Share

Chapter 2:

Third Person's POV

"Ano ka ba naman, Sheiha! Mag-aapply ka as nurse, eh takot ka sa injection?" Nanggagalaiting ani ni Brim sa kaibigan na napakatigas ng ulo.

Ito pa ang isang ugali ni Sheiha na lingid sa kaalaman ng lahat.

Napakatigas ng ulo nito na kahit ipukpok mo pa sa semento ay hindi siya tatablan, figuratively speaking.

"Kasi nga, gusto kong mag-nurse. Saka ayoko nang magtrabaho sa gym, ang daming manyak lalo na 'yong may-ari. Nakakagigil kaya at nakakadiri," umakting pa itong nandidiri. 

Hindi ito titigil hanggat hindi siya pinapayagan ng kaibigan niya. 

Napabuntong-hininga na lamang si Brim at umupo ulit. Kumakain sila nang mga oras na iyon ng binuksan ni Sheiha ang usapin. Nag-aalala lamang si Brim sa kaibigan dahil nais nitong magtrabaho sa ospital. 

"Alam ko namang nag-aalala ka pero kailangan kong harapin ang kinatatakutan ko," malalim ang kahulugan ng mga salitang iyon na agad naintindihan ni Brim. 

Napailing si Brim, "Umamin ka nga sa'kin, Sheiha. Ano ang pakay mo sa ospital?"

Nang-iintriga ang tingin nito sa kaniya. Malalim siyang napahugot ng hininga at uminom ng tubig.

Wala talaga siyang maililihim sa kaibigan. Alam nito kung ano ang mga ginagawa niya, wala siyang takas dito.

"May nalaman ako na nasa ospital siya..." nag-angat siya ng tingin sa kaibigan na nakatingin sa kaniya.

"Ang pumatay kay mama at papa."

Napainom ng tubig si Brim ng wala sa oras. Ito na nga ba ang kinatatakutan niya, ang maghigante ang kaharap. 

"Sinabi ko naman sayo na ako na ang bahala roon hindi ba? Nag-usap na tayo ukol dito, Sheiha at nangako ka na hindi makikialam. Alam mong delikado at ayokong madamay ka rin katulad ng mama mo. Muntik ka ng masaktam noong huli mong ginawa ang pangigialam," sabi ni Brim.

"Ito na talaga ang huli, pangako ko 'yan. Kasi naman, pwede niyo naman akong gawing informant pero ayaw mo. Mas delikado nga ang trabaho mo kaysa sa ginagawa ko," umingos si Sheiha.

Inambahan naman siya ni Brim na siyang kinaatras niya. Napanguso siya sa ginawa ng sadistang kaibigan pero alam naman niyang kasalanan niya. Matigas kasi ang ulo, ayan tuloy muntik nang mabatukan kung hindi lamang siya nakailag.

"Brim naman, masakit ka kaya mambatok. Saka sige na, pumayag ka na. Promise talaga, last na 'to. Hindi na magiging matigas ang ulo ko tapos susundin ko lahat ng utos mo," ungot ni Sheiha na parang bata. Humawak pa ito sa balikat ng kaibigan at niyugyog ito. 

Nahihilong tinapik-tapik paalis ni Brim ang kamay ni Sheiha. Para talaga itong bata kung umasta. Paano pa kaya kung payagan niya itong magtrabaho bilang nurse? Baka pag-injection niya sa pasyente bigla-bigla. 

"Hindi rin, 'di ba makakalimutin ka? Ang dami mong dapat na e-memories," alibi pa ni Brim. 

Sheiha tsked, "Alam mong nagpapanggap lang ako. Sabi ni mama at papa, masyado akong perfect kaya kailangan may flaws naman ako."

Umikot ang mata ni Brim, "Bumabagyo ata ngayon? Hoy, Sheiha! Baka nakakalimutan mong hindi ka matalino? Napagkakamalan ka lang matalino dahil diyan sa retentive memory mo. Anong perfect? Walang taong perfect, lahat may mga flaws. Tadyakan kita riyan, eh!"

