Sheiha Fajardo's POV
"Sheiha? Who's Sheiha?"
Nagtatakang tanong ni Andrius kay Clinton nang mabanggit nito ang pangalang 'yon.
The hell?
Tiningnan ko si Clinton at pinanlakihan ng mata. Naitikom nito ang bibig at napaiwas ng tingin. Make an alibi, you idiot!
"Ah-eh, siya..." tinuro niya ako.
Gusto atang makatikim ng batok itong lalaking 'to! Pinapahamak ako e!
"I mean, Sheena. This is Andrius, Sheena and Andrius this is Sheena."
Parang tanga!
Napataas ang kilay ni Andrius sa sinabi ni Clinton. Ang eksprisyon ng mukha nito ay parang sinasabing 'Sabog ata 'tong ulupong na 'to'. Gagong Clinton, pinakilala ba naman kami sa isa't isa e boss ko nga 'tong antipatikong doktor na 'to?
"I already know her, Camero. I'm asking you who's Sheiha?"
Talaga naman oh!
"Ganito kasi 'yon, Sheiha ang tawag ko sa kaniya. We're classmate in highschool and we're close. Kapag tinatawag ko kasi siya palagi niyang sinasagot na 'Huh?' kaya ayon, I came out with that name. Sheena plus Huh, equals... Sheiha." Paliwanag ni Clinton. It sounds convincing though.
Napatango-tango ako. That's a good one.
"I told you not to call me that," saway ko kay Clinton.
"Sorry," kamot-batok na sabi niya.
"Nagulat lang ako, kanina kasi iniisip ko kung saan ba kita nakita kasi napaka-pamilyar ng mukha mo. Hindi ko nakita ng maayos dahil nga pinapalabas mo 'ko para habulin ang hinayupak na nakatakas naman."
I sighed, "By the way, nice seeing you again." sabi ko at ngumiti.
Napangiti rin siya, "Nice seeing you again, na-miss kita. Pa-hug..."
He spread his arms wide, asking for a great big hug. Napatawa na lang ako at yumakap sa kaniya.
"Na-miss din kita."
Humigpit ang yakap ko sa kaniya. I really missed this guy. He's still the same after all those years we've been separated. We didn't have a proper goodbye when he go to the states. Basta nangyari na lang na hindi na namin kasama ang lalaking 'to.
Naghiwalay kami.
"Do you mind if I asked you on a date?" Nakangiting tanong ni Clinton.
"Sure, I'll just get my bag and we're off to go. Wala naman na akong gagawin, saka hihingi naman talaga ako ng maagang off ngayon. Magpapaalam lang ako sa boss namin, just wait me at the lounge."
"Nah... sino ba ang boss mo? Sasamahan na kitang magpaalam."
"Sure ka? Tara..."
Napatigil ako sa paglalakad sa napalingon sa likuran namin. I forgot, I was with my boss and my friend the other Sheena. She look stunned while looking at me. Ang isa naman ay parang papatay na sa dilim ng mukha. Bakit naman madilim ang mukha ng isang 'to? Daig pa ang langit na may bagyo.
"Sorry, nandito pala boss ko."
"He's your boss?" Gulat na tanong ni Clinton.
When I nod, he pretended to be shock. He put his right hand on his mouth while the other one was on his waist. I think I know what he is up to.
"Huwag kang magpanggap na nagulat, Camero. Alam mong akin ang ospital na 'to." Madilim pa rin ang mukha nito. May paparating atang delobyo.
"Not fully, Lexton. You are just managing the hospital but this is not fully yours, may thirty-five percent share ako rito, same as yours. While the remaining thirty goes to kuya Raikuu."
Napatampal ako sa noo. Nang iinis ang ulupong.
"He's just joking, doc. Nang-aasar lang po siya..." hingi ko ng tawad.
Isa rin 'tong may saltik, e.
