Share

Chapter 3:

Third Person's POV

'Anghahaba ng biyas!'

'Jusko! Pati mga daliri, ang hahaba at ang lilinis pa!'

Hindi magkamayaw ang isipan ni Sheiha habang nakatingin sa kaharap. Tingin nga lang ba? O' titig na may pagpapantasya? 

He hummed while checking her resume. Sila lamang dalawa ang nasa silid na iyon. Isa iyong maliit na espasyo na hindi na ginagamit kung kaya't doon na lamang naisipan ng doktor na mag-interview. Nasa premises pa rin sila ng ospital pero malayo-layo ito sa palaging pinupuntahan ng mga doktor at nurse. Tahimik din dito kaya niya naisipang gawing interview room, walang mang-iistorbo.

"Your course is not related in medicine. Bakit mo naisipang mag-apply? Katulad ka rin ba ng iba na nag-apply lamang para sa'kin?" deretsa at walang kagatol-gatol na ani ng doktor sa kaharap. 

Napakaseryuso nang tingin nitong nakatingin kay Sheiha. Nag-oobserba kung gagawa ba siya ng mabuti o' hindi. Ang mga labing hindi man lang napunit dahil maliit ito at halatang hindi sanay ngumiti, o' hindi talaga ngumingiti.

'Ang prangka naman nito!' Ingos ni Sheiha sa isipan.

"Kasi po, gusto ko lang po magkatrabaho. Unemployed po akong tao since graduate kasi palaging walang slot sa major ko kaya naisipan ko pong maghanap ng ibang trabaho kahit hindi related sa course ko po. Basta may pagkakitaan, ayos na po ako roon," paliwanag ni Sheiha.

She is majoring in HRM (Hotel and Restaurant Management). Mahilig kasi siyang magluto at nakuha niya ito sa ama. Halos lahat ng preferences niya ay sa ama nakuha. Pati ang pagkahilig niya sa sport na soccer.

"I see, but do you have any purpose aside of what you just said?" Nang-iintriga ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. She felt anxious all of a sudden. Mukhang nagdududa sa kaniya ang kaharap.

"Ah-eh, wala na pong iba." Muntik na siyang mautal buti na lang ay marunong siyang magpigil ng utal. Kaya niyang maging professional kahit pa nakakatakot ang kaharap. 

"You sure, wala ng iba? Kasi ang iba, kahit major man nila ito o hindi, iisa lang ang purpose nila, iyon ay ako."

Muntik ng mapataas ang kilay ni Sheiha sa sinabi ng doktor.

'Akala ba niya nandito ako para sa kaniya? Oo, aaminin ko na ang gwapo niya talaga na kahit hindi siya ngumingiti ay nakakalaglag panty ang kakisigan niya. Pero grabe siya! Ako ba talaga ang sinabihan niya niyon? Sa harap ko pa, ah?! Yes, may iba pa akong rason kung bakit ako nandito pero, duh? Hindi siya 'yon noh! Saka ngayon lang ako naka-encounter na taong mas mahangin pa sa'kin. Pwede ba siyang magpaka-humble ng kaunti?' 

Sa taas ng speech ni Sheiha sa isipan niya, hindi niya namalayan ang naiinis na mukha ng doktor at ang pagpasok ng isang nurse. Kanina pa siya tinatawag ng binatang doktor ngunit patuloy pa rin siyang hindi natitinag, hindi pa rin nagigising at patuloy lang sa speech niya. 

"Miss Gozon!!!" naiinis na sigaw ng doktor.

Doon lamang siya natauhan.

"Naku, pasensya na po, hind ko po kayo narinig," hinging patawad ni Sheiha.

"I've called you so many time and all you did was imagining things while looking at me with sharp eyes! Are you murdering me, Miss Gozon? And may I remind you that the job you're applying to is about saving people's lives not killing them!" 

'Wow'

The doctor is furious but Sheiha's mind was filled with amazement.

'He's hot while saying those. Damn! I think I'm wet already!'

Hoy Shieha! Huwag kang malandi riyan. Baka nakakalimutan mo kung ano talaga ang pakay mo rito?' saway ng isip niya.

'Alam ko naman 'yon pero hindi ko mapigilan!'

'Sabagay...'

"Teka, 'di ba ikaw 'yong citizen na tumulong sa na-stroke? It was two weeks ago if I remember it right? Ikaw rin ang bumangga kay Doc." 

Her day dreaming was interrupt all of a sudden. Hindi man lang niya namalayan na may kasama na pala sila sa silid na iyon. Bakit ba naman kasi! Ang dahilan kung bakit siya naroroon ay muntik na niyang makalimutan dahil sa doktor na kaharap. May new crush na naman siya. 

"Ah, opo. Hindi ko na po iyon maalala kung hindi niyo po sinabi. At doon naman po sa banggaan part, 'yon po ang hindi ko maalala."

"Hindi mo na maalalang nakaligtas ka ng buhay ng isang tao?" tanong ng kaharap na doktor.

Tumango si Sheiha, "Ang pagtulong po kasi ay dapat bukal sa kalooban. It's not the thing to brag off. Hindi naman po ako yayaman kung ipagkakalat kong nakaligtas ako ng tao. Kinakalimutan ko lang po dahil may mas importante pa pong dapat umukupa sa isip ko."

"You're hired," sabi ng doktor kay Sheiha bago bumaling sa nurse na kanina pa naghihintay sa kaniya.

"Nurse Cha, pauwiin mo na ang iba. Tapos na ang interview," pagkasabi niyon ay tumayo ito at naglakad patungo sa pinto.

But before he can reach the door, he turned around to face the lady who still sitting and looking at him,

"Pwede ka ng magsimula bukas and I'm expecting a lot from you, Ms. Sheena Gozon."

And after that, he left.

Napangiti si Sheiha pagkatapos marinig ang pangalan ng ina.

Nagpalit siya ng pangalan to concile her identity. Not just her but also Brim, to protect their lives from the one who killed their parents.

Hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin sila nito. They could be a witness to convict him but as for now, their evidence is still not enough to put that monster behind bars. 

Kaya nga siya nag-apply sa ospital na iyon ng mabalitaang nakaratay sa ospital na iyon ang demonyong pumatay sa mga magulang niya. Kung pwede nga lang na sa kusina siya mag-apply kung saan niluluto ang mga pagkain ng pasyente ay ginagawa na niya kaso walang hiring sa kusina. It's been ten years since that incident happened, at sa sampung taon na iyon ay hindi niya pa nakakaharap muli ang taong 'yon. But when she does? Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya. She will crossed the bridge when she get there but for now, she need a plan. 

Bumaling ang tingin niya sa mesa kung saan nakapwesto kanina ang binatang doktor. Mula doon ay nakita niya ang glass plate tag kung saan nakasulat ang pangalan ng doktor na kanina pa niya pinapantansiya simula ng masilayan niya ito. Hindi niya alam kung bakit pamilyar ang pangalan na iyon.

"Ang hangin mo, mas mahangin ka pa nga sa'kin. Pero napaka-attractive mo at gwapo," napangiti siya. "Mukhang magiging masaya ang pagtatrabaho ko rito, ah?"

Parang timang na naman siyang ngumiti. Kahit hindi ngumiti sa kaniya ang binatang doktor na iyon ay nakuha pa rin nito ang atensiyon niya.

"Humanda ka Doc. Andrius Lexton dahil makikita mo araw-araw ang maganda kong mukha. Ang suwerte mo!"

Natatawa na naman siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status