Share

Chapter 22

Third Person's POV

"Kailangan ba talagang bente-kuwatro oras natin silang bantayan? Wala pa tayong tulog, dalawang araw na," reklamo ng isang kasamahan niya.

He just hummed and lean on the tree. In front of him was a girl who picks vegetables from a little garden. She happily sang a song while putting every vegetables she got in a basket.

"Bakit kaya sila tinatago ni bossing dito, nuh? Sabagay... napakaganda nila. Medyo may pagkabata lang niyang isa, siguro menor de edad pa 'yan. Iyong isa naman na kakadala lang natin dito, sa hula ko nasa bente na ang edad, matangkad kasi pero napakabata ng mukha," Ang binatang nakikinig ay kanina pa naririndi sa pinagsasabi ng kasama. "Ano kayang skin care ang gamit nila—"

"Tatahimik ka o puputulin ko 'yang dila mo para tuluyan ka nang hindi makapagsalita?" Bakas sa mukha nito ang inis.

"Ito na... Oh? Paalis na siya!" Agad nilang sinundan ang babae.

The girl was happily hopping. Humming a song that's so sweet to hear. The song isn't just the beauty they feel and hear but also the one who sang it.

"Ayos ka na? Hindi na masakit ang ulo mo?" Malamyos ang tinig nito na parang musika.

Pagkapasok niya ay agad niyang dinaluhan ang babaeng kakabangon lang. Inilagay niya ang hawak na basket sa ibabaw ng lamesa na may apat na bangko. 

"Nawala na, salamat d'on sa ginawa mong tsaa kagabi," Ngumiti ang babae saka tiningnan ang dalang basket ng babae.

"Ah, ito po pala ang nakuha ko sa garden kanina. Nakiusap ako ni Mang Kanor na bumili ng isda sa bayan... Anong gusto mong ulam mamaya?" Isa-isa nitong nilabas sa basket ang mga gulay.

"Bakit hindi mo ako ginising para matulungan kita sa pagkuha ng mga gulay?" 

Bumangon naman ang isang babae para tingnan ang mga 'yon. Isa-isa niyang tiningnan ang mga iyon, inaanalisa kung may uod ba sa loob niyon.

"Akala ko po kasi masakit pa ang ulo mo kasi tanghali ka na nagising...." agad na paliwanag nito.

"May uod ang isang 'to," Kumuha siya ng isang maliit na basket, iyong mukhang plato at doon nilagay iyong mga gulay na may uod.

"Patutuyuin po natin 'yan tapos kukunin ang mga buto. Tamang-tama, nagpabili rin ako kay Mang Kanor ng mga pako para makagawa tayo ng panibagong patuyuan!" Masaya itong tumalon-talon habang hawak sa magkabilang kamay ang petchay.

Napailing na lang ang babae at tinuloy ang ginagawa. Pagkatapos ay nilinis nila ang mga gulay at naisipang magpinakbet na lang sa pananghalian. 

"Gaano ba kalayo itong bahay mo sa bayan?" tanong ng babae habang kumakain.

"Hindi ko po alam, hindi pa naman ako nakakapunta ro'n." Naaninag niya ang kalungkutan sa boses nito. Pero pilit itong sinusupil ng mga ngiti nitong minsan ay mapagkunwari.

"Bakit hindi ka pa nakakapunta sa bayan?" Hindi man niya gustong mang-usisa, nasa ugali na ata niya 'yon. Hindi niya mapigilan ang sarili na gawin 'yun.

"Hindi ko rin po alam. Sabi ni tatay, delikado sa bayan. Maraming masasamang tao ro'n." 

Tumango na lamang siya at nagpatuloy sa pagkain. Hindi niya rin maintindihan ang sarili dahil naiisip niyang patang preso ang babaeng kasama rito. Gusto nitong makita ang nasa labas ng pintong kinasasadlakan ng buhay mula pa noong bata ito pero hindi nito magawa. Kung iisipin, para itong ibon na nakakulong sa hawla. Hindi alam kung kailan makakalaya, at kung makakalaya pa talaga. 

"May naaalala na po ba kayo, ate Sheiha?" kapag kuwan ay tanong ng babae habang sumusubo sa niluto niyang pinakbet.

Natigil siya sa akmang pagsubo nang marinig ang pangalan na 'yun. Pumintig ang sentido niya kaya napahawak siya rito.

"Isang buwan ka na po rito, pero ang pangalan na iyon lang po ang naalala niyo. Gano'n po ba ang mga nawawalan ng mga alaala? Matagal bumalik?" Patuloy lang ito sa pagkain. Hindi alam ang nangyayari sa kinakausap.

"S-Stop calling me that. That's not my name," kinuha niya ang kamay sa sentido at nagpatuloy sa pagkain kahit pa pumipintig-pintig ang ulo niya sa sakit. Tiniisi niya ito at hindi pinahalata sa batang nasa harap.