"I think he's not, and he's right, though. I am the one who's managing this hospital so I have the authority to decide if I can or can't give an early leave to my employee. Nasa kontratang pinirmahan ng mga empleyado ko na kapag hindi ko sila pinapauwi, hindi sila uuwi." Nakangisi na ito.
Alam ko na kung saan ito patutungo.
"That's cruel," komento ni Clinton.
"It is, papayagan ko naman sana ang empleyado ko na umuwi ng maaga cause she really did a great job today. But because of you, hindi niya makukuha ang early leave niya ngayong araw." He has this mocking tone.
I don't know that he had this side. Tinampal ko sa braso si Clinton ng tumawa ito. They're friends but friends do fight sometimes. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang trip ng mga 'to ngayon. Dahil nang tumawa si Clinton, napatawa na rin si Andrius.
And believe me or not, I saw an angel when he smiled. Parang nag-e-echo ang tawa niya sa pandinig ko. Everything went blured except him, smiling.
"Sheiha? Her name is Sheena not Sheiha."
I snapped back to reality-wait what? It's just my imagination? Shoot, your habit of daydreaming Sheiha is getting worse.
"My bad, akala ko Sheiha ang name niya, Sheena pala. Lumalabo na mata ko, doc. Kailangan kong magpatingin," and with that, he laughed.
He's pretending not to know me, and it's great for my sake. He knew everything we've been through. He knew everything, including our past.
Napailing si Andrius, "You should, babagay naman siguro sayo ang nakasalamin."
"Just kidding, bro. Anyway, how's dad?"
They keep on talking kaya unti-unti akong umalis. Hindi ko na nakita si Sheena sa tabi ko, tiningnan ko ang pambisig na orasan ng dumaang nurse. Malapit na palang mag-alas kuwatro ng hapon. Kaya baka nasa trabaho na 'to ngayon.
At 'yung kanina... where did I hear what Clinton said. The one about owning this hospital? Tatlo silang nagmamay-ari nitong ospital, paano nangyari 'yon?
Investment maybe? Shares? Tatlo lang silang may share nito. Are they blood related or some relatives? Or just closed friends?
Yeah, right. Bryly gave me information about that. Parehong-pareho sa sinabi ni Clinton kanina.
Anyway, speaking of them. Did they already meet each other? Nah... sa tingin ko hindi pa.
Akmang maglalakad na ako nang may tumawag sa'kin.
"Ms. Fajardo."
I got frozen from where I stood. Sino ang tumawag sa'kin ng apilyedong 'yon? Does he know me? Hindi 'yon boses ni Clinton, it was...
Unti-unti akong napalingon sa likod. At ayon siya, nakatayo isang metro ang layo sa'kin.
Andrius Lexton.
"Sorry, Ms. Gozon, pala." Hinging paumanhin niya.
"How did you know that surname?"
Wala akong maapuhap na sagot mula sa kaniya.
"That surname belong to someone I know years ago." Ang isang taong kailan man ay walang pinapakitang reaksiyon ay nagpapakita ng pagtataka kung bakit ganito ang reaksiyon ko.
Huwag kang magpapahalata, Sheiha. Baka iba ang tinutukoy niyang tao. Hindi lang naman ikaw ang may apilyedo niyan.
"I apologize for calling you that. Anyway, pinapatawag ka ni Mr. Cameron, gusto ka niyang makausap."