"Brutal mo talaga, sapakin kaya kita?"

"Sige lang ng mabali buto mo sa kamay, subukan mo ako at makakatikim ka."

"Sabi ko nga, kakain na ako. Naku, ang sarap pa naman magluto ni Bryly. Mami-miss ko 'to kapag naging nurse na ako."

Naging mabilis ang pagkain nito na naging dahilan para siya ay mabilaukan. Dali-dali siyang uminom ng tubig.

"Ayan, karma 'yan sa katigasan ng ulo mo," sabi ni Brim habang hinihimas ang likod niya.

'Madapa ka sana sa paglabas mo,' piping sumpa ni Sheiha habang umuubo.

Sa isang lugar na tinatawag na ospital. Kung saan kaliwa't kanan ang mga tao. Nakakahilo kapag sila ay tinitingnan, nakakaduling din. Mga taong nakasuot ng puting kasuotan na umaasikaso sa mga pasyente na kahit walang tulog ay napaka-fresh paring tingnan.

"Doc, 'yong resume ng mga applicants po nasa table niyo na," sabi ng isang nurse sa isang doktor na chine-check ang mga vitals ng isang batang lalaki.

He hummed, "I'll check it later. Na-schedule niyo ba lahat bukas ang interview?" 

May sinulat ito sa chart na dala pagkatapos ay kinuha ang stethoscope na nakasabit sa leeg nito at ang heartbeat naman ng pasyente ang chi-neck.

"Opo, pero... kaya niyo po ba lahat bukas? More than fifty applicants po 'yon, baka hindi kasiya sa isang araw," nag-aalalang sabi ng nurse.

"Bukas lamang ang free time ko, saka 'wag kang mag-alala sa'kin nurse cha."

Malamig ang boses nito kung magsalita. Walang ekspresiyon sa mukha, parang hindi nga marunong ngumiti. Lahat ng mga nurse na nagpapakita sa kaniya ng motibong may gusto ito sa kaniya palagi niyang dene-deadma dahil baka ma-misunderstood nito ang mga ipapakita niya. Kung hindi man nadadala sa pande-deadma niya, pinapatalsik niya paalis sa ospital. Wala namang kaso dahil ang pamilya niya ang may-ari ng ospital. 

Kaya nga siya naghahanap ng nurse para ipalit sa mga napatalsik niya. Dahil imbes na trabaho ang atupagin, puro pagpapa-cute ang ginagawa sa kaniya. May isa pa nga na muntik ng mamatay ang pasyenteng binabantayan dahil sa kaka-stalk sa kaniya. May severe stroke pa naman ang pasyente ngunit salamat sa isang citizen na naroon sa ospital, naagapan ang pangyayari. 

Kung sana puro matatanda ang nag-aaply sa kaniya pero sa kasamaang palad puro mga bata ito. Para bang nag-aaply lamang para makita siya.

Sino ba naman kasing hihindi sa sikat na doktor sa bansa. Madaming mga kabataang babae na gustong maging nurse o doktor dahil sa kaniya. Nais itong masilayan ng nakararami kahit hindi ito namamansin o kaya ay napaka-suplado at hindi umiimik na binatang doktor. Puro trabaho lamang ang inaatupag.

"Doc. Andrius, emergency po sa room 302," imporma sa kaniya ng isang nurse.

"On it,"

Dali-dali siyang umalis sa kwartong kinaroonan ngunit bago umalis ay ibinilin niya kay nurse cha ang dapat na gawin nito sa batang pasyente. 

"Nakakatakot po siya pero ang astig niya," mahinang sabi ng batang lalaki sa nurse na ngayon ay siyang umaasikaso sa kaniya.

"Talaga? Hindi lang siya astig kung hindi gwapo pa," sagot ni nurse cha.

"Pansin ko po na parang ilag siya sa mga babae, bakla po ba siya?"

Natigil ni nurse Cha ang ginagawa at nanlalaki ang matang tumingin sa bata. Agad niyang nilagay ang hintuturo sa bibig nito.

