Share

Chapter 31

Sheiha Fajardo's POV

Nagtataka lang ako kung bakit hindi tumunog ang selpon ko kahapon noong nasa library ako. Nang chineck ko ang selpon ko, naka-set naman ang alarm. Hindi rin naka-silent. Wala rin namang miss alarms. 

Hindi kaya... 

Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa hawak kong phone. Hindi kaya totoo iyong bali-balita na may multo talagang nagpagala-gala sa library? Jusmi, buti na lang talaga tulog ako sa panahong iyon, kung hindi, baka nahimatay na ako. Takot pa naman ako sa multo.

"Biyutipol, bise! Magchi-cheer ka ba ngayon kila Kian?!" Napalingon ako kay bakla na dalawa ang kasarian.

"Boy—"

"Bae! Bise, Bae ang pangalan ko!"

Umiling-iling ako at sumabay sa kaniya sa paglalakad. Sinilid ko na rin sa bulsa ko ang cellphone ko, dahil kung hindi, baka mabaliw ako kakaisip sa timawang multong nakatira sa library na iyon.

"Okay, Bae. Ayos na ba ang lahat? Baka meron ba tayong kailangan na gawin. Gawin na natin habang may oras pa tayp bago magsimula ang game," Tiningnan ko ang wrist watch ko kung anong oras na. Alas syete pa lang ng umaga pero halos puno na ang school dahil sa rami ng tao. Pati taga-ibang school ay dumalaw din dahil dito ang unang game ng basketball.

"Wala na po, bise. Tapos na nating gawin ang lahat, all we have to do is cheer!" Nanggigigil na kinuyom ni bakla ang mga kamao at nagja-jog sa kinatayuan. Lumukso-lukso pa ito habang tumitili.

"Ayos, 'yan...."

"Tara, may ni-reserve akong seat for us—" 

"Vice! Anak na impakta, may problema tayo!" Hindi natapos ni baklang Bae ang sinasabi niya dahil sa isa pang baklang nagmamadaling pumunta sa pwesto namin. Hinihingal ito at parang nauubusan na ng hininga. Makikita mo rin ang tagaktak na pawis niyang namumuo sa noo at leeg niya.

"Oh, dalawang kasariang Ruiz-za, Ruiza. Morning pa lang haggard na tayo, anong nangyari?" Binigyan ko siya ng panyo para pamunas niya sa pawis. Baklang Bae lend him a bottle of water that he didn't think twice to drink it, buttoms up.

"Bakit ang stress natin, mader? Anyari ba sa 'yo, bhe?" Nag-alalang tanong ni Baklang Bae dahil namumutla na ang baklang Ruiz-za.

"I-iyong... Iyong m-miss..."

"Kalma, may oras pa tayo. Kalmahan mo lang dahil hindi ka namin maiintindihan kapag hindi mo kakalmahan." Hinimas-himas ko ang likod niya. 

May senenyasan akong magdala ng bangko sa puwesto namin. Nang madala na ng isang representative ang bangko, nagpasalamat ako at doon pinaupo si baklang Ruiz-za.

Nang kumalma na siya ng kaunti, ako na mismo ang nagtali ng buhok niyang hanggang balikat. Iyong panali ko sa buhok ang ginamit ko kaya buhaghag na ngayon ang mahaba at tuwid kong buhok. Hindi naman ako naiinitan o' pinagpapawisan kaya ayos lang.

"Iyong representative natin sa Miss Intramurals, nagkasakit! Anak ng impakta, ngayon pa?!" Hindi ko alam kung galit ba siya o' hindi. Kung gusto niya bang umiyak o' manakit, hindi ko alam. Halo-halo kasi ang emosyong pinapakita niya. Pero isa lang ang sigurado ako, problemado siya.

Sino ba naman amg hindi? Siya ang naka-assign sa event ng Mr. and Ms. Intramurals. Siya rin ang magho-host niyon ngayong gabi kasama ako. 

"Sa batch ba natin?" Tumango siya nang paulit-ulit, "Pwede namang wala tayong representative. Bakit ang stress mo niyan?"

"D-Dahil..." Bumuga siya nang malalim na hininga, "Hindi pwede dahil madi-disqualified tayo, vice!"

Napakunot-noo ako. 

"Bakla, ayos lang na wala tayong representative. Anong madi-disqualified ka riyan? Napag-usapan na natin ito sa meeting, a?" Nagkatinginan kami ni baklang Bae pagkasabi niya niyon.

Pero umiling lang si baklang Ruiz-za sa sinabi ng ka-pederasyon, "Dahil ito ang unang event ng school na dinaluhan ng mga stockholders and owners, kailangan bawat section ay may representative, kailangan nating magpakitang gilas. At kung sino mang section ang walang representative, at madi-disqualified, hindi makaka-attend sa incoming Field Trip!"

"Sino ang nagsabi niyan? Wala 'yan sa meeting, a?" Gulat kong nasabi. Hindi ko sinasadyang napalakas ang boses ko kaya may iba tuloy na tumingin sa kinaroroonan namin.

