Share

Chapter 30

Sheiha Fajardo's POV

Blink, blink, blink...

"Salamat po sa tulog, at walang mga alien ang umistorbo—" 

Agad akong napabangon dahil sa ilaw na tumambad sa akin pagkadilat ng mga mata ko. Agad kong dinampot ang cellphone kong nakapatong sa lamesa at tiningnan ang oras. Napatakip ako ng bibig pagkakita ko sa oras.

Seven p.m. na...

"Bakit ka hindi tumunog selpon ko!" bulyaw ko sa cellphone kong walang kamuwang-muwang.

Agad akong tumayo at patakbong nagtungo sa pinto. Sa nanginginig na kamay, kinuha ko ang ID ko at ini-scan ito sa pinto pero hindi gumagana. 

"Si Bryly, jusmi... Si Bryly!" Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Brimme. Iyon na lang ang huling option ko para makalabas!

"You don't have enough load balance to make this call..." Naiiyak kong inilayo ang cellphone sa tainga ko ng marinig sa kabilang linya na wala na pala akong load.

"Brimme...." Isang ngawa ko na lang ay mahuhulog na ang mga luha ko. Pero agad itong bumalik sa kanilang mga lungga nang may boses ng lalaki sa likod ko.

"Stop whining... you woke me up."

"Ahhhhhh!!!!!!!" Hindi ko na talaga napigilan pang sumigaw ng malakas. Totoo nga ang sinasabi ng mga istudyante na may lalaking multo rito sa library. At maririnig mo ang boses nito na tila napakasarap sa pandinig, ume-echo pa ito sa tainga mo. Pero ang totoo nito ay para na itong matandang mamamatay na... 

"Oh, stop it! You're making my eardrum explode!" reklamo ng lalaki sa likod ko.

Hinawakan ko nang mahigpit ang cellphone ko at ibinato iyon sa kaniya pagkaharap ko. Pero nasalo niya ito kaya natigil ako sa kakangawa. May multo bang nakakahawak ng bagay? 

,

"May mga multong nakakahawak ng mga bagay, pero saglit lang nila itong nahahawakan sapagkat kumukuha ito sa kanila ng matinding lakas," naalala kong sabi ni Mrs. Gomez na teacher namin sa History. Mahilig kasi siya sa mga unseen creatures at kapag may time pa kaming natitira at tapos na siyang magturo, nagkukwento siya ng mga kababalaghan.

,

"Multo ka ba— ikaw 'yun!" Tinuro ko ang lalaking takang nakatingin sa 'kin, "Ikaw iyong kumuha ng Chuckie ko!"

"Oh, your that girl. I see..." Binato niya pabalik sa akin ang cellphone ko, agad ko naman itong sinalo.

"Anong ginagawa mo rito?" Sinundan ko siya nang tingin nang tinalikuran niya ako at umupo sa isang bangko malapit sa puwesto ko.

"Kung ano ang ginagawa mo rito."

"Kung ano ang ginagawa ko rito– natutulog ka rin?" Lumapit ako sa kaniya at umupo sa harapan niya. Nakapagitan sa amin ang study table. 

He hummed while closing his eyes. Sinisipat-sipat ko siya. Hindi na nakasuot ang hoodie niya sa ulo niya kaya nakikita ko na nang buo ang mukha niya. Bigla ay napahawak ako sa mukha ko, napakakinis kasi ng kaniya. Nahiya iyong safeguard ko...

Tumikhim ako,

"Exhange student ka ba rito?"

For the second time, he just hummed.

"Ano... Hindi ka ba hahanapin sa inyo? Gabi na at hindi ka pa umuuwi..." Napaiwas ako nang tingin ng magkasalubong ang mga mata namin sa biglaan niyang pagdilat. Tumikhim ulit ako, "Curious lang..."

"Ikaw, hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?" Umayos ito ng upo at pumangalumbaba. Nakapatong ang ulo niya sa kanan niyang kamay. 

