Share

Chapter 10

Sheiha Fajardo's POV

Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawang taong kaharap na napakahalatang nag-iiwasan pero pilit na tinitingnan ng palihim ang isa't isa.

Kumagat ako sa hawak na mansanas habang pinabaling-baling ang ulo. Ang isa ay nakahalukipkip habang nakasandal sa sofa. Ang isa naman ay nakatukod ang siko sa sandalan at doon nangalumbaba habang nagbibilang 'kuno' ng tupa sa kesame.

'Anong nakain ng mga 'to?' 

Napangiwi ako nang pilit sinisilip ng binatang nakapangalumbaba ang dalagang hindi maipinta ang mukhang nakahalukipkip na nakasandal sa sofa.

Tsk, tsk, tsk...

Dahan-dahan akong tumayo para iwan sila, "Aalis...muna...ako...kasi–"

"Dito ka lang!"

Na agad ding napabalik sa inuupuan dahil sa galit na ekspresiyon ni Brimme.

"Sabi ko nga, hindi ako aalis. Saka hindi ko pa tapos kainin itong apple ko, hehehe..." at kumagat sa hawak na mansanas.

Napailing na lang ang pinsan at hindi na natiis ang kanina pa na katahimikang bumabalot sa buong sala.

"Ano palang ginagawa nito rito? Bakit ka nagpapasok ng 'hindi welcome' na 'bwesita'?" May diin ang bawat salitang inilalabas ng bibig nito.

Napalunok ako dahil sa panlilisik ng mga mata ng pinsan habang nakatingin ito sa 'kin. Bakit ba ako ang binabalingan nito ng pagkainis? E, wala naman akong ginagawa. Nagulat nga lang ako at biglang sumulpot ang ulupong na 'yan sa loob ng bahay. Hindi ko nga alam kung paano ito nakapasok.

Nagkatinginan kami ni Clinton,

"A-Ano... hindi ko alam. Bigla na lang 'yang sumulpot sa kusina at nanghingi ng makakain. Saka naawa lang ako kaya ko siya pinayagan. Pilit ko talaga siyang pinapaalis pero ayaw niya."

Nanlaki ang mga mata ni Clinton habang nakikinig sa mga lintaya ko. Hindi ito makapaniwalang pinakanulo ng isang traydor na kaibigan.

"Tapos ayon, sa pagpapaalis ko sa kaniya hindi namin namalayan na pababa ka kaya wala kaming choice kung hindi magtago siya. Ang takaw kasi. Akalain mo 'yon? Inubos niya 'yong dapat ay ulam ko na ginawa mo? Ayon tuloy, ang liit lang ng kinakain ko kaya ito, mansanas na lang inaano ko."

Nakita kong napapangiwi si Brimme sa mga pinagsasabi ko. Kahit ako ay binabatukan na ang sarili dahil sa walang kwentang mga pinagsasabi ko. Lagot na. Bakit ba hindi ako marunong magsinungaling?! Bakit ba hindi ako magaling umakteng! 

"Aalis na ako, may trabaho pa ako bukas– I mean mamaya."

Hindi ko na sila hinintay pang makapagsalita dahil dali-dali na akong tumakbo paakyat. Pagkarating ko ng kwarto ay agad kong sinarado ang pinto at sumandal dito. Napatampal naman ako sa noo ng maalalang nag-leave nga pala ako. 

Pshh. Kibago-bago ko tapos nag-request ako ng leave? Ng isang buong linggo? Para namang may favoritism na nangyayari dahil agad akong pinayagan ng may-ari ng ospital na pinagtatrabahuan. 

"That was so lame, Sheiha!" Kastigo ko sa sarili.

Napapabuntong-hininga na lamang akong lumapit sa kama ko saka patamad na tumalon dito. 

"Arrrgghhh!!!!!" 

Kumakawag-kawag kong sigaw. Nang mapagod ay tumihaya akong tumingin sa kesame. Nai-imagine kong nakangiti si Andrius sa 'kin habang nakadungaw galing sa kesame. Mapuputi ang pantay nitong mga ngiti habang may dalawang dimple na hindi naman gaanong malalim sa gilid ng pisngi nito. Teka– may dimple ba si Andrius? Hindi ko pa 'yon nakitang ngumiti kaya hindi ko alam kung meron. Sino nga ang nakita kong may dimple...?