"Pwede bang si Brimme na lang ang maging representative natin? Wala tayong choice kung hindi maghanap ng on time kapalit, vice. Kahit ako man nagulat sa patakarang iyon." Ngayon akala ko hindi ito magiging problema. Inaasahan pa naman namin at pinaghandaan ang Field Trip na iyon. Tapos ganito lang ang mangyayari?

Napahilot ako sa sentido ko at napahawak sa bewang. Malaking problema 'to. Hindi naman namin pwedeng hayaan na ma-disqualified kami at hindi maka-attend sa Field Trip na ilang buwan ding naming inaasam! 

"Hindi papayag si Bryly, that's for sure." Nilingon ko si baklang Ruiz-za, "Paano ang Mr. representative natin? Wala bang problema?"

"Ayon pa nga po ang isa... Hindi raw siya magre-represent ng section natin kapag hindi iyong girlfriend niya ang makaka-partner niya sa event."

"Mag-jowa pala ang dalawang 'yon?" Nang tumango si Ruiz-za ay para akong nahilo at muntik nang mabuwal. Imbes na si Ruiz-za ang nakaupo sa bangko, ay ako na ngayon.

Jusmi, akala ko ayos na ang lahat! 

"Paano kung...." Inangat ko ang paningin kay baklang Bae, "Paano kung ikaw na lang kaya ang representative natin, bise?"

I tsked, "Baklang Bae, ako ang magho-host ng event na iyon tapos ako representative? Saka nabigay na natin ang brochure sa admins."

"Bise, pwede naman na ako na ang mag-host sa event na 'yon. Wala akong iho-host ngayong araw dahil nag-request ang admin ng bagong host sa basketball dahil ila-live nila ang game kaya kailangan nila ng professional."

Parang pakiramdam ko ay binagsakan kami ng lupa ngayong araw. Bakit ngayon lang nila sinabi lahat ng ito? Sa mismong simula pa ng event! 

"Bakit ngayon mo lang sinabi 'yan?!" Agad akong tumayo at akmang pupuntahan ang admin's office pero pinigilan ako ng dalawa.

Ano ba ang nasa isip ng admin at pinaiba niya lahat?! Bakit niya pa hinayaan noong una na kami ang mag-organize kung ganito naman pa lang babaguhin niya? Sabi niya walang problema, ayos na ang lahat. Takteng, mga admin iyon!

"Nagreklamo na rin ang principal pero waley lang, bhe." Napabalik ako nang upo at hinawakan ang sentido ko. 

"Anong akala niya sa atin? Porket mga bagets hindi niya bibigyan ng pagkakataon para magpatakbo ng event? Alam na ba ito ni Clinton?" Tumango ang dalawa, "Wala ring nangyari?"

"Wala po pero sa narinig ko, may kondisyon pong ibinigay si president para maipagpatuloy pa rin ang event with our aid. Nagbanta kasi si pres na ipu-pull out niya lahat ng istudyanteng nagkandauga-ugagang nagprepara ng event kapag hindi tinanggap ng admin ang kondisyon niya. Bahala na raw kung ano ang parusa niya, kahit expelled pa 'yan ay tatanggapin niya para lang daw hindi mapunta sa wala lahat ng paghihirap natin na mapatakbo ang event na ito," mahabang paliwanag ni baklang Ruiz-za.

"What do you mean by that?" taka kong tanong.

Lumapit naman silang dalawa sa akin kaya lumapit na rin ako sa kanila. Para lang kaming may pinagchi-chismisan.

"Lahat ng istudyanteng magho-host ng event, pinu-pull out ng admin at pinalitan ng mga professionals. Pati ang student organizer natin sa Mr. and Ms. Intramurals ay pinalitan nila," bulong ni baklang Ruiz-za.

"At saan naman sila kumuha ng badget para sa suweldo nila?" 

Nagkibit-balikat silang dalawa,

"Hindi po namin alam."

Napapikit ako sa mga naririnig. Bakit ngayon ko lang nalaman ang mga ito? Sino na 'yang admin na iyan na kung umasta ay parang pag-aari niya ang buong paaralan?! Naiintindihan ko naman na gusto niya lang maging maganda at maayos ang kalalabasan ng event dahil ito ang unang beses dumalaw ang mga may hawak ng school.  Pero kailangan ba talagang gawin niya ito sa amin?!

"Payag ako, pero sino ang magiging partner ko? Try niyong kumbinsihin iyong lalaki kung pwede pa rin ba siyang magpatuloy. Hindi na ako manonood ng basketball, dahil gagamitin ko ang oras na 'yan para mag-rehersal." Tumayo ako at huminga nang malalim, "Wala na bang problema bukod dito?" 

"Meron pa po pero siguro sa mga oras na ito ay nagawan na nang paraan ni pres kaya huwag na po kayong mag-alala," nagtanguan kaming tatlo.