Kinagat ko ang labi ko at ginaya ang posisyon niya. Nakanguso akong tumingin sa kaniya, "Pwede manghiram ng phone? Naubusan kasi ako ng load. Saka hindi tayo makakalabas dito kung—"

Nangingiti kong dinampot ang cellphone niyang inilapag niya lang sa mesa. Dinial ko ang numero ni Brimme at tinapat ang cellphone sa tainga ko. Nakangiti kong tiningnan ang lalaki habang naghihintay na sagutin ni Brimme ang tawag ko. Nakapikit na ito at parang natutulog. Hindi ko alam pero kusang kumilos ang mga daliri ko sa kamay papalapit sa mukha niya. 

Kapag hinawakan ko ba 'yun, gaya ng iniisip ko ay malambot at makinis kaya? But my hand stop midway when his hand landed above mine. Gulat kong binawi agad ang kamay ko at tumukhim. Nag-iwas ako nang tingin sa kaniya at tumayo. 

"Hello, Bryly? Bakit ang tagal mong sumagot?" Kunyari ay sumagot na si Brimme kaya lumayo ako ng kunti kay– ano nga ba ang pangalan ng lalaking 'to? Sa tingin ko magkasing-edad lang kami nito. Mr. Chuckie Stealer.

"If you'll pretend, iyong hindi naman obvious." Bumangon siya at pumangalumbaba gamit ang kanang kamay. 

Napangiwi ako at tiningnan ang hawak kong cellphone. Pero hindi tuluyang nawala ang suwerte ko dahil sinagot ni Brimme ang tawag ko. Pinaharap ko ang cellphone niya sa kaniya para makita niya ang ongoing call. 

"Hindi kaya ako nagpapanggap," iningusan ko siya at tinalikuran. Nakita ko pa ang pag-iling niya bago siya tuluyang hinarap ng likuran ko.

"Bakit ang tagal mong sumagot?!" bulyaw kong bulong sa kabilang linya.

"Sino ba naman ang timang na matulog sa library habang nagpapaka-busy ang lahat para sa preperasyon?" Tamad niyang sagot sa kabilang linya.

Napanguso ako, "May ginagawa naman ako kagabi, a? Kaya nga madaling araw na ako nakatulog. Tapos gumising pa ako ng maaga—"

"Hindi lang ikaw ang walang sapat na tulog kaya huwag kang magreklamo." 

"Tulungan mo ako...." Ungot ko, "Na-stuck kami sa loob ng library."

"Let me guess, ang kasama mo ngayon ay lalaki? Kakilala ba niya si Clinton?" I hummed, "Hinahanap din ang isang 'yan ni Clinton."

"Kaano-ano ba 'to ni Clinton?" Nilingon ko si Mr. Chuckie Stealer. Bumalik ito sa dati nitong posisyon.

"Hindi ko alam. Tatawagan ko muna si Clinton, stay put and don't make something terrible." 

"Para namang living havoc ako, nu?" Narinig ko lang ang pag-tsk niya sa kabilang linya. Akmang magsasalita pa ako ngunit narinig ko na ang pagputol ng linya.

Nakakunot ang noo kong tiningnan ang cellphone. Bakit ako nagkaroon ng ganito kalamig na pinsan?! Friendly naman sina Tita Marites at Tito Jhon, a? Saan nagmana ang isang 'yon? Baka inampon lang 'yun kaya ganoon ang ugali.

Nagkibit-balikat na lamang ako. Wala tayong magagawa kung biniyayaan tayo ng panginoon ng isang alien na kamag-anak. 

"Salamat sa cellphone, may paparating nang tulong," Inilapag ko ang cellphone sa harap niya. Pero ilang segundo na ang nakakalipas ay hindi siya umiimik.

Hindi kaya nakatulog na ang isang 'to? Inilapit ko ang mukha sa kaniya at tiningnan kung talagang tulog na ba siya. Inangat ko ang daliri ko at itinapat ito sa ilong niya. Baka patay na ang isang 'to at mapagkamalan pa ako na pumatay sa kaniya. Mabuti na iyong nag-iingat palagi at hindi lang minsan. Dumadating ang mga disgrasya, sa hindi natin alam na oras at panahon.