Sheiha Fajardo's POVGusto niya akong makausap?And with that, my heart is starting to beat so fast that I forgot to breath for a second. Anong kailangan niya? Nakilala ba niya ako? Bakit ko ba kasi tinanggal ang mask ko kanina! Muntik na ako kanina dahil kay Clinton, ngayon naman..."Sheena? Are you okay?" I snapped from my reverie."Huh? Ah-eh medyo hindi pa ako nakaka-recover kanina, doc. Maaari po ba akong magpahinga muna?"Totoo naman, napagod ako. Parang bigla akong nawalan ng lakas kanina, hindi lang ang katawan ko pati na rin ng isip ko."It's fine, alam kong na-trauma ka sa nangyari. Take some rest, or you can have an early leave for today."Guni-guni ko lang ata 'yon. May nakikita akong pag-aalala sa mga mata niya. Oo nga pala, normal lang naman kung mag-aalala
Third Person's POV"Bakit ka nga pala dumalaw? Akala ko busy ka ngayon? Wala ka nang inaasikaso? Wala ka ng tatrabahuin?""Kailangan talagang sunod-sunod ang tanong? Bakit? Disappointed ka dahil hindi si dok. ang maghahatid sa 'yo pauwi? New crush mo? Bakit hindi mo sabihin sa 'kin? Bakit hindi mo naikwento na lumalandi ka lang pala sa ospital? Sana sinabi mo agad na dahil sa crush mo kaya ka naging nurse na napakataliwas sa kinuha mong kurso, e... 'di sana hindi na lang kita pinigilan ano?"Napahawak si Sheiha sa sentido dahil sa sunod-sunod na tanong na iyon ng pinsan. Hindi niya ma-reached ang mga pinagsasabi nito. Ano nga ulit 'yon? Sabagay, kasalanan naman niya dahil siya ang nagsimula nito."Tama na, sumasakit ang ulo ko, Bryly."Brimme tsked, "Ayan, may pahatid-hatid pa kasing nalalaman. Sheiha, tandaan mo kung bakit ka nandoon. Saka bakit mo kasama ang Clinton na 'yon?!"&
Sheiha Fajardo's POVPalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang taong kaharap na napakahalatang nag-iiwasan pero pilit na tinitingnan ng palihim ang isa't isa.Kumagat ako sa hawak na mansanas habang pinabaling-baling ang ulo. Ang isa ay nakahalukipkip habang nakasandal sa sofa. Ang isa naman ay nakatukod ang siko sa sandalan at doon nangalumbaba habang nagbibilang 'kuno' ng tupa sa kesame.'Anong nakain ng mga 'to?'Napangiwi ako nang pilit sinisilip ng binatang nakapangalumbaba ang dalagang hindi maipinta ang mukhang nakahalukipkip na nakasandal sa sofa.Tsk, tsk, tsk...Dahan-dahan akong tumayo para iwan sila, "Aalis...muna...ako...kasi–""Dito ka lang!"Na agad ding napabalik sa inuupuan dahil sa galit na ekspresiyon ni Brimme."Sabi ko nga, hindi ako aalis. Saka hindi ko pa tapos kainin itong appl
Sheiha Fajardo's POVDinampot ko kung ano lang ang mahawakan ng mga kamay tapos tulak na ulit sa cart. Naiinis ako. Nababanas ako. Gusto kong manuntok pero dahil mabait ako, mas magpapakabait pa ako kaya restrain lang self.Nginitian ko ang bawat taong nakakasalubong ko rito sa grocery store. Na kahit langgam ay magsisilapitan dahil sa tamis niyon. Gusto kong mambalibag ng mga paninda. Kahit isang lata lang para kahit papaano ay mawala itong inis ko.Alam naman ni Brimme na hindi ko gusto ang mag-grocery! Nakapadaming iba't ibang brand tapos kailangan ko pang mamili ng trusted. Alam kong pinaparusahan ako ng pinsan kong 'yon dahil sa ex boyfriend niyang kulukoy! Kapag ako talaga nakita ko ang jowa ko noon baka siya ang pagbuntungan ko ng galit."Miss, pinapatay niyo na po iyang fudge bar... nadudurog na po," sabi ng isang lalaking stuff.Napangiwi ako saka dahan-dahan ibinalik ang fudge