"Naku kang bata ka. Buti hindi narinig ni doc. 'yon. Kung 'di lagot ka," nahintatakutang ani ng nurse.

Inalis naman ng bata ang kamay ng nurse sa bibig niya.

"Hindi po ba totoo? Iyan din ang sabi ng tito ko. Alam daw niya ang likaw ng mga bituka ng kauri. Magaling lang daw po talaga siyang magtago," inosenting sabi ng bata.

"Huh? E, bakit naman nasabi ng tito mo 'yon?"

"Bakla po ang tito ko,"

Nagkakatuwaan ang lahat. Excited ang mga bata dahil bakasyon na at napag-pasiyahan ng mga nakakatanda na magbakasyon.

Nakahanda na ang lahat, hinihintay na lamang ang dalawang bata na naroon pa rin sa kwarto. Hindi alam ng mga nakakatanda kung ano ang ginagawa ng dalawa.

"Ano naman kaya ang ginawa ng dalawang batang iyon at natagalan?" tanong ni Marites, ina ni Brim.

"Naku, baka mga kalokohan na naman ni Sheiha ang mga iyon," sagot naman ng ina ni Sheiha na si Sheena. 

"Napaka-close ng dalawa. Hindi mapaghiwalay," at tumawa ang ama ni Brim na si Jhon.

"Sinabi mo pa. Baka nga kung lalaki ang anak nating iyon, sila pa ang magkatuluyan."

Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Marites. 

"Kaso, galawang lalaki nga lang ang anak natin. Balak pa atang maging tomboy," nagtawanan na naman sila sa sinabi ni Jhon, ang ama ni Brim. 

Mula sa kwarto ng batang si Sheiha, naririnig nila ang tawanan ng mga magulang. 

"Nagkakasiyahan ata sila?" ani ni Sheiha habang naghahalungkat.

"Hindi, Sheiha. Umiiyak sila, rinig nga natin ang atungal nila 'di ba?" sarkastikong sagot ani naman ni Brim. "Ano ba kasi ang hinahanap mo?" 

"Nandito lang kasi 'yon, nakita ko pa 'yon kahapon, eh."

"Sana prenepare mo na kahapon pa. Anong oras na oh?" sabay tingin sa relong nasa bisig. "Mag-aalas syete nang gabi, tapos magda-drive pa si papa ng isang oras. Bakit ba kasi naisipan nilang lumarga ng gabi? Ayan tuloy, gahol sa oras."

"Kasi nga, Bryly... may tinapos pa ang papa mo para sa leave niya. Ano ka ba naman! Umiiral na naman 'yang pagka-short tempered mo at mababang pasensya. Kaltukan kaya kita riyan?" sabi ni Sheiha habang naghahalungkat.

Para ng bahay ng ibon ang kwarto nito.

"Ikaw kaya kaltukan ko? Kanina pa ako namumuro sa'yo dahil sa napakatagal mo!"

Naiinis na si Brim dahil napakatagal ng kaibigan. Kung ano ang hinahanap nito ay hindi niya alam. Hindi naman masabi ni Sheiha ang hinahanap dahil hindi ito makapag-concentrate sa hinahanap. 

"Ito na,"

Pinakita nito ang isang one piece pink na swimsuit sa kaibigan. Napatanga naman si Brim dahil sa kalokohan ng isa. 

"Iyan lang pala ang hinahanap mo-"

"Ahhh!!!"

Napasigaw sila ng wala sa oras.

Agad silang dumapa at gumapang patungo sa bintana at sinilip ang mga magulang na nasa labas. Sa lakas ng putok ng baril, siguradong rinig iyon ng mga kapitbahay nila. Naalarma rin ang lahat.

"Sheiha, abutin mo ang cellphone mo," utos ni Brim.

Gumapang naman ulit si Sheiha patungo sa side table at inabot ng nakayuko ang cellphone. Si Brim naman ay sumilip sa labas upang malaman kung ano ang nangyayari. Doon nakita niya ang kaganapan.

Kaya pala humupa ang tawanan ng kanilang mga magulang kanina, hindi na rin nila narinig ang mga ito na nag-uusap. Dahil nakaluhod ang mga ito nang nakataas ang mga kamay habang may mga baril na nakatutok sa kanilang mga ulo. 

Ang daming nakaitim puwera sa isa. Ito ang nagpaputok ng baril kanina. Nakatutok ang baril nito sa ulo ng ama ni Brim. Pagkakuha ng cellphone ay gumapang si Sheiha pabalik sa kinaroroonan ni Brim. Nakita niya itong umiiyak kaya sumilip din siya. Kung ano man ang nakita ni Brim ay ganoon din ang nakikita niya.

"Papa..." humihikbing usal ni Brim. 

"Ahhh!!" 

Napasigaw naman sila at napahikbing muli dahil sa putok na iyon. Hanggang sa nagkasunod-sunod ang putok ng baril at parehong natumba ang kani-kanilang mga magulang sa damuhan.

Hinablot ni Brim ang cellphone ni Sheiha at di-nail ang numero ng ambulansiya. Nang may sumagot na sa kabilang linya ay agad siyang nagsalita.

"T-Tulong po, 'yong pamilya namin binaril," humihikbing ani ni Brim.

Inaalo naman siya ng kabilang linya para makapagsalita siya ng maayos. 

Dahil sa nakikita, kinuha ni Sheiha ang cellphone at siya na ang kumausap. Hindi rin nagtagal ng mamatay ang tawag, narinig nila ang mga papalapit na yabag. Agad silang nagyakapan sa takot. Sumilip sila sa bintana at nakita nila na isa na lamang ang tao roon. Ang taong pumatay sa mga magulang nila.

"N-Nandiyan na sila, Brim."

"Shhh, punta tayo doon. Sa ilalim ng kama, doon tayo magtago."

Gumapang ulit sila at saktong pagkapasok nila sa ilalim ng kama, siya namang pagbukas ng pintuan.

"Hanapin niyo sa kabila, baka nandoon. Ako na rito," rinig nilang sabi ng isa.

"Sige," sang-ayon ng iba.

Nakikita nila ang papalapit na paa ng lalaki, lumapit ito sa kabinet at dahan-dahan iyong binuksan. Wala itong nakita roon kaya naman, humarap ito sa dereksiyon nila. Pinipilit nilang huwag makagawa ng ingay. 

Lumuhod ang lalaki at dahan-dahang tinaas ang kumot. Nakita sila ng taong 'yon kaya napalakas ang paghikbi nila.

"Shhh, baka marinig nila kayo."

Nag-sign ito ng tahimik kaya tumahimik sila. Mabilis binalik sa dati ng lalaki ang kumot ng marinig ang mga kasamahan na papalapit.

"Wala sila rito, baka nasa ibaba," sabi ng lalaki at lumabas. Sinarado nito ang pinto kaya nakahinga sila ng maluwag.

Hindi nagtagal ay narinig nila ang wang-wang ng ambulansya at pulis. May mga pulis na dumalo sa kanila ng makalabas sila. Agad naman nilang nakita ang mga magulang na pinasok sa ambulansya. Nakatulala lang sila habang kinakausap ng pulis kaya ang mga residenting dumalo na lamang ang kinausap.

"Sino ang tumawag sa pulisya?" tanong ng isang polis habang may hawak na walkie-talkie.

"Ako po," 

May isang residenting nagtaas ng kamay at nag-usap sila. Nakatulala lamang si Sheiha at Brim na nakaupo sa kotse ng pulis.

Dumating ang mga media at dinumog sila kaya napilitan ang mga pulis na dalhin muna ang mga bata sa presinto upang makunan ng statement.

Sa presento, nalaman nila na dead on arrival ang kanilang mga magulang. Parang gumuho ang mundo nila. Na sa gabing iyon, natapos ang masasayang araw kasama ang kani-kanilang pamilya.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status