Share

Chapter 4:

Third Person's POV

Nagkanda-uga-uga si Sheiha sa pagkilos para maghanda sa first day niya as nurse. Tinanghali na kasi siya ng gising dahil nasiyahan siya sa panonood ng korean drama kagabi na umabot na siya ng madaling araw bago natapos ang pinapanood. Sa sofa na nga siya nakatulog at kung hindi pa siya nahulog sa hinihigaan ay hindi pa siya magigising. 

"Bryly naman! Bakit hindi mo ako ginising? Alam mo bang ngayon ang first day ko tapos late pa ako? Anong e-aalibi ko nito?!" 

Naiikot na lamang ni Brim ang mga mata niya. Siya ba naman ang sisihin sa kamiserablehan ng kaibigan? Bakit hindi daw niya ito ginising? Psshh... manigas ito. 

"Hindi ko alam na na-hire ka pala, at bakit ako ang sinisisi mo? Sino ba ang natulog na ng alas-tres ng madaling araw at hindi man lang pinatay ang telebisyon? Sino ang nagbabayad ng kuryente? Sheiha, sino? 'Di ba ako? Sisihin mo 'yang pinapanood mo, nandamay pa." 

"At bakit alam mong alas-tres na ako natulog? Saan ka naman nagpunta kagabi at madaling araw ka na umuwi? Hah?!" parang inang sermon ni Sheiha.

Napaiwas naman ng tingin si Brim at nagpatuloy sa pagkain. Ngayon, siya naman ang na-hot seat. Bakit ba naman kasi inasar niya pa si Sheiha eh, alam naman niyang mababaliktad lang nito ang sitwasyon? Kailan ba siya nanalo rito?

"Aalis na ako," lumapit ito sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi.

"Mag-uusap tayo mamaya," dagdag pa nito. Bago tuluyang nagtatakbo palabas ng bahay nila.

Tumingin si Brim sa orasan na nasa sala, hindi iyon gumagalaw at insaktong nakatigil sa alas-diyes ng umaga. 

"Nalimutan ko palang ipaayos ka. O, 'di kaya ay bibili na ako ng bago? O' hahayaan na lang kita riyan?" kausap nito sa orasan. "Sige, riyan ka na lang."

Humigop ito ng kape at naghanda na para umalis. May racket itong nakuha galing sa kaibigan. Dagdag kita rin iyon para sa kanila ni Sheiha at para mahanap nila ang tatay-tatayan na hanggang ngayon ay nawawala.

"Manong, wala na bang maibibilis 'to? Nagmamadali po kasi ako, sige na po baka may ibibilis pa 'to," nagmamakaawang saad ni Sheiha sa taxi driver.

Hindi na niya kakastiguhin si Brim pagkauwi niya dahil pinag-grab na pala siya nito ng taxi at bayad na. Kaya hindi na niya kailangang magbayad dahil wala naman talaga siyang pambayad. Dahil sa kakamadali niya kanina, naiwan niya ang wallet tapos hindi pa siya nakakain ng agahan. Nagugutom na siya.

"Miss, umabot na po ako sa speed limit. Kapag pinataas ko pa ito, mape-penalty ako. Mahal pa naman 'yon, miss." 

Napatango na lamang siya at hindi mapakaling tumingin sa orasan na nasa harapan. Napakunot ang noo niya.

"Manong, hindi po ata set ang orasan ng kotse niyo," nagtatakang sabi ni Sheiha.

Tumingin sa orasan si manong driver bago sa kaniya mula sa salamin.

"Set po 'yan, maam. Kahit tingnan niyo pa sa phone niyo."

Kinuha ni Sheiha ang cellphone na nasa maliit na pouch bag na nadampot lang niya kanina dahil sa pagmamadali. 

"Shutangina, seven-thirty pa lang?!" gulat niyang kinurap-kurap ang mata. Tumingin sa harapang orasan at sa cellphone niya. "Pero bakit alas-"

Natampal niya ang noo ng maalalang sira nga pala ang orasang 'yon. Napakatanga niya dahil nakalimutan niya ang bagay na iyon. Bakit hindi sinabi ni Brim sa kaniya ang totoong oras? Pinagtitripan na naman siya ng kaibigan. Napabuntong-hininga siya at ginulo ang walang suklay niyang buhok. Kasi naman, eh.

"Miss, mukhang kailangan mo ito."

Inabot ni manong driver sa kaniya ang suklay. Kinuha niya ito nag-ayos ng sarili. Mukha kasi siyang aswang na ni-raped ng sampung tao. 