Sheiha Fajardo's POV"Doc, ano pong ginagawa niyo rito?" Nakangiting tanong ko kay Andrius na kanina pa nakakunot ang noo.Katangahan mo na naman, Sheiha! Anong meron sa tanong mong 'yan at palagi mong tinatanong? Kahit napaka-obvious naman nang sagot?Hindi naman niya narinig ang tawag ni Dane sa 'kin kanina, 'di ba? Sana hindi, dahil kapag nagkataon na narinig niya, bulilyaso lahat ng plano ko."Grocery."Napatango-tango ako saka isa-isa silang tiningnan, "Paano ba 'yan, nice meeting you all. Mauuna na ako dahil baka nag-aalburuto na ang tigre na alaga ko sa bahay.""You have a tiger on your house?!" Gulat na tanong ni Shane.Natawa ako,"Hindi naman literal na tigre, mahal.""Is it Brimme?" tanong naman ni Dane.Nakanguso akong tumango-tango. Napatango naman siya. Nagtanguan kaming d
Sheiha Fajardo's POVPagkabukas ni Brimme ng gate ay pagtataka agad ang siyang naging ekspresiyon niya.Kailangan ko pa siyang tawagin dahil ni-lock niya mula sa loob ang gate. Para ata siguruhing hindi ako makakapasok kapag hindi ko dala iyong mga juice niya. Ano bang meron sa juice at napakaadik ng isang 'to?"Good day," bati ni Andrius kay Brimme."Same..."Binigyan ako ni Brimme ng nagtatanong na tingin. Napabuntong-hininga ako saka nagkibit-balikat."Ewan," sagot ko na lang.Paano ba naman kasi. Ang kargador ng mga pinamili ko ay si Andrius. Siya na nga ang bumili lahat ng mga dala namin, siya pa ang nagbayad. Silbi, dobleng grasya, dobleng libre ang dumating sa 'kin ngayong araw na ito. Pinagpala ka nga naman. Akala ko kamalasan ang magiging bungad kapag nakita ko ang dalawang ex ko ngayon —ex-boyfriend, saka ex-crush— hin
Sheiha Fajardo's POV"Bakit hindi ka naka-uniform?""Eh?"Tiningnan ko ang suot ko. Isang high waisted jeans na pinaresan ng isang white T-shirt na may print na 'Pretty'. Naka-tack in ito sa jeans. Pinaresan ng converse shoes."Uniform? May nag-u-uniform kapag magre-resign? 'di ba naka-casual lang sila?"Nakita ko ang pagkunot ng noo sa mukha ni Brimme. Siguro nakalimutan niya iyong sinasabi ko noong nakaraan. Huminga ako ng malalim saka nginitian siya."Magre-resign na ako sa—""Alam ko."Ako naman ang napakunot-noo."Pero hindi ko aakalain na gagawin mo talaga 'yun. I thought you're just bluffing," dagdag niya."Well..." Umupo ako sa katapat na inuupuan niyang sofa, "Nangako na ako sayo na magpapakabait na ako.""At ito ang pagpapakabait
Madilim ang paligid. May black-out ba? Hindi ba nakabayad ng kuryente si Brimme? Pero imposible 'yun dahil hands on siya kapag bayaran na ang usapan. Ayaw nun ang matambakan ng mga bayarin. Pinakaayaw nga niya ay iyong nangungutang. Pero bakit ang dilim sa kinatatayuan ko?Paggising ko ay ito na agad ang bungad sa 'kin. Anong oras na ba? Ilang oras ba akong natulog at naabutan ako ng kadiliman ng gabi? Akala ko ba gigisingin ako ni Brimme kapag tapos na siyang magluto ng pananghalian? E, bakit ang ang dilim na sa labas? Wala akong makita kahit sinag pa ng buwan.Bumangon ako saka kumakapa sa paligid. Una kong hinawakan ang dingding at naglakad gamit ito bilang gabay para makarating sa pintuan. Nang mahawakan ko na ang door knob, agad ko itong pinihit at lumabas. Gaya nang ginawa ko kanina, hinawakan ko ang dingding para makarating sa kwarto ni Brimme.Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin n