공유

Chapter 15

Madilim ang paligid. May black-out ba? Hindi ba nakabayad ng kuryente si Brimme? Pero imposible 'yun dahil hands on siya kapag bayaran na ang usapan. Ayaw nun ang matambakan ng mga bayarin. Pinakaayaw nga niya ay iyong nangungutang. Pero bakit ang dilim sa kinatatayuan ko?

Paggising ko ay ito na agad ang bungad sa 'kin. Anong oras na ba? Ilang oras ba akong natulog at naabutan ako ng kadiliman ng gabi? Akala ko ba gigisingin ako ni Brimme kapag tapos na siyang magluto ng pananghalian? E, bakit ang ang dilim na sa labas? Wala akong makita kahit sinag pa ng buwan. 

Bumangon ako saka kumakapa sa paligid. Una kong hinawakan ang dingding at naglakad gamit ito bilang gabay para makarating sa pintuan. Nang mahawakan ko na ang door knob, agad ko itong pinihit at lumabas. Gaya nang ginawa ko kanina, hinawakan ko ang dingding para makarating sa kwarto ni Brimme. 

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Brimme. Sa mga ganitong pagkakataon kasi ay nagigising na 'yun. Daig pa nun ang kwago na nakakakita sa dilim. Kung tama ang hinala ko na kanina pa itong black-out, may kandila na sanang nakasindi sa side table ko or sa railings ng hagdan. Hindi naman ako takot sa dilim pero kasi nakakapagtaka lang. Hindi active ngayon si Brimme. Wala na naman ba siya? Kung wala siya, may tao naman sigurong gagawa sa ginawa niya 'di ba? Hindi naman siguro niya ako iniiwang mag-isa rito kapag umaalis siya? 

Nang mahawakan ko ang door knob ng kwarto ni Brimme at nagtaka ako dahil nakabukas ang ilaw sa loob. Hindi ko pa man nabubuksan ay nakikita ko dahil sa siwang ng pinto. Hindi kasi ito tuluyang nakasara. Walang ilaw ang buong kabahayan pwera sa kwarto niya. Anong nangyayari?

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto niya. Agad nanlaki ang mga mata ko sa nakikita.

"N-Nandiyan na sila, Brim."

"Shhh, punta tayo doon. Sa ilalim ng kama, doon tayo magtago."

Bakit ko ito nakikita? Ang kwarto ni Brimme ngayon ay naging kapareha ng kwartong pinagtaguan namin noon. Panaginip na naman ba ito?  Bakit ko na naman ito napapanaginipan? Pero... bakit sila nakatingin sa gawi ko?

Gumapang ulit sila at saktong pagkapasok nila sa ilalim ng kama, siya namang pagbukas ng pintuan.

Agad kong tiningnan ang pintong bumukas pero agad akong nagulat ng may taong nakatayo na sa harapan ko. Humakbang siya ng isa paabante kaya napaatras ako. May tinitingnan siya sa paligid ng kwartong 'yun. Bigla siyang napatingin sa gawi ko, nakatitig deretso sa mga mata ko. 

"Hanapin niyo sa kabila, baka nandoon. Ako na rito," sabi ng lalaking nasa harapan ko.

"Sige," sang-ayon sa kaniya ng iba.

Bigla siyang humakbang ng dalawa kaya nagulat ako at hindi nakagalaw. Lumagpas siya sa 'kin. Dahan-dahan akong lumingon sa likuran at doon ko siya nakitang nakayuko habang kinakausap ang dalawang batang babae na nasa ilalim ng kama.

"Shhh, baka marinig nila kayo."

Nag-sign ito ng tahimik kaya tumahimik ang mga batang humihikbi. Mabilis binalik sa dati ng lalaki ang kumot ng marinig ang mga kasamahan na papalapit.

"Wala sila rito, baka nasa ibaba," sabi ng lalaki at lumabas. 

Natatakot akong dahan-dahang humakbang paatras. Agad kong tumakbo palabas sa kwarto ni Brimme at bumaba sa hagdan.

