa kamay niya.

"Natatakot ako kay Andrius kahit napa-cute niya at napakatalino at crush ko pa. Baka kapag nalaman niyang ako ang nakatama sa kaniya, baka ma-turn off siya sa'kin."

"Fate 'yan, Grace."

Natatawang saad niya at lumabas ng comfort room kasama ang dalawang kaibigan. Walang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Anong fate? Sheiha naman, hindi ito oras ng pagbibiro," ungot ni Grace.

Natawa lamang siya ulit, "Baka ito ang ginawa ng tadhana para paglapitin kayo ni Andrius?" 

"Hindi, eh! Galit kaya siya kahit hindi kita sa mukha pero ramdam namin sa boses niya."

Napailing na lamang siya. Ewan ba at hindi niya alam kung bakit takot ang mga kasama kay Andrius kahit wala namang ginagawa ang batang lalaking iyon. Napakatahimik nito at matalino rin. May itsura rin at kinagigiliwan ng ibang guro. Ang dami ring may gusto rito.

"Malapit na ang uwian, hindi man lang ako nakapaglaro o kahit naka-isang goal man lang," nanghihinayang si Sheiha ng makita ang oras sa suot na relo.

"Saan ang bola ko?"

"Hehehe, 'yon din ang problema. Wala sa'min," nakangiting sabi ni Kyla.

"Huh? Nakanino?" taka niyang tanong.

"Andrius Lexton..."

Sinisipat ni Andrius ang bola nang walang sumagot sa kaniya maski isa sa rami ng mga batang naroron sa playground na iyon. Naiinis siya ngunit hindi lamang halata sa mukha niyang walang emosyon. 

"Sheiha Fajardo?" basa niya sa nakaukit na pangalan.

"That's me."

Napaangat siya nang tingin sa may-ari nang tinig. Isang napakagandang batang babae ang nabungaran niya. Hindi man halata sa mukha niya ngunit siya ay namamangha, napakaamo kasi ng mukha ng kaharap.

'An angel...'

"May I have my ball back? Uwian na kasi and I want to have a goal before I go home. Pasensya na sa ginawa ng mga kalaro ko kanina, hindi naman nila sinasadya. Humihingi rin ako ng pasensya dahil bola ko ang tumama sa'yo."

He is speechless. Hindi siya palasalita but that time was different. Naubusan siya ng salita na maski isip niya ay huminto na sa pagtatrabaho. Inshort, hindi na gumagana.

'What is happening to me?'

"Andrius? Andrius..." 

'Her voice is like an angel too, I think... I'm being hypnotized.'

"Hoy!" 

Nabalik siya sa ulirat ng sumigaw ito sa tainga niya.

"Hey! What was that? It hurts, my goodness!" gulat na sabi ni Andrius habang nakahawak sa taingang nasaktan. Nabitawan niya rin ang hawak na libro.

"Sorry ulit, kasi naman! Hindi ka nakikinig sa'kin!" Nakakunot na ang noo nito. Halatang naiinis na sa kaniya.

'She's cute when she is mad though...'

"Apology not accepted. You shouldn't did that, Lady." mahinahon na niyang saad. 

"Ilang taon ka na ba?" Nakangusong tanong ni Sheiha.

"Ten," 

Tumango-tango si Sheiha at humalukipkip, "Fine, let's have a deal."

Tumaas ang kilay ni Andrius, "Tell me."

"Kapag naka-goal ako from here, you'll accept my apology at kakalimutan mo na rin na natamaan ka ng bola ko." 

"Sure, pero riyan ka titira mismo sa kinatatayuan mo through that goal over there," tinuro nito ang goal net sa gilid nila. Napakalayo nito sa kinaroroonan nila.

Pinalilibutan sila ng mga kapwa kaklase. Walang nagtangkang sumali sa usapan dahil takot sila. Kung ano ang kinatatakutan nila kay Andrius? Iba-iba...

"He's scary..."

"Scary but hot."

"Yeah, ang gwapo niya kahit hindi namamansin."

"Ang lakas din ng charm at appeal niya, nakakalola!"

"Ki-babata niyo pa, ang lalandi niyo na."

Napatingin ang mga batang babae sa isang batang babae rin na kumakain ng lollipop. Nakaupo lamang ito sa ground at nanonood. 

"Deal," pagsang-ayon ni Sheiha kay Andrius.

"Kaya kaya ni Sheiha ang ganoon kalayo?" tanong ni Grace.

"Kaya niya yan, ang galing kaya niya mag-soccer saka sisisw lang sa kaniya ang ganiyang kalayo kung tutuusin," sagot naman ni Kyla.

Binigay ni Andrius ang bola.

Yumuko siya upang kunin ang nahulog na libro ngunit pag-angat niya ay saktong napadako ang paningin sa goal net sa harap. Kaya nakita niya ang pagpasok ng bola rito. Napamangha na naman siya.

Hiyawan ang maririnig sa buong playground na kahit ang mga guro ay napalabas sa kani-kanilang silid-aralan dahil sa ingay na iyon.

Nagtataka kung bakit masaya ang mga batang tinuturuan.

'She can't do it, that's what I thought cause it is very impossible she could do it. But... she does, she score a goal. I'm amazed.'

"My apology has been accepted," nakangiting ani ni Sheiha habang nakatingin sa kaniya.

At sa unang pagkakataon, naipakita niya ang pagkamangha sa mukha. Nagniningning din ang mga mata sa papalayong Sheiha.