Ah, iyong ex ni Brimme. Si Clinton na kulukoy. Ganoon na ba katagal simula noong huli naming kita para makalimutan ko? Kailan ba kami huling nagkita?

'Kanina lang, Sheiha.'

Ah, oo nga pala. Kakakita lang namin mga ilang munuto ang nakakalipas. Teka, bakit nagiging makakalimutin ako this past few days? Una, nakalimutan kong sira na iyong orasan sa sala. Pagkatapos ay palagi kong nakakalimutan ang pananghalian ko kaya palagi akong bumibili sa cafeteria o' hindi kaya ay magpapadala kay Brimme ng makakain. Anong nangyayari sa 'kin?

Bigla ay sumakit ang ulo ko. Napahawak ako rito saka tiningnan ang maliit na orasan sa side table. Mag-a-alas sais na pala ng umaga. Hindi ako dinadalaw ng antok. Iyon nga lang, sumasakit ang ulo ko.

Ano na kaya ang nangyayari sa dalawa ngayon? Siguro pinalayas na ng pinsan kong pinaglihi ata sa sama ng loob ni tita. Minsan lang makausap ng matino. Buti pa ako, gifted. Mabait, matalino, saka matinong kausap. Ang galing 'di ba? 

Napangiti ako ng mapait. Kung buhay pa kaya sila magiging ganito ba ang buhay namin? Siguro hindi dahil ayaw ng mga iyon na hindi kami masaya. Ayaw nilang nakikita kaming malungkot. Ayaw nilang nagkakasakit kami. Na sa kunting pagsakit lang ng ulo, ngipin, tiyan at kung saan-saan pang parte ng katawan namin ay hindi na sila mapakali. Siguro kung nabubuhay pa sila ngayon, hindi namin dinadanas ni Brimme ang mga nararanasan naming sakit ngayon. Hindi ko sana makakalimutan ang nakaraan ko kasama sila.

Kung siguro hindi nangyari ang aksidente, na nauwi sa trahedya, hindi sana ako naririto ngayon at nakahilata sa kama lang. Hindi sana maghihiwalay sina Brimme at Clinton. Pero sino ba ang niloloko ko? Syempre ang sarili ko lang din. Walang forever kaya maghihiwalay at maghihiwalay lang din sila sa huli. 

"Masilip ka 'yong dalawa."

Minsan naiinis na ako sa dalawang iniwan ko sa baba. Halata naman na mahal pa rin nila ang sarili pero bakit pa nila pinahihirapan ang sarili? Mga boplaks talaga. 

Daha-dahan akong sumilip sa labas ng pinto.

"Anak ng demonyong kabayo!"

Gulat akong napahawak sa dibdib ng makita si Brimme na nakahalukipkip sa labas ng pinto. 

"Ikaw ang papatay sa 'kin, Bryly!" bulyaw ko rito nang nakakunot ang noo.

Mas naging masama ang timpla ng mukha nito. Napangiwi ako. Hindi pa pala kami ayos nito...

"Talagang ako ang papatay sa 'yo kapag pinapasok mo pa ang kulukoy na 'yon dito sa bahay." 

Napakamot ako sa batok,

"Hindi naman talaga ako ang nagpapasok, e..."

Totoo naman. Malay ko ba kung may sa demonyo ang lalaking 'yon. Kung saan-saan lang sumusulpot na parang kabute.

"Huwag ka ng magpaliwanag. Bumaba ka na roon at kumain. Nababanas ako sa inyo!"

"Pinaalis mo na siya?"

Naiinis nitong tinuro ang kusina,

"Bumaba ka na roon at kumain! Pagkatapos ay paalisin mo na ang buwesetang 'yon." 

Nagmartsa itong nagtungo sa kwarto at pumasok. Binalibag pa nito ang pintuan na siyang kinaigtad ko.

Nagkibit-balikat lang ako. Halata namang naiilang lang siyang makasama ang nakaraan niya. Ito namang isa, may balak pa atang magpapansin. Like duh? The hell I care. Bahala sila sa buhay nila.

Pumasok ulit ako sa kwarto saka ni-lock ang pinto. Hindi ako kakain dahil busog ako. Padapa akong tumalon sa kama at niyakap ang unan ko.

"Ang gwapo talaga ng asawa ko! Nakakagigil ka Lee Min Ho!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status