"Babagalan ko po ba ang takbo para may oras pa po kayong mag-ayos?"

Tumango na lamang siya. 

She's exhausted already plus the fact that she didn't get a proper sleep. Ang gwapo kasi ni Lee Min Ho na kahit araw-araw niya pang makita ang mukha nito ay hindi siya magsasawa. Ang kwarto nga niya ay puno ng mga poster and pictures nito. Pati unan niya ay may mukha nito. Feel kasi niya na kapag yakap niya ang unang may mukha nito ay yakap na niya rin ito ng totoo. 

Ang lalim ng imagination niya na kahit panaginip ay gusto niyang ito lamang ang nakikita. Gusto niya rin na palaging gawin itong hero sa lahat ng imaginative stories and scene na nabubuo ng isip. Huminga siya ng malalim at inisip na naman ang crush niyang korean actor. 

'Kailan ko kaya siya mame-meet ng personal?' anang isip niya.

"Miss, nandito na po tayo."

Bumalik siya sa realidad. Nang tumingin siya sa labas ay totoong nandoon na nga siya. Agad niyang binalik ang suklay pagkatapos mag-ayos at dali-daling lumabas. Bakit ba kapag iniisip niya ang korean actor ay napapadali ang oras? Tama nga ang sinasabi nila na parang napakadali ng oras kapag kasama mo ang mahal mo. 

Patakbo siyang pumasok sa ospital dahil eight minutes na lang ay meeting na nilang mga bago. Kailangan kasi silang e-briefing sa schedule na makukuha nila. They need to help each other for the progress on their works. Dahil kung magiging selfish sila, hindi lang sila ang maaapektuhan but also the patients they need to take care.

Pero bago pa siya makarating sa front desk para magtanong kung saan ang nurse's quarters ay isang pamilyar na lalaki ang nakita niya. A sudden guilt cripped into her heart upon seeing the guy again for such a long years. Ang balita nila pumunta ito ng london para doon ipagpatuloy ang pag-aaral. Hindi niya alam na nakauwi na pala ito.

May sarili atang pag-iisip ang mga paa niya dahil sinusundan nito ngayon ang lalaki. And she's pretty sure that he's gonna visit his father who's currently confined in the hospital. She thought that the two isn't in good terms but maybe she's just outdated on some things. 

"Miss ganda, where is room 303?" tanong nito sa dumaang nurse na kakalabas lang ng elevator.

"Third floor po, sa right side," nakangiting sagot ng nurse around thirties na ata ang edad.

"Thank you po, have a good day po," yumuko pa ito bago nagpaalam.

"Kay bait na bata..." 

Ganoon pa rin ito makipag-usap, napaka-friendly. Mayroon pa rin pa lang mga taong hindi nagbabago through out the years ano? His physical feautures change a lot. He's more manly and tanned now. Back then he's so pale, kinabog pa ang kaputian nila ni Brim. People change ika nga nila. Sometimes, may mga feautures kang magbabago kapag lumipas ang maraming panahon sa loob man 'yan o panlabas.

"Hello po, saan po ang nurse's quarters po?" Salubong ko sa nurse. 

Naghihintay pa naman sa pagbukas ng elavator ang sinusundan niya, whay take that time to ask. Dahil kapag tapos na siyang sundan ito, dideretso na lamang siya sa quarter ng nurse. Nakalimutan niya kaninang magtanong dahil sa pagmamadaling pagsunod sa lalaki.

Ang tataas ng biyas! Isang lakad lang nito mukhang tatlong hakbang na sa kaniya.

"Bago ka pa siguro rito, eneng?"

Tumango si Sheiha, "Sa second floor, eneng. Left side, tingnan mo na lamang ang mga pangalang nakasulat sa pinto at madali mo lang iyong mahahanap."

Sakto namang pagkatapos ni manang ay siya namang pagbukas ng pinto ng elevator. Magalang siyang nagpasalamat at nagpaalam.

Sinuot niya ang face mask na siyang dapat mayroon silang lahat. Isa iyon sa mga requirements nila. 

Silang dalawa lang ang nasa loob ng elevator. Ang tahimik ng paligid, tanging maririnig lang na tunog ay ang papataas na elevator. 

"Ang tahimik naman dito. Suggest ko nga kay Andrius na lagyan 'to ng speaker for music," basag ng lalaki sa katahimikan bago bumaling sa kaniya. "Hi, nurse na maganda."

