Share

Chapter 21

Third Person's POV

Pagkatapos ng isang putok ay namayani ang katahimikan sa buong lugar. Sa nanginginig na katawan ni Sheiha, pinilit niyang inaninag ang mga kasamang katulad niya ay pinakikiramdaman ang nagaganap sa paligid. Hindi man nakikita ng mga mata niya buhat sa dilim ng kinaroroonan, nahihinuha niyang may hindi magandang nangyayari.

"B-Brimme..." 

Hindi niya mawari kung ano ang siyang lumabas sa bibig niya. Salita ba 'yun o' hangin lang?

She halted from where she is when a hand suddenly grip her mouth to keep her quiet. She was frozen in place. 

An air coming from the person behind her's breath was extant. Releasing a gentle cold air. She is certain that the person behind her, shutting her was a man. His strength is strong.

"You should keep your mouth shut if you want you and your friends to leave this cave still breathing," the man behind him whisper in a very smooth but dangerous way.

Now she is one hundred percent sure that it is a man, a very dangerous one. They could die here. 

"W-Where are they?" She force herself not to make that phrase so loud that could echo inside. She whisper as if her life depends on it. Well, it really is.

"Just like you, they are being sorounded. One single move, you'll die." He said that with a stern voice.

She tried to free her hand from his grip because it gets tighter and tighter every seconds pass by. 

"It hurts..." she plead.

Narinig niya ang pagngisi ng lalaki, 

"Mas masasaktan ka kung magpapatuloy ka sa paggalaw."

With her free hand. She search for something she could use as his weapon. Kahit alam niyang wala siyang laban sa lalaking nasa tabi. Hindi siya babansagan at papagalitan ni Brimme na matigas ang ulo kung hindi naman talaga. She won't listen to this guy. Sino ba siya? 

"What do you want?" 

Ilang sandali lang ay umaalingawngaw ang boses na 'yun ni Brimme. Napatigil si Sheiha sa ginagawa at nakinig. 

Kung pakikinggan ang boses ni Brimme, mahinahon lang nito. Wala kang maaaninag na takot, pag-aalala, o' kahit na anong emosyon. She knew that it's time for her to transform.

Napangiti si Sheiha sa naiisip. Para kasing si wonder woman si Brimme. Isang tahimik at hindi palakibong nilalang, nag-transform bilang isang superhero...

"Ang mga susi," another voice from somewhere answered. 

"Anong susi...?" Parang nakikipagnegosasyon si Brimme. 

"May binigay si Damian sa inyong mga susi. Dalawang susi na siyang magbubukas ng vault." Galing naman ang boses sa isang dapit paroon. Gaano ba sila kadami?

"Matagal ng nawawala ang papa namin at hindi namin alam kung saan. Bigla na lang siyang nawala at hindi na nagpakita sa 'min. Wala kaming alam sa sinasabi mo." Napangiwi si Sheiha dahil sa pagdiin ng mga kuku ng lalaking may hawak sa braso niya. 

Kapag kuwan ay may naramdaman siyang isang bagay na itinatali sa mga kamay niya ng lalaki. 

"Sinungaling!" 

Umaalingawngaw ang boses na 'yun sa paligid. Nakakarindi!

"Paano mo nasasabing nagsisinungaling sila kung mismo ikaw ay walang alam?" Muntik na akong pumalakpak sa sinabi ni Clinton. May matino palang sinasabi ang isang 'to?

"Aba't..."

"Tama na 'yan," natahimik ang aroganteng lalaki kanina pagkatapos magsalita nitong nasa likod ko.

"Bakit niyo nalaman na nandito kami?" 

"We're tracking your car." 

"Paano kayo nauna rito? Paano niyo nalaman na rito kami papunta? Sino ba kayo?"

"Bakit ang dami mong tanong?!" Isa na lang at bibigwasan na ni Sheiha ang lalaking 'yun. Napaka-arogante kung magsalita. Feeling niya naman ang gwapo niya. Nasisiguro ni Sheiha na parang tanso ang mukha ng lalaking arogante. 

"Alangan, ang taong matalino, palaging nagtatanong dahil gusto niyang mas lumawak pa ang kaalaman." 

"Hoy!"

