Share

Chapter 13

Sheiha Fajardo's POV

Pagkabukas ni Brimme ng gate ay pagtataka agad ang siyang naging ekspresiyon niya. 

Kailangan ko pa siyang tawagin dahil ni-lock niya mula sa loob ang gate. Para ata siguruhing hindi ako makakapasok kapag hindi ko dala iyong mga juice niya. Ano bang meron sa juice at napakaadik ng isang 'to? 

"Good day," bati ni Andrius kay Brimme.

"Same..."

Binigyan ako ni Brimme ng nagtatanong na tingin. Napabuntong-hininga ako saka nagkibit-balikat.

"Ewan," sagot ko na lang.

Paano ba naman kasi. Ang kargador ng mga pinamili ko ay si Andrius. Siya na nga ang bumili lahat ng mga dala namin, siya pa ang nagbayad. Silbi, dobleng grasya, dobleng libre ang dumating sa 'kin ngayong araw na ito. Pinagpala ka nga naman. Akala ko kamalasan ang magiging bungad kapag nakita ko ang dalawang ex ko ngayon —ex-boyfriend, saka ex-crush— hindi naman pala. Hayahay ang buhay ko kapag palagi kong nakakatagpo ang dalawang 'to.

"Magkano lahat ang nabayaran mo?" agad na tanong ni Brimme, pagkapasok pa lang namin sa kusina. 

Pinatuloy ni Brimme si Andrius sa kusina, dala nito lahat ng pinamili. Nasisiguro kong may naiwan pa sa kotse niya. Siya ang pumili ng lahat ng 'yan. Simula sa karne ng baboy, manok, baka at saka isda. Hanggang sa pagpili ng iba't ibang klase ng gulay at prutas.

Patamad kong inilapag ang listahan at perang binigay niya. Bente pesos lang ang bawas sa dalawang libong pinadala niya. Iyon lang pamasahe ko papuntang grocery store kanina.

"May dalawang anghel ang nagbayad ng mga 'yan. Magpasalamat na lang tayo." 

Pabagsak akong umupo sa upuan dahil sa pagod. Kahit wala naman akong ginagawa ay parang naubos lahat ng lakas ko. Siguro dahil wala pa akong tulog. I'm so exhausted na... My mind, body and soul. Kawawa naman si me.

"This would be all," Pumasok si Andrius dala ang dalawang malalaking platic ng mga gulay. Inilapag niya ito sa lamesa saka nagpaalam. 

"Bakit ganiyan ka makatingin?" 

Umingos si Brimme, saka inayos ang mga pinamili.

"Dito mo na pakainin ang isang 'yon. Mahiya ka naman, siya na nga ang nagbayad at nagbuhat ng dapat ay ikaw ang gumagawa."

"Aba'y sinabi kong ako na pero mapilit siya. Kasalanan ko ba 'yon?" Napanguso ako saka pumangalumbaba.

"Kasalanan ng katamadan mo. Sige na, pabalikin mo na."

"Nakaalis na 'yun," tamad kong sagot saka humikab.

"I forgot to bring this."

Napaangat ako ng tingin sa dumating. May dala itong isang medium size na plastic na puno ng mga instant noodles.

Ngumiti si Brimme, "Salamat, doc. Naabala ka pa namin. Dumito ka na muna, maghahanda lang ako ng pananghalian." 

"Even though I love to, but I have an operation this afternoon. Maybe next time..." Tumingin ito sa relong pambisig, "I don't have much time left. I am bidding my goodbye for now."

Nag-wave lang ako saka pasalampak na pumangalumbaba ulit. Gusto ko na ngayong matulog. 

"Hindi mo man lang ako pinakilala."

Napataas ang isang kilay ko saka tiningnan si Brimme na nag-aayos ng gulay sa loob mg ref.

"Nagtatampo yarn?"

Sinarado nito ang ref at nakahalukipkip na hinarap ako. Seryoso ang mukha nito kaya alam kong kailangan kong magpakatino.

"Sheiha, buhat ba noong namatay sila tita at tito, nawala na rin ang mga manners mo?"

Umayos ako ng upo saka yumuko. Nahihiya ako dahil tama siya. Kahit ako sa sarili ko ay napapansin ko rin 'yun. Palagi na akong nagmumura. Na noon ay si Brimme ang gumagawa. Kung noon ay parang tambay sa kanto si Brimme sa paraan ng pananalita niya, pero ngayon ay kabaligtaran ang nangyayari. Siya na ang umaawat sa bibig ko kapag nagmumura ako. Palagi na lang din akong tinatamad. Pero hindi na ako nag-abalang ayusin. Para saan pa?