"Po...?" Umangat ang tingin nito sa kaniya, "Hindi ko po kayo maintindihan."

Umiling siya, "Sabi ko ituloy mo na ang pagkain mo."

"Iyon ba ang ibig sabihin niyon?" Tumango na lamang siya para hindi na magtanong pa ang kasama.

"Okiee..."

"Siya nga pala, tatlong araw nang hindi umuuwi ang tatay mo. Ayos lang kaya siya?" Bigla ay naalalang itanong niya.

"Ayos lang si tatay. Minsan nga umaabot ng isang linggo saka siya umuuwi."

Tumango siya, "Kumain ka pa ng marami para tumangkad ka naman kahit kaunti."

"Ate naman! Walang ganiyanan sa height!" Nakanguso itong nagpapadyak. Sumubo ito nang mabilis.

Natatawa naman niya itong binigyan ng tubig, "Dahan-dahan lang, hindi ka mauubusan."

Umingos lang ang kasama at mas binilisan pa ang pagkain. Naiiling siyang nagpatuloy sa pagsubo habang tinitingnan ang kasama.

"Ano nga pala ang pangalan mo, ate? Sabi mo noon na hindi mo pangalan ang Sheiha na siyang palagi mong binabanggit kapag natutulog ka."

"Wala pa akong naaalala kahit kaunti," sabi niya habang naghuhugas ng mga pinagkainan nila.

"Kahit pangalan niyo po?" tanong na naman ng kasama habang kumakain ng mansanas.

She hummed, "Zana, pakiabot nung pamunas."

Agad namang inabot iyon ng kasama na nagngangalang Zana. 

"Pero sino po si Sheiha na palagi niyong binabanggit?" tanong na naman nito.

"Hindi ko rin alam, Zana."

"Mag-iisang buwan ka na po rito, hindi ko po alam kung paano ka tawagin bukod sa ate Sheiha. Paano kung..." 

Hinarap niya ito habang nagpupunas ng kamay. Masaya si Zana habang pinitik ang kamay sa ere.

"Bigyan na lang po kita ng pangalan!" Nangingiti nitong sambit. Sa ekspresiyon nito, nasisiguro niyang napaka-excited nito 

Tumango sa para sumang-ayon,

"Mabuti pa nga."

"Ano kaya kung.... Bryly? Napakaganda 'di ba? Matagal ko na po 'yang pinag-isipan."

Nabitawan niya ang hawak na pamunas dahil sa biglang pagsakit ng ulo niya. Napahawak siya rito. Hindi na niya naitago ang dinadamdam na sakit.

"A-Ate...? Hindi ko po ba nagustuhan 'yung pangalan—ate! Ayos ka lang po ba?!" Agad dumalo si Zana sa ate niya dahil sa biglaang pagbuwal nito habang hawak ng mahigpit ang ulo.

"Sumasakit na naman po ang ulo niyo?! Jusmi, wala pa naman si Mang Kanor!" Naghehestirikal na si Zana dahil hindi niya alam gagawin. 

"Argghh!"

"Jusko, ate naman... wag kang manakot nang ganiyan. Matatakutin ako, alam mo 'yan..." Naiiyak na siya habang hindi mapakali.

Lalabas na sana ang mga luha niya nang mapaurong ito dahil sa dalawang lalaki na biglang pumasok sa loob ng munti nilang bahay. 

Agad dinaluhan ng isang lalaki ang namimilipit sa sakit na babae at pinangko ito. Dinala niya iyon sa kwarto ng babae at inihiga sa kama nito. Hindi mapakali ang babae habang nakahawak sa ulo.

"Kunin mo 'yung sedative sa bag," utos ng lalaking pumangko sa babae sa isa pang lalaki na agad namang sinunod ng huli.

"S-Sino po kayo mga kuya?" 

Ang kaninang maiiyak na niyang itsura ay napalitan ng paghanga dahil sa lalaking kaharap. Ngayon lang kasi siya nakakita ng lalaking binata sa tanang buhay niya–may isa pa palang lalaki. Pero hindi na niya ito muli pang nakita. Nakalimutan na nga niya ang mukha nito.

"Just someone you don't need to know," sagot ng lalaki sa wikang hindi niya maintindihan.

'Ano bang wika niyan at parang galing sa ibang planeta?' aning isip ni Zana.

"Ito na," inabot nang kakarating lang na lalaki ang isang injection na may lamang gamot.

Nang maiturok ang gamot ay unti-unting kumalma ang babae at hindi kalaunan ay nakatulog na.

"Ang galing..." Manghang sambit ni Zana.

Hinarap siya ng lalaki, "Mula ngayon, dito na kami titira kasama niyo." 

"P-Po...?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status