Kinuha ni Sheiha ang bola niya pagkalapit dito. Dinaluhan naman siya kaagad ng mga kaibigan na si Kyla at Grace.

"Hindi mo pa rin ako binibigo, papa," kausap ni Sheiha ang bola.

"Everytime you does that was so awesome. Sana ako rin ganiyan ka galing, sana all!" natutuwang sabi ni Kyla.

Natawa si Sheiha sa kaibigan.

"Naku, dadating din ang panahon at malalampasan natin sa soccer si Sheina. Umiiba ang panahon, malay mo mas magaling pa ako sa kaniya pagdating ng panahon," kumawit sa kaniya si Grace.

Naglalakad na sila palabas ng gate upang hintayin ang mga sundo nila.

"Naku, huwag ka nang umasa, Grace dahil hindi mangyayari ang bagay na 'yon. Si Sheiha pa? Magaling kaya siya sa lahat ng bagay, hindi lang siya maganda at mabait, talented din."

"Masyado mo na naman akong pinupuri, Kyla. Saka tama naman si Grace, baka balang araw mas magaling pa kayo sa'kin. Tiwala lang sa sarili at tiyaga, makukuha niyo rin ang inaasam niyo."

Napahinga ng malalim si Grace at Kyla. Parang nananaginip ng gising.

"Napakasarap naman ng sinabi mo. Adviser na ang itatawag namin sa'yo. Ang talino mo Sheiha, ang perfect mo. Isang sana all na naman." 

Nagtawanan sila sa sinabi ki Kyla.

"Nandiyan na mga sundo niyo, kita na lamang tayo sa lunes," nakangiting saad ni Sheiha. 

Nagpaalam na sila sa isa't isa. Nang mawala na ang mga kaibigan ay saka niya lamang napansin na hindi niya pala dala ang bag niya. 

"Naku, Sheiha. Ten years old ka pa lang pero makakalimutin ka na."

Natampal niya ang noo. Bakit naman kasi kinakalimutan ang bag?

"Here," 

"Huh?" 

Tiningnan niya ang taong nag-abot ng bag niya. It was Andrius...

"I saw a bag na nakasabit sa slide. Dadalhin ko na sana 'yan sa lost and found office kaso nakita ko ang pangalan mo na naka-engrave sa bag."

"Salamat dito," nakangiti niyang inabot ang bag at sinuot.

"Siguro lahat ng gamit mo ay may pangalan mo?" tanong ni Andrius habang katabi siya. Naghihintay din sa sundo nito.

"Oo, makakalimutin kasi ako kaya hindi ko naaalala kung saan ko naiiwan ang mga gamit ko," nakangiti pa rin siya habang sinasabi iyon.

He hummed, "Alis na ako. Nandiyan na sundo ko."

"Paalam..."

Tumango lang ang lalaki at sumakay na sa isang kotse na sa isang tingin pa lamang ay alam mong mamahalin na.

"Ang gwapo niya pala?" bulong ni Sheiha.

"Ikaw hah! May iba ka na namang crush no? Amin na! Halata naman, eh!"

Gulat siyang napatingin sa isa pang kaibigan na umakbay sa kaniya. 

"Bryly! Nanggugulat ka na naman!" 

Tumawa lamang ang kaibigan at kumain ulit ng lollipop.

"Brim ang pangalan ko, Sheiha at hindi Bryly. Pagamot mo na kaya 'yang pagka-ulyanin mo? Daig mo pa ang lola ko, ah?"

Napanguso si Sheiha. 

"Nakita ko 'yong kanina. Si Andrius ang bago mong crush no? Binalik niya sa'yo ang bag mo nang makita niyang sa'yo 'yon."

"Hindi, ah!" 

"Hindi daw pero namumula ang pisngi," umingos si Brim. "Simula nang ipinanganak tayo, magkadugtong na ang mga pusod natin kaya alam ko ang likaw ng bituka mo!"

"Para kang adik kung magsalita, Bryly--"

"Brim nga!"

"Sige na! Brim... ayusin mo nga 'yang pananalita mo. Para kang tambay sa kanto, eh."

"Anghel pala itong kausap ko. Pasensya na po, uulitin ko ulit." 

"Bryly!"

Natatawang tumakbo si Bryly dahil alam niyang  malalagot siya sa kaibigan. Lumalabas ang iba nitong ugali dahil sa kaniya. Tini-trigger kasi niya dahil gusto niya ang ugaling ito ni Sheiha.

"Brim nga! Yeihhhh.... sumbong kita kay tita, may bago ka na namang crush."

Tumawa ito na parang nababaliw na. Para bang siya ang kontrabida sa pelikula kung makatawa.

"Kapag maabutan talaga kita, patay ka sa'kin!"

Hinihingal na banta ni Sheiha.

Si Brim ang hinihintay niyang sundo. Silang dalawa ang magkasamang umuuwi.

Magkapitbahay sila at napaka-close ng pamilya nila. Hindi sila mayaman, hindi rin mahirap.

Nakakapasok sa isang prestigious elemtary school, nakakain ng tatlong beses sa isang araw at napupunan ang pangagailangan dahil sa pagsisikap. Wala silang sariling sasakyan dahil naibenta nila noon nang mangailangan sila ng pera sa pagpapa-ospital sa papa niya.

Malaki ang iniwang insurance ng papa niya sa kaniya na makukuha lamang niya kapag umabot na siya sa legal age. Hindi na kinaya ng papa niya ang kaliwat-kanang operasyon kaya binawian ito ng buhay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status