Kasabay nang sigaw na 'yun, ay ang pagputok ng isang baril. Biglang nagkagulo ang paligid. Hindi man nakikita ni Shieha ang nangyayari, nahihinuha niya naman dahil sa bawat tunog at lagutok na para may nabaling mga buto. 

Dahil din doon, nagkalakas siya ng loob para makawala. Pero iyon ang dapat hindi na lang niya ginawa. Isang matigas na bagay ang pumukpok sa ulo niya. Pumipintig-pintig ang ulo niya sa sobrang sakit. Hindi siya makapagsalita. Parang binibiyak ang ulo niya.

An excruciating pain sipped through her whole being. Ito ang pangalawang beses na naranasan niya ang sakit na iyon sa ulo niya. Parang bakal—bato... Bato ang pinukpok ng lalaki sa ulo niya.

"T-Tangina mo, mamamatay k-ka rin..."

Kasabay nang pagbagsak ng katawan ni Sheiha ang pag-usbong ng sigalot sa lugar na iyon. 

He smirked, "Forgive me, my hand slipped."

"Si Sheiha, Clinton! Hanapin niyo!" sigaw ni Brimme habang pilit nilalaban ang hindi na mawaring tao na kalaban niya ngayon. 

Katulad ng mga kasamahan din niya. Nakikipaglaban sa hindi nila alam kung ilan ang kalaban.

"Too late. It's too late for that, cause she is good as dead." Natatawang sabi ng lalaki habang tinitingnan ang nakahandusay at naliligo sa dugong katawan ni Sheiha.

Nang marinig iyon ni Brimme ay nagwala siya. Mas pinag-igihan pa ng mga kasama ang paglaban kahit sa una pa lang ay dehado na talaga.

"I'll take this bitch and burn her." Binuhat ng lalaki ang katawan ni Sheiha at nagsimulang maglakad paalis.

Kahit na anong pilit na lapit ni Brimme ay hindi niya magawa dahil marami ang pumipigil sa kaniya. Kahit nananakit ang katawan, hilam ang mukha sa luha, pinilit niyang maabutan ang lalaki. Galit siya habang nilalaban ang hindi mabilang na kalaban sa dilim. 

Gamit ang isang maliit na kutsilyo, sa isang wasiwas nito ay isa ring buhay ang nawala. 

"Kinuha niyo na ang lahat sa 'kin. Ang nag-iisang taong iniingatan ko naman ngayon ang kukunin niyo? Mamamatay muna ako niyo siya makuha sa 'kin. Magbabayad kayo sa pananakit sa kaniya." Pilit niya itong itinatak sa isipan. 

"Bryly naman!" Ungot ni Sheiha habang niyuyogyog ang balikat ng pinsan.

"Kukunin mo 'yan, o' babaliin ko 'yang kamay mo?" 

Nakangusong binitawan ni Sheiha ang damit ng pinsan. Agad naman itong inayos ni Brimme dahil nagusot. 

"Huwag mong sasabihin kay mama, lalo na kay papa na may bago akong crush! Tatakutin na naman niya 'yun, e....." Hinawakan na naman nito ang damit ni Brimme at niyugyog ang pinsan.

Sa inis ni Brimme, tinapik niya ang kamay ni Shieha. Hindi sinasadyang napalakas ito.

"A-Aray ko...."

"S-Sheiha.... hindi ko sinasadya." Agad na dinaluhan ni Brimme ang maiiyak na niyang pinsan. 

"Sinadya mo! Ang bad ni Bryly, huhuhu..." Napangiwi si Brimme dahil sa iyak ni Sheiha.

"Anong gusto mong gawin ko para tumugil ka na sa pag-iyak?" Naiikot na lang ni Brimme ang mga mata niya nang biglang ngumiti ng napakalaki ni Sheiha. 

Sheiha got her again. She fool her for... she lost count after fifty.

"Don't tell them, please?! Pretty please?!" She even blinked her eyes like a puppy. Trying to get Brimme's sympathy.

"Fine," pagsuko ni Brimme.

"Yey!" 

That memory hurt her so much. She's mad, very mad. Mas umusbong pa ang pagkamuhi niya ng hindi na niya maaninag ang lalaking siyang bumitbit kay Sheiha na parang isang sako ng bigas. Nakatali ang magkabilang kamay sa likod. Naliligo sa sariling dugo galing sa ulo nito.