"Hindi na rin ako manonood, ako ang magsisilbing handler mo today," Napangiti ako sa pagkindat ni baklang Bae sa akin.

"Okay, hindi na rin ako manonood para fair naman sa inyo. I'll try to convince the guy, vice. Sino ang tatanggi sa napakaganda nating bise presidente 'di ba? Pero in case hindi talaga siya pumayag, maghahanap ako ng papa na siyang mag-i-stand out sa lahat. Iyong babagay sa 'yo, vice!" Nangingisi at puno ng kompiyansang saad ni baklang Ruiz-za.

"Okay, settled na ang bagay na ito. I'll do my best din para hindi ipahiya ang section natin sa event na iyon." 

Naghiwalay kami ng landas. Hindi muna sumama si baklang Bae sa akin dahil hahanapin niya raw si Clinton para ipaalam ang naging usapan namin. May telepono naman pero gusto lang kuno niyang masilayan iyong papa na palaging kasama ni Clinton. May hinuha na ako kung sino iyon pero hindi iyan ang dapat kong isipin sa ngayon. 

"After this event, I'll deal with you, admin."

Kung sino ka mang talipandas ka na pabago-bago ng desisyon, panagutan mo 'yan hanggang huli. Nasa huli ang pagsisisi kaya maghintay ka lang. Hindi ako iyong tipo ng tao na uupo lang sa tabi-tabi at maghihintay na may mangyari. Dahil gugustuhin kong kumilos para maisaayos ang lahat ng dapat ay nasa kinalalagyan na nila ngayon.

___

"Pesteng sandal 'to!" 

Mahinang bulyaw ko pagkakita sa high hills na bigla na lang nabali ang takong. Ito pa naman sana ang gagamitin ko pangrampa. Iyong dating handler ng representative namin ay hindi ma-contact. Nakakabanas naman ang araw na ito. Ang daming problema na dumating!

"Kung palagi kang sisimangot at magmamaktol diyan, hindi ka makakausad."

Inirapan ko si Brimme na nasa harap ko. Nakaupo ito sa isang bangko na may arm chair habang umiinom ng juice. Kanina pa siya dada nang dada dahil kanina pa ako pinapatungan ng kamalasan. Iyong gown ko ay napunit, tapos ito namang hawak ko, nabali ang takong. Kailan ba titigil ang problemang ito? Sunod-sunod na lang kasi silang dumadating! Hindi ba pwedeng isa-isa lang? Hello... Isa lang ang katawan ay isip ko ano! 

"Pasalamat ka na kinuha ko ang trabahong dapat ikaw ang gumawa!" Umupo ako sa sahig sa wala akong magawa. Ano ba ang gagawin ko?

"Kahit hindi mo 'yan kinuha, hindi ko pa rin gagawin ang kalokohang 'yan. Kahit pa hindi tayo makapag-field trip," Sinamaan ko siya nang tingin dahil sa sinabi niya. Napaka-heartless talaga ng isan ito.

"Ang sama mo, Bryly!" Nagkibit-balikat lang siya at inubos ang juice na iniinom.

Nilingon ko si baklang Bae na kanina pa hindi umiimik. Tinanguan ko siya, "Kanina ka pa walang imik diyan."

Nagpilit siya ng ngiti at dali-daling lumapit sa akin, "Parang bigla atang sumama ang pakiramdaman ko, bise."

"Sumama ba talaga o' takot ka lang na nandito ang pinsan ko?"

"Both, hehehe..."

Tiningnan ko siya deretso sa mata,

"Sa pagkakaalala ko, ikaw ang nag-suggest na si Brimme na lang ang maging representative?"

Agad itong umiling-iling. Kung hindi ko pa siya pinigilan ay baka nabali na leeg nito sa kakailing. Kawawa naman si baklang Ruiz-za kung mag-isa lang siyang magho-host sa event bukas ng gabi.

"Si Ruiz iyong nagsabi niyan, hindi ako!" Mahinang bulyaw niya. Sinilip pa niya si Brimme sa likod niya na walang pakialam sa paligid habang hawak ang selpon. 

"Sinabi mo, e..."

Umayos ako nang upo at nag-indian seat, "May extra ka bang hills at gown sa inyo? Pareho na kasing sira... Makakaya ko pa kung tatahiin natin ang gown, pero ang hills? Wala naman akong pera pambili ng bago. Saka isang beses ko lang naman na gagamitin."

"Meron bise pero alam kung hindi kakasya." Tiningnan niya ang mga paa ko, "Ang liit ng mga paa mo, bise."

Napangiwi ako at tiningnan din ang mga paa ko. Minsan nakaka-proud magkaroon ng maliliit na paa dahil ang cute tingnan. Kahit may katangkaran ako, maliliit ang mga paa ko. 

"You don't have to worry for anything, Sheiha. I got you covered."

Napaangat ang tingin ko sa taong pumwesto pa talaga sa harapan namin. Dalawa silang parang higante sa pagkatangkad.

"And I got you a perfect partner."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status