"Umakyat ka na saka matulog," tumalikod si Brimme at nangalikot ulit sa ref. "Tatawagin na lang kita kapag handa na ang pananghalian."

Magsasalita pa sana ako kaso pinigilan ko na lang ang sarili ko. Basta ganito si Brimme, better be quiet ka na lang. When she's in a bad mood, which is always naman, it's better to shut your mouth. Hindi naman siya nagbubunton ng galit sa iba. Hindi rin siya showy when it comes to her feelings. It's just that, kapag may nakikitang mali si Brimme, sinasabi niya talaga. She can't filter her mouth, she would gladly say it blunt. Alam niya kung paano lumugar pero kapag nakikita o nararamdaman niyang sumusobra ka na talaga, even if it is not her business, she will interfer and say that your wrong. 

Siya na lang ang nag-iisang meron ako. Kaya as much as possible, ginagawa ko ang lahat para lang hindi kami mag-away. Normal lang naman kapag nag-aaway basta ba alam niyong sa huli, magkakaayos kayo. Iyong hindi niyo palilipasin ang isang araw para hindi makahingi ng tawad at maayos ang dapat na maayos. Our parents taught that to us. Kasi sa buhay, hindi palaging nandiyan ang mga magulang natin para sa 'tin. Hindi palaging may kasama tayo para ipagpatuloy ang mga buhay natin. Minsan, kailangan nating mag-isang tahakin ang landas na para sa 'tin at sila naman sa kanila.

"I'm sorry..." 

Nakita kong tumango siya pero nagpatuloy pa rin sa ginagawa. She became my mother and father. Kahit alam kong kailangan din niya ng may mag-aalaga sa kaniya. Ngunit ito ako, pasakit sa ulo. Hindi ko namamalayan na lahat ng kinikilos ko, ay sumusobra na. Na dumating sa puntong wala nang magawa si Brimme kung hindi ipaalam sa akin ang mga ginagawa ko. Pero wala naman akong ginagawang hakbang para ayusin ang mga pagkakamali ko. I never reflect myself. Mas pinagpapatuloy ko pa ang mga pagkakamaling 'yon.

"I'll stop. Para sa 'yo, titigil na ako. Simula bukas, maghahanap ako ng trabaho. Walang kinalaman sa kahit na ano puwera lang sa kinabukasan natin. Huwag ka ng mag-alala..." 

Lumapit ako sa kaniya saka niyakap siya mula sa likod.

"Sisikapin kong hindi na pasakit sa ulo mo. Alam kong sumusobra na ako... kaya gusto kong magbago na. I would gladly accept my mistakes now." Naramdaman kong tumigil si Brimme sa ginagawa, "Magre-resign na ako saka maghahanap ulit ng trabaho. Hindi na ako magpapabigat sa 'yo—"

"Sinong nagsabing pabigat ka?"

Humilig ako sa likod ni Brimme,

"Feeling ko lang. All this years, hindi mo lang sinasabi pero alam kong nahihirapan ka na sa sitwasyo natin."

"Nahihirapan ako pero hindi ako sumusuko, kasi alam kong mawawala rin ang hirap na 'to. Pasasaan pa't malapit na tayo sa hustisya? Saka huwag puro na lang ako ang isipin mo, Sheiha... Alam kong nahihirapan ka na rin sa sitwasyon natin ngayon kaya ka nagmamadali." 

Humarap siya sa 'kin at niyakap ako. Sa dibdib niya na ako nakahilig. Ang sarap sa pakiramdam kapag may kayakap ka. Napakalambot... hmmm...

"Pero huwag kang mag-aalala, sinisigurado kong malapit na nating makamtan ang hustisya."

Tumango-tango ako, 

"Inaantok na ako, Bryly..."

Naramdaman kong natawa ito dahil sa pag-vibrate ng dibdib niya. Humiwalay ako saka tiningnan siya.

"Hindi na mangyayari ang nangyari sa 'kin noon, pangako ko 'yan sayo." 

Ngumiti siya,

"Pinky promise?"

"Pinky promise..."

Pinagsalikop namin ang dalawang maliliit naming daliri to sealed our promise. 

Hindi pa man sa ngayon, alam kong makakamtan din namin ang hustisya. Tama si Brimme, hindi namin kailangang magmadali. Dapat nga ay matuto na ako sa nangyari noon sa 'kin. Because of that accident, muntik nang maiwang mag-isa si Brimme. I shouldn't let that happen again, and for me to fulfill my promise to her, I should sacrifice what I have now.

I need to sacrifice that thing again.

EJ QUINO

Watch out, because some mysteries are about to reveal itself.

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status