A part of that scenario was the same as before. When Sheiha was hit in the head buy a base ball bat. Mga dugong tumutulo galing sa ulo nito. Ang mga d***g dahil sa nararamdamang sakit.

"I will find you and make my revenge on them for hurting you..."

____

"Patawad, ngayon lang kami dumating." 

May mga kalalakihan ang dumating dala ang malalaking flashlight sa loob ng kweba. Pagkarating nila ay mga nakahandusay na katawan ang nakita nila. Si Clinton na inalalayan ang walang malay na si Brimme. Pareho silang duguan dahil sa tama ng baril at mga wasiwas ng kutsilyo. Si Damon naman ay tahimik lang sa isang tabi habang nakapikit. Hindi man tulog, nakikiramdam lang siya sa paligid.

"Jude naman! Kanina pa kami tumatawag! Wala na kaming kotse pabalik dahil butas lahat ng gulong—"

"Kita nga namin sa labas—"

"Tapos pareho pa kaming sugatan at duguan—"

"Alangan, may mga sugat kayo, e."

"Ano ba!" Dahil sa lakas ng sigaw na iyon ni Clinton, nayanig ang lahat sa gulat.

"Ano ba! Tatanga-tanga na lang ba kayo riyan?! Tulungan niyo na kaming mga tang-ina kayo! Mamamatay na kami dahil sa dugong nawala sa 'min!"

"Chill lang bro," sinenyasan ng lalaking nagngangalang Jude ang iba pa para tulungan ang silang tatlo. 

May dala silang stretcher at doon inilagay si Brimme.

"Dahan-dahan naman sa pagbuhat—hoy! Dahan-dahanin niyo ang paglagay!" 

Nang dumaan si Damon palampas kay Clinton ay binatukan niya ito,

"Ang oa mo masyado. Malayo lang 'yan sa bituka niya."

"Kung ikaw kaya ang nasa kalagayan niya!"

"Mas matutuwa ako dahil may magbubuhat sa 'kin. Hindi ko na kailangan pang magpakahirap maglakad at magtiis ng sakit dahil sa mga natamo kong sugat." 

Natahimik si Clinton, kapag kuwan,

"May point ka do'n."

Napailing na lang ang ibang nakakarinig at isa-isang isinilid ang mga bangkay ng kalaban sa isang itim na bag. Nililinis nila ang buong paligid, hanggang sa walang bakas ng labanan ang makikita sa lugar.

"Pero nagtataka pa rin ako kung paano nila nalaman na rito tayo papunta," bulong ni Damon. 

"Hindi ko ba narinig ang sinabi ng asungot na 'yun kanina? May tracking device iyong kotse mo." 

"Imposible," naiiling na sabi ni Damon.

"Bakit naman naging impo—"

"I check my car every now and then before using it."

"Baka nakaligtaan mo lang na e-check kanina– aray! May sugat ako! Dahan-dahan naman sa paglalakad." Ang reklamo lang ni Clinton ang maririnig hanggang sa makapasok sila sa isang van at mayroong mga tao na siyang maglilinis at gagamot ng mga sugat nila.

"It's odd..." bulong ni Damon sa sarili.

"Huh...?" Umayos si Clinton sa pagkakaupo at sinandig ang ulo sa upuan para magpahinga.

Nang malalabas ang iba at silang dalawa na lang ang natira. Binuksan ni Clinton ang mga mata niya at tiningnan si Damon nang deretso sa mga mata.

"I feel like someone is watching our every move..."

Sumeryoso si Clinton, "Someone is spying us."

"We should fine that bastard and torture him. Nasisiguro kong alam niya kung nasaan si Sheiha."

Tumango si Clinton,

"Let's do that."

Damon hummed, "This is a secret mission between us three. Hindi papayag si Brimme na hindi mahanap ang pinsan niya, we need a plan."

"Let's discuss this privately after Brimme wake up. First, magpagaling muna tayo."

Sumang-ayon si Damon.

"Who you might be, we will seek and find you. You betrayed us, you'll gonna pay a big price. So hide well. Don't let us found you, cause if that happens, you're dead." A fuming fire was rising at Clinton's heart.  No one should dare to hurt his family.. cause if that happens, hell is waiting for you.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status