"Hello, sayo..." bati ni Shieha pabalik.

Paano naman nito nalaman na maganda siya kahit nakasuot siya ng mask? Ang lalaki talagang ito, hanggang ngayon ay smooth talker pa rin, napakabolero. Magsasalita na sana ang lalaki ngunit bumukas na ang elevator and it save Sheiha's ass. 

"Bye, nurse ganda," kumaway ito bago tumalikod.

She sighed in relief dahil kapag nagtagal ang pag-uusap nila kanina, baka makilala siya nito. Baka mag-insist itong tanggalin ang mask niya at baka makilala pa siya. Ang dali pa naman siya nitong maalala. Ito ang klase ng lalaking napakakulit na kailangan mo talagang gawin ang gusto nito kung hindi ay bubwesitin ka nito hanggang sa mapapayag ka talaga. Isang tao lang ang nagpapatiklop nito noon.

Naglakad siya pasunod sa lalaki. Iyong hindi kahina-hinala, na para bang isa kang nurse na may errand sa floor na iyon. He finally saw the room he is looking for. He's hesitant at first but eventually knock and open the door. He stepped in and close the door but not fully.

Sheiha immediately sneak on that door. Nakita niya na walang nagsasalita sa kanila. Nalaman din niya na may nurse pa la na nag-checheck pala sa pasyente. 

'Kung bakit naman kasi!' ungot ng isip niya. 

Kung hindi lamang sana niya naisip ang kagaguhang 'yon noon, wala sana siyang masasaktan at bakit ba naman kasi naging ama pa ng kulukoy na ito ang taong 'yan. Even though it's in the past now at kahit pa sabihing kinalimutan na ang bagay at pangyayaring iyon, she knew that deep inside their heart has that broken mirror that had been left. Hindi na napu-pull out kasi wala pang nahahanap na taga-pull out.

'Ako sana kaso baka masapak ako, sayang 'tong kagandahan ko.' mahanging sabi ng isip niya.

"How's your health?" Ang binatang lalaki ang unang bumasag sa katahimikan. 

"Your old man is not getting any younger, you see?" sagot nang nakahigang lalaki at tumawa ng mahina.

Ang nurse naman ay tahimik na pinapalitan ang suwero ng pasyente niya. 

"You should take care of your health. There are things you need to face outside this room."

Makahulugan ang sinabi nitong iyon and Sheiha had an idea but she dispose it. She trust that man and she also know that he couldn't do those things. 

"I'm expecting you to manage it."

Hindi na niya narinig ang sagot nito dahil dali-dali siyang napaalis sa pintuan kasi papalabas na ang nurse. Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang siyang pumasok sa kaharap na kwarto. Sinarado niya ang pintuan ng nakatalikod. 

Nakahinga siya ng maluwag, bago humarap sa bed side ng kwarto. At ng mga panahong iyon ay hinihiling niyang kainin na lamang siya ng lupa sa kahihiyan. Nakatingin sa kaniya si doktor Andrius Lexton kasama ang isang nurse na may hawak na vegetable salad bowl, pati na rin ang pasyente.

"Ms. Gozon, what are you doing here?" nakakunot-noong tanong ng binatang doktor. Ang pasyenteng kaharap at nurse ay naghihintay rin sa sagot niya.

'Shieha! Isip! Isip.... light bulb!' kausap niya sa sarili.

"Naligaw po kasi ako. Sabi po sa front desk na sa second floor po ang quarter ng nurse, left side po. Pero nanggaling na po ako roon wala po akong nakita. Pero habang naglalakad po ako, naririnig ko po kayong nagtatalo sa loob. Baka ho kailangan niyo ng tulong..." paliwanag ni Sheiha.

Puno may ass, e-wala ngang tao bukod sa kaniya at sa binatang sinusundan kanina. 

Nilagay niya sa likuran ang dalawang kamay at pinaglalaruan ang mga daliri. Indikasyon ito na nagsisinungaling siya. Sana naman ay gumana ang naisip niyang palusot at ma-taymingan niyang sakto ang sitwasyon na kinakaharap ng doktor.

"First, we're in third floor-"

"Sa dami po ng tao kanina, akala ko po napindot ko ang two, mukhang three po 'yong napindot ko sa panel ng elevator. Natulak na po kasi ako sa hulihan..." putol niya sa doktor.

"Second, thank you for the concern to help but we can manage. Third and lastly, 'wag mo akong e-po dahil mas matanda ka pa sa'kin ng ilang taon, manang."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status