"Bryly! Bryly!"

Sigaw ako ng sigaw. Palagi kong tinatawag ang pinsan ko pero hindi siya sumasagot. Nag-e-echo lang ang boses ko sa buong kabahayan. 

Nagsimula nang pumatak isa-isa ang mga luha ko dahil sa takot. Ang panginginig ng mga kamay ko ay mas tumindi kasabay ng pagkabog ng mabilis ng dibdib ko.

Ano ba ang nangyayari?! 

"Bryly!"

Napahikbi na ako dahil wala talagang Brimme na sumagot. Hindi kagaya kanina na sobrang dilim at wala ka na talagang nakikita. Ngayon ay pumapasok na sa mga nakabukas na bintana ang sinag ng buwan. 

Pakiramdam ko nga ay nang-aasar ang buwan dahil ngayon lang siya nagpakita at nagbigay ng liwanag. Pinalibot ko ang paningin sa buong sala. Hindi ito ang sala ng bahay namin ngayon. Kung hindi ang sala ng bahay namin noon. 

"Habulin mo ako, papa!" 

Nakikita ko ang batang babae na tumatakbo habang hinahabol ng papa niya. Masaya silang nagtatawanan habang naglalaro.

"Ito na ako! Humanda ka dahil parating na ang super kiliti ni papa!" 

Sumigaw nang sumigaw ang batang babae habang hinahabol ng papa niya. Masaya siya. Nakabungisngis habang pilit nilulusutan ang bawat pagharang ng papa niya sa kaniya.

"Nagmeryenda muna kayo, tama na muna 'yan."

Napatingin ako sa magandang babae na may dalang tray. May laman itong juice na nasa pitsel at mga baso. Agad itong tinulungan ng lalaki. 

"Juice na naman po, mama?" Ngumuso ang batang babae, "Ayaw ko ng juice. Gusto ko softdrink... Please???? Royal po gusto ko...." 

"Naubos na ang stack natin ng softdrink mo, nak. Paano ba naman kasi, sa isang araw halos maubos mo ang isang dosena." Inilapag ng babae ang hawak na bowl na may lamang cookies.

Mas napanguso ang bata. Natatawa naman itong binuhat ng papa niya saka pinaupo sa kandungan nito. Hinalikan ang pisngi at pinaglaruan ang ilong.

"Mamaya lang, maggo-grocery tayo tapos bibilhin natin lahat ng royal para hindi ka na nauubusan. Ayos ba 'yun?"

Agad tumango ang bata saka maganang kumain ng cookies. Humihikbi akong umiling dahil sa mga nakikita kong scenarios ngayon. 

Ito ang araw kung saan, huli naming nakasama si papa. Ito ang araw kung kailan siya namatay.... pinatay.

Napapikit ako at tinakpan ang mga tainga upang hindi ko na marinig pa ang bawat bungisngis ko at nasisiyahang tawanan nila papa at mama. Gusto ko nang matapos ito. Kailan ba ito matatapos? 

Bakit paulit-ulit na lang ang ganitong eksena? Wala na bang iba? Gusto ko nang malaman, gusto ko nang maalala lahat ng mga alaala ko bago nangyari ang trahedyang iyon. Pero bakit ang eksenang ito lang ang paulit-ulit na pinapakita ng isip ko?!

Wala naman itong kahalagahan! Anong meron sa eksenang ito at ito pa ang nanatili?! Paano iyong iba? Gusto kong malaman ang iba! 

Bakit ang pinaka-malungkot na araw lang ang palagi kong napapanaginipan? Ang palagi kong naaalala? Ang palagi kong nakikita! Nakakasawa na!

"Ahhhhhhh!!!!!!"

Sumigaw ako at nagtatakbo patungo sa pinto at binuksan iyon para makalabas. Pero agad ko ring pinagsisihan. 

"T-tulong... tulu-tulungan m-mo ako... p-pakiusap."

Ito ang eksena kung saan, muntik ko nang iwan mag-isa ang pinsan ko.

Kailan ba ito? Matatapos...?

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status