"I'm still alive."

Agad akong napalayo dahil bigla-bigla na lang siyang nagsasalita. Kung hindi ba naman timang...

"Hindi ka kasi sumasagot kaya chineck ko lang," Bumalik ako sa kung saan ako umupo kanina, sa harap niya. 

Huminga siya nang malalim at umayos ng upo. Namulsa siya sa suot na hoodie at sumandal sa bangko.

"What's your name?" 

Tumaas ang kilay ko,

"Bakit mo tinatanong?"

"Cause I wanted to know."

"Ano muna ang pangalan mo bukod sa Mr. Chuckie Stealer?" 

Kumunot ang noo niya,

"Chuckie... what?"

"Mr. Chuckie Stealer. Dahil ninakaw mo ang Chuckie ko kanina," Nagkibit-balikat ako.

"Hey, I pay for it. Sobra pa nga," hindi niya makapaniwalang saad.

Nagkibit-balikat na lang ulit ako at hindi siya sinagot. Ma-try nga iyong hindi mamamansin. Icha-challenge ko ang sarili ko kung kaya ko ba.

Pero hindi ko kakayanin kung ganito makatingin ang kasama ko. Napangiwi ako at sinilip siya. Hindi pa ba niya ako lulubayan nang tingin? Ano ba ang meron sa mukha ko? May dumi ba? Napabuntong-hininga ako at tuluyan na talaga siyang hinarap.

"Huwag mo nga akong tingnan nang ganiyan!" Tumikhim ako at nag-iwas nang tingin, "N-Nakakailang kasi..."

"Your name is Sheiha, am I right?" 

Agad ko siyang nilingon,

"Paano mo nalaman?"

"So... that is your name? I'm just guessing," Nagkibit-balikat siya.

"Ayan, alam mo na name ko. Ano naman name mo? At magkaano-ano kayo ni Clinton na mahilig manood ng porn?" Binuksan niya ang bibig pero agad naman itong itinikom, "Hindi mo ata alam na si Clinton ang unang presidente na basagulero. Binansagan nga siyang timawang alien, e."

"Let me guess, again. Ikaw ang nagbansag niyan sa kaniya."

"Well... that's partly true, hehehe." 

Umiling-iling siya.

Napatingin kami sa pintuan nang mag-click ito at bumukas. Bumungad sa amin ang nangingiting si Clinton at ang poker face ni Brimme. Kailan ba magkakakulay ang mukha nito? Ang ibig kong sabihin ay iyong magkakaroon ng emosyon. Nagkakaroon lang siya ng kulay sa mukha kong ako ang dahilan. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil alam kong dadating ang panahon na may isang taong magbibigay ng kulay sa mundo niya.

"Bryly!" Tumayo ako at sinalubong siya nang mahigpit na yakap. Namiss ko ng sobra ang masungit na pinsan kong ito. 

"Bitaw."

Nangunguso akong bumitaw at umingos. Tingnan niyo? Ang sama nang ugali. Para siyang si Maleficent, the evil god mother. 

"Kung ano na naman 'yang iniisip mo. Uwi na," pagkasabi niya niyon ay tumalikod siya at naglakad palabas. Hindi man lang nag-good evening sa kasama ko. Pareho kaya silang dalawa, mga walang emosyon. Bagay sila sa isa't isa. Dapat magka-vibes sila dahil pareho sila ng ugali, pero bakit hindi man lang sila nagpansinan? 

"Pero mas perfecf pa rin magkatuluyan iyong magkabaliktad ang ugali. Ang joker ay para sa seryuso, ang gullible ay para sa hindi maimikin," sabi ko habang nakasunod kay Brimme. Sinasadya ko talagang lakasan para marinig niya, "Bakit hindi ka nagbo-boyfriend, Bryly?"

"Ikaw pa nga masakit na ulo ko, dadagdagan ko pa ba? Baka mamamatay na ako niyan," Wala man lang kaamur-amur niyang sagot. Jusmi, sana po panginoon, bigyan niyo si Brimme ng lalaking mataas ang pasensya, dahil hindi ko ito kakayaning mag-isa.

"Hatid ko na kayo, malalim na kasi ang gabi." Nangingiti akong lumingon kay Clinton at senenyasan siyang lumipat.

"Huwag kang gagawa ng kalokohan sa likuran ko, Sheiha." Pero agad naman akong nanlumo nang maulinigan ni Brimme ang gagawin ko.

Hindi pa nga ako nagsisimula, napipigilan na niya. Bakit ba ang lakas ng pakiramdam ng isang 'to? Ang sarap... wala. Ang sarap kumain ng fishball at kwek-kwek, sabi ko.

"May mata ka ba sa likod, ha?! Bakit ba palagi mo na lang nakikita lahat ng mga pinaggagawa ko?" Padabog akong pumantay sa kaniya ng paglalakad.

"Tumahimik ka, naririndi ako sa boses mo."

"Bili tayo ng kwek-kwek? Fishball, gusto mo?" Hindi siya sumasagot kaya hindi na lang ako nagpatuloy pa. 

Minsan naiisip ko, do I deserve to be treated like I don't exist by my own pinsan? Am I being conyo na? Ha-ha-ha.... Chur lang.

"Bili muna tayo nang makakain bago umuwi, hindi kasi ako nagluto," rinig kong saad ni Clinton sa likod.

Umiikot lang ang mga mata ko para makinig pa. Binagalan ko pa ang paglalakad.

For the nth times, he just hummed.

Ano ba ang meron sa hum-hum na 'yan at palagi kong naririnig iyan ngayong araw? Kailangan ko na bang tumakbo bilang totoong presidente ng pilipinas at iba-banned ko ang hum-hum na iyan. Kung sino man ang lalabag, pagmumultahin ko ng isang milyong piso at pagkakakulong ng limang taon. Kung ilang beses silang nag-hum, ganoon din karami ang emu-multuply natin para maganda.

"Hmm?" Taka akong tumingin kay Brimme ng hindi ko man lang namalayan na nasa harapan na kami ng fishball stall na nasa harap lang ng school. 

Ipinilig ni Brimme ang ulo niya para esenyas ang stall. Nangingiti akong humarap kay Manong na nagtitinda ng fishball.

"Ano po ang sa inyo?" tanong ni Mamang fishball vendor.

"Manong, tig-isang daan po ng fishball at kwek-kwek." 

"Para namang mauubos mo 'yan, ano?" Hindi ko pinansin ang sinabi ni Brimme. 

"Bili na rin tayo, Die..." 

He then again, hummed. Isa na lang at mapipiktusan ko na ang lalaking 'to.

"Manong, tig-iisang daan din po niyan."

Nang maibigay na ni manong ang sa amin, magbabayad na sana si Brimme nang may isang asul na papel na naman ang lumapag sa kamay ni manong.

"Pati na rin po iyong sa kanila, keep the change na rin po," This time, si Clinton na naman ang nagbigay.

"Naku po, sir... Napakalaki po nito," akmang ibabalik ni manong ang pera pero pinigilan ito ni Clinton.

"Para na rin makauwi na kayo, gabi na po..." Nagpasalamat ng maraming beses si manong bago nagbalot ng binili ni Clinton.

"Iba nga naman kapag may kaibigan tayong mayaman, ano? Palaging libre. Palibre na rin ng sakay, a?" Nginitian lang ako ni Clinton at kinindatan. Parang alam ko na ang ginagawa ng isang 'to.

"Kung pwede namang manligaw nang hindi patago, ano?" Pagpaparinig ko.

Sinilip ko si Brimme na walang pakialam sa paligid niya. Nakatingin lang siya sa kung saan at parang malalim ang iniisip, palagi naman.

"Kung pwede nga lang ng ganoon, bakit hindi?" Inabot niya ang kaniya at tiningnan si Brimme, "Pero hindi niya pa kayang buksan ang pintuan para magpapasok ng iba sa ngayon."

Nginitian ko siya at tinapik sa balikat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status